TUNOG ng cellphone ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Akala ko nga nanaginip lang ako pero nang magtuloy-tuloy ang tunog ay tuluyan na akong napamulat.
Marahan kong kinusot ang mga mata ko at bumangon para abutin ang aparato na nasa bedside table. Kay Gelo pala yung tumutunog. Pati kasi sa ring tone pareho kami. Magkapareho nga rin ang cellphone namin, wallpaper lang ang naiba. Tsk. si Gelo kasi, lahat halos ng bagay gusto nya parehas kami.
Adik talaga!
Nang makita kong si tita Mindy ang tumatawag, walang pag-aalinlangan ko itong sinagot.
" Hello tita, good morning po." masayang bungad ko.
" Oh anak ikaw pala yan. Good morning din. Nandyan ba si Gelo?"
" Opo tita pero tulog pa po. Napatawag po kayo?" tanong ko. I heard her sigh on the other line.
" Sabi kasi nung manager nya aalis daw si Gelo ng bansa para sa shooting ng bago nyang movie. Sa Paris daw. Aba syempre kailangan namang magpakita siya sa akin bago sya umalis. Simula nung bumalik sya ng showbiz bihira na nya akong dalawin. Sabihin mo nagtatampo na ako sa kanya. " litanya pa ni tita Mindy.
" Don't worry po tita, sasabihin ko po sa kanya at ako na po mismo ang magdadala sa kanya dyan sa inyo. Siguro po sa weekends bago sya tumulak papuntang Paris. " pangako ko kay tita Mindy.
" Naku salamat anak. Mabuti ka pa nga nadadalaw mo ako ng madalas eh yang kumag na yan, ni hindi man lang ako silipin kahit saglit. Yan na nga ba ang sinasabi ko, pag nasa showbiz na, wala ng oras sa pamilya. Kaya Aira tatagan mo lang yang loob mo, mahirap ang maging nobya ng isang artista, pinagdaanan ko yan. Kaya lang ako, naging mahina ako kaya naghiwalay kami ng tito Archie mo. Iba naman kayo ni Gelo, nakikita ko kung gaano ka niya kamahal kaya maging matatag ka lang, alam ko na mas pipiliin ka nya kaysa sa ano mang bagay. O siya sige na, pakisabi na lang dyan sa anak ko na hihintayin ko kayo sa weekends. Bye anak. "
" Bye po tita. Thank you po. " then she hang up.
Humiga akong muli. Tinitigan ko ang mahimbing na natutulog sa tabi ko. He looked like he was crafted to perfection. The shape of his eyebrows, his eyes with perfect lashes , his pointed nose and red lips. I love everything about him. Siguro sobrang ganado si Lord ng gawin Niya si Gelo, ang ganda ng kinalabasan eh. I'm so lucky to have him, he seems physically perfect.
" Hey! Why are you staring at me? Nai-inlove ka na naman sa akin noh?" medyo nagulat pa ako dahil gising na pala sya. Sobrang lalim na ba ng iniisip ko habang nakatitig sa kanya, kaya hindi ko na namalayan na gising na sya?
" Wala lang bhi. In-love naman talaga ako sayo and I don't deny it. Bakit kasi ang perfect mo? Do you even have a flaw? kasi parang ang unfair lang. "
" Hahaha. Seriously? Baby you know all my flaws. What makes you think that I'm perfect when you know I'm not? "
" Physical features ang sinasabi ko bhi. Sobrang sipag mo kasi kaya nung nagsasabog si Lord ng kagandahan ay gising na gising ka at sumasalo. " natawa syang muli sa sinabi ko.
" Hay ewan sayo baby. Kailan ka pa kaya maniniwala na you are also crafted to perfection? Hindi yung ako lang yung nakikita mong pinagpala. Halika nga dito, payakap. " hinila nya ako at kinulong sa mahigpit na yakap.
" Ang sarap ng ganito lang tayo baby. Huwag na tayong lumabas, dito na lang tayo maghapon. " nakangising turan nya. Yang ngisi nyang yan, ganyan ang may masamang binabalak.
" Sira may pasok ako ngayon. May recit kami mamaya kaya hindi ako pwedeng mag-absent. Ikaw ba walang work ngayon? " tanong ko.
He drew a deep breath." Meron nga baby. May tv guesting ako sa noon time show, judge ako sa grand finals ng isang segment nila. Mamayang 12 noon ang call time ko. Pwede pa kitang ihatid sa school mo mamaya. "
" Magluluto na ako ng breakfast bhi para makakain tayo bago umalis." sabi ko at akmang tatayo na para pumunta na ng kitchen ng hilahin nya ulit ako.
" Why? 6am na at may pasok ako ng 10am."
" So? ang aga pa kaya. Wish ko, mag-exercise muna tayo baby! " pinanlakihan ko sya ng mata nang makuha ko ang ibig nyang sabihin sa wish nyang 'exercise'.
" Tigilan mo nga ako Ariel Angelo! Halos hindi mo na ako patulugin kagabi tapos ngayon exercise na naman? Ikaw—ikaw talaga papatay sa akin! " pagtataray ko sa kanya. Pero hindi sya nagpatinag sa katarayan ko. Wa effect. Gusto ko na ngang matawa sa itsura nya na akala mo bata na nagpapabili ng laruan. Napailing na lang ako sa kanya. Hindi ko rin talaga matiis. Ang cute eh!
" Alright baby boy, let's make your wish come true. " malapad ang ngiting tumingin sya sa akin. Nagniningning pa ang mga mata. Parang tigang lang?
" Yes! Yes! I really love mornings with you by my side wifey!"
Jusko tong si Gelo kapag laging ganito, malulumpo ako.
____________
Pagkahatid ni Gelo sa akin sa school, nagmamadali na akong pumunta sa classroom namin. Ayokong ma-late dahil may pagka strict ang prof namin sa oras. Dapat 10 minutes before ng time ay wala ng papasok ng room kundi isasara na nya. Hinihingal na ako nung umabot ako, sakto pagpasok ko ay parating pa lang daw si prof.
" Anyare sayo besh? Ngayon lang yata kita nakitang nagmamadali sa pagpasok. Traffic ba?" tanong ni Venice.
" Yeah medyo." sagot ko na lang. Hindi ko naman pwedeng sabihin na si Gelo kasi ay sobrang ginanahan sa 'exercise' kanina.
Gelo texted me nung lunch break na. As usual, he reminded me to not skip lunch. I asked him kung kumain na sya. He just replied yes. Then nung matapos kaming kumain nila Venice, nag text ulit si Gelo na start na nung show. Sabi nya na susunduin ulit nya ako after ng class ko.
Yung next class namin ay doon na kami nagkaroon ng recit. Sobrang kinakabahan ako kahit nag-aral naman ako kagabi. Kahit naman kasi pinupuyat ako ni Gelo kaka-exercise nya, naisisingit ko pa rin naman ang mag-aral.
Mahirap talaga kasi sa med school, most of the time kailangan focus ka. Pero dahil gusto ko at pangarap ko na maging doktor, pinagbubutihan ko. I want my family and of course my husband Gelo to be proud of me someday. Gusto ko rin na magkaroon ng pangalan katulad nila. Hindi man sa larangang pinili nila kundi sa propesyong pinili ko na malayo at lihis sa propesyong kinabibilangan nila. Magulo kasi ang mundo nila.
Sinundo nga ako ni Gelo nung mag-uwian na kami. Mas maaga siya kaysa sa inaasahan ko dahil ilang oras lang naman ang airtime nung noon time show.
Imbes na umuwi kami ng condo, niyaya ko na lang syang pumunta kila tita Mindy. Nasabi ko na rin sa kanya na tumawag ang mommy nya at nagtatampo na sa kanya.Kaya hayun mabilis pa sa alas kwatro na nagmaneho papunta sa kanila dahil takot sya sa mommy nya at ayaw nya itong nagtatampo sa kanya.
Nakakatuwa lang yung pag natataranta si Gelo pag alam nyang nagtatampo o nagagalit sa kanya ang mommy nya. Mahal na mahal kasi nya ito. Mas lalo ko syang minahal dahil don. Dahil sabi ng mga matatanda, ang lalaki daw na sobrang mahal ang nanay nya at takot sya dito, ay magiging mabuting asawa.
And I think, the oldies are right. Because I have a husband that is close to perfection. And he loves his mom so much.