Shanaia Aira's Point of View
GUSTUHIN ko man na manatiling dilat para hintayin si Gelo ay hindi na kinaya ng sistema ko. Hinila na ako ng antok patungo sa malalim na pagtulog. Bunga marahil ng sobrang pag-iyak, pagod at sama ng loob, naghalo-halo na kaya naging mahimbing ang tulog ko.
Hindi ko alam kung umuwi ba sya o nananaginip ako, basta parang may naulinigan ako na nagsalita ng " I'm sorry". Nung kapain ko naman ang tabi ko ay bakante pa rin naman kaya marahil panaginip lang ang lahat kaya hinayaan ko na lang ulit na mahulog ako sa malalim na pagtulog.
Medyo tanghali na nang magising ako. Mabuti na lang after lunch pa ang unang klase ko sa araw na ito dahil nag-abiso na kahapon yung prof namin na may medical doctor's conference sila sa umaga.
After ng morning rituals ko ay lumabas na ako para magluto ng breakfast. Nagulat ako ng pagdaan ko sa living room ay naroon si Gelo at mahimbing na natutulog sa couch. So, hindi pala panaginip yung kagabi?
May humaplos na awa sa puso ko ng makita ko ang ayos nya. Nakabaluktot sya dun sa couch, sa tangkad nya malamang na hindi nga sya kasya dun. Magulo ang suot na hindi na nakuhang palitan, iyon pa rin yung suot nya dun sa video. Siguro nga lasing sya gaya ng sinabi sa akin ni ate Shane kagabi kaya nahiyang tumabi sa akin sa kama.
Dumiretso na ako sa kitchen at nagluto ng almusal. The usual na hotdog, bacon, eggs at fried rice ang hinanda ko. Pansin ko na nasa ref na yung kalderetang niluto ko kagabi. Kumain siya dahil may mga pinagkainan na nakalagay sa sink.
Nang matapos ko ng mailuto ang lahat ay naghain na ako. Kahit tulog pa sya ay ayos lang, mauuna na ako. Hindi ko kasi alam kung kaya ko ba syang kausapin matapos ang nangyari kagabi. Aaminin ko, masama pa rin ang loob ko sa kanya pero hindi ibig sabihin non na hindi ko na sya papatawarin. Siguro nga hahayaan ko muna syang ma-realize nya yung nagawa nyang pag neglect sa akin. Kahit mahal ko sya, kailangan din naman na turuan ko sya ng leksyon.
Nagsalang ako ng kape sa copy maker. Habang hinihintay ko ang kape ay may narinig akong pagkilos kaya bigla akong napatingin sa gawi nya. Gising na pala sya at nakaupo na sa couch. Nagtama ang tingin namin pero pinanatili kong blangko ang ekspresyon ko. Samantalang sya naman ay punong-puno ng pagsisisi at lungkot ang nasa mga mata nya.
Tumayo sya at mabilis na tumungo sa room namin. Nagtimpla naman ako ng kape ko tapos umupo na ako sa may dining table.
Nagsisimula na akong kumain nung dumating sya. Bagong ligo na at nakasuot na ng plain white t-shirt at gray shorts. Umupo sya sa harap ko at nagsimula ng lagyan ng pagkain ang plate nya. Sa tuwing kakain kaming dalawa, ako ang naglalagay ng pagkain sa plate nya pero iba ang sitwasyon ngayon, hindi ko nilagyan yung plate nya ng pagkain dahil gusto kong iparamdam sa kanya na hindi kami bati.
Nagsimula na rin syang kumain. Nakikita ko sa peripheral vision ko ang pagsulyap-sulyap nya sa akin sa pagitan ng pagsubo nya. Deadma lang ako. Hindi ko paiiralin ang pagiging marupok ko sa mga sandaling ito.
Nang matapos na akong kumain ay agad na akong tumayo at dinala sa sink ang mga pinagkainan ko. Narinig ko ang tila pagmamadali nya, nasagi kasi nya yung upuan pagtayo nya. Naramdaman ko na lang na nasa likod ko na sya at inilagay din sa sink yung plate at mug nya. Tinuon ko ang pansin ko sa paghuhugas ng mga pinagkainan, hindi ko sya nililingon. Gusto kong kilabutan dahil nakadikit na ang dibdib nya sa likod ko. Ramdam ko rin yung hininga nya sa may tenga ko.
" Baby I'm sorry." bulong nya sa tenga ko. Tumibok ng mabilis ang puso ko, halos kilabutan ako sa halos pagdampi ng labi nya sa may leeg ko. Hindi ako kumibo. Tuloy pa rin ako sa paghuhugas ng mga plato. Kaya nagsalita na ulit sya.
" Sorry kung hindi kita natawagan kasi na drained yung battery ng cellphone ko. Kasama pa namin si mama D kaya lalo na kitang hindi natawagan kahit sa landline. Baby gustong-gusto ko ng umuwi sayo nung nasa airport pa lang pero pinatawag kami ng management para mag-meeting. Medyo tumagal kami dun tapos nag-blow out sila para sa birthday ni Gwyneth nung gabing yon.Baby yung video, hindi ko alam yun. Medyo lasing na ako nun kaya nagulat din ako nung hinalikan ako ni Gwyneth. I didn't responded to her kisses, I was so shocked. Kahit lasing ako hindi pa rin nawawaglit sa isip ko na may asawa akong tao. Its just that, naipit lang ako ng sitwasyon. Sinugod nga ako ng ate mo, galit na galit sya. Halos mawala nga yung kalasingan ko nung paghahampasin niya ako ng bag nya. Doon ako parang natauhan kaya nung makaalis na sya ay umuwi na rin ako ng hindi na nagpapaalam sa mga kasama ko. Alam kong tinatawagan ako ni mama D pero patay ang cellphone ko kahapon pa. I'm sorry baby, alam ko nasaktan kita, nakita ko yung luha sa mga mata mo kagabi kahit tulog ka. Hindi ako tumabi sayo kasi sobrang guilty ako. Please kausapin mo naman ako. " paliwanag nya. Pilit nya akong pinapaharap sa kanya pero nagpupumiglas ako. Ayokong makita nya kasi na umiiyak na naman ako.
Niyakap nya ako mula sa likuran at panay ang usal nya ng I'm sorry. Pilit nya pa rin akong inihaharap sa kanya at ng magtagumpay siya ay halos mapamura sya ng makita nya ako na tigmak sa luha.
" Oh God, I'm so sorry baby." usal nya habang hindi magkandatuto kung paano pupunasan ang mga luha ko na tuloy-tuloy sa pagdaloy.
" You neglected me bhi. Kahit pa na drained ang cellphone mo, may paraan naman. Hinayaan mo na tangayin ka kasi ng mga pangyayari. Nagpatianod ka. Kung gusto bhi, may paraan. Inisip mo sana na nag-aalala rin naman ako. Kung hindi ko pa napanood ang showbiz balita, hindi ko pa malalaman na nakabalik ka na pala ng bansa. Nagluto ako, naghintay sayo. Nakatulog na nga ako ng hindi kumakain kasi gusto ko may kasabay kang kumain pagdating mo. Lahat ng oras, iniisip kita samantalang ikaw, may nakasama ka lang na beauty queen, nakalimutan mo na yung asawa mo na naghihintay sa pag-uwi mo. Alalahanin mo bhi, ikaw ang nagpilit na makasal tayo dahil natatakot ka na mawala ako, pero bakit ganon? simpleng pagtawag lang para ipaalam mo lang na nakauwi ka na, hindi mo pa nagawa. Sobrang stressed na nga yung buong araw ko, tinapos mo pa nung video na may kahalikan ka. Ano sa palagay mo ang mararamdaman ko ha? Kung para sa publicity lang ang hangad mo, huwag naman ganon, nasasaktan mo na ako bhi. Try to be considerate and know your obligations. Kasi ako, kahit gaano ka-stressful ang med school inuuna ko yung obligasyon ko bilang asawa sayo at sana naman ganon ka rin. " turan ko nung humupa na ang emosyon ko.
" I'm sorry baby. Can you give me another chance? "
" Okay! "
" Okay? You mean I'm forgiven now? "
" Yes but you need to suffer the consequences of your actions. " nangunot ang noo nya sa sinabi ko.
" What do you mean?"
" Ang lagay Ariel Angelo ganun na lang yon? May parusang kapalit ang second chance na hinihingi mo. "
" Okay I'll take it. May kasalanan naman talaga ako at pinagsisisihan ko yun. "
" Talaga ha? Kayanin mo kaya?"
" Ano man yon buong puso kong susundin. "
" Sinabi mo yan ha? "
" Oo nga. Sige na sabihin mo na. "
" Alright. Mula sa araw na ito hanggang sa susunod na linggo ——" huminto ako kaya naiinip na tiningnan nya ako.
" susunod na linggo na ano? "
" Wala kang exercise at dyan ka sa couch matutulog! One week yon bhi, ONE WEEK! "
" What??? "