Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 65 - Legally Married

Chapter 65 - Legally Married

Shanaia Aira's Point of View

" What?" hindi makapaniwalang bulalas ni Gelo ng marinig ang sinabi ko. Hindi maipinta ang mukha na parang sinakluban ng langit at lupa.

Napapakamot sa ulo na tumingin siya sa akin. Pinipigil ko na matawa sa itsura nya. Parang nawalan ng ilang milyon. Paano ba naman kasi, hobby nya ang "mag-exercise" tapos yun ang naging parusa ko sa kanya. Kaya hayan ang lolo nyo parang intsik na nalugi.

" May reklamo ka?" tanong ko.

" Baby naman! Isang linggo akong walang exercise dahil nasa Paris ako tapos ngayon isang linggo pa ulit? Paano na to, baka sago na to paglabas ah?" nanlaki ang mata ko sa huling sinabi nya. Wala na talagang filter ang bibig ng lalaking ito.

" Anong gusto mo, walang exercise o uuwi na lang ako sa amin? " napatingin syang bigla sa akin. Tila tutol na tutol sa sinabi ko, wala kasi syang choice alinman sa dalawa.

" Sabi ko nga walang exercise ng one week." tutol sa kalooban na sambit nya. Gusto ko na talagang matawa pero tinigasan ko ang loob ko.

" Napipilitan ka lang yata eh!" sabi ko.

" Hindi! Ang dami naman kasing parusa bakit yun pa ang naisip? Isang linggo na nga akong nagtiis na walang exercise tapos isang linggo pa ulit? Kung hindi ko lang mahal tong babaeng to nungkang sumunod ako." bumubulong-bulong pa sya. Akala nya hindi ko sya naririnig eh may bionic ears ako, pero hindi ako nagpahalata. Gusto ko na ngang tumalikod kasi tawang-tawa na ako sa kanya.

" May sinasabi ka? "

" Wala! Sabi ko okay na okay yung parusa mo. "

" Okay? Eh bakit tabingi yang ngiti mo?" puna ko.

" Hindi ah. Imagination mo lang yun. Wala ka bang pasok? Ihahatid kita." pag-iiba nya ng usapan.

" Mukhang wala nga kasi may medical doctor's conference mga prof namin, nabasa ko sa GC namin kanina na hindi na raw magpapapasok, mag-review na lang daw. Eh ikaw wala ka bang gagawin ngayon? Wala kang shooting? " tanong ko.

" Wala akong shooting ngayon hanggang sa susunod na araw, yung scenes ko kasi kinunan na lahat sa Paris. Sa story kasi yung character ko pauwi pa lang ng bansa, kaya sila na muna ang kukunan ngayon. " tumango lang ako sa paliwanag nya. Kung mayroon sana syang shoot ngayon, papanoorin ko sya tutal wala naman akong pasok.

" Sayang papanoorin sana kita tutal wala naman akong pasok ngayon. " sabi ko.

" Pwede mo naman akong panoorin dito ngayon baby, solong-solo mo pa ako." turan niya na may pilyong ngiti sabay wink pa sa akin.

" Heh! Tumigil ka nga bhi, kilala ko yang ngiti mong yan! "

" Baka lang makalusot baby.. hehe. "

" Ewan sayo bhi. Ang parusa ay parusa. "

" Sabi ko nga. Tara baby alis tayo! " untag nya.

" Saan tayo pupunta bhi?" tanong ko.

" Uwi tayo ng Tagaytay, balik din tayo mamaya. " sabi nya tapos hinila na ako palabas ng unit namin.

" Seriously? Eh naka-pambahay lang tayo. " sabi ko sabay pasada ng tingin sa suot namin. Naka white t-shirt at gray shorts sya samantalang naka-leggings naman ako ng black at malaking pink t-shirt. Hilig talaga nya na basta na lang aalis. Remember nung civil wedding namin nakasuot kami pareho ng pantulog. Mga trip talaga nitong si Gelo sa buhay.

" It doesn't matter baby. Nasa kotse naman tayo at bahay natin yung pupuntahan natin. "

" Oh! okay." sagot ko at nagpatianod na lang sa kanya hanggang marating namin ang parking lot ng condo.

Yung McLaren ang ginamit namin. Hindi kasi yun pamilyar sa fans at sa mga taga showbiz industry. Binili namin ito mula dun sa ipon namin noon at sa mga kinita nya sa movies, teleserye at endorsements. Ito ang ginagamit namin pag kami lang dalawa para hindi kami mahalata ng madla.

" Ano nga ang nakain mo at bigla kang nagyayang umuwi ng Tagaytay?" tanong ko nung bumibyahe na kami. Nasa kahabaan na kami ng parking lot ng Pilipinas, ang Edsa. Wish ko lang hindi kami gabihin sa daan.

" Nag-text si mayor Tim kaso kanina ko lang nabasa dahil kanina ko lang din na-open yung cellphone ko. Nasa kanya na daw yung marriage license natin, registered na. Kaya naisip ko na kunin na natin tutal pareho naman tayong free today." sagot nya.

" Bakit ngayon mo lang sinabi? "

" Eh di ba nga misis ayaw mo akong kausapin kanina? "

" Okay enough. Ayoko ng pagtalunan na naman yung issue kahapon. Ayoko ng nagkakatampuhan tayo bhi. Gusto ko tulad pa rin ng dati na nag-uusap tayo ng mabuti kapag may misunderstanding tayo. Huwag mo na lang uulitin yung kahapon. Naiintindihan ko naman yung sitwasyon mo bilang isang artista. Ang sa akin lang, wag mo naman kalimutan na may asawa ka na naghihintay sayo. Sikat ka sa labas pero once na umuwi ka na ng bahay, ikaw na yung simpleng Gelo na asawa ni Aira. At kung pwede din huwag ka naman magpapahalik kung kani-kanino sa likod ng camera, nanggigigil kasi ako. Ako lang dapat. Sa akin lang dapat. " tumingin sya sa akin ng matiim tapos hinawakan nya yung kamay ko at dinala sa labi nya.

" Baby, I'm sorry. Hindi na ulit mangyayari yon. Yung kiss? hindi ko talaga alam yon, nagulat din ako. Gusto ko rin na mag-sorry kay Shane, alam ko galit yun sa akin ngayon."

" Okay. Sige punta tayo sa amin sa weekends para makausap mo si ate. Hayaan mo munang lumipas yung inis nya sayo. Kilala mo naman yon kapag nagalit, baka hindi lang Hermes bag ang ihampas sayo. " natawa na lang sya at tumango. Kilalang-kilala nya talaga si ate Shane. Kung mapag-pasensya ako, kabaliktaran yun, mabilis uminit ulo nun. Pero mabait din si ate at super lambing din, yun nga lang masama magalit.

Lunchtime na nung makarating kami ng Tagaytay. Kumain na lang kami sa isang resto dun para hindi na kami magluto. Gusto kong matawa sa reaksyon ng mga tao sa resto habang nakatingin sa suot namin. Walang pakialam si Gelo palibhasa naka-suot sya ng cap at shades kaya walang nakakakilala sa kanya.

Hindi na rin naman kami nagtagal sa resto, basta nung matapos kaming kumain ay umalis din agad kami at dumiretso na kila mayor Tim.

Wala si mayor sa bahay nila. Mayroon daw itong meeting sa munisipyo pero nagbilin naman na kung darating kami ay kunin na lang sa guard house yung pakay namin. Yung guard na nakausap namin nung unang pumunta kami rito ang naka-duty.

" Ay sir narito po yung bilin ni mayor." inabot nya sa amin yung envelope na naka-sealed ng maayos.

" Maraming salamat po manong. Tutuloy na po kami. Tatawagan ko na lang po si mayor para makapag-pasalamat." tumango ang guard at sumaludo pa sa amin nung umalis kami.

Dumiretso na kami sa bahay namin. Dinatnan namin ang care taker na mukhang katatapos lang maglinis ng bahay. Nagpaalam na rin ito matapos iabot sa amin ang susi.

Pareho kaming excited ni Gelo na makita ang laman ng envelope na galing kay mayor Tim. Grabe naman kasi ang pagkaka-sealed, balot ng tape yung buong envelope kaya inabot kami ng ilang minuto bago mabuksan ng tuluyan.

Nang mabuksan na namin sa wakas yung envelope ay tumambad sa amin ang marriage license na may registered number na at seal. Tapos may ilang pictures din namin habang ikinakasal kami ni mayor. Tawa kami ng tawa ni Gelo kasi pareho kaming nakapantulog.

" Baby, our marriage is now registered.We are legally married. Kaya kahit anong mangyari hindi tayo maghihiwalay."

" Oo nga bhi. Kaya yang mga babaeng nagnanasa sayo, sorry na lang sila dahil nakatali ka na sa akin."

" So?" biglang sambit nya.

" Anong so?"

" Baka pwede mo ng bawiin yung punishment mo? Syempre kailangan nating I-celebrate yung legalidad ng kasal natin. "

" Hoy bhi! para-paraan ka. Hindi pwede! "

" Baby naman! Exercise na exercise na ako oh..baka pwedeng kahit ngayon lang." pakiusap pa nya.

" Hay nako! pag-iisipan ko muna. "