Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 59 - There's No One Else But You

Chapter 59 - There's No One Else But You

Shanaia Aira's Point of View

" Hi mom!" bungad agad na bati ni Gelo kay tita Mindy pagpasok pa lang namin ng bahay. Nasa living room sila nung husband nya at may kausap na babaeng sa tantya ko ay nasa mid forties ang edad.

" Oh buti dinalaw mo na ako? Kung hindi ka pa siguro dinala ni Aira hindi ka maliligaw dito.Nakakatampo ka na Gelo." litanya ni tita kay Gelo. Sabay kaming nagmano ni Gelo sa kanya pati sa step father nya.

" Mommy naman, sorry na po. Busy lang ako lately. Dadalaw naman talaga kami sa weekends bago ako umalis." niyakap ni Gelo si tita at malambing na hinalikan ito sa pisngi. "Hi mama D! " biglang bati ni Gelo dun sa bisita nila tita.

" O Gelo! Dinalaw ko lang ang mommy mo. Tinatanong ko kung pwede ba ang ate Arienne mo na tumanggap ng kahit maiksing role. Naka-punta ka ba sa noon time show kanina? " tanong nung bisita.

" Yup. By the way mama D, si Aira po. Baby si mama D, Dorina Valderama. Manager namin ni ate Arienne. " pakilala sa amin ni Gelo.

" Nice meeting you po. " nag-shake hands kami ni mama D. Hindi sya ngumingiti. Mukha syang strict.

" Girlfriend ka ba ni Gelo?" tanong nya sa mababang boses. Lihim kaming nagkatinginan ni Gelo at tita Mindy. Umiling si tita Mindy na nakuha ko naman ang ibig sabihin.

" Ah hindi po. Bestfriend nya po ako."

" Ah marahil ikaw yung bunso ng mga Gallardo? Kamukha mo si Elize eh. " tanong pa nya.

" Ah opo."

" Good! Hindi pa pwedeng magkaroon ng karelasyon si Gelo ngayon. Kasalukuyang umaangat ang career nya, makakasira yun sa image nya." bigla na lang nyang turan.

" Mama D. " bulalas ni Gelo.

" Gelo nagpapa-alala lang ako. " sabi ni mama D.

" Don't worry po, mag best friend lang po kami ni Gelo simula pa nung mga bata kami. " lakas loob kong turan kay mama D.

" Mabuti kung ganon. Mabuti na yung maliwanag. Bweno, tutuloy na ako Mindy. Gelo yung mga kakailanganin mo sa byahe ninyo sa Paris nasa opisina na, daanan mo na lang don. Mag-ayos ka na rin ng gamit mo. " bilin ni mama D bago umalis.

" Yes po mama D." sagot ni Gelo saka inihatid na sa labas ang manager nya.

" Anak pasensya ka na kay mama D, ganon lang talaga yon. Pasensya ka na rin kung kinailangan nating itago ang relasyon nyo ni Gelo, mahirap na kasi kapag kumalat yun sa media. Ayoko rin namang mangyari sa inyong dalawa ni Gelo yung nangyari sa amin ng tito Archie mo. " hinging paumanhin ni tita Mindy na nauunawaan ko naman.

" Ayos lang po tita. Mas mabuti na po yung ganon na walang alam ang media sa amin ni Gelo. Mawawalan kami ng privacy and worst baka ma-bash pa po ako ng mga taga-hanga nila ni Charmaine. Ayaw rin naman po ni Gelo na madamay ako sa mga intriga." sabi ko.

" Tama anak. Nag-iingat lang tayo. "

" Opo tita. "

DOON na kami nag dinner ni Gelo kila tita Mindy. Ayaw talaga kaming pakawalan, ang gusto pa nga niya ay dun kami matulog. Pero tumanggi si Gelo dahil may pasok ako kinabukasan. Nangako naman na babalik kami sa weekends.

The next day, pagkahatid ni Gelo sa akin sa med school ay dumiretso na sya sa office ng manager nya. Usapan namin na magkita na lang sa condo dahil baka hindi nya ako masundo. Sumabay na lang daw ako kila Charlotte. Hindi kasi nya alam kung anong oras sya makakaalis sa office ni mama D. Hindi rin daw sya makakapag-text sa akin lalo na kung kasama nya ang manager, tiyak daw na tatanungin sya nito.

Nung uwian na namin ay kay Charlotte nga ako sumabay. Nadadaanan naman yung condo namin bago sa condo unit nila ni Kevin. Sa harapan mismo nila ako ibinaba at hindi sila umalis hangga't hindi pa ako nakakapasok.

Pagdating ko sa unit namin ay agad akong naligo at nagbihis ng pambahay. Pumunta ako ng kitchen para magluto na ng hapunan.

Habang nakasalang ang niluluto ko, kinuha ko yung libro ko para mag-aral. May recit kami sa isang subject bukas at kailangang prepared ako. Hindi ko na kasi ito magagawa kapag nandyan si Gelo. Alam nyo naman ang lalaking yon, mahilig mag-exercise.

Nang sumapit ang 7pm, natapos ko na ang pagluluto ngunit wala pa rin si Gelo. Siguro nag-meeting sila para sa nalalapit nilang pag-alis. Hindi ko naman matawagan o mai-text man lang, baka kasi magkasama pa sila ni mama D. Yun din siguro ang dahilan kung bakit hindi rin sya tumatawag sa akin.

Inabala ko muna ang sarili ko sa pag-aaral habang naghihintay sa kanya. Mamaya na ako kakain ng dinner pag dumating na siya.

Sumapit ang 8pm at natapos na ako sa inaaral ko, but still no sign of Gelo, kaya napagpasyahan ko na kumain na lang na mag-isa. Gutom na ako at isa pa ayaw ni Gelo na nagpapalipas ako ng gutom.

Pinilit kong kumain kahit wala akong gana.Gutom ako pero parang ang hirap lumunok. Mahirap kasing kumain ng nag-iisa at nag-aalala rin ako kay Gelo.

Nang matapos kumain at magligpit sa kusina ay tumambay na ako sa living room. Binuksan ko ang tv at nanood ng teleserye habang naghihintay kay Gelo. Nung mag-commercial break ay sakto namang tumunog ang cellphone ko, isang message ang pumasok galing kay Gelo. Hay sa wakas!

❤️Gelo Montero ❤️ : baby pasensya na, late na ako makakauwi. Nasa office kami ng talent agency ko para dun sa preparation ng pag-alis namin. Nandito ang buong cast at staff. Kumain ka na at matulog na. May susi naman ako. Don't reply, patago lang akong nag-text, I'm with mama D. I love you.

I heaved a sigh. Mabuti naman okay lang siya.

Pinatay ko na ang tv. at nagpasya na akong pumasok sa room namin. Matutulog na muna ako. Pero nung mahiga na ako ay hindi naging mabuti sa akin ang antok, ayaw akong dalawin.

Naisipan kong maglaro sa cellphone ko pero nangalay na ako at lahat, hindi pa rin ako inaantok.

Nag log in na lang ako sa isang account ko sa social media para maki-balita sa mga kaganapan sa mga buhay ng mga friends ko. Hindi kasi ako active sa social media nowadays dahil naka-focus ako sa studies ko at sa buhay namin ni Gelo. Kapag may gusto lang akong i-post na pictures namin saka lang ako nagla-log in pero syempre yung marami kaming magkakasama sa picture hindi yung kaming dalawa lang.

Yung mga pictures naming dalawa sa Japan ay nasa camera ko lang. Private yun. For our own safety.

Habang nagbo-browse ako ay may biglang pumasok na notification.

Gwyneth Faelnar tagged Gelo Montero in a post.

Isang picture yun na sila lang dalawa ang focus. Yung mga kasama nila ay medyo malayo sa kanila. Nakaupo sila tapos may mga alak at mga baso sa table na nasa harapan nila. Hindi nakadikit si Gelo sa babae pero yung kamay ng babae ay nakadantay sa hita ni Gelo. Huh! tsansing ka sa baby boy ko ha?

Yung kuha nila ay parang nasa isang bar sa BGC base dun sa style nung couch, nakapunta na kasi kami dun nila Venice. Ten minutes pa lang ang nakakalipas nung i-upload yung pic.

Ang mokong na yun, all this time nasa bar lang pala sya samantalang ako, kanina pa naghihintay dito sa kanya. May kahawakan pa ng hita. Humanda sa akin yon, wala syang ka-exercise mamaya. hmp!

Lumipas pa ang mga oras, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.Marahil sa sobrang inis ko, inantok ako. Umaga na nung magising ako. Hindi ko na namalayan kung umuwi ba si Gelo o hindi. Napasarap kasi ang tulog ko.

Bumangon agad ako ng makita ko na almost 7am na pala, according to our room wall clock. Mabilis ang naging pagkilos ko dahil papasok pa ako ng school ng 10am.

Nagulat ako nang makarating ako ng kitchen. Nandoon lang naman ang asawa ko sa harap ng stove at nagluluto. Malapad ang ngiti nya nung malingunan nya akong nakatayo sa entrada ng kitchen.

" Morning baby!" masayang bati nya.

" Morning! Umuwi ka ba kagabi?" tanong ko habang umuupo sa stool sa may counter.

" Yup. Tulog na tulog ka kaya hindi na kita ginising." sagot nya tapos pinatay na ang stove at nagsimula ng ilagay ang mga niluto nya sa dining table.

" Anong oras yon ha? " tanong ko na nakataas pa ang kilay. Lumapit sya sa akin at ibinaba ng isang daliri nya ang kilay ko. Tapos niyakap nya ako sa bewang at hinalikan ako sa balikat.

" Mga 12 midnight na yon. Sorry baby kailangan lang na makisama ako sa kanila. Sorry din kung hindi kita natatawagan kapag kasama ko sila. Ayoko kasi na may makahalata sa kanila na may karelasyon ako lalo na asawa kita. Pinoprotektahan ko lang ang privacy natin bilang mag-asawa at ikaw na rin mismo. Ayoko na maging magulo ang tahimik mong mundo, lalo na't ayaw na ayaw mo pa naman sa mundo namin. " sabi nya habang panay ang halik sa pisngi ko. Hinarap ko sya at iniyakap ang mga kamay ko sa leeg nya.

" Bhi naiintindihan ko naman. Kaya lang nakakainis ka! Pumayag kang magpa-picture kasama ang Gwyneth na yon tapos kung makahawak pa sa hita mo parang may something kayo. Ako lang dapat di ba? Sarap tampalin nung kamay non. Ang bilis kumilos akala mo matagal na kayong magkakilala. " nakalabi ko pang turan matapos sumubsob sa dibdib nya. Hanggang ngayon kasi nasa balintataw ko pa yung picture nilang dalawa kagabi.

Niyakap nya ako saka hinalikan yung tuktok ng ulo ko.

" Baby it's just for a show. Para may mapag-usapan lang habang inuumpisahan pa lang na i-shoot yung movie. Don't be jealous, you know the truth between us.And you know how much I love you baby. There's no one else but you."

" I know bhi. Hindi naman ako nag-aalinlangan sa pagmamahal mo. Naiinis lang ako dahil wala akong tiwala sa iba, lahat may pagnanasa sayo.Kita mo nga hindi pa kayo nag-uumpisa sa shooting nyo, may pahawak-hawak na sa hita mo, eh paano pag medyo close na sayo? Naku naman bhi, paano na ako? " I heard him chuckle.

" Hahaha. Ang higpit naman ni kumander. "

" Talaga! Sinabi ng pagdating sayo, maramot ako. Aba mga bata pa lang tayo, ikaw at ako lang tapos ngayon may eeksenang iba? Hindi pwede yon bhi, what's mine is mine. Period. " natatawang niyakap nya lang ako ng mas mahigpit saka pinanggigilang halikan ang leeg ko.

" Ang aga-aga ang high blood mo. Kulang ka na sa exercise baby. Tara gawan natin ng paraan yan. " untag nya tapos bigla na lang akong kinarga na parang bata.

" Bhi ano ba! baka mahulog ako." protesta ko. Hindi nya ako pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa kwarto namin habang karga ako.

" Mag-exercise tayo tuwing umaga.. 🎶🎶" pakanta-kanta pa ang damuho.

Naku naman! Siguradong patay na naman ako nito. Sana lang makapasok pa ako sa school matapos ang exercise na ito ng mokong na si Gelo.