Shanaia Aira's Point of View
NGAYON ang araw ng alis nila Gelo papuntang Paris para sa shooting ng bagong movie niya. Madaling araw pa lang, umalis na sya sa condo dahil umaga ang flight nila. Doon sila magkikita-kita sa office ng movie production para sabay-sabay na sila kasama ang buong cast at mga staff at crew.
Hindi na kami natuloy pumunta sa bahay namin sa Tagaytay dahil kila tita Mindy kami nung buong Sabado at kinabukasan nga ay nag-impake lang ng mga dadalhin nya para sa isang linggo nilang shooting sa Paris. Sobrang lungkot ko kanina kasi hindi ko man lang siya maihahatid sa airport pero sinabi niya na sandali lang naman daw yung isang linggo, mag video call na lang daw kami everyday kapag pahinga na daw sya at mag-isa lang.
Itinuon ko ang isip ko sa mga lessons namin sa buong maghapon. Nami-miss ko kasi si Gelo kaya kailangang ma-focus ko ang isip ko sa ibang bagay. At ang pag-aaral ang mabisang paraan para hindi ako mangulila ng husto sa kanya.
Pag-uwi ko ng condo unit ay naroon na si Dindin, yaya Didang at Mang Simon. Sila ang makakasama ko habang wala si Gelo.
" Mommy Baby!" masayang bulalas ni Dindin pagkakita sa akin sa may pinto. Nasa living room sya at gumagawa ng assignment with yaya. Si mang Simon ay natanaw ko sa may kitchen na nagkakape.
" Hi sweetie pie! I missed you." sambit ko ng makalapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.
" Me too mommy Baby. I also missed daddy Bhi. Where is he mommy?" tanong nya.
" Your daddy Bhi is working. He'll be home by next week from Paris. I'm sure marami yun pasalubong sayo. "
" Yey! I wish he will buy me a new doll house and a set of Barbie clothes and accessories. "
" Wish granted sweetie. He will buy you that."
KINAGABIHAN matapos kaming kumain ng dinner ay hinanda ko na ang tulugan ni Dindin. Magkatabi kami tapos naglagay na lang ako ng matress sa sahig para kay yaya Didang. Carpeted naman yung sahig namin kaya comfortable naman pag humiga si yaya. Sa kabilang room naman si mang Simon.
Kinabukasan ng 7am nang makatanggap ako ng video chat from Gelo. Lumundag kaagad ang puso ko pagkakita ko pa lang sa kanya sa screen. Mukha syang puyat pero gosh! ang gwapo pa rin.
" Hi baby! I miss you." bungad agad nya pagkakita sa akin.
" Miss you too bhi! musta ka dyan?"
" Heto kararating lang namin sa hotel, pagpasok ng room ay ikaw agad ang inuna ko. Ilang oras pa lang kasi miss na kita."
" Aw bhi naman, ang aga-aga pinapakilig mo na naman ako. By the way, may kasama ka ba sa room? Alam mo na baka tayo mahuli ng mga taga media. "
" Wala pa sa ngayon. Nasa lobby sila nagkakape. Nagpaalam ako na magpapahinga na. It's already 1am here. "
" Oo nga. Ang haggard na ng itsura mo bhi. But still, you look gorgeous as ever. "
" Bolera naman ng misis ko. Para tuloy gusto ko ng umuwi. Mag exercise na lang tayo buong araw. " awtomatikong namula ang pisngi ko sa sinabi nya. Buti na lang mag-isa na ako sa unit dahil hinatid na nila yaya si Dindin sa school kundi na-eskandalo na ako. Ito kasing si Gelo, walang filter talaga ang bibig. Puro exercise na lang nasa utak. Bago nga umalis pinuyat na ako, parang si Mike Enriquez sa news, hindi ako tinantanan.
" Hay nako bhi, mamaya nyan may makarinig sayo dyan. Don't worry pag-uwi mo unli exercise tayo." lumawak ang ngiti nya ng marinig ang sinabi ko. Talaga naman. Nang may bigla kaming narinig na tunog ng binuksang pinto. Kaya natataranta syang nagpaalam sa akin.
" Bye baby. I'll call you tonight. I love you. " halos pabulong na lang nyang turan.
" Bye bhi. You take care, okay? love you too." pagtatapos ko.
Magaan ang pakiramdam ko nang pumasok na ako sa school. Syempre parang energy drink si Gelo sa akin. Mabuti na lang talaga at moderno na ang panahon ngayon, marami ng means of communication.
Araw-araw ay ganon ang routine ko. Tumatawag sya ng 7am dahil kapag ganong oras ay nasa hotel room na sya at tulog na ang kasama nya sa room. Yung second lead actor na si Arden Robles, ang ka-share nya sa room. Miyembro ito dati ng dance group na nag-artista na rin. Ilang movie na rin ang nagawa nya under the same production. Nasa iisang talent agency sila ni Gelo kaya medyo close na rin sila.
Naikwento ni Gelo sa akin na nakapag-libot na raw sila ni Arden nung isang araw. Naibili na nga raw niya si Dindin ng gusto nitong doll house at Barbie accessories. Nasabi ko kasi sa kanya yun nung isang beses na tumawag sya. Tinatanong nya ako kung ano daw ba ang gusto kong pasalubong, sabi ko bahala na sya. Ang importante lang kasi sa akin eh yung safe siyang makauwi.
Panglimang araw na nila Gelo dun nang may napanood akong showbiz balita.
Host : Mga televiewers mayroon po kaming exciting na balita tungkol sa shooting na nagaganap ngayon sa Paris. Ipapasilip po namin sa inyo yung mga kaganapan sa latest movie ni Gelo Montero na Here In My Heart with the beauty queen turned actress na si Gwyneth Faelnar. Nasa Paris po si Gretchen Garido para sa latest update ng shooting nila sa Paris. Gretchen pasok.
Gretchen : Magandang gabi dyan sa Pilipinas. Narito po ako ngayon sa Paris para personal na saksihan ang shooting ng bagong movie ni Gelo Montero na Here in my Heart. Mga televiewers dyan sa Pilipinas, panoorin nyo po ang nagaganap na shooting nila ngayon dito.
Umikot ang camera sa magagandang lugar sa Paris, tapos tumutok ang camera sa mga crew at staff na busy sa kanilang mga ginagawa. May mga cast na nakaupo sa kanilang designated seats, tapos pinakita yung director na nagbibigay ng instructions dun sa kukunan ng eksena. Si Gelo at Gwyneth yung nakasalang at tila kissing scene yung kinukunan.
Ayaw ko sanang panoorin dahil tiyak na magsisikip lang ang dibdib ko pero nahatak ako nung magandang view ng Paris. Nung sumigaw yung director nila ng lights, camera, action, nagsimula ng umarte yung dalawa. Nakatingin sila sa isa't isa tapos biglang kinabig nung bidang babae ang leeg ni Gelo at siya ang humalik dito. Yung reaction ni Gelo ay parang natural na nagulat at naguguluhan hanggang sa tumugon na rin sya dun sa halik na base siguro sa hinihingi nung script.
" Cut! good take!" sigaw nung director.
Gretchen : Hayan po mga televiewers, napakaganda po ng eksena. Pinuri po ni direk ang natural na acting ni Gelo Montero kani-kanina lang. Ayon nga po kay direk, palagi pong good take si Gelo, indikasyon lamang po na talagang nasa dugo na nya ang pagiging artista. Ayon po sa isang PA dito, sobrang humahanga daw kay Gelo ang kanyang leading lady na si Gwyneth. Crush nga daw ito ng dalaga at ayon pa sa ilang mga kasama nila ay sobrang sweet din nitong si Gwyneth sa binata. Marami po ang umaasa na pagkatapos nitong movie nila ay may mamuong magandang pagtitinginan sa dalawa. "
Host :" Mukhang hindi malayong mangyari yon Gretch, dinig ko kay mama D, yung manager ni Gelo ay single daw ang alaga nya. "
Gretchen : Tama ka dyan. Bagay na bagay sila at parehong single. Bweno, yan lamang po ang update sa shooting ng movie dito sa Paris. Abangan na lamang po ang aking susunod na update para sa Showbiz Balita.
Ako po si Gretchen Garido, nag-uulat mula sa Paris, France.
Pinatay ko na ang tv matapos ang showbiz news. Malalim akong napabuntung-hininga at tumingin sa kawalan. Ito ang iniiwasan ko noon pa kaya nagdadalawang isip ako nun na sagutin si Gelo sa panliligaw niya. Hindi ko gusto yung mga ganitong balita kahit pa in-assure nya sa akin na for publicity lang ang lahat. Naba-bother pa rin ako. Kahit alam ko kung ano yung totoo, masakit pa rin pala kapag may mga balitang ganito.
Nag-video call si Gelo sa akin nung hatinggabi na. Bakante na raw siya at si Arden naman ay sumama dun sa mga crew at ibang artista na pumunta sa may Eiffel Tower. Hindi na siya sumama dahil mas gusto raw nya na makausap ako.
" How's your day baby?" masayang tanong nya.
" Okay lang. Nag recit kami sa anatomy tapos nag quiz kami sa pathology kanina."
" Mukhang malungkot ka baby? Inaantok ka na ba? Bukas na lang tayo mag-usap para makatulog ka na." nag-aalalang turan nya.
" No bhi. Ang tagal kitang hinintay mag video call tapos puputulin mo pa. Natulog na ako kanina kaya hindi ako inaantok. "
" Nag-aalala lang ako sayo baby. Mukha ka kasing may problema. Meron ba? Tell me. "
" I'm just tired bhi."
" Ows? kilala kita. Hindi ka ganyan kung tired ka. What is it? tell me. " pangungulit pa nya.
" Fine! I'm just bothered. "
" Bothered? About what? " gulat nyang tanong.
" I saw you on showbiz news a while ago. "
" Really? Anong nakaka-bothered dun? " hindi makapaniwalang tanong nya. Bihira kasi akong ma-bothered kaya nakakapagtaka nga naman.
" Yung kissing scene nyo ang pinakitang eksena sa news kanina. Tapos sabi nung host, sobrang humahanga daw sayo yung leading lady mo, crush ka nga raw. Sini-ship kayong dalawa dahil pareho daw kayong single at bagay kayo. Marami daw umaasa na kapag natapos ang movie nyo ay may mamuong romance sa inyong dalawa. "
" Hahaha. Baby alam mo naman na publicity lang yon. Why bother when you know the truth between us? Kahit na ilan pa yang i-link sa akin, walang mamumuong romance dahil sa isang tao lang ako palaging uuwi. Sabi ko naman sayo, huwag kang manonood sa tv ng showbiz news, fake news ang iba dun. Cheer up baby, I'll be home in two days. Alright? "
" Alright bhi. What if kung—. "
" Kung ano baby? "
" Kung ma-in love sayo yung leading lady mo? "
" Hahaha. Hindi mangyayari yon dahil pinaparamdam ko kaagad na hindi ako interesado kapag may nagpaparamdam sa akin. Sa isang babae lang ako baliw na baliw at ka-video call ko sya ngayon." sabi nya sabay kindat sa akin.
" I love you baby at lagi mong tatandaan yan. Sa akin ka lang maniniwala at magtitiwala. " pagtatapos nya sa tawag.
I heaved a sigh. Medyo nawala na ang pag-aalala ko sa sinabi nya. Medyo lang. Mapanghahawakan ko ang salita ni Gelo pero ang mundong kinabibilangan nya, hindi ko alam. Lalo na kapag naiisip ko si ate Shane. Mahal nila ni kuya Gerald ang isa't isa pero dahil sa nagkalat na tukso sa showbiz, nagkahiwalay sila.
At yon ang kinatatakutan kong mangyari sa amin ni Gelo.