Shanaia Aira's Point of View
SA bahay namin ako nag-stay buong weekends. Umuwi ako kasama sina Dindin. Naiinip kasi ako dun sa condo kapag wala si Gelo at mag-isa lang ako.
Nagpaalam naman na si Gelo kay daddy na kung pwede na akong umuwi-uwi sa condo unit namin. Hindi naman totally na magsasama na kami kundi yung pag kinakailangan lang. Pumayag naman si daddy dahil nga engaged naman na kami, ang pakiusap lang niya ay huwag muna kaming gumawa ng bagay na labas sa matrimonya ng kasal. Doon medyo guilty kami ni Gelo sa bagay na yon, nagagawa na kasi namin yon. Madalas mag-exercise si Gelo at parang ginawa na nyang hobby yon. Pero hindi naman kami nagkakasala dahil pasok na kami dun sa matrimonya ng kasal. Legal kami. Guilty lang kami kasi hindi naman alam nila daddy at ng parents ni Gelo na kasal na kami.
Siguro in time, sasabihin din namin sa kanila. Ayaw kasi namin na biglain sila dahil tiyak na magkukumahog sila at ihanda agad ang church wedding. Pag nangyari yon, malalaman na ng buong madla. Hindi pa pwede sa ngayon dahil sa kasalukuyang estado ng career ni Gelo at isa pa nasa kontrata niya na kailangang single siya hanggang sa ma-expire yung contract nya which is five years from now.
Yun naman talaga ang balak namin sana, long engagement dapat kasi nga nag-aaral pa ako. Ilang taon din kasi ang bubunuin ko sa med school. Lately ko lang nalaman from Gelo na may nakasaad pala na ganon sa contract nya, to stay single till the expiration of his contract.Hindi nya sinabi agad sa akin dahil alam nyang tututol ako. Hindi lang kasi sya makapaghintay kaya nilabag nya yon. Natatakot kasi sya na mawala ako sa kanya habang naghihintay kami ng kasal namin. Imagine nga naman, more than five years na kaming magka-relasyon tapos maghihintay pa ng another five years bago kami magpakasal? Kaya ngayon mananatili kaming sikreto hanggang sa matapos ang contract nya at maka-graduate ako.
Si kuya Andrew ang naghatid sa akin sa med school kinabukasan. Nagtataka ako kasi tuwing Monday kailangan maaga siya sa munisipyo. Kaya pagkasakay ko ng kotse nya, hindi ko naiwasang usisain siya.
" Kuya bakit hindi mo na lang ako pinahatid kay mang Simon? Di ba kapag Monday kailangan maaga ka sa munisipyo?"
" Nami-miss ko ng ihatid ka sa school bunso. Simula nung ma-engaged kayo ni Gelo eh bihira na kitang makita. Bakit ayaw mo na bang hinahatid ka ni kuya? " tila nagtatampo pa na tanong nya.
" Hindi po sa ganon kuya. Nagtataka lang ako kasi kahit noong bata ako, never mo akong hinatid sa school ng Monday. " napangiti sya ng malapad ng lingunin ako.
" Naka-leave si kuya ngayon bunso. May gusto lang akong alamin sa school nyo kaya ako nagprisinta na ihatid kita. "
" Ay ganon po kuya? May gusto ka lang palang malaman kaya mo ako ihahatid. Nakakatampo ka po." sabi ko na nakasimangot sa kanya.
" Hahaha. hindi sa ganon bunso. Totoo rin na gusto kitang ihatid. Wag ka na magtampo, suportahan mo na lang si kuya dito." sambit nya sabay kurot sa pisngi ko.
" Aray naman kuya! Ano ba kasing suporta yang sinasabi mo?" tanong ko.
Tiningnan nya ako. Yung tingin na parang nahihiya pang magsabi ng kung ano. Tapos humugot siya ng hinga bago nagsalita.
" Kasi nung first year ko sa Law school, may naging girlfriend ako pero nagka-hiwalay kami after ng first year namin kasi dinala na sya ng parents nya sa Canada. Hindi na ulit kami nagkaroon ng pagkakataon na magkausap man lang dahil gusto ng parents nya na mag focus muna sya sa pag-aaral nya. That time hindi pa naman gaanong uso yang social media kaya wala akong means para masubaybayan sya. And then I met Margot kaya nawala na rin yung pagnanais ko na hanapin sya. Then one time, nagkita kami nung naging best friend nya sa Law school, ibinalita nito sa akin na hindi pala tinuloy nung ex girlfriend ko ang Law, instead she shifted into medicine—" huminto si kuya because I butt in.
" And she's here in our school, right kuya? "
" Yes baby. She's one of the doctors there and maybe isa sa mga prof mo ngayon. "
" What's her name po kuya? "
" Dr. Marielle Faith Abella. " nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pangalang binanggit ni kuya. He is right, isa sya sa mga prof ko. And one of my favorites. Sobrang ganda kasi ni doktora at ang bait din kaya hinahangaan namin siya nila Charlotte at Venice.
" OMG kuya! si dra. Faith pala ang hinahanap mo? Yes, prof ko sya sa Physiology. And she's a doctor of Obstetrics and Gynecology in our school's hospital. She's my idol kuya."
" Really? So, can you help me?"
" You want to reunite with her? What if, she's no longer single kuya? What will you do? "
" Hindi ako mag-aaksaya ng panahon bunso kung alam kong taken na sya. According to her best friend, single pa rin sya hanggang ngayon at never na uling nagka-boyfriend simula nung magka-hiwalay kami. Nawalan na raw ng time dahil sa med school itinuon ang pansin. Lalo na ngayon, doktor na sya, nagtuturo pa pala. " nakangiting turan ni kuya. Ngayon ko lang ulit sya nakita na ngumiti ng ganito simula nung mangyari yung insidente sa kanila ni ate Margot with kuya Gerald. Thank God he moved on from that terrible heartache.
" Alright kuya, I will help you. I want you to be happy. You're already 31 years old and still no family of your own. Pursue mo na si doktora kundi baka maunahan pa kitang magpakasal."
"Hoy, kahit engaged na kayo ni Gelo hindi pa kayo pwedeng magpakasal. Kaya paunahin mo na ako, tumatanda na ko." tumawa na lang ako sa sinabi nya kahit sa totoo lang na-guilty na naman ako. Kung alam lang nya na kasal na kami ni Gelo.
" First subject namin si Dra. Faith kuya kaya mag ready ka na. Siguradong magugulat yon pag nakita ka. Kaya pala noong marinig nya ang surname ko, parang natigilan sya pero hindi naman sya nagtanong." kwento ko pa.
" Maybe she's guilty kasi iniwan nya ako ng walang paalam. But I understand her that time, mahirap din na sumuway sa magulang. At masyado ko syang mahal para magtanim ng galit. She has her reason that needs to be understood. "
" Okay kuya, we're here. Kinakabahan ka ba? " tanong ko nung nasa school entrance na kami.
" Medyo lang. " sagot nya pero tinawanan ko lang sya.
" Anong medyo lang. Eh hayan at namumula pati tenga mo. Shocks si kuya parang high school na first time lang manligaw. " pang-aasar ko kay kuya.
" Baby! Sinumpong ka na naman ng kapilyahan mo!" pagalit nyang turan. Tinawanan ko lang sya. Wa epek na kasi sa akin ngayon yang kunwaring galit nya.
Kasama ko na nga si kuya na pumasok sa school. Pinagtitinginan nga sya ng mga girls habang naglalakad kami sa school grounds papunta sa building namin. Maging nung nasa corridor na kami papunta sa room ko ay nagkakandahaba ang leeg ng mga kababaihan kakatingin kay kuya. Ang gwapo din naman kasi ni kuya Andrew, kamukha nya si Jensen Ackles, yung actor sa Supernatural. Actually, magkamukha si kuya at yung pinsan naming si Neiel, nga lang matured version sya.
Nung marating namin ang room ko ay naroon na si Dra. Faith. Palagi naman kasing maaga to dahil galing sya sa duty sa hospital na nasa kabilang building lang. Ayaw daw nya ng nale-late, hindi na baleng sya raw ang maghintay.
Iniwan ko muna si kuya sa labas, ako muna ang pumasok para kausapin si dra. Faith.
" Good morning po dra." bungad ko.
" Good morning din Aira. You're early today. Ako pa lang ang narito." sabi nya. Iginala ko ang tingin ko saka ko lang nalaman na kaming dalawa lang pala. Tamang-tama.
" Ah opo. Maaga po kasi akong nagising. Uhm. dra. may itatanong po sana ako."
" What is it Aira? " tanong nya.
" Nung narinig nyo po ba yung surname ko, wala po bang sumagi sa isip nyo?"
" What?" kunot ang noo na napatingin sya sa akin.
" I mean, wala po ba kayong kakilala dati na ka-apelyido ko? " mas lalo syang napatingin sa akin sa tanong ko. Bakas sa maganda nyang mukha ang biglang pagdaan ng lungkot.
" Mayroon pero ayoko ng alalahanin kaya hindi ako nagtanong. I know you are Shane's sister, being her sister means you are also related to someone that is very special to me in the past. But I'm afraid to face that someone kasi nahihiya ako dahil ako yung nang-iwan, alam kong nasaktan ko sya kaya wala akong karapatan na magpakita pa sa kanya. " malungkot nyang turan.
" What if, that someone wants to see you? Papayag ka po ba? "
" Sus, busy na sa buhay nya yun. I heard vice mayor na sya sa lugar nyo. Wala pa ba syang asawa? "
" Wala pa po dra. "
" What? sa gwapo nyang yon wala pa syang asawa?" gulat na gulat sya.
" Wala nga po. Kayo po ba may boyfriend na? "
" Naku bata ka, bakit ba nagtatanong ka ng ganyan? "
" Sige na po dra. sagutin nyo naman ang tanong ko. Seryoso po."
" You want an honest answer? " tanong ni dra.
" Yes po! " mabilis kong sagot.
" Feeling ko kasi wala akong karapatan na magmahal dahil may tao akong nasaktan.Gusto kong humingi ng tawad sa taong ito para mapatawad ko na rin ang sarili ko pero kapag nagtatangka ako, natatakot ako, naduduwag." malungkot nyang saad.
" Don't worry dra. tutulungan ko po kayo. "
" Ha? " nagulat na naman sya.
" Pwede na po kayong mag-usap ngayon. Kuya pasok! " biglang pumasok si kuya ng marinig nya ang anunsyo ko.
" Andrew! " namamanghang turan ni dra. Faith.
" Yes Faith. I'm here in flesh. How are you? "