Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 63 - Neglected

Chapter 63 - Neglected

Shanaia Aira's Point of View

NATAPOS ang klase ko sa araw na yon at wala man lang paramdam si Gelo. Kahit text man lang ay wala. Kaninang lunch time pa lumapag ang eroplano nila sa airport pero kahit simpleng hello ay hindi sya nagpadala. Oo nga't ka-video call ko sya nung gabi bago ang flight nila pabalik dito sa bansa pero syempre iba pa rin yung sasabihan nya ako na nakauwi na sila. Kung hindi ko pa napanood yung breaking news kanina, hindi ko malalaman na nakauwi na pala sila.

Hindi na ako tumawag kay kuya Andrew para magpasundo, napagpasyahan ko na sumabay na lang ulit kina Charlotte pauwi ng condo. Ayoko ng mag-expect na susunduin ako ni Gelo, siguro nasa office sila ng talent agency nila kaya hindi makapag-text man lang.

Pagdating ko ng condo unit namin ay sumalampak na agad ako sa couch. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Dalawang subject namin kanina ang nagkaroon ng quiz tapos isang recit. Gamit na gamit ang mga braincells ko, parang gusto ko na lang matulog muna.

Bumangon ako saglit saka binuksan ang tv. Sa malas naman at saktong showbiz balita ni Gretchen Garido ang palabas. Ililipat ko sana kaya lang saktong si Gelo ang nasa balita. Kahit sinabihan nya ako na huwag manood ng balita tungkol sa kanya, nanaig pa rin ang curiosity ko. Ang kulit ko lang.

Gretchen : Magandang gabi kapamilya. Kanina po ay nakapanayam ko ang sikat na actor na si Gelo Montero nung palabas na sila ng airport. Kasabay nya pong lumabas si Gwyneth Faelnar na ayon sa isang reliable source ay nagkakamabutihan na daw ang dalawa.

Narito po ang taped interview ko kay Gelo kanina sa airport.

Gretchen : Welcome back Gelo! Kumusta ang naging shooting nyo sa Paris?

Gelo : Good afternoon Gretchen. Good afternoon mga kapamilya. Salamat sa mainit na pagsalubong sa amin dito sa airport. Okay naman yung kinalabasan ng shooting namin sa Paris. So far, natapos namin lahat ng scenes na kinakailangang kunan doon.

Gretchen : Saan ang susunod nyong location?

Gelo : I think Davao and Palawan but I heard na mas maraming scenes ang kukunan dito sa Metro kaya dito na muna kami sa susunod na shooting namin.

Gretchen : Marami ang nagsasabi na maganda raw ang tunguhan nyo nitong si Gwyneth sa set. Mayroon na nga bang namumuong special na pagtitinginan sa inyong dalawa?

Hindi muna sumagot si Gelo, tumingin muna sya kay Gwyneth saka sila nagngitian.

Gelo : Uhm, okay naman kami ni Gwyneth. We're good friends now. Right, Gwyneth?

Gwyneth : hahaha.. yeah we're good friends.

Gretchen : Mga kapamilya narinig nyo po sila good friends lang daw po sila. Pero malay po natin baka bago matapos ang movie nila ay lovers na po sila. Hindi ba Gwyneth?

Gwyneth : hahaha.. who knows?

Hindi ko na tinapos ang palabas. Pinatay ko na ang tv saka hinagis ang remote sa kung saan. Ang arte ha? Akala ko mahinhin dahil beauty queen. Makatawa labas lahat ng gums. May pahawak-hawak pa sa braso ni Gelo ang hitad. Who knows, who knows ka dyan!

Hayan high blood na naman ako.

Heto na nga ba ang sinasabi ko kaya hindi ako dapat nanonood ng showbiz news. Laging umuusok ang bumbunan ko sa inis. Hindi pa rin talaga ako nasasanay. Siguradong pagtatawanan na naman ako ni Gelo kapag nalaman nyang nayamot na naman ako dahil sa hindi napigilang panonood ng balita. Or worst baka pagalitan pa ako dahil sa kakulitan ko.

Nagpasya ako na magluto na lang para kung sakaling umuwi si Gelo, may pagkain na sa hapag. Beef caldereta na lang ang niluto ko, isa sa mga favorite nya para naman maging magana ang pagkain nya. Nagrereklamo kasi nung minsang nag video call sya, hindi raw nya masyadong type ang pagkain dun, yung luto ko ang hinahanap-hanap nya.

Habang hinihintay ko si Gelo ay nag-advance review ako sa ilang subjects namin.Malapit na ang midterms namin kaya kailangan unti-unti na akong mag-aral ng mga past lessons para hindi ako matambakan sa mga aaralin ko.

Lumipas pa ang ilang oras ng matapos ako sa pagre-review ko. Nang tingnan ko ang oras ay pasado alas nuwebe na pala. Nagugutom na ako pero wala pa rin si Gelo. Ayaw ko naman na mag-isang kumain, nakakawala kasi ng gana.

Iinot-inot akong tumayo mula sa couch at isa-isang niligpit ang mga gamit ko. Nang matapos ako ay tumuloy na ako sa dining area.Hinayaan ko na lang yung mga pagkain sa mesa tutal nakatakip naman. Kumuha na lang ako ng fresh milk sa ref at gumawa ng sandwich. Yun na lang ang ilalaman ko sa tiyan ko.

Nang makakain ako ay pumasok na ako sa room namin saka naligo sa bathroom na naroon. Matutulog na ako pagkatapos at hindi ko na hihintayin si Gelo. Bahala sya kung uuwi sya o hindi.

Nasa harap na ako ng vanity mirror at nagpapatuyo ng buhok ng tumunog ang cellphone. Mabilis ko itong hinagilap sa bedside table at excited na sinagot sa pag-aakalang si Gelo na ang tumatawag. Ngunit ng tingnan ko ang screen ay mukha ni Venice ang naka-balandra. Ano kaya ang problema ng babaeng to?

" Hello besh!"

" Bessshhh mag online ka daliii!" halos mabitawan ko ang cellphone ko sa ingay nya sa kabilang linya.

" Hay grabe sya! Ano na naman ba yon?" tanong ko.

" Basta mag-online ka tapos tingnan mo sa facebook, may video dun. Nandyan na ba si Gelo? " bigla nyang tanong.

" Wala pa nga eh. " malungkot kong tugon.

" Hayun masasagot nung video kung bakit wala pa sya. Mukhang ngayon lang yun ni-upload kasi yun din yung suot nya kanina sa interview ni Gretchen Garido sa airport. Naku besh nanggigigil ako!" bulalas nya. Medyo kinabahan ako. Ano kaya ang nandun at nanggigigil tong si Venice?

Mabilis na syang nagpaalam at sinabihan ako na tingnan na yung video. Naka-tagged daw ito kay Gelo kaya mabilis ko lang mahahanap. Pina-alalahanan pa ako na kumalma lang ako sakaling mapanood ko na. Alam ko naman daw kung ano yung totoo.

Dali-dali akong nag-log in sa facebook. Nang bumukas na ay iyon agad ang tumambad sa akin. One hour ago pa lang nung na-upload tapos more than 300k na yung likes at almost 2k na yung shares. Seriously? isang oras pa lang ang nakalipas at ganito na kadami?

Kuha ang video dun sa bar na pinuntahan din nila nung nakaraan sa BGC. Marami sila na magkakasama, parang lahat ng cast nung movie na ginagawa nila. Napansin ko rin si mama D. Nakaupo si Gelo sa couch at katabi nya si Gwyneth. Kumakanta sila ng happy birthday tapos ni-blow ni Gwyneth yung candle sa cake. Naghihiyawan yung mga kasama nila tapos nagpasalamat sya sa lahat ng naroroon. Na shock ako nung humarap sya kay Gelo para magpasalamat. Yumakap sya dito tapos mabilis nya itong hinalikan sa labi. Doon tumutok yung camera nung kumukuha ng video, dinig ko pa sa background yung kinikilig na hiyawan ng mga kasama nila. Ang tagal nung kiss sabi nung naririnig ko. Parang itinuloy daw nila yung nabitin nilang halikan dun sa eksena nila sa Paris.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko. Parang bigla akong nilamig sa nasaksihan. Parang naawa naman akong bigla sa sarili ko. Dumating sya kaninang tanghali na hindi man lang ako naalalang tawagan. Pinagluto ko sya at matiyaga ko syang hinintay para sabay kaming maghapunan pero nalipasan na ako ng gutom ay wala pa rin sya. Yun pala naman nandun sya at nagpapakasaya kasama yung mga katulad nyang artista. Ang unfair lang.

Iyak lang ako ng iyak nung tumunog na naman ang cellphone ko.

" Baby!" boses ni ate Shane yung narinig ko sa kabilang linya

" Yes ate. Napatawag ka?" sagot ko na hindi na naitago yung lungkot sa boses ko.

" Umiiyak ka ano? Napanood mo?" hindi na ako nagulat sa tanong nya. Malamang napanood na nya dahil friends sila sa fb ni Gelo. Hindi rin naman tatawag ito ng basta na lang kung hindi ito nag-aalala.

" Oo te." tipid kong sagot. Nahihirapan din kasi akong magsalita, parang may bikig sa lalamunan ko.

" Don't worry naiganti na kita kay Gelo." nangunot ang noo ko sa sinabi nya.

" What? Anong ibig mong sabihin ate?"

" Kakauwi ko lang galing din dun. Nag-bar din kami ng mga kasama ko sa network. Nakita ko mismo yung nangyari. Pagkatapos pasimple kong hinila si Gelo papunta sa may restroom, pagdating dun galit na galit ko syang pinaghahampas ng Hermes bag ko. Hindi ako nagsasalita basta alam na nya yun kung bakit. Iniwanan ko na sya pero hinabol nya ako hanggang sa parking lot. Panay ang sorry nya. Sabi ko nagagalit ako dahil ayokong masaktan ka kapag napanood mo yun. Bakit kailangang i-video pa kasi at i-upload sa social media? Ano ba ang gustong palabasin nung kumuha? Hindi rin daw nya alam na may kumukuha ng video. Sabi ko, may video o wala, sana umiwas sya. Sabi ko pa, ni hindi mo man lang naalalang tawagan ang kapatid ko gayung alam mo na naghihintay yon sa pag-uwi mo. Hindi sya nakakibo, parang natauhan pa. Mukha ring nakainom na. Kaya sa inis ko binirahan ko na ng alis, pinasibad ko na yung kotse ko ng hindi na nagpapaalam sa mga kasama ko. Pasensya na bunso, ayoko lang na maapektuhan ka ng mga balita sa showbiz, totoo man o hindi, ayaw kita na masaktan. Ayaw ko na danasin mo yung mga dinanas ko kaya kung kaya ko rin lang ipagtanggol ka gaya ng ginawa ko kay Gelo, gagawin ko. Hindi pwede sa akin yung ginawa nya na yon. Kung publicity lang ang kailangan nya, huwag naman ganon na masasaktan ka. "

" Thank you ate. Okay na ako. "

" Sigurado ka bunso? Umiiyak ka pa eh. "

" Hindi na te. Okay na nga ako. Promise po. "

" Hay nako! kung ako sayo lalayasan ko muna yang si Gelo ng malaman naman nya kung ano yung pakiramdam ng naghihintay. Huwag mo kayang ipagluto ng magutom siyang bwisit siya." napangiti na ako sa sinabi ni ate.Ganon talaga sila ni Gelo noon nung mag best friend sila. Madalas din silang mag-asaran ni Gelo noon.

Malungkot akong nahiga sa kama matapos naming mag-usap ni ate Shane. Medyo humupa na yung sakit ng loob na nararamdaman ko. Although masama pa rin ang loob ko kay Gelo, kaya ko pa rin syang intindihin. Pero gusto ko na ma-realized nya na may mali syang nagawa. Ano man ang rason nya, may mali pa rin. May obligasyon sya bilang asawa at iyon ang nakaligtaan nyang gawin kanina.