Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 56 - Always in my Mind

Chapter 56 - Always in my Mind

Shanaia Aira's Point of View

NAG-IINIT ang mukha ko at halos hindi ako makatingin kay Gelo. Kung bakit ba naman kasi nakuha pa nyang i-celebrate yung araw na hiyang-hiya ako sa kanya at sa sarili ko sa mga pinaggagawa ko dahil lasing ako nun ng hindi sinasadya.

" Bhi naman, nakakainis ka talaga. Hiyang-hiya ako nun tapos ikaw naman isine-celebrate mo pa. Naman kasi!" halos mapapadyak pa ako sa sobrang hiya. Siya naman nakatingin lang sa akin, nakangiti na tila aliw na aliw pa sa akin.

" Ang cute mo baby. "

" Tse! mapang-asar kang tunay! "

" Hindi kita inaasar. Totoong isine-celebrate ko yun dahil first kiss ko yun sa taong sobrang mahal ko. Alam mo bang lahat ng araw na may kinalaman sayo ay tinatandaan ko?"

" Bhi!" hindi makapaniwalang bulalas ko.

" Sikretong malupit yon baby. Hindi ko sinasabi sayo baka kasi sabihin mo obsessed na ako, ang creepy ko or corny. Pero totoo yun, nakalista yun dito at dito. " turo nya sa sintido at puso nya.

" Aw. Bhi naman bakit ganyan ka? Papatayin mo ba ako sa sobrang kilig? Ang haba talaga ng hair ko. Gelo Montero ka na oh, eh ako ano lang ako? "

" Hayan ka na naman baby. Bakit ba lagi mo na lang sinasabi na yan ka lang? Gusto mo pa bang isa-isahin ko ulit sayo ang lahat ng katangian mo? " tanong nya.

" Huwag na bhi. Pahaba na ng pahaba ang hair ko, baka matapakan ko na. "

" Hahaha. Ikaw talaga baby, napapatawa mo ako palagi. Kaya mas lalo tuloy kitang minamahal eh. "

" Talaga ba? "

" Ahuh! Addict nga ako sayo di ba? " sagot nya .

" Ewan sayo bhi! ipa-rehab na kita baka matokhang ka pa. " natawa lang sya sa sinabi ko, alam nya kasi na kapag ganon na ang salita ko, nahihiya ako. Sobrang straightforward kasi nya. Hindi marunong magpaligoy-ligoy.

" Alam mo ba na binabalak ko na nga na ipa-tattoo yang pangalan mo dito sa dibdib ko? "

" Eh di nabuking na tayo pag ginawa mo yun."

" Papagawa ko syempre yung ako at ikaw lang ang makakaintindi." sagot nya.

" Ako rin bhi papalagay sa may dibdib din." sabi ko.

" No way baby! Ang swerte naman ng magta-tattoo sayo, libre silip sa breast mo. Hindi ako papayag baka makasapak pa ako ng di oras! " o kitam may sudden outburst na sya hindi pa man. Nagbibiro lang naman ako.

" Sus ang bayolente mo talaga bhi. I'm just kidding. Ayoko kaya ng tattoo, masakit daw magpalagay. " saad ko.

" Hindi rin naman kita papayagan. Ayokong madumihan yang makinis mong balat." tila naaasar pa sya habang nagsasalita. Ang dali talagang pikunin ng taong to.

" Tapos ka na ba? Uwi na tayo, ang dami ko pang gagawing assignment. Tinambakan kami ng prof namin kanina. " pagyaya ko sa kanya.

" Wait lang baby. Hindi ko pa naibibigay sayo yung nasa velvet box." he said then he handed me the box. Nung buksan ko yung box tumambad sa akin ang pares na gold wedding bond.

" Matagal ko ng binili yan baby, sa Singapore pa. Hindi ko lang dala nung pumunta tayo kay mayor. "

" Bhi sa bahay na lang natin isuot baka may makakita pa." bulong ko sa kanya. Saka isinilid na sa bag ko yung box.

" Okay. Let's go home." sabi nya tapos tumayo na at inalalayan ako. Dinampot ko naman yung bouquet ng roses at sumunod na sa kanya.

" Bhi saan ako uuwi? " tanong ko sa kanya nung nasa kotse na kami.

" Saan mo ba gusto?" tanong nya.

" Sa amin sana. Hindi ko pa nakikita sila mommy simula nung bumalik tayo." sabi ko.

" Sige dun tayo uuwi ngayon." sang-ayon nya na syang ikinagulat ko.

" Tayo? Sasama ka?" tanong ko.

" Syempre kung nasaan ang asawa ko, dun din ako. " buong pagmamalaki pang sambit nya.

" Hindi naman alam nila daddy na nagpakasal tayo. Ayoko munang ipaalam sa kanila bhi, mapapagalitan tayo. " paalala ko. Mahigpit kasing pinakiusap ni daddy sa kanya na huwag muna kaming magpakasal dahil nag-aaral pa ako. Pumayag na nga silang ma-engaged kami. Hindi lang kasi makapag-hintay itong lalaking ito.

" Hindi naman natin ipapaalam. Magagalit si tito Adrian sa akin kapag nalaman nyang sinuway ko yung pakiusap nya. Pwede naman akong umuwi sa inyo, pumayag naman si tito Adrian kaya lang sa guest room lang ako."

" Hahaha. Paano yan bhi magkahiwalay tayo ng tulugan?"

" Pwede ba naman yun? Wag kang mag-lock ng pinto dahil lilipat ako dun pag tulog na silang lahat. "

" Hayun! dyan ka magaling! "

_____________

KINABUKASAN hinatid ako muli ni Gelo sa med school. Hindi na sya bumaba ng kotse dahil pinigilan ko. Tiyak na magkakagulo na naman kasi pag nakita sya.

" Sa condo na tayo uuwi mamaya ha? Doon ka hanggang sa makaalis ako papuntang Paris next week para sa shooting namin. Nag-usap na kami ng daddy mo. Nagpaalam na ako na dun muna kayo ni yaya Didang at ni Dindin habang wala ako, pinapasama na rin si Mang Simon para may driver kayo. Next week pa sila susunod. " turan nya. Yun pala ang pinag-usapan nila ni dad kanina habang gumagayak ako.

" Buti pumayag si dad? Lakas mo talaga dun! "

" Syempre naman, alam nyang love na love kita. " sagot nya habang kinukurot nya ako sa magkabilang pisngi na may halong panggigigil.

" Bhi naman!" reklamo ko. Ang sakit kaya nyang manggigil.

" Hahaha. Sorry baby! Sunduin kita mamaya ha? "

" Opo. Sige na uwi ka na. Ingat ka. " sabi ko tapos hinalikan ko sya ng mabilis sa labi. Pero hinila nya ulit ako at sya naman ang humalik. Mas matagal. Mas malalim yung tipong kinakapos na ako sa hangin. Buti na lang talaga tinted yung salamin ng kotse.

" I love you baby. Don't skip lunch, okay?"

" Okay. I love you rin bhi."

Naging maayos naman ang takbo ng klase namin ngayong araw. Nagawa ko naman lahat ng pinagagawa ng mga prof namin kahapon. Buti na lang tinulungan ako ni Gelo sa mga assignments ko kagabi. Siya ang taga-sulat ko. Ang dami ko kasing kailangang I-memorized. Ang hirap pa naman kabisaduhin nung mga medical terms. Good thing is, may Gelo ako na matiyagang tinutulungan ako sa mga tambak na school works. Kahit noon pa man, he is really a big help. Siya ang taga drawing ko kapag may projects ako. Ayaw na ayaw nya kasi na nahihirapan ako. Bopols kasi ako sa drawing.

Nung mag-uwian na ay nagmamadali ko ng hinatak si Charlotte at Venice papunta sa parking lot. Nami-miss ko na kasi si Gelo. Nagrereklamo pa nga sila dahil magre-retouch pa daw sila kasi may mga sundo rin pero pinandilatan ko lang kaya wala na silang nagawa.

Pero pagdating ng parking lot ay naglaho ang excitement ko na makita si Gelo dahil hindi lang si Kevin at Clyde ang kasama nya.

Mayroon pang isa na nagpasira ng araw ko.