Shanaia Aira's Point of View
NASIRA agad ang araw ko ng makita ko kung sino yung kasama nina Gelo sa parking lot. Ano naman kaya ang ginagawa ng babaing ito dito sa med school?
" Nandyan na pala kayo!" si Clyde ang unang nakapansin sa paglapit namin kaya napalingon na rin yun yung ibang kasama nya.
" Ah oo mukhang busy kayo dyan kaya hindi nyo napansin na kanina pa kami dito." sagot ni Venice sa nobyo.
Nakatingin lang si Gelo sa akin. Alam nya na kailangan nyang tumahimik kapag may ibang tao sa paligid.
" Ah nakita lang kami ni Ms. Charmaine dito, may taping sila dyan kanina sa katabi ng school nyo. " si Kevin naman ang sumagot.
" Oh hi girls! Pasensya na, namataan ko lang yung car ni Gelo na papasok dito kaya sinundan ko. Makikisakay sana ako kasi yung service ng network hindi pa dumarating, nasa casa pa rin kasi yung kotse ko. " maarteng turan ni Charmaine Gonzalo. Ang tindi rin nya, kabisado nya yung kotse ni Gelo?
" Mauna na kami sa inyo. " paalam ni Kevin at hinila na si Charlotte papunta dun sa sasakyan nila. Sumunod na rin si Clyde at Venice kaya kaming tatlo na lang ang naiwan.
" I didn't know na may sinusundo ka pala dito sa med school Gelo. Hindi ba siya yung younger sister ni Ms. Shane?" basag ni Charmaine sa katahimikan.
" Yeah.Siya yung tinarayan mo sa resto the last time." pabale-walang sagot ni Gelo sa kanya.
" Oh sorry about that. It's just that I'm not in a mood that time. " hinging paumanhin naman nya. Tumango lang ako.
" Okay, shall we? Ihahatid ka na lang muna namin sa condo mo Charmie, may dadaanan pa kasi kami ni Aira." untag ni Gelo.
" Ha? Yayayain pa naman sana kitang mag-dinner Gelo. Hindi ba aalis ka na next week para sa shooting nyo sa Paris?" sambit ni Charmaine na siyang ikinagulat ko. Anong karapatan nyang yayain si Gelo mag-dinner? Feeling nya may relasyon sila? Assuming!
" Uh sorry Charmie, may lakad ako kasama si Aira. " katwiran ni Gelo.
" Pwedeng ihatid mo na muna sya pagkatapos ng lakad nyo tapos mag-dinner tayong dalawa after that." pangungulit pa nya kay Gelo.
Malalim siyang napahugot ng hininga bago sya sumagot kay Charmaine. I know he's pissed but it didn't show in his handsome face. He just know how to deal with this kind.
" Charmie, marami akong kailangang asikasuhin dahil ilang araw na lang aalis na ako. I have priorities at isa na itong lakad namin ni Aira ngayon." mahinahon ang pagkakasabi nya kahit alam kong naiinis na sya. Hindi lang nya madiretso ang babae dahil hindi nya ugaling mambastos kahit nakukulitan na siya.
" Alright. Maybe next time. " nakasimangot na turan nya tapos nagmartsa na papunta sa kotse ni Gelo.
" Charmie!" tawag ni Gelo sa kanya.
" What?" naiinis na nilingon nya si Gelo.
" Dito ka sa back seat. Pwesto ni Aira yan." natigilan sya sa pagbubukas ng pinto ng shotgun seat. Nangunot ang noo nya sa sinabi ni Gelo.
" Bakit pati ba naman sa upuan ng kotse mo may exclusivity? Ano mo ba sya? Girlfriend?" naiinis na tanong nya. Kaya para huwag ng mainis lalo si Gelo, ako na ang sumagot.
" Ah sorry Ms. Charmaine. Simula nung unang araw na gamitin ni Gelo yang kotse nya, inilaan na nya yang passenger's seat sa akin, best friend seat yan at exclusive nga sa akin lang at kahit ang family nya alam yun." mahinahon kong paliwanag. Ikinataas naman ng kilay nya yung sinabi ko.
" Ang weird ah. Paano yung mga naging girlfriend ni Gelo, saan umuupo, sa likod dahil sayo nakalaan yang sa harap? Kaya pala sa likod ako pinaupo ni Gelo nun dahil sayo yang harap. Napakalaking privilege pala sayo ang pagiging best friend ni Gelo, you're so lucky kahit best friend ka lang!" mataray nyang turan. Here we go again.
" Charmie! Kung gaganyanin mo lang si Aira, mas mabuting itawag na lang kita ng Grab. Hindi nya kasalanan kung exclusive sa kanya yang seat sa tabi ko. Ako ang nagbigay nyan. Besides, I don't do girlfriends because Aira for me is enough. We've been together since we were kids and she's very important to me. Kaya kung gaganyanin mo sya hindi ako mangingiming iwan ka dito. She's my top priority and nobody can stop me from doing things for her. Lalo ka na, wala kang karapatan. " hindi nakakibo si Charmaine sa sinabi ni Gelo. Tila napahiyang pumunta na lang sa may back seat at tahimik na sumakay. Nagkatinginan kami ni Gelo. Naiiling sya samantalang nagkibit balikat na lang ako. Kung alam lang ni Charmaine na nagpipigil lang si Gelo sa kanya. At kung alam lang din nya na asawa ni Gelo ang tinatarayan nya.
Habang tinatahak namin ang daan papunta sa condo unit ni Charmaine ay walang nangahas na umimik man lang. Nang humimpil ang sasakyan ni Gelo sa harap ng condo ay mabilis na lumabas si Charmaine at nagsabi ng thank you ng hindi man lang kami nilingon.
Matapos ang mahabang buntung-hininga ay pinasibad na ni Gelo ang kotse.
" She's so demanding. Parang pag-aari nya ako kung magdesisyon sya. Ang pinaka-ayaw ko pa eh yung kung pagsalitaan ka nya akala mo may karapatan sya. Nagpipigil lang ako baby kanina, baka kung may gawin ako, ikalat pa nya sa media. Are you okay?" bigla nyang tanong.
" Yeah bhi I'm fine. Don't worry about me. Medyo nasira lang ng konti yung araw ko pero ayos lang ako. "
" Good. Next time hindi ko na hahayaang mag krus ang landas nyo, nakakapikon na kasi. Kahit sa set minsan ganyan yan, kawawa nga yung ibang staff at crew kung pagsalitaan nya. " kwento pa nya.
" Hay naku bhi, wala ng next time. Dahil kapag nakita ko sya, iiwas na ako ng kusa. "
Sa supermarket kami nagpunta ni Gelo matapos naming ihatid si Charmaine. Usapan na namin ito kahapon pa dahil wala na syang stocks na pagkain sa cupboard at sa fridge.
Marami kaming pinamili dahil ayaw raw nya kaming magutom pag-alis nya papuntang Paris. Lalo na para kay Dindin, binili namin halos lahat ng paborito ng bata sa breakfast.
I love doing small things like this with Gelo. Mas lalo kong nararamdaman ang pagiging mag-asawa namin sa mga ganitong simpleng bagay. Kahit nga nagdidilig lang kami ng halaman o nagsasampay ng damit basta magkasama kami, it means a lot. We both treasure every minute of being together. Kasi para kay Gelo, lahat ng sandali sa buhay namin dapat tine-treasure, gaano kaliit man yon. Yun bang pagdating ng araw na matanda na kaming pareho, mayroon kaming ire-reminisce na good memories.
Sometimes it's the little things, that make you feel more loved than you ever have before.