Marami sa atin ang gustong magkaroon ng minamahal at makakasama habang buhay.
Pero paano kung ang pag ibig na iyong hinahanap ay isa lang palang kalokohan na magdudulot ng paghihiganti at kamatayan
Tahimik na estudyante si Jessy at kilala bilang isang weirdong tao. Lagi syang may kinakausap sa hangin at may binubulong na kung anu ano.
Napag isipan ng magkakaibigan na sina Justin, Nikki, Cherry, Gerly at Clark na paibigin si Jessy at paglaruan ito ngunit isang pagkakamali pala ang ginawa nila.
Masaya ang buhay high school ng magkakaibigan ngunit nagbago ito ng may masamang nangyari kay Jessy at namatay.
Hindi nila alam na dito na magsisimula ang nakakagimbal at nakakatakot na laro na papatay sa kanilang buhay.
Prologue
Nandito ako ngayon sa park at inaantay si Clark para isurpersa sya sa aming 1st monthsary. May dala dala akong chocolate at flowers para ibigay sa kanya. I'm really happy because everything has changed. Naging masayahin ako nung naging kami.
"Oh Jessy nandito ka pala?" tanong nya sa akin na parang gulat na gulat
"Diba monthsary natin ngayon tsaka akala ko ba magdedate tayo?" nalulungkot na tugon ko. Rinig na rinig ko ang tawanan ng kanyang mga kaibigan.
"Hay naku Jessy kaawa awa ka naman, isa ka nga talagang uto uto at walang alam sa mundo" pang iinsulto ni nikki at bigla nyang hinawakan ang aking buhok at kinaladkad ako
"Ito ang bagay sayo. Sana mawala ka na sa buhay namin, you asshole" hindi ako makaalis sa pagkakasabunot nya sa akin. Wala akong karapatan lumaban dahil talo lang din ako
"Anong ibig mong sabihin?" hindi ko maintindihan ang sinasabi nila at heto ako ngayon sinasaktan ng kaibigan nya habang sya ay pinagtatawanan ako
Bakit?
Come on Bro just tell her the truth at baka lalong umasa ang stupidong yan
galit na sabi ni justin
"Ano bang sinasabi ng mga kaibigan mo?"
tanong ko sa kanya.
Sabihin mo hindi totoo ito na nagbibiro ka lang
Wala akong magawa kundi tiisin ang pananakit nila sa akin. Nanghihina na ako at hindi makatayo
"Isa ka talagang malaking tanga Jessy. Did you think na minahal talaga kita ng tunay? Ano ako tanga na papatol sa isang weirdong katulad mo? No way!" pagpapaliwanag na may dismayang sabi nya. Hindi mapigilang tumulo ng luha ko at tanggapin lahat ng sinabi nya. Sabagay sino ba naman ako para mahalin.
"Papaa...ano mo nagawa sa akin ito? Akala ko ba minahal mo ako?"
maraming tanong ang bumabagabal sa utak ko. Bigla akong nilapitan ni cherry at sinampal ng malakas
"Are you out of your mind? Sa tingin mo ba mamahalin ka talaga ni Clark? Impossible. Tingnan mo nga muna yung itsura mo bago ka mag assume. Your ugly face is freakin scary" pang iinsulto ni Cherry. Tiningnan ko ang mukha sa salamin. Isang panget maitim at nakakasulasok na mukha
"Bakit nyo ba ako ginaganito?" maluha luhang sabi ko. Simula ng maging kami ni Clark ay lagi nila akong sinasaktan
"Do you want to know? Because you are an ugly, bitch and a stupid person" pagpapaliwanag ni nikki . Sa sobrang galit ko ay bigla kong naitulak si Cherry.
Pinilit kong tumakbo ng mabilis habang pinupunasan ang aking luha. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Ngunit sa aking pagtigil ay may nakita akong sasakyan na papunta sa akin at
Boogs...
Gulat na gulat sina Clark sa nangyari kay jessy. Nakita nila itong duguan, bali bali ang buto at wasak ang ulo. Hindi sila humingi ng tulong at iniwan na nakahandusay sa daan pero bago sila nakaalis nakita nila itong nakatingin sa kanila at nakangiti.