Chereads / PLAY OF DEATH / Chapter 17 - JS PROM

Chapter 17 - JS PROM

Nakita ko syang papalapit sa amin at hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

"Kamusta guys?" nakangiting sabi nya sa kanyang mga kaibigan.

"Ang gwapo natin ngayon ah" sagot naman ni Justin. Tawanan lang sila ng tawanan habang nagkukwentuhan.

"Ikaw din naman eh.

Ang ganda natin ah, ang mga tatlong prinsesa" puri nya kina nikki. Grabe hindi ko maiwasang mainggit sa mga itsura nila.

"Excuse me anong ngayon, lagi akong maganda ano with or without make up" naiinis na sabi nikki. Tawa lang ng tawa si clark sa kanilang pinagsasabi. Nahihiya akong lumapit sa kanila kaya ibinaba ko ang aking ulo at may naramdaman akong papunta sa harap ko.

"You look gorgeous, jessy" sabi nya sa akin. Tiningnan ko ang mukha nya at sobrang gwapo nya.

"Salamat" tipid na sabi ko. Umalis na sya at bumalik sa kanyang kaibigan.

Naisipan kong lumipat at umupo sa isang tabi para walang makakita sa akin.

Dumating na ang Emcee at nagsimula. na ang program

"Good evening ladies and gentleman. I'm Alex Madrigal and this is Jelyn Sarmiento, we were going to be your Emcee for today" pagsisimula nila. Lahat ay nakatingin sa kanila at mga nakikinig.

"This day is really exciting, as you can see, all of them are beautiful and handsome right?" nakangiting sabi ng emcee

"Tama ka dyan partner, mukhang nagready talaga sila sa kanilang susuutin at parang walang nagpapatalo." dugtong naman ng kasama nya. Tumayo kami at nagpalakpakan ng dumating ang mga bisita.

"Before we start, let me call on the principal of this university, Mrs. Hannah Castillo for her message. Give her around of applause" paliwanag nya. Agad kaming nagpalakpakan at nagsimula ng magsalita. Habang nakikinig kami ay sumulyap ako kay clark at tiningnan sya, hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Tinanggal ko ang aking tingin at kunwari ay nakikinig sa principal para hindi nya ako mahalata.

"Good evening everyone. Its been a long year na nagkaroon ulit ng JS dito and now I'm really happy that we have. Alam kong lahat kayo ay nagready at hindi ko akalaing ganyan kagwapo at kaganda kayo. I hope you will enjoy this night. Thank you" mensahe ng principal. Lahat ay nagtawanan sa sinabi nya pero sana nga mag enjoy kami.

Pagkatapos ng pricipal magmensahe ay may mga estudyante na nag special number, mayroong kumanta, sumayaw at lahat kami ay mangha mangha sa aming pinanood.

Nag ayos na ang ibang section para sumayaw. Habang nanonood ako ay tuwang tuwa ako dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganto, yung akala ko hindi ako mag eenjoy mali pala. This is the best.

Nagready na kami dahil susunod na ang aming section. Habang nagsasayaw ang iba ay pumunta na kami sa partner namin at humanay sa tabi. Pagkatapos nila ay lumakad na kami isa isa papuntang gitna. Nanginginig ang kamay ko at kinakabahan.

"Huwag kang kabahan, ako ang bahala sayo" nakangiting sabi ni clark. Nginitian ko din sya at kumalma. Bigla nyang hinawakan ang aking kamay at hindi alam ang gagawin.

Take my hand, take a breathe

Pull me close and take one step

Keep your eyes locked to mine

And let the music be your guide

Bumibilis ang tibok ng aking puso habang nagsasayaw, hindi ako makapagconcentrate dahil nakatitig sya akin, ni hindi nga ako makatingin ng deretso sa kanya

Won't you promise me

(Now won't you promise me

That you'll never forget)

We keep dancing

To keep dancing wherever we go next

Its like catching lightning

The chance of finding someone like you

It's one in a million, the chance to feeling the way we do

Sa baba lang ako nakatingin dahil hindi ko kaya mag eye to eye sa kanya pero bigla nyang itinaas ang aking ulo.

And with every step together

We just keep on getting better

So can I have this dance?

(Can I have this dance)

Can I have this dance?

Oh, no mountain's too high and no ocean's too wide

'Cause together or not, our dance won't stop

Let it rain, let it pour, what we have is worth fighting for

You know I believe that we were meant to be, yeah

Binuhat nya ako at nagpalit palit ng partner. Ng makabalik ako sa kanya ay muntik na akong matumba, mabuti na lang hinawakan nya ang likod ko at oo magkapalit ang mukha namin sa isa't isa kaya bigla akong tumayo.

It's like catching lightning the chances of finding someone like you

It's one in a million, the chances to feeling the way we do

And with every step together

We just keep on getting better

So can I have this dance?

(Can I have this dance?)

Can I have this dance?

Can I have this dance?

Can I have this dance?

Nagsama sama kami para magbow, agad na akong pumunta sa bangko at iniwan syang mag isa. Wala ako sa katinuan ngayon. Tama ba yung ginagawa ko?

"For now lets just eat and later we will announce who will be the Ms. And Mr. JS and who will get the special award." paliwanag ng Emcee. Lahat ay excited mamaya at ako ay gutom na dahil sa nangyari kanina.

Dumating na ang food namin at nagsimula ng kumain. Halos lahat ay nagutom dahil napagod sa pagsasayaw at pagkatapos nito ay nagpahinga muna kami. Biglang dumating ang emcee at nagsalita.

"So now we we're going to announce the winner. For the best in dress is from BSED II-C, Jessy Carton and from the best in formal wear is from BSED II-E Daniel Ramirez" nakangiting sabi nya. Nagulat ako sa inanoumce nya, totoo ba yun? Tama ba yung narinig ko. Ako ba talaga ang tinawag o hindi? Nagpalakpakan ang mga kaklase ko at umakyat na ako sa stage. Sinuot nila ang sash at pinicturan kami.

Agad agad akong bumaba dahil hanggang ngayon ay nahihiya ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang nanalo.

"At ang pinakahihintay nyo. Who do you think will be the Ms and Mr. Js?" But before that may we call on the president of the university Mr. Robert De Guzman" Nabitin sila sa sinabi ng emcee kaya lahat ay nakasimagot. Nagpalakpakan kami at pinakinggan ang mensahe nya.

"Good day to all of this beautiful and handsome students like me. I am really happy dahil nag enjoy kayo sa inyong JS. Its been an honor para makita kayong lahat and good luck to everyone" paliwanag ng president. Kinakabahan lahat dahil iaanounce na kung sino ang tatanghaling winner.

"This is it guys. Pati ako kinakabahan. So now for Ms. JS is none other than Nikki Snow and for Mr. Js is Clark Harl" tuwang tuwa kami dahil sa section namin ang nanalo. Pero sa una pa lang alam ko na sila talaga dahil pareho silang maganda at gwapo. Agad na umakyat ang dalawa at inilagay ang korona.

"Congratulations to the winner and again I'm Alex Madrigal and I'm Jelyn Sarmiento. This is the moment that your waiting for, its time for your party party" sabay nilang sabi. Biglang pinatay ang ilaw at nagtakbuhan ang mga estydyante para sumayaw. Ang iba ko ding classmate ay tumayo at pumunta sa gitna, tinitingnan ko lang sila.

Nang tumugtog ang love song ay umupo na ang ibang estudyante. Pero ang iba ay sumasayaw pa din. Nakakakilig sila, ang sweet nila at naiinggit ako. Uminom na lang ako ng tubig at patuloy pa rin sa panonood.

Naiwan akong mag isa sa mesa dahil sina nikki ay inaya ng mga lalaki at si justin naman ay may kasayaw din pero hindi ko nakita si clark.

Habang nanonood ako ay may isang kamay sa harap ko, si clark. Inaya nya akong sumayaw pero agad akong tumanggi dahil hindi naman ako mahilig. Bigla nyang hinila ang kamay ko at dinala sa gitna.

Hinawakan nya ang beywang ko at kamay at hinawakan ko ang balikat nya. Habang sumasayaw kami ay tinititigan nya ako.

"Ang ganda mo pala" sabi nya sa akin, hindi ko sya pinansin at sumayaw na lang. Nagtanong si clark ng kung anu ano pero mas nagulat ako sa huli nyang sinabi.

"Nakakahiya man itanong pero pwede ba ako manligaw?" seryosong tanong nya. Napatigil ako sa ginagawa ko at umalis sa pagkakapit sa kanya para umupo.

Hindi kami nag imikan hanggang matapos ang party. Ala 1 na ng madaling araw kami nakauwi at tinatawagan ko ang aking nanay para sunduin ako pero cannot be reach lagi ang sinasabi ng bigla akong tinawag nya.

"Jessy ihahatid na kita sa inyo kung ok lang sayo?" sabi nya. Umoo ako at sumakay sa sasakyan nya. Habang nagdadrive si clark ay tahimik lang ako at walang kibo.

"Pasensya na nga pala kanina sa tinanong ko sayo? Mukhang nagulat ka ata" paghingi nya ng paumanhin.

"Ok lang un" natatawang sabi ko.

"Cge" maikling sabi ko. Tumingin ako sa kanya at kumunot ang noo nya.

"Anong cge?" naguguluhan nyang tanong. Hindi nya naintindihan ang sinabi ko kaya nilakasan ko ang aking loob para sabihin ulit sa kanya.

"Cge pumapayag na ako sa sinabi mo, ok lang na ligawan mo ako" nahihiyang sabi ko. Nakita ko sa kanyang labi ang pagngiti at ako ay hindi ko msiwasang kiligin.

Dumating na ako sa bahay at sinabi nya na susunduin nya ako bukas. Tumango ako tanda ng aking pagsang ayon. Inantay ko muna sya umalis at kumaway sa kanya.

Grabe hindi ko akalaing ganto ang mangyayari sa akin. Sana hindi ako nananaginip na totoo ito.