Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong pagsisinungaling sa tatay ko pero sa tingin ko ito ang tamang paraan para walang masaktan at magkagulo.
"Yuck! Nakita nyo ba ung sinakyan nya bulok na kotse? That is so crazy. Sabagay mahirap eh hahaha" pandidiri nila sa akin. Agad na lang ako umalis at dumeretso sa bangko para at nagbasa ubusin ang natitirang oras.
Dumating na ang aming teacher at nagsimulang magturo
"Good morning Class" pagbati nya ng may ngiti
"Good morning maam" sagot namin ng sabay sabay
"So ngayon wala na naman tayong class. I'm sorry kung hindi ako nakapatuturo sa inyo" malungkot na sabi nya. Lahat ay masaya dahil wala na naman magtuturo sa amin. Sya kasi yung teacher naming laging busy at hindi nakakapagturo.
"Since na I have a lot of things to do magpapaiwan na lang ako ng gagawin nyo." paliwanag nya. Lagi syang ganto magpapaiwan na lang g gagawin pero hindi naman alam kung paano.
"So ang gagawin nyo ngayon ay magreresearch kayo, you can choose your topic pero dapat hindi magkakapareho and you can only choose your partner. Is that clear?" pagpapaliwanag nya. Lahat ay sumang ayon sa sinabi ni maam
"Yes maam" sagot namin ng masayang masaya
"Ok so see you in my next class" pagpapaalam ni maam ng nagmamadali at hinahabol ang oras.
Mukhang mahihirapan ata ako maghanap ng partner dahil ayaw naman nila ako maging kasama. Pero ok lang sa akin kaya ko na naman gumawa mag isa eh kaya ako na lang siguro.
Biglang may tumawag sa akin
"Psst" tawag ng nasa tabi ko. Bigla ko syang tiningan at nakita ko si clark pala
"Wala ka pa bang partner? Gusto mo tayo na lang?" seryosong tanong nya
"Bakit? Diba may mga friend ka naman? Bakit hindi sila ang ipartner mo?" sagot ko sa kanya
"May mga partner na sila eh. Si Justin ang partner si Nikki tapos si Cherry naman si Gerly ang kapartner kaya ako na lang ang wala" nakasimangot na sabi nya. Pumayag na ako sa gusto nya tutal kami na lang ata ang walang partner
"Sige tayo na lang" ngiting sabi ko. Bigla syang lumapit sa akin at bumibilis nag tibok ng puso ko. Hindi kk alam kung anong nangyayari sa akin.
Napansin ni Clark na namumula ang mukha ko
"Ayos ka lang ba? Namumula kasi yung mukha mo eh" tanong nya habang nakatitig sa akin
"Hahaha ok lang ako, ang init kasi dito sa room natin eh" natatawang sagot ko. Ano bang nangyayari sa akin ba ngayon ko lang ito naramdaman sa buong buhay ko
Ano ba ang ginagawa mo?
"So ano ba ang gagawin natin?" tinitigan nya ako ng malapit at seryosong seryoso
"Huy" sigaw nya. Hindi ko napansin na tinatanong nya pala ako
"Ahhh ano ba?" putol putol na sabi ko. Natatawa ako sa aking mga ginagawa
Lumayo na ako sa kanya at tumigil sa aking ginagawa dahil alam kong nakatingin ang mga kaklase ko sa aming dalawa ni Clark.
"Talagang ang lakas ng loob nyang kausapin si clark" naiiritang sabi nya
"Tsaka na lang tayo mag usap. Sa isang buwan pa naman ang pasukan kaya madami pa tayong araw. Sasabihin ko na lang sayo kapag may naisip na ako" nahihiyang sagot ko sa kanya
Biglang bumalik si Clark sa kanyang bangko.
"Hey weirdo" sigaw sa akin ng kaklase ko
Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang kanyang ginawa
"Fuck you" madiing sabi nya. Agad ko na lang ibinaling ang aking sarili sa pagtingin sa labas
Matatapos na ang aming first class at dumating na ang next. Habang nagtuturo ang teacher namin ay hindi ko makalimutan ang nangyari kanina. Kaya hindi ko narinig na tinatawag pala ako ng teacher namin.
"Excuse me miss" tanong sa akin
"Yes sir?" naguguluhang sabi ko
"I asking you a question at nakatulala ka lang dyan" galit na sabi nya
"I'm sorry sir" malungkot na sagot ko
"Next time if you don't want to listen in my class you can go" seryosong sagot. Agad akong umupo at ibinaba ang aking ulo sa sobrang hiya. Naririnig ko na naman ang bulungan nila
"Hays kawawa ka naman, napahiya ka tuloy" bulong ni nikki sa akin
"Excuse me. The girl in the back. Are you in my class?" biglang tanong ni sir. Si nikki pala ang tinawag
"Of course sir. Why?" maarteng sabi nya habang nakapameywang
"Kung gusto mo lang makipag usap pwede ka naman lumabas if you don't want to listen in my subject, bukas ang pinto you can go" seryosong sagot ni sir. Lahat ay nakatingin kay nikki. Alam kong napahiya sya. Agad akong natawa pero hindi ko ito ipinakita at nakita ko din si Clark na natatawa.
Kring kring kring
The bell rang at tapos na pala ang klase. Its al ready lunch at inayos ko ang gamit ko para dumeretso sa canteen.
Kumuha na ako ng pagkain at umupo sa bakanteng mesa. Nakita ko si clark na papunta sa aking kinauupuan.
"Pwede bang makishare sa mesa?" nakangiting tanong nya
"Oo naman, akala ko lang naman mag isa dito eh" nakangiti ding sabi ko
"Salamat" pagsagot nya. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na titigan sya
"So lets eat" sabay kaminh kumakain habang nagkukuwentuhan
"Mabuti nangiti ka na kasi nung una kitang nakita lagi kang seryoso eh" birong sabi nya. Totoo naman talaga hindi ako nangiti kahit isang beses, ngayun lang
"Ah hahaha" tipid na sagot ko. Wala akong maisip kung ano bang sasabihin ko
Pagkatapos naming kumain ay sabay na kaming dumeretso sa room pero pinauna ko na sya dahil ayokong makita kami ng aming mga kaklase at ayokong may marinig na masasama tungkol sa akin.
Its 12:30 at 1:00 pa ang aming klase. Kaya nahiga muna ako habang inaantay ang aming next na teacher.
Biglang dumating ang teacher namin ng nagmamadali at nag anounce lang sya
"Ok class. Ngayon wala tayong klase kaya maaga kayong makakauwi" hindi pa natatapos ang sinasabi ni sir ng biglang nagsigawan sila. Masayang masaya sila dahil wala na namang klase
"Nagkaroon kasi ng meeting tungkol sa gaganaping JS nyo. Pero hindi pa alam kung kailan kaya may time pa kayo para magready so thats it. Goodbye class" pagpapaalam ni sir. Agad syang lumabas ng room
Lahat sila ay excited sa JS Prom at nag iisip ng kanilang susuutin habang ako ay hindi masaya dahil hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganun kaya baka hindi na ako umattend.
"Excited na ako mag JS Prom. Ano kayang masuot? Siguradong ako ang mananalo at magiging Miss JS Prom 2019" masayang sabi ni nikki. Mukhang alam nya na sya ang mananalo, sabagay maganda sya at matangkad.
"Oo nga Nikki I'm agree with you at tsaka ako naman ang magiging best in casual wear" pagsang ayon ni Gerly. Lahat sila ay confident na mananalo.
Bigla akong kinalabit ni Cherry
"Ikaw ba sasali sa JS Prom?" tanong sa akin ni Cherry
"Ah naku hindi, hindi naman ako mahilig sa ganyan at tsaka parang hindi naman ako bagay dun" nakangiting sagot ko sa kanila
"Mabuti naman at alam mo, tsaka sayang ang pagsusuot mo ng dress kung mukha ka namang halimaw kaya kung ako sayo huwag ka ng sumali. Baka mapagkamalan ka pang Halloween ang sinalihan mo" pang aasar nila sa akin. Wala akong nagawa kundi tumahimik at marinig ang malakas nilang tawa
Kinuha ko na lang ang aking gamit at naglinis na. Naalala ko cleaners pala ako.
"Alam ko namang kaya mo na yan mag isa kaya mauna na kami sayo weirdo" pagpapaalam nina Gerly. Wala akong nagawa kundi umoo na lang sa kanila.
"Sya nga pala ikaw na din pala ang magtapon ng basura ha?" tanong nya sa akin ng nang iirita. Hindi ko na lang sila pinansin at sinimulan na ang paglilinis. Lagi na lang ako mag isa naglilinis kaya ako ang naiiwan dito.
Ako na lang pala ang mag isa dito kaya binilisan ko ang pag aayos at nilock na ang pinto. Nagsimula na akong maglakad ng biglang may tumigil na sasakyan sa akin.