Chereads / PLAY OF DEATH / Chapter 9 - PROJECT

Chapter 9 - PROJECT

JESSY'S POINT OF VIEW

Nandito ako sa bahay at inaayos ang aking sarili. Wala kaming klase at nagdesisyon kami ni clark na ngayon gawin ang aming project. Sabi nya antayin ko na lang daw sya at susunduin nya ako sa amin pero tumanggi ako dahil kaya ko naman umalis mag isa, sa huli wala din nangyari at napapayag nya lang din ako.

I tried to fix myself para maging isang tao naman ako at komportable but I can't, ni hindi ko nga maayos ang buhok ko na parang bunot. May narinig akong tunog ng sasakyan na papunta sa bahay namin at agad akong sumilip sa bintana.

Its him clark. He is waiting for me. Agad akong nagmadaling bumaba dahil ayoko naman pag intayin sya ng matagal. Nagpaalam na ako sa nanay ko para umalis.

"Nay aalis na po ako" nagmamadaling sabi ko

"Oh san ka pupunta?" tanong nya sa akin ng nakakunot ang noo

"Ah maggagawa lang po kami ng project ng classmate ko" maikling sagot ko. Agad na akong lumabas kahit hindi pa sya nasagot. Nakita ko si clark and she waved at me. Hindi ko na lang ito pinansin at pumasok na sa loob ng sasakyan. Hindi pa ako nakakaupo ay may nakita akong babae.

"Oh ano pang iniintay mo dyan?" naiiritang tanong nya, si nikki pala. Tumingin ako kay clark and I asked him.

"Kasama din ba si nikki?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ayaw mo ba ako isama"? nanlalaking matang sabi nya.

"Hindi naman sa ganun tsaka diba may kagroup ka?" mahinahong sagot ko kay nikki

"Eh pakialam mo, gusto kong sumama sa inyo ah and besides he is my friend and I asked my maam if its ok to have 3 groups then he said yes so you don't have any choice." mahabang paliwanag nya. Hindi na lang ako nagsalita at wala ng nagawa kundi umoo at tiisin ang ugali nya.

Habang paandar ang sasakyan ay tahimik lang ako at walang kibo. I'm really thirsty at gutom na, nahihiya naman akong magsabi kay clark lalo na at nandito si nikki then I saw a hand in front of me and I saw foods and water. Clark gave me this.

"Kumain ka muna baka nagugutom ka na, medyo matagal pa ang byahe natin." nakangiting sabi nya. Agad kong kinuha ito t nagpasalamat

"Salamat dito" nakangiti ding sabi ko. Agad akong napatingin sa kanan ko

"What are you looking at me?" tanong ni nikki. Tinanggal ko na lang ang aking tingin sa kanya at kumain.

Its already 10:30 and I decided to get my books in my bag para malibang naman ako habang wala pa kami sa pupuntahan namin. While I'm reading biglang tumigil ang sasakyan at ibig sabihin nandito na kami.

Agad akong lumabas at nakita ang isang napakalaking bahay. Ito na siguro ang sinasabi ni clark. Hinanap ko sya at si nikki then I saw them talking to each other. Nakita nila akong nakatingin sa kanilang dalawa kaya tumigil sa pag uusap. Wala akong inisip na kung anu ano.

"So ano ba ang una nating gagawin?" maikling tanong ni clark.

"Siguro dapat magsimula na tayong magtanong para maaga tayo makauwi at baka gabihin pa tayo. Nagsabi pa man din ako sa nanay ko na uuwi agad ako" pagpapaliwanag ko sa kanila. Agad namanng sumang ayom si clark sa mga sinabi ko.

"Duh magpahinga muna kaya tayo, nakakapagod bumyahe ano" maarteng sagot ni nikki. Hindi na lang namin sya pinansing dalawa

"Magpahinga na muna kayong dalawa habang ako ay magtatanong na para maunti na lang ang gagawin natin mamaya at tsaka hahanapin ko din yung caretaker nitong bahay para makita natin yung loob" paliwanag ni clark. Tumango na lang ako at agad na syang umalis. Inilibot ko muna ang aking mga mata at tiningnan ang bahay. Nakakatakot pala talaga ito. Wala na sigurong tumitira dito.

"Mukhang nakakatakot ang bahay na ito ah" sabi ko habang nakatingin dito

"Hahaha are you kidding? Wala naman nakakatakot dito no, luma na sya parang ikaw and ang alam mo mas malala pa nga yung bahay nyo dito eh, kaya pala ito ang pinili nyo kasi bagay sayo" pang iinsulto ni nikki at bigla nya akong nilapitan.

"Boo" sigaw nya sa akin. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Rinig na rinig ko ang pagtawa nya. Dapat pala hindi na ako sumama kung ganito lang mangyayari.

"Weirdo, weirdo" natatawang sabi nya. Agad na lang akong lumayo sa kanya at bumalik sa aking ginagawa.

"Kawawa ka naman jessy" malungkot na sabi nya. Hindi ko maintindihan ang kanyang pinapahiwatig kaya hindi ko na lang sya pinansin.

Biglang dumating si clark at may kasamang matandang lalaki. Sya na siguro yung caretaker na tutulong sa amin.

"Good afternoon po" magalang na bati ko

"Good afternoon din iho at iha" nakangiting tugon nya. Mukhang matagal na syang nag aalaga nitong bahay base sya mukha nya. Mga 70 na siguro sya.

"Ako nga pala yung magiging guide nyo sa bahay nato. Ako nga pala si Mang Danny" masayang paliwanag nya

"Ako nga po pala si Jessy, eto naman po si clark at si nikki naman po" pagpapakilala ko sa aming tatlo

"Whatever" nakasimangot na sabi ni nikki. Agad na kaming pumasok sa loob at sinimulan na magtanong ni clark tungkol sa bahay

"So magbibigay lang po ng ilang katanungan sa inyo. First po is gaano na po katagal ang bahay na ito?" tanong ni clark sa caretaker

"Mga animnaput tatlong taon na ito. Marami na gustong bumili nitong bahay pero sa huli tumatanggi sila dahil may nararamdaman daw silang hindi nila maipaliwanag" seryosong sagot nya. Natakot ako sa sinabi ni Mang Danny.

"That's hilarious, this old house? wala namang nakakatakot dito ah, mas nakakatakot pa nga sya eh" matapang na sabi ni nikki. Tinuro nya ang aking mukha habang nang iinis. Nagpatuloy na lang ng pagsasalita si Mang Danny ng nagtanong ulit si clark

"Eh kailan po ba itinayo itong bahay?" sunod na tanong ni nikki

"Matagal na matagal na baka mga 60's. Bata pa lang kasi ako nakatayo na ang bahay na ito" paliwanag nya sa amin. Hindi mo aakalaing na this house is really old dahil maganda pa sya the problem is madumi lang at hindi nalilinis.

I decided to take a picture and video while clark is asking a question para may maipakita sa aming presentation and then pumunta kami sa second floor para makita pa ang loob.

"Ang laki po pala nitong bahay" gulat na sabi ko. Hindi mo aakalaing sobrang lawak ng loob nito.

"Oo, sa sobra ngang laki at ganda nito ginawa na itong bakasyunan ng mga nadayo pero dahil nga sa nangyari ay wala ng bumabalik at mag stay kahit isang araw" malungkot na paliwanag ni Mang Danny.

"Ang papangit naman ng mga tanong nyo. How about the people who live in this freaking house? Do you know them?" tanong ni nikki sa caretaker

"Ah oo mag asawa sila, si Jenny at Larry." sagot nya sa amin

"That's good so can you tell us a brief story about them?" tanong ulit ni nikki. Mukhang nagiging interesado din sya sa lumang bahay na to.

"Matagal na silang mag asawa at nanalangin na magkaroon ng anak. Dahil sa kanilang kabaitan ay binigyan sila kaya inalagaan nila ito ng mabuti, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkasakit ito sa hindi malaman na dahilan. Dinala na nila sa ospital ito at kahit sa albularyo pero hindi pa rin nagamot.

Hindi ito kinaya ng bata kaya binawian din ng buhay. Sobrang nadepressed si Jenny at nabaliw, lagi syang may kinakausap sa kanyang kwarto. Nung pagpunta nila sa kwarto nito ay nakita nilang itong nakabigti, huli na ng nalaman ng kanyang asawa. Sa sobrang lungkot sa pagkawala ng dalawa nyang pinakaminamahal sa buhay ay nagpakamatay na din ito." paliwanag ni Mang Danny. Nalungkot ako sa sinabi at sobrang natakot ng bigla na lang akong napasigaw

"Ahhhhh" malakas na sigaw ko. Nagulat sila pati ang caretaker sa aking ginawa.

"Sorry po" pagbibigay ko ng paumanhin. Sgiurado ako na may nakita akong babae na lumalakad at alam kong sya yun, si jenny.

"Ano bang sinisigaw mo dyan" galit na tanong ni nikki

"May nakita kasi akong babae eh" natatakot na sabi ko. Hindi ko mapigilan ang lakas ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba kaya bigla ko na lang tinuro ang kwarto kung saan ko nakita yung babae.

"Wala naman ah. Kung sa tingin mo matatakot mo kami then go, you can't scare me bitch, mas matapang pa ako sayo" mataray na sabi nya sa akin

"Sige po aalis na po kami Mang Danny. Salamat po ng marami sa oras nyo. It will help us para po maging maganda ang aming project" nakangiting pagpapasalamat ni clark. Tumango na lang ako at nagpasalamat din.

"Walang anuman, o sige samahan ko na kayong bumaba at baka malaglag pa kayo" nakangiting sagot nya sa amin

Nauna na akong bumaba sa sobrang takot at muntik ng malaglag. Iniwan na kaming tatlo ng caretaker pero sumama na rin si clark para bumili ng aming kakainin at umalis din si nikki, hindi ko alam kung saan ito nagpunta at iniwan nila akong mag isa.

Nararamdaman ko ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat at parang may nakatingin ng biglang may kumalabit sa akin at....

Ahhhhhh