Chereads / PLAY OF DEATH / Chapter 10 - NIGHTMARE

Chapter 10 - NIGHTMARE

"Aaah" sigaw ko ng biglang may humawak sa aking likod. Tumaas ang balahibo ko nang may nakita akong babae na nakataklob ang mahaba nyang buhok sa kanyang mukha.

"Hahaha" narinig ko ang pagtawa nya at nawala ang aking takot ng nakita ko sya, si nikki pala.

"Nakakatawa naman ng mukha mo kapag natakot, parang naghihingalong hayop, That's so embarrasing." pang iirita sa akin nya. I just pretend that I didn't hear something. Eto na lang lagi ang gusto nyang gawin ang manusot at laruin ako na parang hindi ako tao pero wala naman akong choice kundi pakisamahan sya ngayon dahil sa project namin at kung hindi ay babagsak kaming lahat.

"So how's your day with Clark?" nakangiting tanong nya sa akin habang hawak ang buhok nya

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" nag aalinlangan na tanong ko. Hindi ko naman kasi maintindihan ang kanyang sinasabi.

"Ah wala, mukhang hindi mo naman mo ako maiintindihan lalo na at makitid ang utak mo" seryosong sabi nya. Agad namang dumating si Clark na may dala dalang pagkain.

"Kain muna tayo bago umuwi, matagal pa ang byahe natin" sabi ni clark sabay abot ng pagkain. Agad na kaming nagsimulang kumain tatlo.

Nakita ko sila na nagkukwentuhan habang ako ay tahimik na nakatingin sa kanila. They are so lucky dahil may mga kaibigan sila pero ako I'm alone, always alone.

"This is the worst day of my life. I can't take this anymore at nakakapagod ano. Sa susunod kayo na lang ang gumawa at hindi ko kaya ang ganito" reklamong sabi ni nikki, I saw clark laughing and he is looking at me.

"At least natapos naman natin yung project" masayang pagmamalaki ni clark

"Oo nga, buti na lang natapos natin within one day at tsaka hindi tayo gagabihin" pagsang ayon ko sa sinabi nya. Wala na kaming problema ngayon. We can do anyting we want and we can rest.

Sumakay na kami sa sasakyan at habang nagdadrive si clark ay biglang may narinig kaming sumabog at umuga ang sasakyan.

"What's that?" seryosong tanong ni nikki

"I don't know, baka naflatan tayo ah. Fuck, kung kailan naman gabi na. I will just check outside" naiinis na sagot ni clark. Agad na syang lumabas at sumunod kaming dalawa ni nikki, he's right naflatan nga kami at wala kaming tools para gawin ito, beside wala naman sa aming marunong.

"Oh my god! This can't be happening. Look its really dark" galit na sabi ni nikki. Kitang kita ko na naiinis na sya.

"Just calm down ok? All we need to do is kailangan makahanap tayo ng tutulong sa atin, siguro meron namang ditong malapit na bahay." mahinahong sabi ko sa kanila. All we need to do is to calm down at ask some help

"Are you blind weirdo? Did you think talaga na may makikita pa tayong bahay at tao sa sobrang dilim na lugar na ito? mag isip isip ka nga" galit na sabi ni nikki sa akin. Sana pala nanahimik na lang ako at hindi na kumibo.

"Pwede ba huwag na kayong nag away. I can take care of this. Ako na ang hahanap ng tulong dito na lang kayo" pag awat sa amin ni clark. Tumango na lang ako sa kanyang sinabi.

"I will come with you" sagot ni nikki. Mukhang ayaw nya talaga akong kasama

"Walang kasama si Jessy at tsaka delikado dito" nag aalalang sabi ni clark. Tama sya, its really dark at napakadelikado talaga lalo na at malayo kami sa baryo.

"Come on clark kaya na yan ni jessy mag isa dito. Wala namang kukuha dyan baka matakot pa nga sa kanila yan eh. Sa tingin mo ba may kukuha dyan at magbabalak ng masama?" pang iinsulto nya. Hanggang sa ganito ba namang sitwasyon namin ay hindi pa rin sya tumitigil?

"Tama na nga nikki. Ok lang ba na mag isa ka dito? Kung gusto mo tayo na lang tatlo ang pumunta. Wala naman sigurong kukuha ng saskyan natin eh." seryosong tanong ni clark habang nakatingin sa mukha ko

"Ah hindi na maiwan na lang ako dito kaya ko naman mag isa. Ako na lang magbabantay dito sa sasakyan. Dito naman ako sa loob eh para safe" pagsang ayon ko. Hindi ko masabi sa kanila na ayoko pero umoo na ako at hindi ko na yun mababawi.

"See? I told you, kaya na nya ang kanyang sarili" galit na sabi ni nikki kay clark.

"Oh sige pumunta ka na sa loob at maghahanap na kami ng makakatulong sa atin para makauwi na agad tayo" nakangiting sabi nya habang si nikki ay iniirapan ako.

"Sige ingat kayo" maikling sagot ko. Bigla na silang umalis at ng malayo na sila ay nagdesisyon na akong pumasok sa sasakyan. Nilock ko ang pinto at pinakalma ang sarili.

"Kaya mo yan. There's nothing wrong happened to you. I swear" matapang na sabi ko sa aking sarili. I tried to calm down pero hindi ko magawa. Dahil sa panonood ko ng horror movie ay marami tuloy akong naiimagine na kung anu ano, white lady, pugot na ulo.

I hear some footsteps at papunta ito sa sasakyan. May nakita akong babae na nakaputi, mahaba ang buhok at maputla. Malapit na sya sa sasakyan, hindi ko mapigilan ang aking kaba at lumalakas ang tibok ng pusok ko.

Kitang kita ko ang duguan nyang mukha na nanghihingi ng tulong, punung puno sya ng dugo at wasak ang kanyang mukha. I tried to close my eyes and pray.

"Jesus please tulungan nyo po ako. Alam ko pong guni guni ko lang ito. Guide me and protect me" nanginginig na dasal ko. I opened my eyes at nawala na ang aking takot ng nawala na sya, the girl that I saw. Lumuwag na ang aking pakiramdam at nilakasan ang loob para buksan ang bintana.

Pagkabukas ko ay biglang may humigit sa aking kamay at nakita ang duguan na humahawak sa akin.

"Aaahh tama na please" sigaw ko ng naluluha na, then I hear a familiar voice. Kilala ko kung sino yun.

"Uy Jessy, ok ka lang ba?" tanong nya sa akin. Pinahid ko ang aking luha at pinakalma ang sarili.

Akala ko totoo yung kanina, dahil sa sobrang takot ko ay kung anu ano na ang aking naiimagine.

"o..ook lang ako" putul putol na sagot ko sa kanya.

"Ano ba kasing nangyari sayo at iyak ka ng iyak?" tanong ni nikki. Sinabi ko kung ano ang nakita ko.

"May babae kasi sa labas at punung puno ng dugo tapos...." hindi pa natatapos ang aking sasabihin ng biglang nagsalita si Clark

"Its just your imagination, wala naman kaming nakita eh. Don't worry makakauwi na tayo tsaka nakahanap na kami ng mag aayos ng ating sasakyan." masayang sabi ni clark. Napangiti ako dahil sa wakas ay makakauwi na kami. Inantay na lang namin na matapos gawin ang sasakyan and now we are ready to go home.

"Oh ayan tapos na, pwede na kayong umuwi" hinihingal na sabi ni manong.

"Salamat po. Ito nga po pala tanggapin nyo po sa pagtulong nyo po sa amin" pagpapasalamat ni clark. Nakita ko na may binigay syang kaunting pera para sa pag aayos ng sasakyan pero tinanggihan ito ni manong. Hindi pumayag si clark kaya kinuha din ito

"Salamat po ulit. Sige po mauna na po kami" nakangiting sabi ni clark. Inantay muna naming umalis si manong at agad na rin kaming umalis at nagpahinga na.

Its already 10:00 in the evening ng nakauwi na kami. Hinatid muna ako ni clark sa bahay namin bago sila umalis at pumasok na ako sa bahay.

"Bakit ngayon ka lang? Anong oras na ah" galit na may pag aalaang sabi ni nanay. Hindi pa pala sya natutulog at inantay akong umuwi.

"Pasensya na po nay. Madami pa po kasi kaming ginawa bago po matapos yung project namin. Naflatan pa po kasi kami kaya ngayon lang po kami nakauwi. Pasensya na po ulit nay" pagpapaliwanag ko sa kanya ng may malungkot na tono

"Sa susunod magtext ka naman ha at huwag mo akong pag aalalahanin" malungkot na sabi nya. Agad ko syang niyakap at hinalikan sa pisngi

"Opo nay. Sige po akyat na po ako, pagod na pagod po ako eh tsaka maaga pa po gising ko bukas." sagot ko sa kanya. Tumango na lang sya at umakyat na ako kwarto.

Ang sakit ng ulo ko at nahihilo dahil sa nangyari kanina, a0gad na akong nagpalit ng damit.

"Imagination mo lang yun Jessy ok?" mahinahong sabi ko sa aking sarili. Agad na akong nahiga at hindi pa rin makatulog kaya napagdesisyunan kong bumaba muna at kumuha ng tubig para pakalmahin ang sarili.

Umakyat na ulit ako sa kwarto pagkatapos uminom. Pinipilit kong kalimutan ang nangyari but I can't. Nagtaklob na lang ako ng kumot at iniisip kung totoo ba ang nakita ko.

Its just your imagination