Chereads / PLAY OF DEATH / Chapter 16 - FALLING INLOVE

Chapter 16 - FALLING INLOVE

Wala kaming pasok dahil ang ibang teacher ay may seminar kaya nag ayos na ako ng sarili dahil naalala ko na ngayon pala ang praktis namin sa JS at baka hapunin kami. Sabi kasi maam since na wala naman kaming gagawin ay magpraktis na lang.

Naisipan kong magdala ng bag para ilagay ang mga gamit ko. Nagpaalam na ako sa nanay ko at nagdala ng snack.

Pagkadating ng bus sumakay na at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Mabuti na lang hindi ako nakalampas sa school. Nakita ko ang mga kaklase ko na papunta sa gym kaya sumunod sa kanila.

"Good morning class. Since that you are complete, let just start our practice" sabi sa amin ni maam. Pumunta na kami sa kanya kanyang partner at nagsimula na.

"Make a circle shape and then while you are dancing, the girls will turn around and move to the boys, just comtinue moving ok? and after you go back to your respective partner, you need to return to your previous position" paliwanag nya. Habang ginagawa namin ang sinasabi nya ay nagkakagulo kami dahil ang iba ay mali ang ginagawa pero naayos din naman agad namin ito.

Tanghali na ng natapos ang aming praktis kaya pinaglunch muna kami ni maam. Lumabas kami at nakita ko sina nikki papuntang restaurant.

Ayoko sanang sumama kasi sakto lang ang perang dala ko kaya lang ako ang maiiwan dito sa school. Pagkapasok namin sa loob ay pumunta na kami sa counter para umorder.

"Good afternoon maam and sir. Can I take your order?" tanong ng babaeng crew. Tumingin si clark sa menu para pumili ng aming kakainin.

"Uhmm can we have 5 Beef Steak and Ice Cream" sagot ni clark. Nagulat ako sa sinabi nya. Seryoso ba sya 300? Ang mahal ng pagkain na pinili nya. Dapat pala hindi na talaga ako sumama.

"I will repeat your order, 5 Beef Steak and Ice cream. The total is 1500 but it is ok to you sir if you will wait it for 10 minutes?" sabi ng crew. Tumango si clark at nagbigay na sila ng mga bayad. Tiningnan ko ang wallet ko at eto kulang ang pambayad ko tapos mamamasahe pa pala. Oh my God.

"Are you ok jessy? May problema ba?" malungkot na tanong ni clark. Tumingin ako sa kanya.

"Ah ok lang ako, kulang pala yung dala kong pera" natatawang sabi ko. Dapat pala humingi ako ng extra sa nanay ko kung ganto ang mangyayari. Nakita ko sya na kumuha ng pera sa wallet nya at ipinagbayad ako, tumingin sya sa akin ng nakangiti. Agad akong nagpasalamat at lumakad na papunta sa mesa.

"Kung wala kang pera dapat hindi ka na sumama ano ka paispesyal para ipagbayad ni clark? Hindi porket kaclose ka na nya ay kakapalan mo yang mukha mo" galit na sabi ni nikki, hindi na lang ako kumibo at ibinaba ko ang aking ulo. Biglang dumating si clark dala dala ang pagkain namin.

"Salamat dito. Bayadan na lang kita pagpasok natin" maikling sabi ko. Tumanggi sya na magbayad ako sa kanya. Sabay sabay na kami kumain, lahat ay nagkukwentuhan habang ako ay tahimik sa isang sulok.

Pagkatapos namin ay naghugas na kami ng kamay at bumalik na agad sa school.

Ang iba kong kaklase ay nasa labas pa at ang iba naman naglalaro. Pumunta na lang ako sa gym para doon ubusin ang oras. Habang nagpapahinga ay biglang dumating na ang teacher namin kaya tumayo na ako at nagsipasukan na sila.

"Class diba sabi ko sa inyo humanay na kayo para maaga tayo makauwi" sigaw ni maam. Lahat ay natakot at pumunta sa kanilang mga partner. Nang tumugtog ang kanta ay nagsimula na kami. Tuwang tuwa ako dahil wala ng nagkakamali sa amin at nakailang practice para maperfect ang sayaw.

Alas singko na kami natapos kaya inayos na namin ang mga dalang gamit at pumunta sa CR para magpalit. Lumabas na ako at nag antay ng sasakyan. Medyo madilim na kaya hindi ko alam kung may dadaan pa dito. Biglang may tumigil sa harap ko na sasakyan.

"Jessy gusto mo sumabay ka na sa amin? Baka gabihin ka pag aantay dito" sabi ni clark. Sa amin? Edi may kasama sya.

"Naku huwag na mag aantay na lang ako dito. Salamat na lang" pagtanggi ko. Bumukas ang bintana at nakita ko si nikki.

"Ano sasakay ka ba o hindi? Kung ayaw mo edi tumabi ka dyan hindi ka naman namin pinipilit" nakataas na kilay na sabi nya. Sumakay na din ako dahil wala naman akong magagawa.

Pumunta ako sa unahan pero may mga gamit na nakalagay kaya wala akong choice kundi lumapit kay nikki. Habang umaandar ang sasakyan ay tahimik lang ako sa isang tabi at pinagmamasdan ang tanawin sa labas.

"Nandito na tayo" sambit ni clark. Napatigil ako sa pagtingin sa labas ng nagsalita sya.

"Salamat pala sa paghatid sa akin" nakangiting sabi ko. Kumaway ako sa kanila pero inantay ko munang umalis sila tsaka pumasok sa bahay.

"Oh bakit ngayon ka lang umuwi? Anong oras na ah" bungad sa akin ng nanay ko. Niyakap ko sya at binola. Alam kong papagalitan ako nito dahil gabi na naman ako nakauwi.

"Hay naku naglalambing ka lang eh" natatawang sabi nya. Hindi ko sya tinigilan sa pangungulit.

"Kasi po nay nagpraktis po kami gawa bukas na po ung Js namin" paliwanag ko sa kanya. Nagulat sya sa sinabi ko. Hindi ko pala nasabi na bukas na ang JS namin

"Oo nga pala ano? Huhhulaan ko sino kayang kapartner mo, siguro si clark ano?" tanong nya sa akin. Hindi ako nakaimik sa sinabi nya. Paano naman nya nalaman yun eh wala akong sinabi sa kanya.

"Wala ka pa nga palang susuutin ano? Hayaan mo ako ang maghahanap ng susuutin mo. Kumain ka na at magpalit, ang baho mo na eh" pang iinsulto nya habang takip ang ilong at tawang tawa sa kanyang ginagawa. Hindi ko na lang sya pinansin at kumain na. Pagkatapos ko ay dumeretso na ako sa aking kwarto.

Humiga ako at hindi ko alam kung maeexcite ba ako bukas o hindi. Pero hindi na lang ako nag isip ng kung anu ano at sana maging masaya ang araw na yun.

Tanghali na ako nagising dahil Js Prom lang naman namin. Tinatamad tuloy ako pumunta.

"Anak halika dito sa baba may ipapakita ako sayo" sigaw ng nanay ko. Agad akong bumaba at muntik na akong malaglag sa hagdan dahil sa pagmamadali.

"Bakit po nay?" sagot ko sa kanya. Nakita kong may hawak hawak syang dress na maganda.

"Ang ganda noh. Mabuti nakahiram ako ng susuutin mo mamaya tsaka nitong hills" sabi nya sa akin ng nakangiti. Sinukat ko ito at tumingin sa salamin. Hindi ako komportable dahil hindi naman ako nagsusuot ng ganitong kaikling dress.

Lumabas ako at pinakita ito sa kanya.

"Ayan kasya kasya pala sayo eh. Bagay na bagay lalo kang gumanda" tuwang tuwang sabi nya. Muntik na aking matamba dahil sa suot kong hills.

"Ewan ko sa inyo nay. Huwag nyo nga akong niloloko" naiinis na sabi ko. Hinubad ko na to at nagpalit na.

"Excited na akong makita ka mamaya ng nakamake up" nakangiting sabi nya. Nahihiya ako sa suot ko pero masaya din ako dahil nakikita ko ang aking nanay na masaya.

Alas kwatro na ng hapon kaya naligo na ako. Nagulat ako ng may babae sa loob ng bahay namin.

"Kumuha pa ako ng magmemake up sayo ah" sagot ni nanay. Tiningnan ko sya ng masama at ngumiti lang sya sa akin ng parang nang iinis.

Habang ako ay inaayusan ay tinitingnan ko ang aking sarili sa salamin.

"Ayan tapos na, ang ganda mo pala eh" puri ng nagmemake up sa akin. Natatawa na lang ako sa sinasabi nya, agad na akong pumunta sa kwarto para isuot ang dress. Pagkatapos ko ay bumaba na ako at nahihiyang ipakita ang aking sarili.

Tinawag ako ng nanay ko dahil natawag pala si tatay kaya nagmamadali akong bumaba.

"Hello tay. Kamusta kayo dyan? Miss na miss ko na kayo" nakangiting bungad ko. Hindi ko mapigilang umiyak dahil namiss ko sya ng sobra.

"Ok lang ako anak. Miss na miss na din kita. Ang ganda naman ng prinsesa ko ah. Bagay na bagay sayo yang suot mo. Sayang wala si tatay, gusto sana kitang panoodin eh. Hayaan mo ilang buwan na lang uuwi na ako" masayang sabi nya. Hindi ko mapigilang malungkot at maiyak. Excited na akong umuwi sya

"Oh huwag kang umiyak sayang yung make up mo, bahala ka papangit ka dyan" natatawang sabi nya. Natawa ako at pinahid ang aking luha. Nagpaalam na sya dahil tinatawag na sya ng boss nya.

"Sige anak magpapaalam na si tatay. I love you" pinatay nya ang tawag at sumakay na ako sa sasakyan. Hindi ko mapigilang kabahan.

"Kaya mo to, huwag kang kabahan ok? Kailangan mo lang ienjoy ang araw na to" sabi ko sa aking sarili. Nang makadating na ako ng school ay huminga muna ako ng malalim at bumaba.

May nakita akong mga babaeng nakadress, gown at mga lalaking nakatuxedo. Ang gaganda at ang gagwapo nila. Nagpaalam muna ako sa nanay ko bago pumunta sa plaza.

Hinanap ko ang mesa namin at nakita ko ang aking kaklase kaya sumunod ako sa kanila. Nagulat ako kina nikki, gerly, cherry dahil sobrang gaganda nila.

Nakita ko din si Justin na gwapo sa kanyang suot na tuxedo pero mas nagulat ako sa lalaking naglalakad papunta sa harap ko.

Si Clark

Bakit sobrang gwapo mo?