Chereads / PLAY OF DEATH / Chapter 12 - TRYING TO FORGET

Chapter 12 - TRYING TO FORGET

Maaga kaming pinauwi ng adviser namin since na isa lang naman ang nagturo and the rest ay wala. Tsaka masaya pa nga sila na walang teacher and beside makakapagpahinga na kami sa daming pinapagawa ng nga teacher namin.

Agad akong napabuntong hininga at tinitingnan ang papel na nasa harapan ko.

"Hays malapit na pala ang presentation namin at eto ako ngayon busy na namang binabasa ang papel na ito" sabi ko sa aking sarili. Ito na lang ang lagi kong ginagawa kundi mag aral magdamag. Inintindi ko mabuti ang gagawin namin dahil ayokong mapahiya sa mga kaklase ko lalo na sa aming teacher.

Nandito ako ngayon. Nakakulong sa kwarto habang binabasa ang hawak ko. Nakahiga ako at tinatamad na ipagpatuloy pa. Itinaklob ko na lang ito sa aking mukha at pinilit na hindi maistress.

Agad akong umalis sa pagkakahiga at umupo.

"Masyado ng madaming gumugulo sa utak ko. Dumagdag ka pa" naiinis na sabi ko. Hindi ko alam kung anu ano na ang pinagsasabi ko at kausap ang isang pader.

I tried to remove him into my head at ipagpatuloy ang dapat kong gawin pero bakit hindi ko kaya. Iniisip ko ang mga sinabi nina gerly tungkol sa kanilang diniscuss nang biglang may bumukas ng pinto.

"Anak hindi ka pa ba tapos dyan, nakahain na ako, mamaya mo na tapusin yang ginagawa mo" seryosong sabi nya sa akin. Agad akong tumayo at iniwan ang aking gamit sa higaan. Sabay na kaming bumaba at kumain ni Inay.

"May bumabagabag ba sayo?" tanong nya habang nakatingin sa akin

"Marami lang po akong iniisip nay" malungkot na sabi ko. Sasabihin ko ba sa nanay ko?

"Ano naman yun anak? Handa namn akong makinig eh, sabihin mo lang lahat ng gusto mo" nag aalalang tanong nya. Nakita ko ang mukha nyang malungkot. Siguro dapat ko ng sabihin para wala na akong iniisip na ganito.

"I know na nakakahiya po itong sabihin pero masama po bang mainlove ang isang tulad ko?" malumbay na tanong ko. Nagulat sya sa aking mga sinabi.

"Alam mo anak all of us can feel the love. Wala namang pinipili yan eh. The most important thing is alam mo ang mga dapat gawin at hindi" paliwanag nya sa akin habang hawak hawak ang aking kamay.

"Thank you po nay. Ganun po pala yun, now I understand" maikling sagot ko. Wala na akong masabi at piniling tumahimik na lang at ipagpatuloy ang aking pagkain.

"Bakit are you inlove?" seyosong tanong nya. Muntik na akong mabilaukan sa aking pagkain dahil sa sinabi nya. Ako inlove ? kanino naman? Tiningnan ko sya ng nakataas ang kilay and she smiling at me.

"Bakit kayo nakatingin sa akin ng ganyan?" galit na tanong ko. Then she is laughing at naiinis ako sa ginagawa nya.

"I'm just happy kasi ang big girl namin ay inlove na sa isang special na tao. Can I ask who is this lucky man?" panggagalit sa akin ni nanay. Agad akong sumimangot at nakita kong hindi pa rin sya natatapos sa pang aasar.

"Lucky man? kung anu ano ang pinagsasabi nay tsaka tigilan nyo na po ako hindi na po ako natutuwa" naiinis na sabi ko, kahit na pinapatigil ko sya ay patuloy pa rin ito sa pang aasar sa akin.

"Bakit masama bang tumawa? At is pa nakakatuwa ka kayang galitin" natatawang sagot nya. Wala na akong nagawa kundi tiisin ang ginagawa nya pero napapangiti din ako kahit nagagalit dahil ngayon ko na lang ulit sya nakitang nakangiti.

"Ok titigil na ako" seryosong sabi nya. Nakita nya siguro akong galit na galit kaya hindi nya na natiis ako. She hugged me and kiss in the cheek.

"Ok lang naman mainlove anak pero make sure na mas uunahin mo muna ang pag aaral mo ha?" payo sa akin nya then I hugged her.

"Opo naman nay, mag aaral po muna ako para sa inyo ni tatay bago gawin ko po gawin ang mga gusto ko" mahinahong sabi ko ng may halong lungkot. I will do everything para sa pamilya ko.

"Oh sige anak ikaw ay matulog na at baka paiyakin mo pa si nanay, ako na ang magliligpit nito. Alam kong marami ka pang gagawin kaya mauna ka na" kalmang sabi nya. Agad syang humiwalay sa pagkakayakap ko at dumiretso na sa aking kwarto pero bago ako umakyat ay sinilip ko muna sya at ngumiti.

Agad ko ulit kinuha ang papel para intindihin at pag aralan ang mga gagawin ko. Kailangan kong pagbutihan ito dahil nakasalalay sa aming tatlo ang makukuha naming grade.

Pagkatapos kong mag aral ay inilagay ko na ang aking mga gamit sa bag at humiga na. Pinikit ko ang aking mga mata at iniisip na sana maging maayos ang presentation namin.

_____________________________

"You are going to die" sigaw ng babaeng papalapit sa akin at kita ang nakakatakot nyang mukha.

Bigla kong iminulat ang aking mga mata at nakahinga ng maluwag. Its just a bad dream. Akala ko totoo na. Hanggang ngayon nananaginip pa rin ako ng masasma.

Nakita ko ang liwanag na galing sa bintana at umaga na pala. Dali dali akong bumangon at inayos ang mga gamit. Hindi na ako nag aksaya ng oras kaya lumabas na ako at naglakad.

Nag iwan na lang ako ng sulat sa mesa dahil hindi ko makita si nanay. Nagdala na lang din ako ng tinapay para kainin habang naglalakad. Kailangan ko ng pumasok dahil maaga ang klase namin ngayon at syempre para ayusin ang presentation na aming gagawin mamaya.

I decided to take a tricycle para mabilis akong makapunta sa school. Malapit na ako kaya kumuha na ako ng pera sa aking bulsa at nagbayad, inabot ko na ito sa driver. Nagpara na ako at dali daling umakyat.

Hindi pa pala ako late dahil nakita ko ang aking mga kaklase na nagkukwentuhan. Agad na akong umupo at unang kinuha ang papel na ginamit ko kagabi. Nakita ko si nikki kaya tinawag ko sya.

"Nikki naayos mo na ba yung ipepresent mo ngayon?" tanong ko sa kanya pero bigla nya akong inirapan.

"Wala kang pakialam sa report ko at tsaka mind your own business, hindi naman ikaw ang magrereport nung akin eh at isa pa huwag mo nga akong kakausapin" mataray na sagot nya sa akin. Hindi na lang ako kumibo at tinuon ang sarili sa pagbabasa. Concerned lang naman ako para sa presentation namin.

Biglang dumating ang teacher namin at naalala kong P.E nga pala ngayon.

"Patay nakalimutan kong dalhin ang P.E uniform ko, bwisit" naiiritang sabi ko sa aking sarili. Bakit kasi yun pa ang naiwan ko eh.

"Class hindi muna tayo pupunta sa gym dahil ngayon ay magdidiscuss lang tayo ok?" paliwanag ng teacher namin. Woah, thank god magtuturo lang si maam dahil kung hindi ay siguradong absent ako sa P.E subject na ito.

Nakinig na lang ako sa kanya habang may sinasabi.

"You know class its really important na pag aralan natin ang P.E because in this case we can help ourself to become strong especially our muscle and its really good to our health" paliwanag sa amin habang may pinapakita na mga litrato.

Nang biglang tumayo si nikki at nakapameywang

"Are you serious maam? Mas lalo nga kaming napapagod sa pinapagawa nyo eh. Tsaka are you sure na magiging strong ang mga buto namin? Eh parang hindi naman. Magkakasakit pa nga ako nito at mamamatay sa ginagawa nyo. Kaya did you think na its really ok for us? This is really insane" reklamong sabi ni Nikki. Lahat ay natawa sa mga sinabi nya pero si maam ay hindi natutuwa at pinipilit hindi magalit.

"If that's what you believe its up to you. Mukha namang hindi bagay sayo ang P.E and look at yourself" seryosong sagot ni maam habang nakatingin sa kanya.

Agad syang natahimik at nawalan ng kibo. Galit na galit si nikki dahil napahiya sya sa maraming tao.

"So that's all for today. Don't forget to wear your P.E uniform next week dahil meron na tayong practice" pagpapaalala nya sa amin. Nagpaalam na si maam at umalis na parang walang nangyari.

"Nagkamali ata sya ng kinalaban, walang pwedeng magpahiya sa isang katulad ko" galit na sabi nya. Bigla akong natakot sa kanya because I can see her demon face.

"Hayaan mo na girl may araw din yan sa atin, you know that our group will never humiliated" dugtong naman ni Gerly. Nakita ko silang nag uusap tungkol sa nangyari kanina kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.

Mukhang isa na namang panibagong karanasan ang mangyayari sa akin dito.