Chereads / PLAY OF DEATH / Chapter 6 - THINKING OF YOU

Chapter 6 - THINKING OF YOU

Palabas na ako ng school at nagsimulang maglakad ng may naramdaman akong sumusunod sa akin. Agad kong binilisan ang aking paglalakad at alam kong hindi pa sya natigil sa pagsunod.

Lumalaks ang tibok ng puso ko kaya tumakbo na ako ng mabilis. Biglang may sumigaw sa aking likuran kaya ako napatigil. Alam kong sya yun at kilala ko kung kaninong boses yun.

"Jessy" sigaw ng nasa sasakyan. Tiningnan ko kung sino ang nasa loob at tama nga ang aking kutob na si Clark yun.

Agad nawala ang aking kaba dahil alam kong safe ako

"Oh bakit hindi ka pa nauwi?" tanong ko sa kanya

"Ah may pupuntahan pa kasi ako eh" maikling sagot nya. Alam kong kanina pa sya nasa labas ng room

"Ah ok. Sige mauna na ako" pagpapaalam ko. Nagmamadali na ako dahil siguradong papagalitan na naman ako ng aking magulang at alas 5:00 na ng hapon hindi pa ako nakakauwi.

Nagsimula na ulit akong maglakad at alam kong sinusundan nya pa rin ako. Ayaw nya talaga ako tigilan

"Sumabay ka na kaya sa akin, wala naman akong kasama eh. Magdidilim na baka mapahamak ka pa tsaka madadaanan ko naman siguro yung bahay nyo" sagot nya ng may ngiti sa labi

Sumakay na ako sa kanyang sasakyan at nagsimula na syang magdrive. Tahimik lang ako sa loob at hindi mapakali. Mukhang napansin nya ata siguro ako

"Ok ka lang ba?" tanong nya sa akin habang nagmamaneho

"Ok lang naman ako" ngiting sabi ko. Nahihiya ako sa aking ginagawa

Bakit kasi umoo ka pa

"Lagi ka lang bang naglalakad pauwi sa inyo?" seryosong tanong nya

"Ah oo, kaya ko naman ito eh tsaka sanay na ako maglakad, malapit lang naman yung bahay namin" paliwanag ko sa kanya. Ang totoo ayoko ng magsasakyan kasi sayang lang ang pamasahe ko

"Sa susunod huwag ka ng maglalakad mag isa lalo na at marami ditong masasamang tao tsaka tingnan mo its already dark" nag aalalang sabi nya. Agad akong nagulat sa mga sinabi nya.

Bakit ka ba concerned sa akin?

Hindi na lang ako umimik at nilibang ang aking sarili

Nakarating na kami sa bahay at nagpasalamat sa kanya.

"Uy thank you nga pala sa paghatid sa akin ha. Di bale babayaran na lang kita" pagpapasalamat ko. Ayoko kasing humingi ng utang na loob sa kahit kanino

"Naku huwag na tsaka walang anuman. Sige aalis na ako. Kitakits na lang bukas ha" pagpapaalam nya. Agad nya syang umalis at nakita ko sa labas ang aking mga magulang. Kanina pa pala nila ako inaantay. Kinakabahan ako habang papalapit sa kanila.

Kitang kita ko ang mga seryoso nilang mukha. Isa na namang mahabang sermon ito.

"Good evening po nay, tay. Sensya na po ngayon lang po ako nakauwi naglinis pa po ako ng room eh hehehe" natatawang sabi ko. Hindi ko alam kung paano ko ieexplain sa kanila ito. Mabuti na lang nakasabay ako kay Clark dahil kung hindi anong oras pa ako makakauwi

"Pumasok ka na at magbihis" seryosong sabi ni tatay. Alam kong galit sya dahil anong oras na ako nakauwi at ngayon ko lang ulit syang nakitang ganun. Kaya nagmadali na akong nagbihis at bumaba.

"Sino nga pala yung kasama mo?" hindi pa ako nakakaupo ay bigla na agad akong tinanong ng tatay ko

"Ah kaklase ko lang po yun naglalakad po kasi ako eh nakasalubong ko po sya. Hinatid nya na po ako kasi gabi na rin po eh." paliwanag ko sa kanya

"Sa susunod kung gagabihin ka tumawag ka sa amin at ako ang susundo sayo. Huwag ka ng sasama o magpapahatid kung kani kanino, kaklase mo man o hindi. Wala akong tiwala sa kanila lalo na sa mga mayayaman" galit na paliwanag nya. Natahimik na lang ako at umupo sa isang tabi. Bigla syang umalis at naiwan akong mag isa.

Napabuntong hininga na lang ako

Hayys.

Bakit ganun na lang ba lagi si tatay?Nilapitan ako ng aking inay at tumingin sa akin

"Naku anak alam kong galit ka sa tatay mo pero pagpasensyahan mo na sya. Alam mo naman na gagawin nya ang lahat para hindi ka mapahamak at walang mangyari sayong masama" nakangiting sabi nya.

"Naiintindihan ko naman po nay. Tsaka hindi naman po ako galit kay tatay pero sa tingin ko po masyado naman po syang over protective sa akin." nalulungkot na sabi ko. Alam kong lahat ng ginagawa ng tatay ko ay para sa ikabubuti ko pero masama ba akong tao kung sasabihin kong ayoko ng ganun

Bigla akong kiniliti ni nanay dahil napapansin nyang malungkot ako.

"Ipagluluto na lang kita ng meryenda" masayang sabi ng nanay ko. Alam nya talaga kung paano ako pasasayahin.

"Sige po nay, Bilisan nyo po ah nagugutom na po ako eh" pang iiritang sabi ko. Agad na lang syang napangiti at nagsimula ng magluto.

Habang nagluluto si nanay ay pinagmasdan ko si tatay at nakita kong malungkot sya, siguro sa nangyari kanina kaya agad ko syang nilapitan at kinausap

"Tay" mahinang sabi ko. Bigla syang tumingin sa akin

"Pasensya na po kayo sa akin kanina" malungkot na sabi ko habang nakatungo ang aking ulo. Agad nya akong niyapos

"Pasensya na rin anak kanina ha. Alam mo namang gagawin ni tatay ang lahat para sayo kaya sa susunod makikinig ka kay tatay ha?" mahinahong paliwanag nya. Seryoso si tatay sa kanyang mga sinasabi

"Opo tay. Thank you po. Da best po talaga kayo" nakangiting sabi ko. Pinigilan ko ang aking pagluha

"Ehem" parinig ng aking ina. Agad kaming natawa ni tatay sa ginawa ni nanay

"Hay naku ewan ko sa inyong dalawa. Ang lalakas talaga ng mga tama nyo" pagbuntong hininga nya na may pang iinis. Masaya ako dahil nagkabati na kami ni tatay. Ayoko kasing aalis sya ng magkaaway kami.

Agad na kaming kumain at nagkuwentuhan ng kung anu ano. Hindi namin mapigilan ang aming pagtawa sa sinasabi ni tatay. Masaya ako dahil namiss ko ang ganitong nga panahon na masaya lang kami, iniisip ko nga na sana ganito na lang lagi.

Pagkatapos namin kumain ay nagmovie marathon kami at masayang nanonood. Nagpaalam na ako kina tatay at nauna ng umakyat sa aking kwarto.

Hindi ako makatulog dahil marami akong tanong sa aking isip. At alam kong hindi ko maikakaila na tungkol ito kay Clark. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Sa susunod huwag kang uuwi ng mag isa at baka mapahamak ka marami pa man ding masasamang tao dito

Bigla kong naalala ang kanyang sinabi. Bakit ba sya ganun sa akin. Magkaklase lang naman kami at tsaka ang layo ng kanyang ugali sa mga kaibigan nya.

Pero masaya ako kapag kasama sya. Inlove na nga ba ako o nag aasume lang?

Hay naku lalo lang sumasakit ang ulo ko kaiisip sa kanya. Pag aaral dapat ang aking iniisip at hindi kung anu ano.

Biglang may bumukas ng aking pinto

"Oh bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ng aking nanay. Narinig nya sigurong ang ingay ko

"Ah hindi po ako makatulog eh may iniisip lang po ako" paliwanag ko sa kanya

Bigla syang lumapit sa akin

"Ano naman yun?" tanong nya habang nakatingin

"Ah paano po ba nalalaman na ilove ka?" nahihiyang tanong ko

"At saan naman nanggaling yan?" nagulat sya sa aking sinabi. Nahihiya na lang ako kaya nanahimik na lang

"Wala po nay assignment lang po namin" pagsisinungaling ko. Natatawa ako sa aking palusot

"Alam mo anak kahit kanino pwede ka mainlove. Malalaman mo lang inlove ka once na lagi sya ang nasa isip mo. Masaya ka kapag kasama sya at hindi mo sya makalimutan" mahabang paliwanag nya. Ah ganun pala yun

"Salamat po nay" pagtapos ko sa sinabi nya

"Oh sige matulog ka na at aalis tayo ng tatay mo bukas." sagot nya sa akin.

"Sige po nay goodnight po" Agad na akong nahiga at lumabas na si nanay.

Ngayon hindi pa rin ako makatulog dahil sa kaiisip sa kanya. Siguro inlove na nga talaga ako sayo.