Chereads / PLAY OF DEATH / Chapter 3 - BEGINNNING OF MY LIFE

Chapter 3 - BEGINNNING OF MY LIFE

Kring Kring Kring

Pangalawang araw na ng pasukan at hindi na naman ako pinatulog ng aking masamang panaginip.

Tiningnan ko ang orasan at 8:30 na pala, late na ako kaya nagmamadali akong bumangon at dumeretso na sa banyo. Nagbihis na ako at bumaba na

"Oh anak hindi ka na ba kakain? Kumain ka muna" tanong ng aking ina

"Dun na lang po ako kakain nay, late na po ako eh" nagmamadaling sabi ko. Ngayon lang akong nagising ng ganito. Siguro dahil na rin sa mga panaginip ko na hindi ako pinapatahimik.

"Sige po nay papasok na po ako" binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa narating ko ang school. Dali dali akong umakyat ng hagdan.

"Sorry sir I'm late" nahihingal na sabi ko. Lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa akin at gulat na gulat. Tsaka ko pa lang nalaman na mali pala ang napasukan kong room.

"Uhmm sorry po sir" nahihiyang sabi ko. Agad agad akong umalis at lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa akin. Kitang kita ko ang pagtawa nila.

"Hahaha nakakahiya naman sya. Akala nya siguro room nya yun" kwento ng babaeng hindi mapigilan ang pagtawa. Agad kong ibinaba ang aking ulo at dumeretso sa paglalakad papunta sa aming room.

"Good morning sir. Sorry I'm late" lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin

"Its ok, next time be early. Take your sit and were going to start our lesson" mahinahon na sagot ni sir

Dumeretso na ako sa aking upuan at sinimulan na ang pagtuturo.

"Bakit ka pala nalate?" tanong sa akin ng lalaking nasa tabi ko. Naalala ko sya nga pala si Clark.

"Ah nalate kasi ako ng gising kaya nagmamadali na ako, hindi na nga ako nakapag ayos eh" natatawang sabi ko pero sa totoo lang hindi talaga ako makatulog ng maayos dahil sa panaginip na bumabagabag sa akin.

"Kahit naman mag ayos ka wala pa ring magbabago sayo loser. Tsaka tingnan mo nga yung buhok mo parang buhok ng bunot." pang iiritang sabi ni Cherry. Hindi ko na lang sya pinansin at nakinig na lang sa lesson.

"Ang kapal naman ng mukha ng babeng yan para makipag usap kay Clark. Wala ba syang konting kahihiyan man lang" bulong ng mga kaklase ko. Palibhasa mayayaman sila kaya kaya nila akong sabihin ng ganito.

"Oo nga friend look at her she is freakin crazy. Hindi ko nga alam kung bakit pa sya ang naging classmate natin?" hindi pa rin nila ako tinitigilan kaya hindi ako makapagconcentrate sa itinuturo ni sir

" Lahat tayo ay nakakaexprience ng love sa friends natin, family or kahit kanino pero para sa inyo ano ba sa tingin nyo ang love?" tanong ng teacher namin.

"Ikaw miss?" Napatigil ako sa aking ginagawa

"Ako po ba sir?" tanong ko sa kanya. Akala pala ang tinatanong

"Yes you are" sagot ni sir sa akin

"Hay naku sir masasayang lang po ang oras nyo sa pagtatanong sa kanya wala naman yang alam tungkol sa love. Wala naman po magkakagusto sa kanya eh" pang aasar ni Gerly. Pinipigil ko lang na hindi tumulo ang luha ko

"Quiet guys" galit na sabi ni sir. Hindi na ako nakasagot sa tinatanong nya kaya pinili ko na lang manahimik at

Ano nga ba ang love?

"Love is a complex set emotions, behaviors and beliefs associated with strong feelings of affection, protectiveness, warmth and respect for another person." pagpapaliwanag nya

At bigla kong tiningnan si Clark. Nakita ko syang nakatingin sa akin kaya biglang ako nag iwas ng tingin.

Wala siguro akong karapatan mainlove kasi wala naman magkakagusto sa akin. I'm just only a simple person.

Tapos na magturo ang teacher namin and P.E class na kaya dumeretso ako sa cr at nagpalit na. Lahat kami ay pinahanay ng P.E teacher namin.

"Hello class I'm Kyline Harly and I'm become your P.E teacher" pagpapakilala ng teacher namin

"Hello Maam" sabay sabay namin sabi

"Ngayon ang gagawin nyo ay iikutin  nyo ang gym na ito within 5 minutes" pagpapaliwanag ni maam

"My gosh! Are you sure 5 minutes maam? Are you crazy? Sa tingin nyo ba matatapos namin ang pagtakbo? Gusto nyo bang mamatay kami?Thats so hilarious" pagrereklamo ni Gerly. Kahit ako magrereklamo din pero ayokong mapagalitan ng teacher namin since na second day of class pa lang ito.

"Kung hindi nyo gusto ang pinapagawa ko sa inyo you can leave, ayoko ng maarteng sa klase ko" galit na sagot nya. Lahat ay natahimik kaya sumunod na lang kami sa pinapagawa nya.

Lahat kami ay nagsimula ng tumakbo but its already 2 minutes at pagod na pagod na ako. Hindi ko na kayang tumakbo kaya bigla na lang akong natumba

"Aray!!" bulong ko sa aking sarili

"Opps! weirdo na nga lampa pa" sigaw nila sa akin. Pinilit kong tumayo pero lalong sumasakit ang aking sugat

"Are you ok Miss Jessy?" tanong ng P.E teacher namin

"Ok lang po maam sugat lang naman po ito" sagot ko sa kanya kahit hanggang ngayon namimilipit pa rin ako sa sakit

Bigla akong nilapitan ni Clark at tinulungan tumayo

"Dalhin na kita sa clinic baka lalong lumala yan" pagtulong nya sa akin.

"Naku huwag na kaya ko naman ito" pagtanggi ko sa kanya. Ayoko kasing pagtinginan na naman kami ng aking mga kaklase at may sabihin na kung anu ano.

Pumayag na ako sa kanya dahil lalong sumasakit ang aking sugat. Dinala nya ako sa clinic at iniwan na nya.

Tapos na ang P.E class namin at malapit na kami mag uwian. Pumunta na ako sa room at kinuha na ang aking gamit para umuwi.

Nakita ko sina Cherry, Nikki at Gerly. Mukhang inaantay talaga nila akong pumasok

"Kamusta na pala yang sugat mo?" plastic na concerned ni Nikki

"Ok lang naman hindi na masakit" bahagyang sagot ko. Dumeretso na ako sa aking bangko pero hindi pa rin ako tinigilan nila

"Ang sweet nyo naman ni Clark. Nakakakilig pero huwag kang mag aasume na kung ano at baka masaktan ka lang" ang sabi ni Cherry habang tumatawa.

Hindi naman ako nag aasume ng kung anu ano at tsaka pumunta ako dito para mag aral. Kaya kinuha ko na ang aking bag at lumabas na.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makalakad ng maayos.

"Oh anak anong nangyari sayo?"gulat na tanong ng aking ina

"Natumba lang po ako nung nag P.E kami class po kami" nakangiting sabi ko

"Sa susunod mag iingat ka ha?" concerned na sabi ng nanay ko.

"Sya nga pala pauwi ang tatay mo mamaya kaya magbihis ka na" masayang sabi nya. Apam kong namimiss din ni nanay si tatay dahil ilang taon na din kaming hindi nagkakasama.

"Talaga po nay?" tuwang tuwang sabi ko. Excited ako dahil pauwi na sya.

Tok tok tok

Narinig ko ang pagkatok sa pinto. Ako na ang nagbukas ng pinto dahil alam kong sya na yun.

"Tay miss na miss ko na kayo. Akala ko po hindi na po kau uuwi eh." masayang sabi ko habang umiiyak na parang bata

"Syempre makakalimutan ko ba naman ang pinakaminamahal kong anak." masiglang sabi nya. Bakas sa mukha ni tayay ang saya sa pag uwi nya.

Nag iisa lang pala akong anak kaya kung makikita nyo punung puno ako ng pagmamahal nila.

"May pasalubong ako sayo. Yung paborito mong libro" sambit ng tatay ko. Tuwang tuwa sya habang ibinibigay ang libro sa akin

"Wow thank you tay da best ka talaga" hindi nya talaga akong nakakalimutan na ibili ng librong gusto ko.

"Oh pumasok muna kayong dalawa dito at baka magkasakit kau dyan" tugon ng nanay ko. Hindi nya mapigilan ang pagtawa dahil lagi kaming ganto ng tatay ko tuwing nauwi sya

"Ano nga palang nangyari sayo?" tanong ng aking itay

"Ah wala po ito tay natumba po kasi ako nung nag nagpi P.E po kami"? paliwanag ko sa kanya ng nahihiya

"Hay naku anak hanggang ngayon lampa ka pa din" birong sabi ng tatay ko. Hindi pa rin ako tinitigilan na asarin ng tatay kahit malaki na ako

"Oh sya magbibihis lang ako" umakyat na sya para magbihis habang ako ay tuwang tuwa.

Namimiss ko ang gantong araw na magkakasama kami na masaya lang at walang pinoproblema, pero sana hindi nya malaman kung anong mga nangyayari sa akin sa school.