Chereads / PLAY OF DEATH / Chapter 4 - THROWBACK

Chapter 4 - THROWBACK

"Good morning anak" bungad ng lalaking nasa harap ko. Ang tatay ko pala. Ganito ang laging ginagawa nya sa akin tuwing umaga.

"Si tatay naman eh natutulog pa kaya ako" naiiyamot na sabi ko

"Ikaw ah hindi ka pa dyan babangon? Malelate ka na sa school mo" sabi nya habang kinikiliti nya ako. Hindi nya talaga ako tinigilan hanggat hindi ako bumabangon

"Mamaya pa naman po ang pasok ko eh" sagot ko sa kanya. I miss this moment na lagi syang nandito sa amin.

"Kahit na gumising ka na at kakain na tayo" hinihila nya ako paalis sa kama kaya wala na rin akong choice kundi bumangon

"Buhatin nyo muna ako" natatawang sabi ko. Nahihiya man ako pero namimiss ko ung mga bagay na ginagawa namin dati

"Ikaw talaga big girl ka na kaya" birong sabi nya at bigla nya akong binuhat

Sana ganto na lang kami lagi

"Hay naku kayo talagang mag ama para kayong mga bata. Tama na yan at nakapaghain na ako" sabi ng nanay ko ng tawang tawa sa aming  pinaggagawa

"Ito kasing anak mo eh ang laki laki na gusto pang magpabuhat" sagot ng tatay ko na nakangiti na may halong panggagalit

"Naku eh ilang taon ka na kasing hindi nauwi, namiss ka lang talaga nyan" paliwanag ni nanay

"Oh sige tama na at iky maligo na baka malate ka oa sa school" pamamadaling sabi nya

"Sige po tay" sabi ko sa kanya. Binilisan ko ang pagbibihis at ang pagkain

"Bilisan mo anak at ako ang maghahatid sayo" sagot nya

Dali dali akong bumaba at dumeretso na sa sasakyan

"Tay bilisan nyo naman malelate na ako eh" natatawang sabi ko. Kita kita ko ang pagmamadali ni tatay paglalakad

"Eto na nga po maam" birong sabi nya. Hindi ko mapigilan ang aking pagtawa sa kanyang mukhang nagagalit

Paalis na kami sa bahay at habang nagmamaneho ang tatay ko ay bigla nya akong tinanong

"Anak ok lang ba ang pag aaral mo?" seryosong tanong nya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo pero sa tingin ko huwag muna

"Oo naman po tay mababait naman po ang mga kaklase ko eh"  pagsisinungaling ko. Siguro this is the right time na kailangan ko magsinungaling kasi ayokong magalitang ang tatay ko and I'm remember all of it

THROWBACK

"Hey loser" bungad nyang sabi sa akin

Hindi ko na lang sya pinansin at dumeretso sa paglalakad. Pinilit ko na lang walang marinig

"Hey bitch! Don't you ever ignore me" sigaw nya at bigla nyang hinila ang aking buhok at itinulak sa putikan.

"Yan lang ang nararapat sayo. Diba sabi ko sayo na huwag mong kakalabanin ang prinsesa ng university nato?" Inginudngod nya ang aking mukha sa putikan at inapak apakan

Lahat ng mga estudyante ay nasaksihan ang lahat ng mga nangyari pero wala ni isa ang tumulong sa akin. Siguro natatakot din sila na baka sila naman ang saktan

Hindi na ako nakapagbihis kaya umuwi akong madumi at puro putik.

"Anak anong nangyari sayo?" gulat na tanong ng nanay ko

"Ah wala po nay nadapa lang po ako?" nakingiting sabi ko habang tumutulo ang aking luha

Nang biglang dumating ang tatay ko

"Sinong may gawa sayo nyan" galit na sabi nya.

"Wala po tay nadapa lang po ako" mahinanong sabi ko. Pinipilit kong hindi umiyak para hindi ito makita nya

Kitang kita ko sa mukha nya na hindi sya naniniwala sa akin at alam nya kung sino ang gumawa sa akin nito.

"Humanda sila sa akin. Huwag nilang sasaktan ang aking anak" hindi ko mapigilan ang tatay ko kaya bigla na lang akong naluha

"Huwag na po tay. Ako naman po ang may kasalanan eh" pagpapaliwanag ko. Ayoko ng gulo dahil ayokong masaktan ang tatay ko atmangyari sa kanya at isa pa mayaman sila

Agad na akong dumeretso sa taas para  maligo at magbihis. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako

Its already 7:00 in the morning at nagising ako ng umiiyak. I take a bath at pumunta na sa school. Iniisip ko na sana panaginip lang ang nangyari kagabi

"Nay nasan po si tatay?" nag aalalang sabi ko. Naalala ko ang nangyari at natatakot ako na baka totohanin nya lahat ng kanyang mga sinabi

"Naku anak umalis na sya kanina pahindi naman nya sinabi kung saan pupunta." sagot ng nanay ko.

"Ah ganun po ba nay sige po uuna na po ako. Pasabi na lang po kay tatay na papasok na po ako" sabi ko sa kanya

"Anak pagpasensyahan mo na ang tatay mo ha. Alam mo naman na protective yun sayo kasi nag iisa ka lang naming anak." malungkot na sabi ni nanay. Siguro nga over protective sya sa akin pero sa tingin ko this is really exaggerated.

Nandito na ako sa school at nakita ko si kelly, the princess of our university,  puro sya sugat. I ask her kung anong nangyari sa kanya.

"Anong nangyari sayo kelly?" nag aalalang tanong ko. Kahit na sinaktan nya ako ay concerned pa rin ako sa kanya.

"Don't you ever talk to me. This is your fathers fault." galit na sabi sa akin. Puro sya ng sugat at hindi na sya makalakad dahil dito

"Anong sabi mo?" naguguluhang tanong ko.

I swear hindi kita titigilan at pagbabayaran ito ng tatay mo" galit na sabi nito

Nagulat ako sa mga sinabi nya. Hindi ako naniniwala na magagawa iyun ng tatay ko. My father is ove protective but he cannot hurt someone.

Then I saw father going to the office at palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. I feel nervous

My father explain everything na sya ang gumawa kay kelly kung bakit nagkaroon ito ng mga sugat pero ginawa nya iyun dahil sa pananakit sa akin kaya nanghingi sya ng sorry sa pamilya nito.

"Nagawa ko yun dahil sa pananakit ng anak nyo" sagot ng tatay ko

"Pero sir pwede nyo naman pong sabihin sa amin at kami na po ang bahala at tsaka this is not the right way" sabi ng principal

"I know were poor pero sana naman po they can give respect to us at yung guidance nyo po. Alam ko po ang nangyayari sa anak ko dito sa university ninyo pero hindi na po ako nangingialam because I know na kaya nyo po silang disiplinahin sila pero this is enough" pagpapaliwanag ng tatay ko. Ngayon ko lang syang nakitang ganito

I saw my father hurt by kellys parents. Oo alam kong may ginawa syang masama pero this is unfair.

END OF THROWBACK

That's why hindi ko sinasabi sa tatay ko ang mga nangyayari sa akin dahil ayoko ng mangyari ang nangyari dati at ayoko nag may masaktan ang tatay ko. Ok lang na ako ang masaktan huwag lang sya. Then my father called me. Nandito na pala kami sa school

Lumabas na ako ng sasakyan and I hug him tightly.

I LOVE YOU

"Goodbye anak. Kapag may problema ka nandito lang ako" pagpapaalam nya sa akin

"Goodbye din po. Ingat po kau. Love you" sagot ko sa kanya.

"I love you anak. Ingat ka din" nakangiting sabi nya. Pumasok na ako at dumeretso na sa room.

This is my life and I will never happened again kung ano man ang nangyari in the past.