Naririnig ko na naman ang mga tawanan ng mga kaklase ko. Wala na silang ibang gawin kundi saktan at mambully pero anong laban ko isa akong duwag at mahinang tao.
"Speaking of the devil, dumating na ang prinsesa ng mangkukulam" sigaw ng isa kong kaklase. Patuloy pa rin sila sa pagtawa at pangugutya sa akin.
"Hindi ba sya nahihiya na dito pa sya nag aaral. Guys look at her nakakasulasok at nakakatakot ang pagmumukha nya" pang aasar ng mga kaklase ko. Hindi ko na napigilan na pumatak ang aking luha. Sabagay sanay na naman ako.
"Huwag kaung lalapit sa weirdong yan at baka mahawa pa kau eew." sigaw ng president namin. Binato nila ako ng kung anu ano at patuloy na sinasaktan
Wala akong magawa kundi tiisin lahat dahil mayayaman sila at maraming pera
Weirdo weirdo weirdo weirdo
Ahhhhhh
Isa lang panaginip. Hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapatahimik ng nakaraan ko. Paulit ulit na lang nangyayari sa akin ito.
"Oh anak bakit hindi ka ba nakabihis diba first day ng pasok mo?" sambit ng nanay ko. Bigla ko na lang syang niyakap sa sobrang takot.
"Bakit anak may problema ba?" tanong nya sa akin. Ramdam ko ang lungkot sa mukha ng aking ina.
"Nay ayoko na pong pumasok. Natatakot po ako, paano kung..." hindi ko na natapos ang aking sasabihin
"Ano ka ba naman anak diba sabi mo pangarap mong maging isang guro at tulungan kami. Gusto mo diba magkaroon tayo ng malaking malaking bahay?" paliwanag nya sa akin. Nararamdaman ko ang pagpatak ng luha ng aking ina habang ako ay naluha na rin sa kanyang mga sinabi.
"Kaya mo yan anak big girl ka na kaya. Maligo ka na at magluluto lang ako ng pagkain natin ha? sabi nya ng may tamis sa labi
"Sige po nay. I love you nay" bigla ko syang niyakap ng mahigpit at agad pinawi ang aking luha
Nagsimula na akong maligo at nagbihis. Kabado man ako sa first day ng pasukan pero gagawin ko to para sa sarili ko. Pagkatapos kong kumain ay pumasok na ako
Hays, kaya ko to
Nandito na ako sa school at kinakabahan sa mga mangyayari. Nahihiya ako dahil mukhang nga mayayaman ang mga estudyante dito at may magagara pang sasakyan.
Hinanap ko na ang room 3 na papasukan ko at pumunta na sa loob. Pagkabukas ko ng pinto ay kitang kita ko ang titig ng lahat ng mga estudyante.
"Oh whats you room iha" tanong ng isang teacher
"Room 3 po sir" pagsagot ko. Sana hindi ako nagkamali ng pinasukan
"Oh ok uhmm. There are many vacant sit there. You can sit anywhere kung saan ka komportable ok ?" paliwanag ni sir
"Yes sir" sambit ko.
Naghanap ako ng bakanteng bangko pero sa likod na lang ako umupo dahil parang ayaw nila akong palapitin.
"Ok class since na its our first day and you don't know each other yet lets introduce yourself. By the way I'm charlyn Larry and your subject from me is Science" pagpapaliwang ni sir. Nagsimula ng magpaliwanag isa isa
"Hi guys I'm Nikki Snow and you can call me Snow. I'm 19 years old and my hobby is singing and dancing." pagpapakila ng magandang babaeng nasa unahan. Maputi sya at mukhang matalino at mamahalin ang suot
"Hello classmate I'm Cherry Hill. 18 years old and my hobby is Acting and Modelling." pakilala pa ng isa. Mukhang lahat ng babae dito ay magaganda maliban sa akin.
"Hi guys" pagpapakilala ng isang lalaki
Hindi pa natatapos ang kanyang sinasabi ng bigla nagsigawan ang mga babae. Oo gwapo sya, maganda ngumiti, chinito pero mukhang babaero
"I'm Clark Harl. 19 years old. My hobby is playing instrument and basketball."
Hanggang sa matapos ang pag iintroduce at ako na lang ang natitira. Bigla akong tumayo at nanginginig sa sobrang kaba. Lahat sila ay nakatingin sa akin
"Hi I'm Jessy Carton and...."
hindi pa natatapos ang sinasabi ko nang bigla silang tumawa
"Hahaha Carton? thats so yuck."
Sambit nila. Tumahimik na lang ako at pinipilit hindi marinig ang kanilang pagtawa
"Quiet guys"
Galit na sabi ni sir
"I'm 19 years old. My hobby is reading and writing story. I love in a small house" pagtatapos sa sinabi ko. Lahat sila ay nandidiri sa akin
"Eew dun ka ba nakatira nakakadiri kaya dun. Sabagay dun ka naman talaga bagay" patuloy pa rin sila sa pang aasar at hindi na tumigil sa pambubully sa akin
"I said Quiet" sigaw ng teacher namin
"Ganyan ba kau magwelcome ng classmate nyo?" I don't want bully in my class so you can go out if you want." galit na galit si sir at natakot kami kaya biglang tumahimik ang lahat sa ginawa nya
"So lets start our lesson" pagsisimula ni sir.
"What is Science for you guys? " tanong ni sir sa amin. Wala ni isang gustong sumagot sa amin at nakatingin sa kawalan and then the teacher call me
"Ikaw iha whats your name again?" nakatingin sya sa akin
"Jessy sir" maikling sagot ko
"So for you what do you think is science?" tanong nya akin. I calm myself and answer the question
"There are many meaning of science and there are some scientist explained what it is but for me science is an intellectual set of activities designed to uncover information about anything related to this world in which we live. The information gathered is organized through scientific methods to form eloquent patterns.
In my opinion the primary objective of science is to gather information and to distinguish the order found between facts."
Lahat ay nagulat sa mga sinabi ko. Hindi ko alam kung tama ba lahat aking sinagot.
"Yes that's correct Jessy." pagpuri sa akin ni sir.
Thank God tama ung naisagot ko
"I think its hard to explain clearly the word SCIENCE kasi maraming scientist ang nagdistinguish nito like Curie stated - Nothing in life is to be feared, it is only to be understood. Now is the time to understand more, so that we may fear less.- " pagpapaliwanag ni sir
Nabigla ako sa sinabi ng teacher namin habang ang iba naman ay may kanya kanyang mundo. Tapos na magdiscuss si sir at nararamdaman ko na naman ang pagtitig ng mga kaklase ko.
"Narinig mo ba yung pinagsasabi ng babaeng yan? Akala mo naman matalino palibhasa weirdo" pagpaparinig ng nasa likod ko
Nang biglang may bumato sa akin
"Hey bitch! Akala mo ba bagay ka sa university na to? Hindi dahil mas bagay ka sa sementeryo" sigaw ng nasa harapan ko. Hindi ko na lang sila pinapansin at inayos ang aking gamit
"Guys tama na alam nyo bang nasasaktan na sya" pagtatanggol sa akin ng isang lalaki
"Thank you" pagpapasalamat ko sa kanya
Bigla nya akong nilapitan at binuhusan ng tubig
"Oops sorry weirdo" pang iinsulto nya. Akala ko may tutulong na sa akin pero pare pareho lang pala sila.
Hindi pa rin sila tumitigil sa pang aasar kaya lumabas na ako. Lahat ng estudyante ay pinagtitinginan ang nangyari sa akin at ito ako ngayon basang basa
Pumunta ako sa cr at dun nilabas ang aking luha. Nawawalan na ako ng ganang pumasok dahil sa nangyaring ito.
Kaya ko to
Nagbihis na ako at naglakas loob na pumasok sa loob ng room. Dumeretso na lang ako sa aking upuan.
Dumating na ang sumunod na teacher namin at nagpakilala ulit kami. Nagsimula na syang magturo hanggang sa dumating na ang lunch.
Heto ako ngayon mag isang kumakain at walang kasama. Alam ko naman na mangyayari ito. After kong mag lunch since na vacant naman dumeretso ako sa library at dun inubos ang oras.
This is the way para marelax ako at walang marinig na kung anu ano tungkol sa akin
Its 12:30 and then I decided to go to our room at dun na lang ubusin ang natitirang oras. Uupo na sana ako ng biglang may tumalapid sa akin
"Opps. I'm sorry weirdo I didn't mean it. Your so clumsy kasi eh" si nikki na naman
Umupo na ako at iniwasan na lang sila. Dumating na ulit ung teacher namin hanggang sa mag uwian na. I fix my thing and then someone grabbed my hand
"Uy sorry nga pala sa ginawa ng mga friends ko. Ganun lang talaga sila palibhasa mga spoiled" pagpapaliwanag nya ng may halong ngiti
"Ah ok lang un sanay na naman ako eh" pagsagot ko sa kanya
"Uuwi ka na ba? Gusto mo sumabay ka na sa akin?" tanong nya sa akin
"Ah hindi na nakakahiya naman tsaka baka magalit mga friends mo. Sige una na ako goodbye" tuluyan na akong nagpaalam sa kanya at umuwing pagod na pagod
Pag uwi ko ng bahay ay sinalubong agad ako ng nanay ko.
"Oh anak kamusta ang school mo?" tanong ng aking ina
"Ok lang naman po nay" mahinahong sabi ko kahit sa totoo ay hindi naman talaga
"Oh cge magbihis ka na at maghahain na ako"
Dumeretso na ako sa aking kwarto at nagbihis. Bumaba na ako at nagsimula na kaming kumain.
Ginawa ko muna ang assignment namin at bago ako matulog iniisip ko kung ano naman ba ang mangyayari sa akin bukas.