Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 44 - Andito Lang Ako

Chapter 44 - Andito Lang Ako

Nagaalala si Nelda sa sinabi ng asawa. Iisa lang ang nasa isip nya, ang makaalis dito sa Zurgau at magtungo sa Maynila para makita ang dalawa nyang anak.

Hindi nya maintindihan kung bakit ayaw syang payagan ng asawa na lumuwas.

"Mga anak ko yun, natural lang na magalala ako, kaya pwede ba payagan mo na ko!"

Pangungulit ni Nelda sa asawa habang nakahiga sila sa kama.

Pero hindi sya pinansin ni Enzo. Tinalikuran sya nito at saka natulog.

Nelda: "Hmp!"

Ngunit mapipigilan ba talaga ni Enzo si Nelda?

Kinabukasan pagalis ng asawa kinausap nya ang pamangkin nyang paluwas ng Maynila.

Nagbakasyon ito kaya umuwi ng Zurgau at pabalik ng Maynila.

"Lando, may hihilingin sana akong pabor sa'yo!"

Sabi ni Nelda.

"Ano po yun Tita Nelda?"

"Maari mo bang tulungan si Nicole na kumpletuhin ang requirements nya, medyo nahihirapan kasi ang anak ko!"

Hiling ni Nelda sa pamangkin.

"Ganun po ba, sige po! Wala pong problema!"

Sagot ni Lando

Kilala ni Lando ang pinsan nyang si Nicole. Hindi totoong nahihirapan sya kundi tinatamad. Pero pano ba nya matatanggihan ang Tita nya na tumulong minsan sa pagaaral nya? Saka, alam naman nyang bibigyan sya nito ng pera sa pagaaaikaso ng requirements ni Nicole.

Pero ang hindi alam ni Nelda, hindi pumasok sa opisina ang asawa.

Nagpunta ito sa kaibigan upang magpabook ng flight para sa kanilang dalawa.

Bumalik sya ng bahay para sabihin ito sa asawa, pero nagulat sya ng makasalubong si Lando at nalaman nya ang iniuutos ni Nelda.

Nagulat si Nelda ng makita ang asawa. Pero imbis na ma guilty na inis sya dahil nabuko sya.

"Bakit ba hindi mo matiis ang batang yun? Hindi mo ba naiintindihan na kaya ko ginagawa ito para matuto si Nicole?"

Sabi ni Enzo

Pero inirapan lang sya ni Nelda. Gusto nyang malaman ni Enzo na hindi na sya natutuwa.

Naiinis na si Enzo sa katigasan ng ulo ng asawa.

"Pwes! Kung ayaw mo rin lang makinig, ako na lang ang luluwas ng Maynila, para ako na ang sasama kay Nicole sa pagaasikaso ng requirements nya!"

Galit na sabi ni Enzo sa asawa

"Teka, teka, ba't ikaw lang?!"

Paninita nito.

"Nakabili na ko ng tiket para sa atin dalawa pa Maynila sa miyerkules ang flight natin! Pero dahil ang tigas ng ulo mo at ayaw mong makinig, mauuna na akong lumuwas, sumunod ka na lang!"

Galit na sabi ni Enzo sabay alis pagka abot ng tiket sa asawa.

"Oy! Andaya mo naman!"

Sabi ni Nelda habang sinusundan ang asawa sa pagiimpake.

"Anong madaya dun? Diba ito ang gusto mo ang may makakatulong kay ni Nicole, pwes, ako yun!"

Sagot ni Enzo.

"Pero.... pano ko?"

tanong ni Nelda na parang bata.

"Diba ikaw itong nagmamadali sa pag hanap ng tutulong kay Nicole? Kaya kailangan ko ng mauna! Bakit, may problema ba kung ako ang tutulong kay Nicole?"

Sagot ni Enzo

Sa isip ni Enzo ito lang ang paraan para maintindihan sya ni Nelda ang kausapin sya gamit ang mismong salita nya.

Naiinis si Nelda gusto nya ring umalis at sumama sa kanya.

'Sana kung nagantay lang ako!'

Panay kasi ang tawag ni Nicole sa kanya at saka hindi naman nya alam na bibili ng tiket ang asawa.

"Hindi ko naman alam na bibili ka ng tiket e!"

Sabi ni Nelda na parang naninisi pa.

"Diba ito ang gusto mo kaya panay ang pangungulit mo sa akin kagabi? Kaya ayan bumili na ko! Hindi ka pa rin ba masaya? Ginawa ko na ang gusto mo!"

Sagot ni Enzo.

"Pwede bang ipa change flight mo na lang para sabay tayo?Gusto ko ng makita ang mga anak natin!"

Pakiusap ni Nelda

"Ayoko!

Kasi ang tigas ng ulo mo at ayaw mong makinig sa akin! At alam mong hindi ko gusto na binubulabog mo ang mga kamag anak mo sa simpleng bagay. Parang hindi mo sila kilala!"

Sabi ni Enzo.

"Pero ....pano si Nadine?

Gusto ko rin makita si Nadine!

Hirit ni Nelda.

"Sa miyerkules magkikita rin kayo!"

Sagot ni Enzo.

Napabuntunghininga na lang si Nelda at hindi na nakipagtalo pa.

Tutal lunes na naman ngayon at dalawang araw na lang miyerkules na.

'Makikita ko na rin ang mga anak ko!'

Nangingiting sabi ni Nelda habang inihahatid sa sasakyan ang asawa.

Sa pananaw ni Nelda wala syang ginagawang mali. Mas kilala nya ang mga anak nya. Lalo na si Nadine.

Sa paniniwala nya, si Nadine ay isang matibay at matatag na bata. Kaya hindi sya masyadong nagaalala sa kanya.

Marunong itong dumiskarte sa lahat ng bagay at maasahan talagang. Kaya lagi nya itong inuutusan lalo na sa mahihirap na bagay.

Di tulad ni Nicole na di kayang gawin ang maraming bagay dahil masyado pa itong bata para gawaing iyon.

Tama. Para kay Nelda si Nicole ay musmos pa lang.

Musmos na kailangan palagi ng kalinga ng magulang.

Kaya ng payagan ito ng ama na duon sa Maynila pumasok, masamang masama ang loob nito sa asawa dahil malalayo ang bunso nya sa kanya.

Hindi tulad ni Nadine.

Si Nadine ang panganay.

At ang panganay ay karugtong ng magulang.

Kaya kapag hindi kayang gawin ng magulang ang responsibilidad nya sa anak, bilang panganay, dapat lang na sya ang magpatuloy sa responsibilidad ng magulang.

Ganito nya pinalaki ang mga anak, sa paraang alam nya.

Sa paraang ginawa din sa kanya ng mga magulang nya at ipinapasa lang nya sa mga anak.

Kaya sa simula pa lamang sobrang strikto nya na kay Nadine.

Pero sobrang lambot naman nya kay Nicole.

*****

Sa ospital.

"Ate Issay, ba't 'di po kayo pumasok sa opisina? Okey na naman po ako, kaya ko na pong mag isa."

Tanong ni Nadine ng mapansin tanghali andun pa rin si Issay.

"Wala akong planong pumasok hangga't hindi ka lumalabas ng ospital. Saka hindi rin naman ako makakapagtrabaho kakaisip sa'yo, kaya dito na lang ako magtatrabaho."

Sagot ni Issay

"Pero pano po ang mga projects natin?"

"Eto ginagawa ko na! Saka gusto ko masiguro na kumakain ka, dahil sabi ng duktor lagi ka daw nalilipasan ng gutom kaya ka nagkakaskit."

Sabay tingin kay Nadine ng seryoso.

"Subukan mong magpagutom ulit tsitsinelasin talaga kita!"

Natakot si Nadine kaya hindi na ito nagtanong. At pinilit ubusin ang pagkaing dinala ni Issay para sa kanya.

"Tinawagan ako ng Papa mo. nasabi ko na sa kanya ang buong pangyayari!"

Kwento ni Issay

Naalarma si Nadine ng marinig na nakausap nya pala ang ama.

"Sinabi ko rin sa Papa mo na inutusan ka ng Mama mo kahit may sakit ka na, kaya ka nawalan ng malay at nilusob sa ospital!"

Sabi pa ni Issay.

Napalunok si Nadine sa kaba ng madinig ang Mama nya.

"Saka sabi ng Papa mo luluwas daw silang magasawa."

Natataranta na si Nadine. Natatakot sya sa ama lalo na sa ina.

"Pero 'wag kang matakot! Kasi sabi ko sa tatay mo na wagkang pagagalitan dahil wala ka naman kasalanan."

Pero hindi mapigilan ni Nadine ang pagkabog ng dibdib nya.

"Pagpinagalitan ka pa rin sabihing mo sa akin at ako ang kakausap sa tatay mo!"

Lalo pang lumalakas ang kabog ng dibdib ni Nadine.

Napansin ito ni Issay kaya nilapitan nya si Nadine at saka inakap.

"Sinasabi ko 'to sayo para paghandaan mo, hindi para takutin ka! Saka 'wag kang magaalala andito lang ako!"