Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 46 - Diba Naupo Ka Lang Naman?

Chapter 46 - Diba Naupo Ka Lang Naman?

Alas otso palang nasa skuwelahan na si Nicole kasama ang ama. Pupungas pungas pa itong nakaupo at naghihintay sa isang upuan.

Wala syang nagawa ng gisingin sya ng ama ng alas sinko ng umaga. Gusto pa nyang matulog pero hindi nya magawa.

Nasaan ang hustisya?

"Huy, anong ginagawa mo dyan? Tumayo ka at pumila ka duon sa cashier!"

"Papa naman eh, pagod na po akoooo! Kayo na lang po!"

"Anong ako? Ikaw ang estudyante hindi ako!"

"Ang haba po ng pila eh!"

Ayaw ni Nicole pumila. Ayaw nyang tumayo ng matagal.

"Lintek kang bata ka bakit pag nagsashopping ka hindi ka napapagod pumila para magbayad ng mga pinamili mo?"

"Papa naman eh!"

Naiinis na sya sa ama gusto na nyang magdabog.

"Tumayo ka dyan kung hindi, ididiretso kita sa airport para iuwi sa Zurgau!"

Hmp!"

Padabog na tumayo si Nicole at nagtungo sa cashier.

Gusto nyang maiyak sa haba ng pila.

Pagkatapos nyang makuha ang mga requirements sa skuwelahan, akala nya tapos na, makakapagpahinga na sya. Nagkamali sya.

Dinala sya ng ama sa baranggay, sa City hall, sa SSS at sa marami pang iba na hindi na nya maalala dahil pagod na pagod na sya.

Hapon na ng matapos sila.

Umiiyak na si Nicole at tunay na ito.

'Ang hirap pa lang pumila at magantay ng pagkahabahaba para lang makakuha ng ID!'

'Masakit na ang mga paa ko!'

'Pagod na me! Huhuhu!'

At ang nakakainis pa nito, kinuha ng Papa nya ang cellphone at credit card at debit card nya dahilan lang sa ayaw nyang gumising kaninang umaga.

'Bakit ba hindi maintindihan ni Papa na ang alas sinko ay madaling araw pa!'

'Napaka lupit nya! hmp!'

Ngayon, lupaypay na sya sa sasakyan sa sobrang pagod.

Ngayon lang nya naranasan ang ganitong katinding pagod.

"Nicole, mamaya uuwi na ang Ate mo at sa condo na sya magpapagaling."

Masayang ibinalita ni Enzo.

"Pagkatapos natin dito ihahatid na kita sa condo para makapag pahinga ka at may ka meeting pa akong kliyente. Wagkang aalis ng bahay. Maliwanag?"

Utos ni Enzo sa anak.

Gustong magreklamo ni Nicole sa ama pero hindi nya magawang makipagtalo dahil pagod na pagod na ito.

Gusto nyang sabihin sa Papa nya na paano sya aalis e nasa kanya ang credit card at debit card nya! Wala syang cash!

At gusto nya rin sabihin sa Papa nya na sa sobrang dami ng ginawa nya ngayon araw pagod at antok na sya! At ang tanging gusto lang nyang gawin ngayon ay MATULOG!

"Papa ... yung cellphone ko?

Akina po!"

Pakiusap ni Nicole sa ama.

"Hindi pwede! Kailangan mong magpahinga! Saka ko na lang ibibigay sa'yo sa pagpabalik ko ng Zurgau!"

Sagot ng Papa nya.

"Gusto ko lang naman pong tawagan si Mama."

Nakanguso nitong sabi.

Kinuha ni Enzo ang phone nya at tinawagan ang asawa saka binigay kay Nicole.

******

Sa loob ng meeting room ginanap ang close door meeting ng mga shareholders.

Si Belen ang nagpatawag ng meeting at ang agenda ay ang susunod na magiging CEO.

Alas diyes ang binigay na oras pero tatlo palang silang shareholders na nandun.

Si Belen, si Issay at si Edmund.

Nasa loob din ng silid si Ms. Tess, ang sekretarya ni Luis.

"Tess, nasiguro mo ba kung darating ang dalawa shareholder?"

Mag aalas onse na kaya nagtanong na si Belen.

"Opo Madam, malelate lang daw dahil na delay ang flight. Lumakas kasi bigla ang ulan.Tatawagan ko po ulit!"

Paliwanag ni Tess.

"Tiya, pwede na naman tayong magsimula kung gusto nyo."

Nakangiting sabi ni Edmund.

Kitang kita sa mukha nito ang tuwa at sigla. Inaasahan na nya na magiging panig sa kanya ang magiging resulta ng meeting.

"Hindi maari, Edmund, kailangan nating hintayin sila."

Seryosong sagot ni Belen.

Samantalang si Issay ay abala naman sa laptop nya at walang pakialam sa pinaguusapan ng magtiyahin.

Maya maya may kumatok at may nagbukas ng pinto. Wala nuon si Tess dahil tinawagan ang shareholders.

Napatingin sila sa dumating na nasa pinto. Medyo basa ang ibang parte ng damit nito pati buhok. Halatang lumusob sa ulan.

"Anong ginagawa mo dito?"

Nakakunot ang noong tanong ni Edmund.

"Anthon!"

Bulalaa ni Issay.

Sabay tayo nito at pinunasan si Anthon ng dala nyang bimpo.

"Bakit ka naman lumusob sa ulan? Wala ka man lang bang dalang payong?"

Tanong ni Issay habang pinupunasan ang ulo nitong basang basa.

Nakaramdam naman ng kilig si Anthon sa ginagawa ni Issay sa kanya.

"Wala ka bang pamalit na dala? Hubarin mo nga ito at baka sipunin ka!"

Si Edmund na kanina pa naalibadbaran sa ginagawa pagpunas ni Issay kay Anthon at pati na rin sa mga ngiti nito, napikon na ito at nagsalita

Pwede ba, sa labas nyo na gawin yan! Meeting ito ng mga shareholders! Mahiya naman kayo!"

Naiinis na sita ni Edmund sa dalawa.

Hindi naman kumibo si Belen, mukhang alam na nya kung bakit naroon si Anthon.

Patuloy lang si Issay sa pagpupunas ng buhok ni Anthon na parang walang narinig.

Nairita lalo si Edmund.

Plak!

"Di ba kayo nakakaintindi! Sabi ko lumabas kayo ng silid na ito at dun nyo gawin yan!"

Utos ni Edmund sa dalawa.

Pero imbis na lumabas hinawakan ni Anthon ang mga kamay ni Issay para tumigil na ito sa pagpupunas at saka maginoong pinaupo si Issay bago sya naman ang naupo sa tabi nito na lalo namang kinainis ni Edmund.

Tatayo na sana si Edmund para hatakin palabas si Anthon ng biglang dumating si Tess.

"Mr. Santiago, nandito na pala kayo. Welcome po sa shareholders meeting!"

Bati ni Tess na may ngiti kay Anthon.

Nagulat si Edmund ng madinig ang sinabi ni Ms. Tess pero mas nagulat sya ng mapansin nyang parang sya lang ang nagulat.

'Bakit parang ako lang ang hindi nakakaalam na shareholder pala sya?'

"Anthon, hindi ko alam na ikaw pala ang isa sa hinihintay namin. Ikinagagalak kitang makilala."

Sabi ni Belen.

"Madam Belen, magandang araw po! Ang totoo po nyan ako din po ang representative ng isa pang shareholder na si Ms. S!"

Paliwanag ni Anthon.

"Ganun ba, e di ibig sabihin wala na tayong hinihintay. Kumpleto na pala ang mga shareholders, pwede na tayong magumpisa!"

Sabi ni Belen.

Inayos ni Edmund ang sarili, hindi sya pwedeng maapektuhan.

Nagsalita sya na para bang walang nangyari at parang wala duon si Anthon.

"Ako si Edmund Perdigoñez ang nagiisang anak ni Luis Perdigoñez, at narito ako para sa posisyon ng CEO. Sa tingin ko, ako lang ang karapat dapat na pumalit sa posisyon ng ama Papa ko!"

"Bakit?"

Tanong ni Anthon pero hindi sya pinansin ni Edmund, nagpatuloy lang ito na akala mo'y walang nadinig.

"Simula ng mamatay ang aking ama ako na ang tumayong acting CEO, at sa akin din ibinigay ng Papa ang Trenta porsiento ng shares nya!"

Pagpapatuloy nito.

"Ang ibig mo bang sabihin porket anak ka ni Sir Luis at na sa'yo ang shares nya ikaw na ang karapatdapat sa posisyon? Shares lang nya ang ipinamana nya sa'yo hindi ang posisyon nya."

Matalas ang mga salita ni Anthon kaya napikon si Edmund.

Matalim itong tumingin kay Anthon.

"At sino naman ang sa tingin mong mas karapatdapat sa CEO position? Ikaw?!"

Sarkastikong tanong ni Edmund.

"Hmmn.... Maliban sa'yo.... lahat kami dito mas karapatdapat. Kasama na dun si Ms. Tess!"

Deretsahang sagot ni Anthon.

Nagpupuyos ang damdamin ni Edmund na hinarap si Anthon.

Nanlilisik ang mga mata nito na parang gustong sapakin si Anthon.

"Mr. Anthon Santiago, nagpunta ka ba dito para lang kontrahin ako?"

"Bakit Mr. Edmund Perdigoñez, mali ba ako? Ano bang nagawa mo simula ng naupo ka bilang acting CEO? Diba literal na naupo ka lang naman!"

Sabi ni Anthon na may halong pangiinis.

Gustong sumagot ni Edmund pero wala syang mahagilap na salita para sagutin si Anthon dahil totoo ang sinabi nito.

At isa pa nagtataka syang alam nito ang nangyayari sa kompanya.

Hindi ito ang inaasahan nya.

'Sabi ni Tito Roland madali ko itong makukuha dahil ako ang anak!'

'Hmp! Kung hindi lang dumating ang bwisit na to!'

Tumingin sya sa tiyahin na tila humihingi ng saklolo.

Kanina pa tahimik ang dalawang babae at hinahayaan lang silang mga lalaking magsalita.

Napansin naman agad ni Belen ang paghingi ng saklolo ng pamangkin.

"Mas maigi siguro kung magbotohan tayo. Simulan na natin!"

"Hindi ako pabor na mapunta kay Edmund Perdigoñez ang CEO position, dahil wala syang kakayahan at wala syang alam!"

Sabi ni Anthon.

"Hindi rin ako pabor na makuha ni Edmund Perdigoñez ang CEO position dahil wala syang interes sa negosyo."

Sagot ni Issay.

Tumingin si Edmund sa tiyahin na tila nagmamakaawa.

"Edmund, dahil pamangkin kita kaya .... hindi ako boboto!"

Sabi ni Belen.

Tiningnan ni Edmund ang tiyahin. Nagtatanong ang tingin nito.

'Bakit?'

'Bakit pati si Tiya ko?'

'Bakit pati sya ayaw ibigay sa akin ang gusto ko?'

'Bakit nya hinahayaang pagkaisahan nila ako?'

Hindi na nakapagsalita si Edmund. Nagpupuyos ang damdamin nya.

"Kung wala na tayong paguusapan pwede na ba kong maunang umalis! May mga kontrata pa akong dapat pagaralan at may mga ka meeting pa akong kliyente!"

Pagpapaalam ni Issay sa kanila.

"Kung aalis ka na sasabay na rin ako! Wala ng dahilan para manatili ako dito. At saka may mahalaga pa akong sasabihin sa'yo, Issay."

Nakangiti itong abot hanggang tenga. Sabay nagbigay galang kay Belen at umalis kasabay ni Issay.

.....at naiwan ang mag Tiya.