Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 47 - Bakit Tiya?

Chapter 47 - Bakit Tiya?

"Bakit Tiya?"

Tanong ni Edmund kay Belen ng dalawa na lang silang natira sa meeting room.

"Pati ba naman po kayo ang tingin sa akin hindi ako karapatdapat?"

Nanlulumo nitong tanong sa tiyahin.

Masakit talaga ang katotohanan, pero papaano nya ipapaliwanag sa pamangkin sa paraang hindi sya gaanong masasaktan.

"Alam mong sa simula pa lang na naupo ka bilang acting CEO, hindi na para sa'yo ang posisyon dahil hindi ikaw ang gusto ng iyong ama na humawak ng kompanya."

Sabi ni Belen.

Alam ni Edmund ang bagay na ito pero ni minsan hindi sya nagtanong. Kaya...

"Pero bakit Tiya? Ano po ang dahilan ng Papa at hindi nya gusto na ako ang pumalit sa posisyon nya?"

Tanong ni Edmund.

"Dahil mahina ka! At dahil sa wala kang kakayahan laban kay Kuya Roland! Kayang kaya nyang paikutin ang isip mo at makuha ang negosyong ito sa kamay mo!"

Nagulat si Edmund. May alam ba ang Tiya nya?

'Pinasusundan nya ba ako? Kung hindi pano nya malalaman na nagkausap kami ni Tito Roland?'

Nabasa ni Belen ang tanong sa isipan ng pamangkin.

"Edmund, hindi ako tanga at hindi ako ipinanganak lang kahapon. Alam kong nagkakausap kayo ni Kuya Roland, halatang halata sa mga kilos mo, lalo na kung papaano ka magisip ngayon, halos pareho na kayo.

Mukhang nalason na nga nya ang isip mo!"

Galit na sagot ni Belen.

"Hindi Tiya! Hindi totoo yan!"

Umiiling na tanggi ni Edmund sa sinabi ng tiyahin niya.

"Alin ang hindi totoo?! Sabihin mo? Ipaliwanag mo sa akin ang dahilan at gustong gusto mong makuha ang posisyon ng iyong ama, gayong sa simula pa lang ni katiting na interes WALA KA!!!!"

Hindi na maikubli ni Belen ang pagkadismayado nya sa nangyayari sa pamangkin.

Simula ng namatay si Luis unti unti na syang nagbabago na parang nagrerebelde.

"Hindi ba pinilit lang kita?

Hindi ba nagmakaawa pa ko sa'yo na tanggapin mo ito pansamantala?

At hindi ba ilang beses mong gustong umalis sa pagiging acting CEO dahil hindi mo gusto?

Tapos ngayon sasabihin mo gusto mo na ang posisyon nya!

Bakit Edmund? Bakit?"

Sabi nito sa pamangkin na halatang nagdududa.

Ano nga ba ang dahilan ni Edmund bakit sya biglang nagkainteres sa posisyon ng ama, kung hindi si Isabel.

Simula ng pagbawalan sya nitong manligaw sa kanya napuno na ng galit ang kanyang puso.

Hindi nya matanggap na inayawan sya nito.

Nasaktan sya ng husto.

Kaya gusto nyang maging mas magaling at mas mataas kay Isabel, para maging mas makapangyarihan sya! Upang sa ganon mapasunod nya si Isabel.

Ito ang suhestiyon ng Tito Roland nya ng minsan makita sya nitong naglalasing sa isang bar.

~~~

"Alam mo Edmund....

magpakalalaki ka kasi! Babae lang yan!

Tuturuan kita!

Magusap tayo ng lalaki sa lalaki! Makinig ka!

Ang mga babae dapat yan kinokotrol kasi pagdi mo sila nakontrol ikaw ang kokontrolin nila at tyak masasaktan ka!

Kaya dapat kang maging malakas at mas mataas kaysa kay Isabel para hindi ka nya masaktan!

Dapat maging makapangyarihan ka kesa babaeng yun!

At para maging mas makapangyarihan ka kay Isabel dapat kunin mo ang posisyon ng tatay mo!

Ikaw ang anak, ikaw ang may karapatan!

At pag nasa iyo na ang posisyon ng tatay mo madali mo ng mapapasunod si Isabel! Diba!

Hehehe!"

~~~

"Kailangan kong maging makapangyarihan."

Bulong ni Edmund.

"Ano?"

Pero nadinig yun ni Belen.

"Hindi ako tanga Edmund at mas lalong hindi tanga sila Issay at Anthony!

Sa tingin mo basta basta na lang nila ibibigay ang gusto mo gayong alam nilang wala sa puso mo ang kompanya?"

"Pero kahit na Tiya!

Patay na ang Papa at ako, ako ang anak! At bilang anak ako lang ang may karapatan sa kompanya!"

Galit na sagot ni Edmund

"Nadidinig mo ba ang sinasabi mo Edmund? Karapatan?

Nagpapatawa ka ba? Sigurado ka bang meron kang karapatan sa kompanyang ito?"

Parang napahiya naman si Edmund sa sinabi nya.

Hindi nya sinasadyang sabihin yun.

Alam nyang mas may karapatan si Isabel sa kanya pero ayaw nyang aminin na mali sya at ayaw nyang aminin na mas malakas si Isabel sa kanya.

"Saka, baka nakakalimutan mong wala pa sa'yo ang trenta porsyento na shares ng Papa mo!"

Paalala ni Belen

Edmund: "Hah? Anong ibig nyong sabihin Tiya?"

"Dahil nasa akin pa ang Sampung Milyon at wala pa akong balak na ibigay kay Issay!"

Sagot ni Belen.

Edmund: "???"

Naguguluhan si Edmund kung bakit hindi pa ibinibigay ng Tyahin niya ang Sampung Milyong Piso kay Issay.

"Gusto kong ipaalala sa'yo ang kundisyong ng Papa mo!

Hindi mo makukuha ang mana mo hangga't wala pa sa kamay ni Issay ang Sampung Milyon!"

Paalala pa ni Belen sa kanya.

"Pero anong dahilan mo Tiya?"

"Isa sa kahilingan sa akin ng iyong ama ay 'wag na 'wag kong hahayaang malason ni Kuya Roland ang isipan mo!"

Nasasaktan na si Edmund sa sinasabi ng Tiya.

Totoong nagkausap sila ni Roland pero minsan lang yun!

Kaya hindi nya matatanggap na nalason na ni Roland ang isip nya sa minsan na yun!

Mas gusto nyang isipin na wala ng tiwala ang tiyahin sa kanya.

"Akala ko naintindihan nyo ako, Tiya! Iniwan sa akin ng Papa ko yan, ang isang alala ng aking ama, pero ba't pinagkakait nyo sa akin?"

Nagaalalang bigla si Edmund dahil kapag hindi napunta kay Isabel ang sampung milyon sa loob ng isang taon hindi niya na makukuha ang mana nya at si Isabel na ang maghahawak nito.

"Ginagawa ko ito para protektahan ka at ang kompanya!Pero alam kong hindi ka maniniwala at wala din akong planong pilitin ka!"

Tumayo na ito at lumabas sa silid. Ayaw na nyang makipagtalo.

"Marami pa sana akong gustong sabihin sa'yo, Edmund.

Pero paano? Kung sarado na ang utak mo!"

Sa isip ni Belen pa'no ba nya ipagkakatiwala sa pamangkin ang gusto nya kung hindi na kayang kontrolin ni Edmund ang emosyon nya.

Maraming pa naman ang umaasa sa kompanya.