"Oy! Pamangkin kamusta?
Hehe!"
Bati ni Roland kay Edmund ng makita itong uminom sa isang sulok ng bar.
Ilang araw na nyang sinubukan kontakin si Edmund pero hindi nito sinasagot ang phone.
Kaya hinanap nya ito sa mga bar.
At tama ang hinala nya ng makita nya ito.
Tiningnan lang sya ni Edmund matapos nyang batiin ito.
Nairita naman si Roland sa kawalang respeto ng pamangkin sa kanya pero hindi nya pinahalata.
May kailangan pa sya sa binatang ito, kailangan pa nya ito para makapasok sa kompanya ni Luis.
"Kamusta naman ang naging shareholders meeting? Ikaw na ba ang bagong CEO ngayon? Hehe!"
Usisa ni Roland.
"Hindi ko alam at wala akong pakialam!"
Inis na sagot ni Edmund.
Pinagmasdan ni Roland ang binata.
'Hmmm sa itsura ng mokong na 'to mukhang nabigo syang makuha ang posisyon.
'Hindi na ko magtataka, lalamya lamya kasi!'
'Kailangan ko na namang makaisip ng ibang paraan!'
"Pamangkin, bakit naman mukha kang dismayado dyan? Ano bang naging problema sa shareholders meeting nyo? Sa itsura mo kasi na mukhang bigong bigo, siguro pinagkaisahan ka nila!"
Natumbok ni Roland ang sentimyento ni Edmund kaya lalo itong napikon.
Inis na dinapuan nito ng tingin ang tyuhin nya.
Bahagya namang nangiti si Roland sa ikinilos ni Edmund.
'Uy mukhang natumbok ko ang pinagpuputok ng butsi ng mokong na 'to! Hehe!'
"Okey pamangkin .... mukhang badtrip ka sa meeting kaya ibahin na lang natin ang usapan. Hehe!
Sabi mo wala kang pakialam sa nangyayari sa meeting, ibig bang sabihin nun wala ka ring pakialam sa negosyo ng tatay mo?"
Tanong ni Roland pero hindi sya sinagot ni Edmund. Patuloy lang ito sa pagtungga ng alak kaya nagpatuloy lang sa pagsasalita si Roland.
"Pamangkin, kung wala ka talagang pakialam bakit hindi mo na lang ibenta sa akin ang mga shares mo at ng hindi ka na nagkakaganyan?"
Hindi sya inintindi ni Edmund. Gusto nitong mapagisa pero hindi nya maintindihan kung bakit ayaw syang tantanan ng SUROT sa tabi nya.
"Ano bang pakialam mo?"
Singhal ni Edmund sa makulit na surot sa tabi nya.
"Teka sandali lang pamangkin. 'Wag kang magalit sa 'kin! Hindi naman ako ang kaaway mo! Katunayan nyan kakampi mo ako! Hehe!"
Pero hindi na sya pinansin nito at tumawag ng waiter para hingin ang chit. Gusto na nyang umalis dahil naalibadbaran na sya sa surot na 'to sa tabi nya.
"Kung gusto mo pamangkin para patunayan ko sa'yo na kakampi mo ako, sa susunod na shareholders meeting ako ang gawin mong representative at akong bahala sa mga nang aapi sayo, igaganti kita! Hehe!"
Ngunit wala ng pakialam si Edmund sa sinasabi ng tiyuhin. Sobrang dami ng kanyang nainom kaya surot na ang tingin nya kay Roland. Surot na nagsasalita pero hindi nya naiintindihan ang sinasabi ng malaking surot na ito na nasa tabi nya.
"Mabuti pa gumawa ka ng sulat na magpapatunay na isinasalin mo sa akin ang karapatan mo sa mga shares mo. Ay hindi! Ako na ang gagawa ng sulat, para pipirmahan mo na lang! Eto pamangkin, pirma mo na lang ang kailangan!"
Sabay abot kay Edmund ng papel at ballpen.
Sadyang may nakahanda ng sulat si Roland sa bulsa na nagsasabing isinasalin ni Edmund ang karapatan nya sa mga shares nya at ipinagkakaloob niya ito kay Roland.
Hindi pinansin ni Edmund ang sulat bagkus ay itinapon ito.
"Ano ba, ang kulit naman!"
Inis na sabi ni Edmund na pinapagpag pa sa ere ang kamay na parang nagbubugaw ng langaw.
Pinulot ni Roland ang papel na itinapon ni Edmund at ng makita nito na papalapit ang waiter kay Edmund, yung waiter ang inutusan nya.
"Sabihin mo lang pumirma sya dito."
Bulong ni Roland sa waiter sabay abot ng pera dito.
Ginawa naman ng waiter ang iniuutos ni Roland at dahil sa sobrang kalasingan hindi na inalam ni Edmund kung para saan ito at basta basta na lang pumirma.
Nangingisi naman si Roland dahil nagtagumpay sya sa mga plano nya at nakuha ng ganun kadali ang mga shares ni Luis.
Pero nakuha nya nga kaya?
Ang buong akala ni Roland na kay Luis ang limampung porsyento ng shares ng kompanya nya at dahil patay na ito at naayos na ang problema kay Isabel, akala din nya nasa pangalan na ito ni Edmund ngayon.
At sa tingin nya panahon na para sya na ang mamuno sa kompanyang pinaghirapang itayo ni Luis.
Paglabas ni Edmund sa bar, may inutusan si Roland para bugbugin ang pamangkin at para dukutin ang cellphone nito. Kailangan nya ang cellphone para malaman kung kelan ang susunod na shareholders meeting.
Pinabugbog nya si Edmund dahil naalibadbaran sya dito at hindi na nya ito kailangan. Nakuha na nya ang gusto nya at ang abogado na nya ang bahala dito.
"Anong masasabi mo ngayon Luis? Nakikita mo ba ang mga ginagawa ko sa anak mo?"
Usal ni Roland habang pinapanood si Edmund na binubugbog pa rin ng mga inutusan nya.
"Eh, ang mga gagawin ko sa kompanya mo? Naiisip mo ba kung ano ang mga pwede kong gawin dito?
Sisiguraduhin kong magugunaw ang mga pinaghirapan mo! Malamang gusto mo ng bumangon sa hukay ngayon para pigilan ako!
Pero paano mo naman gagawin yun, eh patay ka na nga?
Bwahahahaha!"
*****
Sa ospital na nagkamalay si Edmund, pero dahil sa walang pagkakakilanlan hindi naipaalam sa kamaganak ang lagay nya.
Tinawagan ni Edmund ang kaibigan at kasosyo sa negosyo na si Eric.
Ayaw nyang malaman ng tiyahin ang nangyari sa kanya kaya si Eric ang tinawagan nya.
Pagkalabas ng ospital inuwi sya ni Eric sa bahay niya at tinawagan ang tiyahin nito para hindi magalala.
Nagalala si Belen pero natitiyak nyang kailang nito ng space kaya hinayaan na nya sa magstay sa kaibigan nitong si Eric.
"Pre, alam kong me pinagdadaanan ka pero kaibigan mo ako baka nakakalimutan mo?Iniwan mo basta basta sa akin magisa ang negosyo natin tapos ...."
"Nakakasakit na ng damdamin itong pagbabalewala mo sa akin Pre! Ano ba tingin mo sa akin dekorasyon lang sa buhay mo at hindi mo napapansin? Ni hindi mo man lang naisip na humingi ng tulong sa akin!"
Nagtatampong sabi ni Eric.
May hinanakit ito sa kaibigan pero hindi nya masabi dahil nga sa kamamatay lang ng ama pero hindi na nya maitago ang sama ng loob kaya nasabi na nya.
Tahimik lang si Edmund. Masakit pa ang katawan nya sa gulpi pero ramdam nyang mas masakit ang nararamdaman ng kaibigan.
"Kamusta nga pala ang shop."
Tanong na lang ni Edmund.
Hindi nya alam kung pano mababawasan ang nararamdaman ng kaibigan kaya nagtanong na lang sya.
"Medyo malaki ang nalulugi simula ng me magtayong kalaban. Gusto ko na ngang isara eh!"
Sagot ni Eric.
"Ha? Kalaban? May kalaban na tayo?"
Gulat na tanong ni Edmund.
Mukhang hindi na nga nya nabigyan ng pansin ang shop nila.
"Oo! sila Glen at Nick, kinalaban tayo at halos lahat ng kostumer natin nakuha na nila!"
Sagot ni Eric.
"Ba't dimo sinabi sa akin agad?"
Naalarmang sabi ni Edmund.
"Pre sinubukan kong sabihin sa'yo pero lagi kang busy, hindi kita makontak tapos hindi ka man lang dumadalaw."
May tampo pa rin ang tono ng salita ni Eric
Napahiya naman si Edmund sa sinabi ni Eric dahil wala naman talagang kwenta ang pinagkakaabalahan nya.
"Saka, alam kong may pinagdadaanan ka at nagluluksa ka pa. Kailangan mo ng time para sa sarili mo kaya hindi na kita inabala."
Dugtong ni Eric.
"Pasensya na Pre!"
Nahihiyang sabi ni Edmund
"Pre alam kong mahalaga sa'yo yang kompanya ng Papa mo dahil iniwang alala niya 'yan, pero Pre, tatanungin kita, sa tingin mo ba gusto ng Papa mo na sumunod ka sa yapak nya?"
Nang madinig ito ni Edmund
naalala nya ang mga ginawa sa kanya ng ama.
Sa simula pa lang hindi sya nito pinilit na maging parte ng kompanya nya.
Hinayaan sya nitong gawin kung ano ang magpapasaya sa kanya
at sinuportahan ang bawat desisyon nya.
Bakit kaya nya ito nalimutan?