Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 51 - Wagka Ng Mapraning

Chapter 51 - Wagka Ng Mapraning

"Mayor, Chedeng! Kamusta?"

Bati ni Issay sa magasawa.

Lumuwas ang dalawang ito upang makipagkita kay Issay.

"Okey lang kami Issay!"

Pormal na sagot ni Mayor Arnold.

"Ikaw ang kamusta? Ba't iba ang aura mo ngayon? In love ka noh?"

Pangungulit ni Cheddeng.

Namula bigla si Issay sa panunukso ng kaibigan.

"Uy! namumula sya! Sino yan ha? Sino yang lalaking napikot mo?"

Tukso pa ni Cheddeng.

"Hmp! Hindi ko sasabihin pagdi ka tumigil dyan!"

Sabay irap ni Issay sa kaibigan.

Samantalang si Mayor Arnold nasa tabi lang ng asawa, natutuwang pinagmamasdan ang kulitan ng dalawang magkaibigan lalo na sa asawa, hindi nya akalain na me pagkabully din pala ito.

"Pero seryoso ba't gusto nyo kong makausap? Tungkol ba saan at lumuwas pa kayo dito?"

Tanong ni Issay.

"Eh bakit ka nagmamadali dyan? May date ka noh, kaya me kolorete yang mukha mo!"

Patuloy na panunukso ni Chedeng kay Issay.

Sumibangot na si Issay. Gusto nyang ipakita na napipikon na sya pero nangingiti naman ang kalooban dahil totoong may date sila ni Anthon ng araw na iyon at excited na sya.

"Sige tama na yan seryoso na muna tayo. Kaya kami nagpunta dito dahil umabot na ang balita sa San Roque ang matagumpay na operasyon ni Pinyong. Marami ang lumalapit sa opisina ko para humingi ng tulong kung papaano ka kokontakin!"

Awat ni Mayor Arnold.

"Pulitiko ba yang mga yan?"

Nagdududang tanong ni Issay.

"Me mga pulitiko me mga NGO at me mga indibidwal na nangangailangan ng tulong!"

Pagtatapat ni Mayor Arnold.

"Bakit ako ang hinahanap nila, eh, andyan ka naman?"

Nagtatakang tanong ni Issay.

"Kaya nga kami andito para sabihan ka at balaan na rin. Saka gusto namin malaman kung ano ba talaga ang plano mo!"

Paliwanag ni Cheddeng na maging sya ay naguguluhan na rin sa plano ni Issay.

"Hindi ko pa kasi nabubuo ang plano ko pero isa lang ang sigurado ko ayaw ko ng pulitika!"

Paliwanag ni Issay sa magasawa.

Nagkatinginan ang magasawa.

"Mabuti naman kung ganun."

"Ang totoo nyan, may plano akong gumawa ng isang skuwelahan para sa may mga kapansanan gaya ni Pinyong.

Sayang kasi na hindi siya nakatapos ng pagaaral dahil sa nangyari sa kanya. Ang problema medyo malaki ang magagastos at marami pang dapat pagaralan.

Pero bakit ganyan ang mga tingin nyo?"

Nagtatakang tanong ni Issay.

"Eto kasing asawa ko, kinakabahan at baka nakumbinsi kana ni Bise na tumakbo sa susunod na eleksyon!"

May panunuksong ngiti ni Cheddeng sa asawa.

"Hahahaha!"

Natawa si Issay sa sagot ng kaibigan.

Medyo napahiya naman si Mayor sa tawa ni Issay kaya nagpaliwanag ito.

"Nung araw kasi na sabay sabay kaming bumisita sa'yo sa bahay ni Ms. Fe, sinabi ni Bise na gusto nyang malaman kung interesado kang pumasok sa pulitika."

Paliwanag ni Mayor Arnold.

"Tapos nung isang linggo nakita namin ang selfie nyo ni Bise sa social media, kaya ayan na praning ang asawa ko!"

Dugtong naman ni Cheddeng.

"Hahahahaha!"

Lalo naman humagalpak ng tawa si Issay at sinabayan pa ni Chedeng.

Pakiramdam naman ni Mayor gusto nyang tumakbo at lumayo sa dalawang ito!

"Pasensya na Mayor pero wala akong hilig sa pulitika! At kaya ako natatawa dahil sa asawa mo! Hahaha!

Kilala ako ng asawa mo at alam nyang wala akong hilig sa pulitika! At ang nakakatawa dun ay mukhang hindi ka nya makumbinse kaya dinala ka nya dito sa akin!

Yung selfie namin ni Bise nagkasalubong lang kami nun hindi kami nakapagusap.

At tungkol dun sa sinabi ni Bise sa bahay ni Mama Fe, kaya nya sinabi yun para malaman nya kung banta ba ako sa kanya.

Kaya wagka ng mapraning dyan at pasensya ka na sa amin na magkaibigan ganito talaga kami magkantiyawan!"

Mahabang paliwanag ni Issay.

Natawa na rin si Mayor. Naintindihan na nya ngayon ang lahat lalo na ang mga kinilos ng asawa ng mga huling araw.

Hindi nya alam na pinahirapan na pala nya ang asawa sa ka praningan nya.

"Sa ngayon ang gusto ko munang gawin ay tapusin ang pagsasalin ng lupa sa pangalan ko!"

Sabi ni Issay.

Biglang sumeryoso ang magasawa.

"Me isa ka pa nga palang dapat malaman, Issay."

"Patay na si Brando. Tatlong araw na."

"Magiisang buwan na itong hindi nagpapasok sa trabaho tapos nabalitaan na lang namin patay na. Natagpuan ang bangkay nya sa bahay nila. Atake daw sa puso!"

Paliwanag ni Mayor Arnold.

Pare parehong nabalot sa katahimikan ang tatlo.

Si Brando ay ang staff na nagkainteres sa titulo ng lupa ng lolo ni Issay pero hindi naparusahan dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Pagkatapos ng usapin sa lupa hiniling ni Issay na 'wag galawin si Brando at tratuhin na parang walang nangyari.

Bakit?

Gusto nilang mahuli si Roland.

Pero ang nangyari imbis na si Roland ang nahuli nila yung mga kasamahan ni Brando na tiwaling empleyado tulad nya ang nahuli nila at naparusahan.

At dahil ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw pero mas galit sila sa traydor, hindi nakatakas si Brando sa lupit ng ganti nila.

Akala kasi nila ikinanta sila ni Brando dahil lahat sila naparusahan maliban sa kanya.

Nakaramdam naman takot si Issay sa nangyari.

Hindi man nagsasalita, pare pareho naman ang tumatakbo sa isip nilang tatlo.

Pano kung hindi simpleng atake lang ito?

Nang biglang tumunog ang cellphone ni Issay.

Issay: "Hello? ... Ano?"

"Saang Presinto?!"