Pagdating nila sa presinto sinalubong sila ni Manang Zhen na takot na takot sa nangyari.
"Issay si Pinyong ikinulong nila si Pinyong! Andun sya umiiyak!"
Kwento ni Madam Zhen sa kanila na mangiyak ngiyak na.
Nadidinig naman ni Issay ang malakas na hagulgol ni Pinyong. Andun ang ama nito ayaw bitawan ang anak kahit na may nakapagitan na rehas sa kanilang dalawa, hindi nya ito iniwan dahil natatakot syang baka may manakit sa anak.
Kinuwento na ni Madam Zhen sa phone ang mga nangyari habang papunta sila ng presinto.
Dumating si Roland sa apartment at hinahanap si Issay.
Pero kaalis lang ni Issay nun dahil nakipagkita nga sa kaibigan nyang si Chedeng at sa asawa nitong si Mayor Arnold.
Nagpumilit pa rin si Roland na papasukin sya ng compound at dun na lang magaantay sa may pinto ng apartment ni Issay.
Hindi pumayag si Madam Zhen dahil nga kaalis lang ni issay, kaya sinabi nyang bumalik na lang sa susunod na araw at natitiyak nyang gagabihin ito.
Pero hindi pa rin umalis si Roland.
Nang makita ni Pinyong na nakikipagtalo si Madam Zhen nilapitan nya ito.
Nung una ay hindi ito nakikialam pero laking gulat ni Madam Zhen ng biglang sumulpot si Pinyong sa likuran nya at sinuntok si Roland.
Nasaktan si Roland kaya gumanti rin ito ng suntok at di na nila napigilan ang mga sumunod na nangyari.
Dumating ang mga tanod at dinala sila sa baranggay pero tumawag si Roland ng pulis kaya sila napunta ng presinto.
Hindi naman nag demanda si Roland at nag file lang ng complaint laban kay Pinyong ipinakulong lang nya ito para daw matuto.
Tapos ay kinausap ni Roland ang Chief ng presintong iyon at inaya niya itong kumain sa labas.
Pagdating ng presinto, agad na kinausap ni Mayor ang desk officer.
"Sir, magandang araw. Narito kami para kay Josefino Daguyo. Nalaman kasi namin ang nangyari pero nais lang sana namin hilingin na ilabas ninyo sya at huwag isama sa iba.
May kapansanan kasi siya at kaoopera lang kaya baka pwedeng pagbigyan nyo kami!"
Pakiusap ni Mayor Arnold sa Desk Officer.
"Pasensya na pero gusto ng nagreklamo na bigyan sya ng leksyon para daw magtanda!"
Matigas na sabi ng Desk Officer.
"Pwede ko ba syang makausap?"
Tanong ni Issay.
Pumayag naman ang desk officer.
Pinuntahan na ni Issay si Pinyong habang patuloy pa rin sa pagkumbinsi si Mayor Arnold at si Chedeng sa desk officer na kahit ilabas na lang ito ng selda at 'wag isama sa mga nakabilanggo.
"Pinyong 'wag kang matakot kahit anong mangyari ilalabas kita dito ha! May masakit ba sa'yo?"
Sabi ni Issay na puno ng pagaalala.
Patuloy sa pagiyak si Pinyong halatang may iniindang sakit pero mas nanaig ang takot sa dibdib at pagaalala sa ama.
"Salbahe sya Teacher! Salbahe yung Manong na yun!
Siya ang may gawa sa 'kin nito! Wagkang lalapit dun!
Masakit lang eto!"
At itinuro ni Pinyong ang kaoopera lang sa kanya.
Napansin ni Issay na nagdudugo ang bandang tenga nito.
"Okey sige, hindi ako lalapit sa kanya! Pero wag mong hahawakan yang inoperahan sa'yo ha, tatawag ako ng tulong Tumahan ka na!"
Sabay hawak ni Issay sa mukha ni Pinyong para palakasin ang loob nito.
Nababahala na si Issay sa sitwasyon ni Pinyong. Alam nyang kailangan niya ng atensyong medikal para matingnan ang pagdurugo sa bandang tenga nito at para malaman kung nagka trauma ba ito sa nangyari, kaya tinawagan nya ang duktor ni Pinyong.
"Doc, may problema po kasi. Pwede po ba kayong pumunta dito sa presinto?"
At kinuwento ni Issay sa duktor ang mga nangyari.
"Pasensya na Ms. Isabel, pero hindi ako makakaalis dito dahil mayroon pa akong operasyon ngayon.
Base sa kwento mo, kailangan madala agad dito sa ospital si Pinyong para matingnan ang lagay nya!"
Sagot ng duktor na lalong ikinabahala ni Issay.
Walang nagawa si Issay.
Kailangan nyang mailalabas kaagad ng presinto si Pinyong at madala sa ospital. Linggo pa naman ngayon.
Kaya paano?
Pinagmasdan nya sila Arnold at Chedeng. Kahit na nagpakilala na ang dalawa hindi pa rin pumayag ang pulis.
Paano ba maiintindihan ng mga pulis ang pakiusap nila kung ang tanging nasa isip lang ng mga ito ay ang utos ng pinuno nila.
Mamaya maya nagulat ang lahat sa sigaw ng tatay ni Pinyong na si Mang Lito.
"Anak! Anak! Anong nangyari sa'yo anak ko?!"
Natatarantang tanong ni Mang Lito.
Hindi na nila naririning ang iyak ni Pinyong at hindi na rin ito gumagalaw na tila nawalan ng malay.
Sabay sabay silang napatakbo sa kinaroroonang selda ni Pinyong.
Pinilit nilang ilayo si Mang Lito pero ayaw nyang bitiwan ang kamay ng anak.
Naguumpisa ng mainis at magreklamo ang mga nakakulong dahil sa ingay na nadidinig na nagmumula sa kanila, kaya pinagsabihan sila ng bantay na naroon.
"Pag hindi kayo tumigil sa ingay nyo palalabasin ko kayo lahat ng presinto!"
Sabi ng pulis sa kanila.
Kaya nilapitan na ni Madam Zhen si Mang Lito at pinakalma ito.
Naiirita na si Issay.
Nasabi na nila ang kalagayan ni Pinyong subalit tila walang pakialam ang mga pulis na naroon.
Hindi man lang nila inaalala ang kawawang lagay nito.
Tila wala ng saysay na makipagusap pa sa kanila kung kaya tinawagan nya si Anthon.
Issay: "Anthon, nasa presinto ako, kailangan kong makausap si Gene! Pakiusap, importante lang!"
Anthon: "Anong ginagawa mo sa presinto?"