Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 54 - Mag Antay!

Chapter 54 - Mag Antay!

Tuwing lunes mayroon silang meeting na tatlo.

Si Belen si Issay at si Edmund. Ginagawa nila ito para malaman ng bawat isa ang nangyayari sa kompanya. Andun din si Nadine at si Tess.

"Mukhang naibabalik na natin paunti unti ang kompanya, magandang balita ito!"

Ani Belen.

"Malapit na pala ang general meeting, ano bang plano?"

"Sabi ni Issay.

"Kelan ba?"

Tanong ni Edmund

"Sa susunod na sabado. Naasikaso na ni Tess ang lahat. Makakapunta ka ba?"

Tanong ni Belen sa pamangkin.

"Akala ko ba mauuna ang shareholder's meeting?"

Naguguluhang tanong ni Edmund.

"Bakit, may gusto ka bang sabihin? Si Anthon lang naman ang wala dito."

Curious na tanong ni Belen.

Nasabi na ni Issay sa kanila na nasa kanya na ang apatnapung porsyento ng shares ng kompanya, kaya hindi na ulit nagpatawag si Belen ng shareholders meeting. Masyado silang abala para sa darating na General meeting.

Hindi na sinagot ni Edmund ang tiyahin. Patuloy lang nyang pinagmamasdan si Nadine na nakangiting nakikipagusap kay Isabel.

"Nadine, balita ko nag start ng mag OJT si Nicole."

Nakangiting sabi ni Edmund, halatang gustong makipagusap kay Nadine.

Na miss na nya ang kaibigan kaya masaya sya pag nakikita nyang parating dumadalo sa meeting nila si Nadine.

"Balak ko nga palipatin sya dito para magkasama kayo."

Pagpapatuloy ni Edmund.

Nadismaya sa narinig si Nadine tapos ay seryoso syang tumingin kay Edmund.

"Wala naman po ako sa posisyon na kontrahin kung ano ang gusto nyong gawin Sir!"

Sagot ni Nadine sabay tayo nito at nagpaalam ng umalis.

Hindi nya kayang magtagal na kasama si Edmund sa iisang silid kung hindi lang sa utos ng boss nyang si Issay.

Napipikon sya sa pagka walang pakialam nito sa damdamin nya. Pero anong magagawa nya, empleyado lang naman sya.

Hinabol naman ng tingin ni Edmund ang kaibigan. Pakiramdam nya galit ito kaya gusto nyang itanong kung bakit, pero mabilis itong lumabas ng silid at iniiwasan sya ng tingin.

Napansin ni Issay na nagtataka si Edmund sa ginawa ni Nadine.

"Ang ibig sabihin ni Nadine, ayaw nya na makasama ang kapatid nya, pero wala syang magagawa kung yan ang gusto mong gawin. Kung sya walang magagawa ako meron! Hindi ako pabor na magkasama ang makapatid dahil hindi makakapagtrabaho ng maayos si Nadine! At hindi siya yaya ng kapatid nya para laging kailangan magkasama sila!

Sana naman maintindihan mo at pakiusap 'wag mo ng pahirapan pa si Nadine!"

Paliwanag ni Issay kay Edmund sabay tayo din nito at iniwan na ang mag tiyahin.

Naiinis at naiirita si Edmund sa sinabi ni Isabel.

"Mukhang iritang irita ka dyan. Bakit tinamaan ba ang pride mo sa sinabi ni Issay?"

Tanong ni Belen.

Hindi makaimik si Edmund. Hindi nya maintindihan kung ano ang nagawa nyang mali.

"Edmund makinig ka. Hindi maganda na lagi mong pinapaboran si Nicole. May HR tayo! Hindi makabubuti kung ililipat mo sya dito dahil marami ang magagalit sa gagawin mo, hindi lang si Nadine at Issay pati na rin ako at lahat ng empleyado dito!"

Paliwanag ni Belen.

Nagtataka naman si Edmund

hindi nya ginagawa yun para kay Nicole kungdi para sa kaibigan nyang si Nadine.

"Pero gusto ko lang naman pong tulungan si Nadine!"

Katwiran ni Edmund.

"Kung gusto mong tulungan si Nadine mas makabubuting hayaan mo na lang sa HR ang lahat, dahil nahihiya na si Nadine humarap sa mga empleyado na nasa baba!"

Naguguluhan si Edmund sa sinasabi ng tiyahin.

"Anong ibig nyo pong sabihin Tiya Belen?"

"Dahil sa ginawa mong pabor para kay Nicole, marami tuloy ang nagdududa sa promosyon ni Nadine. Tingin nila hindi sya karapatdapat sa posisyon nya ngayon dahil ang iniisip nila ay may ginagawang karumaldumal si Nadine para mapromote!

Yan ang dahilan kaya laging sinasama ni Issay si Nadine sa mga meeting para palakasin ang loob nito at para patunayan sa kanilang magaling at karapatdapat si Nadine sa posisyon nya!"

May inis na sabi ni Belen.

Hindi nya maintindihan kung bakit napaka manhid nitong pamangkin nya?

Pero walang kaalam alam si Edmund na may nangyayari na palang ganito.

"Anong gagawin ko Tiya? Kailangan kong ayusin ito!"

Nagaalala si Edmund para sa kaibigan. Hindi nya akalain na si Nadine pala ang napapahamak dahil sa desisyon nya.

"WALA! Mas maiging wala kang gawin dahil pag may ginawa ka, si Nadine na naman ang maapektuhan."

Sagot ni Belen

"Pero Tiya, gusto kong magbayad ang may gawa nito kay Nadine!"

Galit na sabi ni Edmund.

"Edmund, hindi mo pa rin ba naintindihan? IKAW ang may gawa nito kay Nadine! Dahil sa pabor na ginawa mo para sa kapatid nya ang iniisip at pinagkakalat ni Nicole malakas siya sa'yo! Kaya ilag ang mga tao sa kanya, kaya sya hindi basta basta pwedeng magalaw ng HR."

Hindi inakala ni Edmund na ipapahamak nya ang kaibigan dahil sa simpleng pabor na iyon.

Kaya pala pakiramdam nya iniiwasan siya ng kaibigan.

'Marahil ay masama ang loob nya sa akin!'

'Tama si Tiya Belen, kasalanan ko 'to!'

"Tiya Belen may nais po akong sabihin sa inyo."

Biglang sumeryoso si Edmund

"Ano ba yun, pamangkin?"

"Gusto ko na po kasing bitawan ang pagka acting CEO."

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo Edmund?"

Nung una nagdadalawang isip pa siya pero ng marinig ang tungkol kay Nadine, nakapag desisyon na sya.

Kasalanan nya ang nangyari sa kaibigan at alam nyang nagkamali sya pero hindi nya masabi ng diretso sa tyahin nya.

"Medyo malaki po ang problema ng negosyo namin at kailangan kong tulungan si Eric. Kaya gusto ko po sanang mag focus muna ako dun, ayaw kong mawala ang pinaghirapan namin ni Eric, Tiya."

"Masyado bang malaki ang problema, kailangan mo ng tulong?"

Nagaalalang sabi ni Belen. Alam nyang mahalaga kay Edmund ang negosyo nilang magkaibigan.

Pero alam din nyang idinadahilan lang ni Edmund ito para hindi sya mapahiya sa pag alis nito bilang acting CEO ng kompanya.

"Kaya pa naman po namin Tiya, katunayan may mga bago po kaming mga referals.

Aatend na lang po ako ng Monday meeting natin para updated pa rin ako sa kompanya."

Tumango na lang si Belen sa kanya bilang pagsangayon.

"May isa pa nga po pala Tiya Belen, yung pong shares ni Papa pwede po bang kayo na po muna ang bahala?"

Ayaw nyang sabihin sa tiyahin ngunit may kutob syang si Roland ang nagpabugbog sa kanya dahil nakita nya ito na nakangisi sa malayo bago sya nawalan ng malay.

"Wag mong intindihin ang mga shares ng Papa mo dahil binigyan niya ako ng karapatan na hawakan ito."

Nagulat si Edmund sa sagot ng tyahin, pero nagpasalamat pa rin ito. Ngayon niya naintindihan ang ibig sabihin ng ama na mahina sya kaya sa simula pa lang ay ipinagkatiwala na nya lahat sa tyahin nya.

"Tiya, kayo na po sanang bahalang magsabi kay Isabel!"

Ngunit lingid sa kaalaman ni Edmund may alam si Isabel sa nangyari sa kanya, dahil sya ang tinawagan ni Eric para tulungan syang mailabas si Edmund sa ospital.

Nasabi na rin ni Eric sa kanya na nalulugi ang negosyo nila

kaya gumawa ito ng paraan para matulungan si Edmund na hindi sinasabi sa binata dahil alam nyang sobrang taas ng pride nito.

Pero may kutob na si Belen kaya pag alis ni Edmund, kinausap niya si Issay tungkol dito.

"Issay, salamat!"

Buong ngiting sabi ni Belen.

"Wala talaga akong maitago sa'yo, Ate Belen. Saka, maliit na bagay lang yun!

Pero anong plano mo kay Roland?"

Tanong ni Issay.

"Magantay!

Mukhang may padating na magandang palabas! Hehe!"