Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 58 - Nasaan Si Nadine?

Chapter 58 - Nasaan Si Nadine?

Lunes.

Nasa meeting sila Issay, Belen at Edmund.

Napansin ni Edmund na hindi kasama ni Isabel si Nadine sa meeting.

Plano pa namang nyang ayain ang kaibigan na gumimik sila katulad ng dati. Na mi miss na nya talaga ng husto ang kaibigan at gusto nyang bumawi ngayon.

"Isabel, bakit hindi mo kasama si Nadine? Hindi ba sya pumasok?"

Tanong agad nito.

Hindi sumagot si Isabel. Kinuha nya ang isang envelop na naglalaman ng resignation letter ni Nadine at inabot sa dalawa.

Pareho ang reaksyon ng magtyahin ng makita ang resignation letter. Ni isa sa kanila walang nagbukas, tiningnan lang nila ito.

"Bakit?"

May inis sa tanong ni Belen. Inis dahil hindi nya inaasahan ito.

"Tungkol ba ito sa nangyari nung sabado?"

Punong puno ng pagaalala ang mukha ni Edmund.

"Oo! Kinausap ko sya at sinubukan kong pigilan pero ayaw na talaga nyang magpakita dito sa buong building na ito! Nahihiya sya!"

Sagot ni Issay sa kanilang dalawa.

Nanghinayang si Belen ng madinig ito. Dahil sa walang katotohanang tsismis nasira ang magandang career ni Nadine.

"Pero hindi pa rin ako pumayag na umalis sya dahil magaling si Nadine.

Bihira ang isang henyong katulad nya na dumating sa kompanya.

Kaya kinausap ko sya at kinumbinsing magaral na muna at sasagutin ito ng kompanya.

Pumayag naman sya basta hindi na sya babalik dito sa building!"

Kwento ni Issay.

Natuwa naman ang dalawa sa magandang balitang sinabi ni Issay.

"Pero bakit nag resign pa rin sya?"

Nagtatakang tanong ni Belen

Napabuntunghininga si Issay bago magpatuloy.

"Kahapon, pag uwi ni Nadine sa condo nila, nadatnan nya ang Mama nya.

Nakapagsumbong na si Nicole sa ginawang pananakit ng Ate nya sa kanya. At ikinuwento na rin nito ang kumakalat na tsismis na naririnig nya sa opisina at

ang posibilidad na may katotohanan ito dahil sinabi ni Nicole sa ina na ang Ate nya ang may gawa kaya siya napaalis sa OJT!"

Napakunot ang noo ni Edmund.

"Ngunit hindi totoo yan! Ako ang nagpatanggal at nagpa blacklisted sa kanya bakit ibinibintang nya ito kay Nadine?"

Galit na sambit ni Edmund.

"Patapusin muna natin magkwento si Issay bago ka mag react dyan!"

Suway ni Belen sa pamangkin.

Nararamdaman nya kasing naguumpisa ng uminit ang ulo nito.

"Kaya pagpasok pa lang ng condo ni Nadine nakita na sya agad ng Mama nya at sinalubong sya nito ng sampal at sunod sunod pang sampal hanggang matumba sya at tumama ang ulo niya sa may mesita.

Kundi naawat ng kasambahay nila ang Mama nya hindi ito titigil sa pananakit kay Nadine.

Doon nakakita ng pagkakataon si Nadine para tumakbo pero hinabol pa rin sya ng ina, buti na lang at napigilan sya ng mga security duon kaya nakatakas si Nadine at saka nya ako tinawagan.

Nang makita kong may dugo ang ulo nya, dinala ko sya sa ospital para matingnan at saka tinawagan ko ang Papa nya para sabihin ang nangyari. Papunta na sya ngayon dito sa opisina!"

Nagimbal si Belen at Edmund ng madinig ang kwento ni Issay.

"Asan na si Nadine ngayon?"

"At saka kamusta na sya?"

Parehong nagaalala ang dalawa.

"Inuwi ko sya sa bahay kahapon pero paggising ko kaninang umaga .... nakita ko na lang yang resignation letter nya.

Wala syang sinabi kung saan sya pupunta ni hindi man lang nagpaalam. At ng tawagan ko ang tanging sagot lang nya ay 'wag akong magalala at gusto muna nyang mapagisa!"

Kwento muli ni Issay

Nagpupuyos sa galit si Edmund ng madinig ang buong pangyayari.

Hindi ito ang gusto nya.

Hindi niya gustong ipahamak muli ang kaibigan pero mukhang sya na naman ang dahilan kaya nasaktan si Nadine.

Bakit ba hindi nya magawang protektahan ang kaibigan.

"Isabel, gusto kong andun ako pagkinausap mo si Mr. Belmonte!"

Sabi ni Edmund na halatang mainit na ang ulo.

"Ayusin mo muna yang sarili mo! Ayokong haharap ka sa kanya na galit ka!"

Singhal ni Belen.

Kaya pinilit kumalma ni Edmund. kailangan nyang makausap ang ama ni Nadine.

"Syanga pala, maganda yung naisip mong paraan para mawala na ang tsismisan sa kompanya!"

Pagiiba ng usapan ni Issay.

Pinapirma ni Edmund ang bawat empleyado ng kontrata na nagsasabing ang sinumang mahuling nakikipagtsismisan lalo na sa oras ng trabaho ay magmumulta ng isang milyon at pwedeng pang matanggal sa trabaho.

Napangiti naman si Edmund ng purihin ni Issay ang ginawa nya.

"Dapat isang daang libo lang yan pero si Mr. Dizon sinobrahan ang zero kaya naging isang milyon!

Pakiramdam ko sinadya nya!"

Nakangiting sabi ni Edmund.

Masaya na sana si Edmund ng purihin siya ni Issay pero nairita sya sa susunod na sinabi nito.

"Uyyy! Mukhang nag go grow na sya oh!"

Nanunuksong sambit ni Issay.

Sabay alis at iniwan ang magtyahin.

'Anong tingin nya sa akin? Bata!'

Nagmamaktol na sabi ng isip ni Edmund.

"Mukhang kahit si Issay nahahalata na ang sobrang concern mo kay Nadine."

Nangingiting sabi ni Belen sa pamangkin.

"....bakit ba kasi ayaw mo pang umamin dyan?"

Dugtong pa ni Belen.

"Tiya, kaibigan ko po si Nadine! Matalik po kaming magkaibigan!"

"Ngayon ko lang napatunayan na totoo nga yung nabasa ko sa FB! Na yung taong inlab, sya daw yung huling nakakaalam! Hahaha!"

Edmund: "..."

********

Sa opisina ni Issay.

Pinapanood ni Enzo ang isang video nung araw na napatalsik si Nicole.

Hindi sya makapaniwala sa ginawa ni Nicole. At mas lalong hindi sya makapaniwala sa ginawa ni Nadine.

Hindi marunong manakit ng tao ang anak nyang si Nadine. At mas lalong hindi ito marunong lumaban, pero ibang ibang Nadine ang nakita nya sa video.

Isang matapang na babae ang napanood nya.

"Nasaan si Nadine?"

Tanong ni Enzo.

"Hindi ko alam. Umalis sya at iniwan lang ang resignation letter na ito.

Nang tawagan ko, ang sabi nya gusto nyang mapagisa.

Tapos nun hindi ko na ulit makontak ang phone nya."

Hindi niya akalain lalayasan sila ng anak. Marahil ay umabot na sa sukdulan ang pisi nya kaya hindi na nya nakayanan at umalis.

'Kasalanan ko ito!'

"Mr. Enzo, may gusto akong itanong, pero masyadong personal.

Hindi kita pipilitin na sagutin pero nais ko pa ring itanong."

Tahimik lang si Enzo kaya nagpatuloy si Issay.

"Enzo, gusto ko lang itanong kung bakit magkaiba ang trato ng asawa mo sa dalawang magkapatid?"