Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 64 - Kahon

Chapter 64 - Kahon

Dalawang linggo na lang birthday na ni Mama Fe!

Kaya nagpatawag ng family meeting si Anthon para kamustahin ang preparasyon at para pagusapan ang isang napakalaking bagay na gusto nyang mangyari sa araw na iyon.

Bago sya umalis sinigurado na muna nya ang seguridad ng kompanya lalong lalo na ni issay.

Ngayong si Issay na ang Chairman kailangang magdagdag ng seguridad sa paligid nya. Kung nuon pinapasundan nya lang ito sa malayo, ngayon hindi na nya hahayaan na wala itong bodyguard na kasa kasama palagi.

Walang nagawa si Issay sa gustong mangyari ni Anthon, kaya kahit na naiinis pumayag na rin ito para lang tumigil sa kapraningan ang kasintahan.

Napalitan na rin lahat ang security sa building at naghain na rin sila ng reklamo sa security agency na lubos na ikinagulat ng presidente nila.

Kahit na nakapagpiyansa si Roland gaya ng inaasahan, sinigurado naman ni Issay na lalabas sa news ang ginawa nya bagay na nagpangingit ng husto kay Roland.

"Walang hiya kayo! Sino kayo para hamunin ako? Kung inaakala nyong hindi ko kayo papatulan nagkakamali kayo! Sisiguraduhin kong ilalagay ko kayo sa tama nyong kalalagyan! Humanda kayo LuiBel Company!"

Nagbigay ito ng reklamo illegal detention laban sa LuiBel company dahil sa pagkakakulong sa kanya at mga kasama nya sa silid ng mahabang oras.

Mabilis naman itong pinabulaanan ng mga pulis at sinabing dalawang oras lang itong nagantay sa isang meeting room ng kompanya at hindi nakakulong gaya ng pinahayag nito. Kaya sila nagtagal duon dahil sa nag imbestiga pa sila at kinalap pa nila ang mga ebidensya bago umalis.

Pero ang totoo, nakalap na ng mga tauhan ni Anthon ang mga ebidensya at ibinigay na nila ito sa mga pulis pero pinakain muna ni Issay ang mga ito kaya sila natagalan.

Maliban dun hindi na muling humarap si Roland. Ang inaabangan nilang demanda nito tungkol sa pagiging tunay na may ari nya ng limampung porsyento ng shares hindi dumating. Mukhang nanahimik na naman at nagiisip ng bagong paraan laban sa kanila.

At ngayon.

Naiinis na naupo si Mama Fe. Inistorbo sya ng anak sa ginagawa nyang paghahanda sa pagalis mamya. Pinapatawag kasi sya ng mananahi para isukat ang damit na gagamitin nya sa birthday.

Mama Fe: "Bakit mo ba kami pinatawag Anthon? Ano bang napaka halagang bagay yan at hindi ka makapag antay ha?"

Kanina pa sya atat na atat na magtungo sa modista, gusto na nyang makita ang gown nya.

Joel: "Oonga kuya!"

May 'life' din kami at pupunta rin naman kami sa susunod na linggo bakit ba nagpatawag ka agad ng family meeting?"

Naiinis rin ito dahil may date sila ng honey love nya pero naantala dahil wala syang magawa ng utusan siya ng Kuya nyang umuwi. Sobra pa naman nyang na miss ang honey love nya dahil isang buwan silang hindi nagkita nito.

Tahimik lang si Gene na pinagmamasdan ang pamilya nya. Ganito talaga siya katulad ng ama hindi masyadong nagsasalita. Kahit na labag din sa kalooban nya ang umuwi ng San Roque dahil sa tambak na trabaho nya, pero dahil ang panganay niyang kapatid ang nagpatawag wala syang magawa kung hindi ang sumunod.

Malaki talaga ang respeto nya kay Anthon, hindi nya matanggihan pag humiling ito.

Anthon: "Hindi kasi pwedeng sa isang linggo tayo magusap dahil andito na rin si Issay nun!"

"Gusto ko plantsado na ito bago siya dumating at kailangan ko ang tulong nyo!"

Mama Fe: "Ano ba yun? Sabihin mo na at atat na atat na ako!"

Hindi nagsalita si Anthon bagkus ay ngumiti ito sa kanila at may kinuhang isang kahon sa bulsa nya at ipinakita ang laman sa kanila.

Hindi naman maintindihan ni Joel ang ibig sabihin ng kapatid ng ipakita nya ang kahon na naglalaman ng singing.

Joel: "Kuya para saan yan? Regalo mo ba yan sa Mama o ibinibenta mo?"

Binatukan sya ni Gene.

Gene: "Engagement ring yan!"

Mama Fe: "Totoo ba yan?"

"Sabihin mo totoo yan anak magpopropose ka na kay Issay?!"

Tumango si Anthon.

Mama Fe: "Waaaaaahhh!!!!"

"Totoo nga! totoo nga!"

"Mga kapitbahay mag asawa na si Anthon ko!"

Nagsisigaw ito sa bintana.

Pinilit syang pinigilan ng mga anak nya lalo na si Anthon na lumabas ng bahay at mukhang duon gustong magsisigaw.

Anthon: "Ma!.. Ma!"

"Pakiusap sekreto muna natin to! Wag mo munang ipagsabi, utang na loob Mama!"

Pagmamakaawa ni Anthon sa ina.

Tumango tango lang sa kanya si Mama Fe pero hindi maikubli ang saya sa mukha niya na abot ang ngiti hanggang tenga.

Pumalakpak na lang ito kahit gustong gusto nyang sumigaw.

Naalala ni Anthon ng sabihin nya sa ina na 'girlfriend' na nya si Issay. Ganito rin ang reaksyon nya na nagdulot sa kanya ng sobrang kaba at takot dahil hindi mapigilan ang sobrang saya nng ina.

Nagsisigaw itong lumabas ng bahay at sinasabi sa lahat ng makasalubong na girlfriend na ng anak nya si Issay.

Buong San Roque tuloy ang nakaalam sa balita.

At hindi pa duon natapos yun, hindi rin nya nagawang pigilan ito ng gustong lumuwas ng Maynila para makita si Issay.

Mama Fe: "Kelan ha? Kelan mo planong mag 'propose' kay Issay anak?"

Anthon: "Sa birthday nyo po Ma!"

Mama Fe: "Teka!"

'Moment' ko yun e!"

Anthon: "Sa huli ko naman po gagawin para hindi masira ang 'moment' nyo."

At muli itong na 'excite'

"Yes! Yes! Yes!"

"Mag aasawa na ang panganay ko!"

"Sa wakas!"

Nagtatalon ito at sumasayaw pa sa tuwa.

Gene: "Bro, 'congrats' pero... 'good luck' kay Mama! Hehe!"

Joel: "Oonga Kuya!"

"Pwede mo namang sabihin muna sa amin at tayo na lang magplano, ba't isinama mo pa ang Mama?" "Ayan tuloy hindi mapigilan na maipagsigawan sa mundo na magasawa ka na!"

Anthon: "Magtatampo yan kapag hindi ko sinama sa plano! Alam naman ninyong gustong gusto nya si Issay!"

Joel: "Edi bahala kana kung papano mo pipigilan yan at baka atakihin sa puso yan sa sobrang 'excitement'!"

Sabay alis ng dalawa at iniwan na syang magisa sa ina.

Anthon: "Hoy! Wag nyo nga akong iwan, tulungan nyo ko!"

Pero hindi siya nilingon ng dalawa kumaway lang ang mga ito sa kanya.

Kaya wala syang nagawa kung hindi pagmasdan ang kanyang inang masayang nagsasaway kahit walang musika.

Mayamaya lumapit ito at inakap ang ina upang kumalma at pagkatapos ay sinabayan nya itong magsayaw.

Related Books

Popular novel hashtag