Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 65 - Tagapagligtas

Chapter 65 - Tagapagligtas

Inis na inis si Roland sa mga nangyari sa kanya. Hindi ito ang nasa isip nya.

Ang plano nya ay mailabas ang mga papeles na hawak nya para makarating sa media, gagawa ng ingay ang media na sisira sa magandang imahe ng kompanya at panoorin sila habang nililinis ang kalat na ginawa nya, pero..

Blag!

Hinampas nya ng malakas ang mesa, hindi maikubli ang inis nya!

Wala syang magawa ngayon kung hindi linisin ang kalat na sya naman ang nagsimula.

"Bakit nabaligtad ang pangyayari?"

Bakit ako ang hinahabol ng media ngayon at kung ano anong pinagsasabi tungkol sa akin imbis na sila!"

"Hindi dapat ganito! Ako ngayon ang naglilinis imbis na sila! Dapat natataranta na sila ngayon at hindi alam ang gagawin pero bakit nagkaganon?!"

Hinahamon ba talaga nila ako?!"

Blag!

Tumilapon sa mesa ang laman na alak ng basong hawak nya ng ibaba nya ito ng malakas, mabuti at hindi nabasag ang baso.

Nasa isang restaurant sila ng mga alalay nya at nagiinom para mailabas ang inis nya.

Hindi pa rin mawala sa alala nya ng dalhin sya sa presinto.

Pag hinto pa lang ng 'police car' na lulan nya, nagulat na lang sya ng biglang nagdagsaan ang mga reporter sa kung saan. Hindi sila makontrol ng mga pulis at naging headline pa ng gabing yun.

"Malamang sila ang tumawag sa mga reporter kaya nalaman na dadalhin ka duon!"

Sabi ng isa nyang alalay at kainuman.

Yun ang isa pang kinainis nya! Nagiisip pa lang sya kung papaano makakalabas sa sitwasyon nya may dumarating na agad na kasunod. Hindi nya inaasahan ng mangyayari ang ganon.

'Sino ang nasa likod ng mga ito! Imposible na isa sa mga babae at mas lalo namang hindi yung mokong na Edmund na yun!'

Nagngingitngit si Roland habang iniisip ito. Hindi nya kailanman matatanggap na matatalo sya ng isang babae lang. Hindi na nga niya matanggap na lagi syang talo ni Luis kaya mas lalong hindi nya matatanggap ito.

Hanggang sa naalala nya si Anthon.

"Malamang yung bwisit na lalaking yun ang may pakana ng lahat ng ito!"

Blag!

Bawat pagbaba ng kamay nya ay gumagalaw ang mesa nila kaya tumitilapon ang ibang mga nasa ibabaw ng mesa.

Naiirita si Roland, gusto nyang gumanti at gusto nyang mailabas ang inis na nararamdaman nya.

Kailangang may mapagbuntungan sya ng galit para mawala ito.

Blag!

Maya maya pagtingin nya sa may bintanang salamin ng restaurant, may nakita syang babaeng tila pamilyar sa kanya.

Pilit nyang iniisip kung saan nya ito nakita at ng maalala na nangisi ito.

Roland: "Nakikita nyo ba yung babaeng iyon na naka puting blouse at nagaabang ng sasakyan?"

Sinundan ng mga alalay nya ng tingin ang tinuturo ni Roland.

Tumango ang apat at saka ngumisi.

Roland: "Sundan nyo!"

"Bahala na kayo kung ano ang gusto nyong gawin dun sa babae!"

Utos nito sa mga alalay nyang mukhang laging hayok sa laman.

*****

Masayang masaya si Nadine dahil handa na syang umalis. Naayos na nya ang mga papeles para makapagaral ulit.

Gusto nyang kumuha ng Hotel Mangement course, bagay na gustong ipakuha ng ama sa kanya nuon pero hindi ginawa dahil ayaw nyang sa kanya ipahawak ang negosyo nila.

Nang madinig nya ang mga plano ni Issay, nagkaroon sya ng interes na maging parte nito.

Pakiramdam nya ang Ate Issay nya ang makakatulong para sya ay maging isang magaling na negosyante balang araw.

Nahihirapan syang magabang ng sasakyan dahil 'peak hour' kaya naisipan nyang lumipat ng pwesto at baka sakaling makasakay sya sa banda duon.

Hindi niya namamalayan na may mga lalaking sumusunod sa kanya.

Maya maya nagulat na lang sya at may biglang humablot ng bag nya.

Naruon lahat ng papeles nya at ang pera nyang winidraw para gamitin na 'pocket money' sa pag alis kaya nataranta sya ng nakitang napunta ang bag nya sa kamay ng humablot.

Kinuha nito ang pera na naruon at saka itinapon ang bag.

Nakakita naman sya ng pagasa na makuha ulit ang bag at mga papeles nya ng mapansin na paalis na ang humablot nito. Hindi na mahalaga ang pera basta maibalik lang ang bag nya.

Pero nagulat sya ng bigla nitong sabihing:

"Kayo na ang bahala dyan!"

Biglang nagsulputan ang tatlong lalaki sa kung saan at palapit sa kanya.

'May mga kasama pa pala siya!'

Hindi na interesado yung may hawak ng pera nya sa kanya umalis na ito iniwan siya sa mga kasama.

Sa taranta hindi nya alam ang gagawin sisigaw ba sya o tatakbo?

At ng nagsimulang lumapit na ang mga ito kumaripas na sya ng takbo na hindi alam kung saan tutungo.

Hanggang makarating sila sa isang kalye at wala na syang malabasan.

Natuwa ang mga humahabol sa kanya ng makitang wala na itong mapuntahan.

"Oh ano pagod ka na? takbo pa!"

"Hahaha!"

"Wag kana kasing maarte dyan at paliligayahin ka naman namin e!

Hehehe!"

"Hoy ano pa ginagawa nyo, hawakan nyo na yan at kailangan nating magmadali baka may makakita sa atin!"

Nagtitili si Nadine ng lumapit sa kanya ang dalawa at hawakan sya sa mag kabilang braso nya.

Natakot ang isa sa kanila at sinikmuraan si Nadine para manahimik na ito at hindi na magingay.

Bumagsak si Nadine sa semento at namimilipit sa sakit na nararamdaman gawa ng pagkaka suntok sa kanya.

"Hoy kayong dalawa magbantay kayo, ako ang mauuna!"

Gusto ulit sumigaw ni Nadine pero tinakpan nito agad ang bibig at sinumalang umpisahang hubarin ang suot nyang pangibaba kahit nagpupumiglas ito.

Bang!

Tunog yun ng baril na biglang ikinagulat ng dalawang nagbabantay. Mayamaya may kung ano na pabilis na padating hindi nila makita dahil madilim.

Thug! Thug!

Magkasunod na tumumba ang dalawang bantay.

Wala naman pakialam ang nakapatong kay Nadine dahil abala ito sa pagalis ng panty nya.

Sinipa ito ng malakas ng dumating sabay tutok ng baril kaya kumaripas na ito ng takbo.

Nang makitang tumakbo na sila tinulungan nya si Nadine na umiiyak at takot na takot sa nangyari.

Nang mahimasmasan nagpasalamat ito at hiniling na kung maari balikan nila ang bag nya na naglalaman ng papeles nya.

Hindi na rin naghain ng reklamo sa pulis si Nadine dahil sa takot na balikan sya ng mga ito.

At kinakabahan din syang baka makarating sa ama ang buong pangyayari.

Pero takot na takot pa rin si Nadine kaya mas minabuti nyang wag lumayo sa kanyang tagapagligtas.