Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 62 - Panahon Na

Chapter 62 - Panahon Na

"Pero hindi ako papayagan ng mga Shareholders na hindi ko tanggapin ang posisyon ng CEO kaya may naisip akong solusyon na sana ikatuwa ninyo!"

Nakangiti nyang sabi sa lahat.

"Simula sa araw na ito nais kong malaman nyo na ako, si Isabel delos Santos, ang bagong Chairman ng LuiBel Company!"

"Ito talaga ang posisyon na nais ibigay sa akin ni Kuya Luis nuon pa man pero hindi nya na nagawa!"

"At bilang Chairman ang unang una kong kailangan gawin ay magtalaga ng isang taong karapatdapat na maging CEO!"

"At nag iisa lang ang kilala kong karapatdapat sa posisyong ito maliban kay Sir Luis!"

"Kaya ipinakikilala ko na sa inyo ang bagong CEO ng LuiBel Company ... Madam Benilda PerdigoƱez Martin!"

Nagtayuan ang lahat at sinalubong ng masigabong palakpakan ang bagong CEO.

Hindi naman makapaniwala si Belen sa ginawa ni Issay. Binaligtad na naman nya ang mga sitwasyon!

'Iba talaga syang magisip!'

Nangingiti sa sarili si Belen.

Kaya ng magkasalubong sila ng stage nagkangitian lang ang dalawa sabay iling.

Pagkatapos nito iniwan na ni Issay ang lahat kay Belen dahil marami pa syang kailangan gawin.

Isinama nito Edmund sa opisina para makausap ng sarilinan.

Issay: Edmund, tapatin mo nga ako! May kinalalaman ka ba kung paano nagkaroon ng papeles si Roland?"

Nakayuko lang si Edmund ayaw magsalita nahihiyang tingnan si Isabel.

Issay: "Edmund magsalita ka, gusto kong malaman bago tayo kumilos dahil mukhang totoo ang mga dala nyang papeles!"

Pero tahimik pa rin ito, hindi alam pano sasagutin si Isabel.

"Hindi ko pinapatulan ang mga pinagagawa mo dahil alam ko ang pinagdadaanan mo! Pero sa oras na ito kailangan ko ang kooperasyon mo para maayos ito!"

"Kaya sumagot ka!"

"May kinalalaman ka ba o wala?!"

Nagtaas na ng boses si Isabel.

Ngayon lang nya nakita ang ganitong ugali ni Isabel. Nakaramdam sya ng takot kaya parang maamong bata itong tumango.

Inaasahan na ni Isabel ang sagot ni Edmund dahil sa halatang kinokonsensya ito pero nadismaya pa rin sya ng marinig.

Issay: "May ideya ka ba kung paano ito nangyari?"

Edmund: "Hindi ko alam kung paano. Huling beses ko syang nakita at nakausap nung malasing ako sa isang bar. May pinapipirmahan syang pilit sa akin pero hindi ko alam kung ano yun! Ang natatandaan ko lang itinapon ko yun at sigurado akong hindi ko yun pinirmahan!"

Issay: "May naalala ka bang lumapit sa'yo sa bar bukod kay Roland?"

Edmund: "Wala, yung waiter ....."

napatigil si Edmund ng maalala ang waiter.

Issay: "Bakit ano yung waiter?"

Alam nyang hindi sya makakapagsinungaling kay Isabel dahil hindi sya titigilan nito, kaya kinuwento na nito ang naaalala nyang nangyari.

Hindi makapaniwala si Isabel sa ginawa ni Edmund. Nanggigigil ito sa kapabayaan nya.

Kaya sa inis ni Isabel nilapitan ito saka pinitik sa tenga!

Nagulat naman si Edmund sa aksyon ni Isabel. At totoong nasaktan sya.

Issay: "Sa susunod 'wag na 'wag kang iinom kung hindi mo kaya! Naiintindihan mo!"

Edmund: "Oo Ate! Pangako hindi na po mauulit!"

Pakiusap ni Edmund sabay layo kay Isabel ng makitang gusto na naman syang pitikin nito.

Nangiti naman si Isabel sa narinig pero hindi ito pinahalata kay Edmund. Ito kasi ang unang beses na tinawag syang Ate ni Edmund.

Issay: "Pagusapan natin ang tungkol sa security! Sino ang namamahala sa kanila?"

Edmund: "Sa 'security agency' sila nagmula, at sila na ang agency ng building simula ng itayo ito!"

Sagot ni Edmund habang tinatakpan ang tenga dahil tumabi sa kanya si Isabel.

Issay: "Nakapasok sila Roland dito na walang kahirap hirap kaya wala akong tiwala sa 'security agency' na yan!"

"Mabuti pa samahan mo ako at kausapin natin sila!"

Edmund: "Yes Chairman!"

Sabay takbo nito palayo kay Isabel.

**********

Tinipon ni Anthon lahat ng security ng building sa iisang lugar. Pansamantalang ipinalit nya ang mga tauhan nya sa mga ito.

Anthon: Sino ang head ninyo?"

Lumapit ang isang nagngangalang Noel kay Anthon.

Noel: "Bakit mo kami tinipon dito?"

Nagtataka nitong tanong kay Anthon.

Wala pa silang alam sa nangyari dahil puwersahan silang pinaalis sa pwesto nila ng taong kaharap niya ngayon.

Anthon: "Matagal na ba kayong nag seserbisyo dito sa building na ito?"

Hindi alam ni Noel kung bakit siya nagtatanong at wala syang balak sumagot. Hindi niya kilala ito at hindi ito ang boss nila.

Noel: "Pasensya na pero hindi kita kilala kaya hindi ako pwedeng basta magsalita."

Naintindihan naman ni Anthon si Noel kaya hindi na ito muling nagtanong. Nagantay na lang sila sa pagdating ni Issay.

Mamaya maya bumukas ang pinto at pumasok si Issay kasama si Edmund.

Tumayo ng tuwid ang mga naroon at bumati sa kanila.

Issay: "Sinong head nila?"

Tinuro ni Anthon si Noel.

Noel: Bakit po Ms. Isabel? May nangyari po ba?"

Issay: "Kilala mo ba si Roland Ledesma?"

Noel: "Opo Ms. Isabel, pinsan po siya ni Sir Luis!"

Issay: "Matagal mo na ba syang kilala? Saka papaano mo siya nakilala?"

Edmund: "Teka sandali!"

Biglang lapit sa kanila at pilit na kinikilala si Noel.

Edmund: "Hindi naman ikaw ang head ng security! Saka hindi kita kilala!"

Tiningnan din ni Edmund isa isa ang lahat ng naroon.

Edmund: "Hindi ko rin sila kilala lahat!"

Noel: "Nagpalit po kasi kami ng tao kaya po bago po lahat ang mga iyan!"

"Ako naman po ang pumalit kay Corpuz ang dating head ng security ng building na ito simula ng mag retiro sya!"

Issay: "Nagpalit kayo ng tao na hindi sa amin pinapaalam?"

Noel: "May 'request' pong nanggaling sa inyong opisina na kailangan magpalit ng bagong mga security guards!"

Nagtataka si Edmund dahil wala syang naalalang 'request' na pinirmahan.

Edmund: "Kanino nanggaling ang 'request' na yon at kailan ito dumating sa inyo?"

Noel: "Kay CEO Roland Ledesma po at mag dadalawang buwan na po ito!"

Nagkatinginan ang tatlo nangungusap ang mga mata nila. Hindi na nila kailangan magsalita, alam na nila kung ano ang nangyayari.

Kaya isa isa silang lumabas.

Si Anthon hinanap ang pinuno ng pangkat nila at inutusan magtungo sa security agency para magimbestiga.

At si Edmund naman tinawagan si Tess at ang tiyahing si Belen para umakyat sa taas para makapagusap.

At si Issay...

"Panahon na para lumaban!"