Nang hindi pa rin tumatayo si Isabel nilapitan na ito ni Edmund para patayuin sa upuan.
'Kung kinakailangan hatakin ko sya gagawin ko mapatayo ko lang sya at tanggapin ang pagka CEO!'
Lagi kasi syang inaaaar ni Isabel kaya siya na ang lumapit sa kanya para makapang asar din.
Ngingiti ngiti itong lumapit kay Isabel na tila sinasabi ng mga ngiti nya na 'naisahan ka namin ano!'
Gusto naman sapakin ni Isabel ang mga ngiti ni Edmund sa kanya.
Issay: "Salbahe kayo! hmp!"
Sabay irap kay Edmund.
Edmund: "Halika na!"
Hatak nya kay Isabel para tumayo.
Nang maitayo na ni Edmund si Isabel biglang may sumigaw.
"Tumigil kayo!"
Sigaw ni Roland na humahangos papuntang stage.
Nagulat ang lahat.
"Sino naman yan?!"
"Aba malay ko dyan! Bigla na lang sumusulpot sa kung saan!"
"Saka wala naman tumututol ah, bakit pinatitigil?"
Roland: "Itigil nyo yang ginagawa nyo ngayon din at hindi ako makakapayag na sya ang uupong CEO ng kompanyang ito!"
Naalerto si Anthon ng makita kung sino ang sumigaw. Tinawagan nya ang mga naka 'standby' nyang tauhan sa labas ng building at inutusang pumasok na sa loob.
Nagaalala ng husto si Anthon kaya humingi sya ng tulong sa kapatid para sa dagdag na seguridad sakaling magkagulo.
Belen: "Kuya Roland anong ibig sabihin nito? Anong ginagawa mo rito at anong karapatan mong ipatigil ito?"
Umakyat si Roland sa stage at kinuha ang mike kay Belen.
Roland: "Nais kong magpakilala sa inyo! Ako si Roland Ledesma ang pinsang buo at lubos na pinagkakatiwalaan ng pinsan kong si Luis, kaya hindi ako makakapayag na yang babae na yan ang papalit sa kanya!"
Nagtaasan ang kilay ng lahat ng andun.
"Anong pinagsasabi nya? Totoo ba ito?"
"Malay ko ulit! Nagpunta lang ako dito para kumain e!"
Sinenyasan ni Roland ang abogado nito para iabot sa kanya ang mga papeles. At saka tumingin sa bodyguard nyang malapit sa computer.
May binigay sya ditong USB at saka lumabas sa screen ang isang
dokumentong nagsasabing sya ang mayari ng limampung porsyento ng shares ng kompanya.
Nagulat ang lahat! Nagtinginan.
Pano nangyari yon?
Roland: "Gaya ng sinabi ko sa inyo, mag pinsan kami ni Luis at ako ang lubos nyang pinagkakatiwalaan kaya ako lang ang may karapatan na pumalit sa posisyong iniwan nya!"
Edmund: "Hindi totoo yan!"
Nagpupuyos sa galit si Edmund ng madinig ang sinabi ni Roland.
Kinakabahan sya dahil pakiramdam nya may kinalaman sya kung pano nangyari ito.
Pilit nyang binabalikan sa alaala ang araw na mabugbog sya dahil si Roland ang huling taong nakausap nya.
Roland: "Hehe! Pamangkin, totoo yan! Dahil kahit ikaw pumirma din dyan!"
Nakangisi nitong sabi na lalong kinainis ni Edmund.
Nasa loob na ang mga tinawagan ni Anthon at inutusan na nyang kumilos ang mga ito.
Issay: "Teka lang sandali!"
"Mr. Ledesma, sinasabi mo bang nasayo ang limampung porsyento ni Luis at binigay nya ito sa'yo ng kusang loob?"
Roland: "Hehe! Ano sa palagay mo Ms. Isabel!
Hehehe!"
Pangaasar ni Roland.
'Hindi ko hahayaang masira ng babeng ito ang matagal ko ng pinaghirapan na makuha.'
Issay: "Kaya mo ba itong patunayan sa korte?"
Kalmadong sambit nya.
Bigla naman nawala ang ngiti ni Roland.
'Sabi ko na hahamunin na naman nya ako pero handa ako ngayon!'
Roland: "Oo syempre! Kumpleto ang papeles ko at lahat yan ay legal ang pagkakagawa itanong mo pa sa abogado ko! Hehe!"
Lalapit na sana sa mike ang abogado ng magsalita ulit si Issay.
Issay: "Hindi na mahalaga kung ano ang sasabihin ng abogado mo! Hindi ka parte ng kompanyang ito hangga't hindi mo napapatunayan sa korte na sa'yo binigay ni Luis ang mga shares nya!"
"At sa pagkakaalam ko, matagal ka ng blacklisted sa kompanyang ito kaya pano ka nakapasok dito?"
Sasagot pa sana si Roland pero nagulat sya at may mga security na lumapit sa kanya.
Issay: "Hindi ka invited ng kompanyang ito! At ikaw pati na ang mga kasama mo ay walang pahintulot na pumasok dito!"
"Kaya hindi ko hahayaan na manatili ka pa at ang mga kasama mo dito!"
"Anthon, ikaw na ang bahala sa mga taong ito!"
Roland: "Teka! Teka sandali! Sino kayo? Hindi kayo ang security dito ba't kayo narito?!"
Nang mawala na sa paningin nila si Roland tumahimik na ang paligid at nakatuon lahat ang tingin kay Isabel.
Nang mapansin ni Issay na nakatingin ang lahat sa kanya na parang inaantay sya, lumapit ito sa mike.
Issay: "Magsiupo kayo!"
Parang mga estudyanteng tahimik na sumunod ang lahat.
Issay: "Anthon, paki tipon na rin ang lahat ng security ng building at gusto ko silang makausap!"
Tiningnan nya ang lahat ng naruon.
Issay: "Sa itsura nyo mukhang gutom na kayo at parang gusto nyo akong kainin!"
Nangiti ang lahat at nawala ang tensyon sa paligid.
"Bago ang lahat, magandang araw sa inyo!"
"Alam kong nalilito at naguguluhan kayo sa nangyayari, huwag kayong mag alala kami din!"
(Hehehe)
"Hindi namin alam kung papano nagkaroon ng papeles si Mr. Ledesma. Wala ring kaming ideya kung tunay ito o hindi! Pero isa lang ang natitiyak ko, hindi na kami mauupo lang at panoorin syang unti unting sinisira ang pinaghirapan ni Kuya Luis!"
"Kaya pagkatapos nito nais kong makausap ang legal department! ... alam nyo na!"
Sabay kaway sa kanila.
"Isa pa nga pala!"
Sumeryoso muna ito bago nagsalita.
"Nais kong magpasalamat dahil pinagkatiwalaan nyo ako sa posisyon na CEO pero hindi ko ito matatanggap!"
Nanghinayang ang lahat lalo na si Belen at Edmund sa sinabi ni Issay.
"Wala akong karanasan na mamuno ng isang napakalaking kompanyang tulad nito at ayaw kong masira ang lahat dahil sa kakulangan ko. Mas nanaisin ko pang nasa likod na lang ako at taga suporta."
"Kung meron mang mas karapatdapat na maging CEO, wala yung iba kung hindi si Madam Belen!"
"Mas malaki ang karanasan nyang mamuno dahil naniniwala ako na ipinanganak sya upang maging isang magaling na lider!"
Pumalakpak naman ang lahat. Marami kasi ang nakakaalam na simula ng namatay si Luis si Madam Belen na ang nagdedesisyon para sa kompanya. Kaya masayang masaya sila ng marinig ito.
ehem!
"Pero hindi ako papayagan ng mga Shareholders na hindi ko tanggapin ang posisyon ng CEO kaya may naisip akong solusyon na sana ikatuwa ninyo!"