Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 48 - Akala Ko Hindi Mo Na Itatanong

Chapter 48 - Akala Ko Hindi Mo Na Itatanong

Pagpasok ng opisina ni Issay kasunod nito si Anthon.

"Maupo ka Anthon.

Tungkol ba saan at gusto mo akong makausap?"

Tanong ni Issay.

Naupo si Anthon at tinabihan naman sya ni Issay sa may sofa.

"Tungkol dito!"

Sagot ni Anthon.

Ibinigay nya ang isang envelop na naglalaman ng dalawang papel na nagsasabing sya ang nagmamayari ng labinglimang porsyento at yung isa ay limang porsyento ng shares ng kompanya.

"Anong ibig sabihin nito?"

Nalilitong tanong ni Issay.

"Ikaw si Ms. S, yung isa pang shareholder."

Sagot ni Anthon.

"Kinuwento na sa akin ni Sir Luis ang lahat kaya alam kong ikaw ang TUNAY na mayari ng kompanya."

Nalilito pa rin si Issay.

"Nangailangan si Sir Luis ng kapital para sa bago nyang bubuksang negosyo kaya kinausap nya ako!"

Pagpapatuloy ni Anthon.

Blanko pa rin ang mukha ni Issay.

"Sa madaling salita, yung ginamit nyang kapital sa 'Little sweet' ay pera nating dalawa!"

Paliwanag ni Anthon sa naguguluhan pa ring si Issay.

Tatlo ang negosyong hawak ng kompanya ni Luis.

Una ang 'Thousands Smile Pastries and Bakeshop'.

Pangalawa ang 'Yzzay' café.'

Pangatlo ang 'Little Sweet snacks and biscuits'.

Lahat ito ay nasa JOURNAL ni Issay na nasa pagiingat ni Luis.

"Gusto ni Sir Luis na ako ang magingat ng shares mo kaya nasa akin yan."

Paliwanag ni Anthon.

"Eh bakit dalawa ito?"

Tanong ni Issay.

"Yung pangalawa na naglalaman ng limang porsyento mula naman sa shares ko yan.

Kinailangan ko kasi ng pera para sa birthday ng Mama kaya binenta ko yang limang porsyento na yan.

Kaya bale sampung porsyento na lang ang nasa akin!

Kuha mo na?"

Nakangiti nitong sabi

Hindi alam ni Issay kung hindi nya ba talaga naintindihan o gusto lang nyang pagmasdan si Anthon habang nagpapapaliwanag ito.

Kumakabog kasi ang dibdib nya habang pinagmamasdan ang labi nito sa ibaba na parang namimilog at masarap kagatin. Lalo na pag binabasa nya.

"Ang ibig mo bang sabihin akin lahat ang shares na ito?"

Tanong ni Issay na hindi inaalis ang tingin sa mga labi ng kausap.

"Tama! Bale lumalabas na kuwarenta porsyento ang kabuuang shares mo!"

Sagot ni Anthony

'Bat ba parang mukhang cherry ang mga labi nya? Namimilog at parang ang sarap papakin!'

Napalunok si Issay.

Hindi maintindihan ni Anthon ang ekspresyon ng mukha ni Issay.

"Okey ka lang, Issay?"

"Ha?! uhm... Oo okey ako! Hehe!"

Ibinaling na ni Issay ang tingin sa hawak na papel at baka hindi na sya makapagpigil iba na ang magawa nya.

"Tatlo lang kaming nakakaalam nyan, ako, si Sir Luis at si Ms. Tess. Pang apat ka na ngayon.

Ayaw kasi ni Sir Luis ipaalam kaagad ang tungkol dito. Ang bilin nya sa akin sa huling sulat nya magantay ako pag nagpatawag na ng meeting si Madam."

Paliwanag pa ni Anthon

"Naintindihan ko na.

Nahulaan nyang mangagahas si Roland na pakialaman ang anak nya."

Sagot ni Issay.

"Ginawa ni Sir Luis ang lahat ng ito para kay Edmund pero ewan ko lang kung naiintindihan niya ito. Mahirap mamatayan ng magulang lalo na sa unang taon ng pagkawala nito. Nakakabaliw! Sana makapag move on sya!"

Sabi ni Anthon

"Pero si Edmund lang ang makakaalis sa mundong ginagalawan nya ngayon. Tiyak gagawa si Roland ng paraan para makasama sa susunod na shareholders meeting!"

Sabi ni Issay.

"Panahon na para maupo ka bilang CEO!"

Seryosong sabi ni Anthon kay Issay.

"Pero hindi ko gusto ang posisyon ni Kuya Luis."

Sagot ni Issay.

Nagtataka si Anthon bakit ayaw tanggapin ni Issay ang posisyon. Sa kanilang lahat sya ang pinaka karapatdapat.

Mukhang naintindihan ni Issay ang mga nagtatanong na mata ni Anthon.

"Malungkot kasi dun!

Punong puno ng kasakiman ang mga naka paligid at kailangan maging mas malakas ka sa kanila para maging makapangyarihan!

Nakakapagod na posisyon!"

Paliwanag ni Issay.

"Saka hindi ko hinahangad na maging mas malakas! Sapat na sa akin na may nagmamahal ng tapat!"

Malungkot na bulong ni Issay sa sarili.

Pero narinig iyon ni Anthon.

Natahimik.

Maya maya.

"Issay, me gusto sana akong sabihin sa'yo."

"Meron pa? Ano yun?"

Nagtatakang tanong ni Issay.

Hinawakan ni Anthon ang dalawang kamay ni Issay at saka tumingin sa kanya.

"Issay.....

Pwede bang.....

Pwede ba kitang maging girlfriend?"

Tiningnan sya ni Issay.

Nagulat ito pero nakangiti habang tumutulo ang luha sa mga mata.

Nagalala si Anthon kung bakit umiiyak si Issay.

"Bakit?"

Pero patuloy pa rin sa pagluha ang kanyang mga mata.

"Kasi ... akala ko ...."

".... akala ko hindi mo na itatanong!"

Nagulat si Anthon sa tugon ni Issay.

"Patawad!

Patawad kung ngayon lang.

Patawad kung pinaghintay kita."

Usal ni Anthon habang pinupunasan ang mga pisngi ni Issay na puno ng luha.

"Mahal na mahal kita Issay noon pang mga bata pa tayo."

Tapos, hindi na nya namalayan na kusang hinanap ng labi nya ang labi ni Issay.

Para namang may sariling buhay ang mga labi nilang dalawa na tila ayaw paawat.

Matamis.

Masarap.

Matagal.

Punong puno ng pananabik.

Hanggang sa....

Tok. Tok. Tok!

Mahinang katok sabay bukas ng pinto ni Tess.

Nagulat ang mga dumating sa nadatnan nila.

At hindi naman alam ng dalawa kung ano ang gagawin.

Para silang mga batang nahuling naghahalikan ng magulang.

Ehem!

"Yayayain ka sana naming mananghalian pero....."

" ... mukhang nanananghalian kana!"

Panunukso ni Belen.

Namula ang mukha ni Issay sa hiya, parang gusto nyang maglaho ng mga oras na iyon.

Nangingiti naman si Anthon sa sinabi ni Belen.

Pero natuwa ang puso nya ng mapansing kahit na naiilang at namumula ang mukha, makikita pa rin ang ngiti at ningning sa mga mata ni Issay.

Kaya inakap nya ito ng mahigpit.

"Tess!"

"Madam!"

"Mukhang tayong dalawa na lang ang magkasamang manananghalian!"