Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 49 - Defense Mechanism

Chapter 49 - Defense Mechanism

Pagkatapos ng isang buwan, sa tulong ng ama nakumpleto na rin ni Nicole ang mga requirements nya.

Naka labas na ng ospital ang ate nyang si Nadine at nagpapahinga sa condo kasama ang mga magulang.

Masayang masaya syang nagtungo sa kompanya ni Luis para ipasa ang nasabing requirements.

Pagdating ng HR excited nyang binigay agad ang mga requirements kay Mr. Dizon.

"Oh, ayan Mr. HR, nakumpleto ko na ha! Ibig sabihin pwede na kong umakyat sa taas, ke Edmund para makapagsimula na!"

Buong ngiting sabi ni Nicole sa HR Head.

Nagulat naman si Mr. Dizon ang head ng HR Department ng makita ulit ang batang ito.

'Isang buwan na ng huli ko syang nakita, akala ko nakalimutan na nya! Ganun na ba katagal magasikaso ng requirements ngayon?'

"Ms. Nicole, matagal tayong hindi nagkita, hindi ko alam na interesado ka pa palang mag OJT dito sa kompanya."

Sabi ni Mr. Dizon.

"At bakit naman ako mawawalan ng interes?

Saka, sinunod ko lang naman ang sinabi mong 'wag akong babalik hangga't di ko nakukumpleto ang mga requirements ko, kaya ayan kumpleto na! Aakyat na ko ke Edmund!"

Sabi ni Nicole sabay tayo.

"Teka lang Ms. Nicole, me kelangan akong sabihin sa'yo. Una wala dito si Mr. Edmund.

Pangalawa ang HR ang magbibigay sa'yo kung saan ka pwedeng italaga, hindi yung ikaw ang magtatalaga sa sarili mo kung saan mo gusto. Maliwanag?"

Paliwanag ni Mr. Dizon sa kanya.

Nicole: "????"

At me tinawagan si Mr. Dizon para pumasok sa opisina nya.

"Ms. Onse, ikaw na ang bahala maghanap kung saan may bakante para kay Ms. Nicole."

"Teka, sandali lang! Bakit ako ihahanap ng bakante? At bakit mo ko ipinapasa sa kanya?"

Nababahalang sabi ni Nicole.

"Ms. Nicole, sya si Ms. Onse, mula ngayon sa kanya ka na mag rereport. Sya na ang magiging boss mo kaya sya na ang magsasabi sayo kung ano ang mga dapat mong gawin.

Kung may mga tanong ka, sya ang hahanapin mo.

Sige na at madami pa kong dapat tapusin!"

Paliwanag ni Mr. Dizon kay Nicole sabay hawi sa kanila para umalis.

Gusto pang magreklamo ni Nicole pero hindi na nya nagawa dahil hinawakan na sya ni Ms. Onse at isinama palabas ng HR.

Dinala si Nicole ni Ms. Onse sa Photo copy room.

"O, ayan, ito ang magiging opisina mo mula ngayon. Sa akin ka pupunta para mag pa check ng attendance mo, at kung may problema ka sabihin mo lang sa akin. Okey!"

Sabi ni Ms. Onse

"Ha? Ano 'to? Bakit mo ko dinala dito? Hindi maari ito! Hindi ako marunong nyan!"

Naghihisterikal nyang sabi.

"Wala na kasing bakante, ang dami ng naunang mag OJT sa'yo at dito na lang ang natira. Saka madali lang matutunan yan. Mamaya pagkatapos ng lunch break turuan kita."

Paliwanag ni Ms. Onse

"Ano? Me nauna sa akin?

Bakit hindi nyo ko inantay?"

Tanong ni Nicole.

"Oo may nauna ng mag OJT sa'yo, at isang buwan na nga sila dito. Hindi ka namin pwedeng antayin dahil may hinahabol silang oras. Mame meet mo rin sila! Mamaya sa lunch break."

Paliwanag ni Ms. Onse

"Hindi! Ayaw ko dito, gusto ko sa taas kay Edmund!"

Nagmamaktol na sabi ni Nicole.

"Sa taas? Kay Sir Edmund? Walang pwedeng mag OJT dun, bawal! Marami kasing sikretong transaksyon na andun kaya hindi pwede tayo dun. Hindi basta basta nagpapasok dun! Saka isa pa wala dito si Sir Edmund, ilang araw ng hindi nagpapakita!"

Paliwanag ni Ms. Onse ng mahinahon kay Nicole kahit na nakakakairita na ito.

"Ha? Bakit?"

"Ewan ko! Dati na naman syang ganyan, hindi parati nagpupunta dito. Pasulpot sulpot lang siguro pag may meeting.

Baka busy sa 'business' nya!"

Sabi ni Ms. Onse.

"Ha? May isa pang business si Edmund?"

"Ba't ba ang dami mong tanong kay Sir Edmund sa akin? E hindi naman kami close nun! Bukas nga pala mag school uniform ka at school ID!"

Sabi pa ni Ms. Onse.

"Ha? Ba't Kailangan pa kong mag ganyan e wala naman ako sa school?"

May katarayan na ang boses ni Nicole.

"Kasi yan ang isa sa requirements ng school nyo, saka hindi ka papasukin ng guard pag dika naka uniform at school ID!"

Paliwanag ni Ms. Onse.

At iniwan na nya si Nicole.

Ayaw ipahalata ni Nicole pero nakakaramdam sya ng takot sa pinasok nyang ito.

Akala nya talaga dahil si Edmund ang nagpasok sa kanya kay Edmund sya matatalaga hindi pala.

Ayaw naman nyang mag quit dahil gusto nyang dito na rin magtrabaho sa kompanya ni Edmund.

Saka masyado na syang huli sa OJT baka hindi sya makagraduate pagdi sya nakapag OJT.

At ang isang pang dahilan baka pauwiin sya ng mga magulang nya sa Zurgau.

Buti na lang kampante ang pakiramdam nya kay Ms. Onse at sa tingin nya makakasundo nya ito.

***

"Boss, naitalaga ko na si Nicole, sa Xerox ko nilagay.

Pero bakit nyo ba sya sa akin ibinigay?"

Tanong ni Ms. Onse kay Mr. Dizon.

"Wala na kong mapagdadalhan sa kanya, ikaw na lang ang naisip ko. At malapit ng maubos ang pasensya ko sa batang yun!

Saka ikaw ang assistant ko!"

Paliwanag ni Mr. Dizon

"Boss, sa tingin ko kaya sya ganyan dahil hindi naturuan ng maayos. Yung pagiging arogante nya ay isang defense mechanism lang nya dahil takot syang malaman ng tao na wala syang alam."

Paliwanag ni Ms. Ortiz

"Hmmn..... Mukhang binigyan kita ng paglilibangan ah!"

Ms. Onse: "... "

"Kung hindi lang yan ni request sa taas hindi ko yan tatanggapin!"

"Sa taas? Kay Sir Edmund?"

Tumango lang Mr. Dizon.

"Kung hindi ako nagkakamali mahigpit na pinagbabawal ni Sir Luis ang may backer dahil ayaw nya ng special treatment, pero mismong anak nya ang babali sa utos na ito?"

Nagtatakang sabi ni Ms. Onse

"Kahit naman ni request sya ni Edmund sinabi naman ni Ms. Tess na 'wag syang bigyan ng special treatment."

Sabi ni Mr. Dizon.

"Boss, ano bang nangyayari dyan sa taas at mukhang may gulong nagaganap?"

Usisa ni Ms. Onse

Pero hindi sya sinagot ni Mr. Dizon.

"Boss, madami akong nadidinig na tsismis at nakababahala ang mga iyon!"

Sabi ni Ms. Onse.

"Kung ano man ang nadidinig mo ilabas mo na lang sa kabilang tenga! Nandito tayo para magtrabaho at hindi mo kailangan mag alala dahil hindi hahayaan ng ibang nasa taas na bumagsak ng basta basta ang kompanya!"