Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 45 - Natutuwa Akong Makilala Ka

Chapter 45 - Natutuwa Akong Makilala Ka

Pagdating ni Enzo sa Maynila agad itong nagpunta sa ospital para makita ang anak na si Nadine.

Pero naabutan nya itong natutulog.

Pagpasok nya ng silid nakita nya ang isang babaeng nakatutok sa laptop. Nag angat ito ng ulo ng maramdaman na pumasok sya.

"Ikaw ba ang kaibigan ni Nadine na nakausap ko?"

Tanong agad ni Enzo

"Mr. Belmonte, magandang araw sa'yo!"

Nakangiting sabi ni Issay

"Pwede ka bang makausap?"

Tanong ni Enzo

Lumabas sila ng silid ni Nadine at nagtungo sa isang coffee shop malapit sa ospital.

"Mr. Belmonte, bakit gusto mo akong makausap? Ang alam ko updated naman ang report ko sa'yo sa kondisyon ni Nadine."

Sabi ni Issay

"Pwede bang Enzo na lang!Masyadong pormal e! Saka pwede ko na bang malaman ang pangalan mo?"

Tanong ni Enzo

"Okey Mr. Enzo, ako nga pala si Issay at ako din ang boss ni Nadine."

Nagulat si Enzo dahil hindi lang pala sa phone sya matapang pati sa personal.

"Hindi ko inaasahan na ikaw ang boss nya. Natutuwa akong makilala ka!"

Masayang sabi ni Enzo

"Alam kong wala kang tiwala sa akin kaya nagpakilala na ako!"

Sabi ni Issay.

"Gusto ko lang naman kasing kamustahin si Nadine. Ibig kong sabihin, bilang boss nya at kaibigan kamusta sya?"

Usisa ni Enzo.

"Mabait na bata si Nadine. Madali syang lapitan. Magaling magisip. Punong puno ng ideya. Responsable at maparaan."

Sagot ni Issay

Nangingiti naman si Enzo sa sinabi ni Issay. Wala syang alam sa mga katangian na ito ni Nadine. Proud sya sa narinig.

"Hotel ba ang businesses nyo?"

Tanong ni Issay.

"Oo, pa'no mo nalaman? Sinabi ba ni Nadine?"

Nagtatakang tanong ni Enzo

"Hindi ko alam, hinulaan ko lang! Nung kasing nag iisip kami ng magandang suggestion, hotel and restaurant ang binanggit ni Nadine."

Sagot ni Issay.

Nalilito si Enzo. Hindi alam kung ano ang pinaguusapan nila at kung saan ito patungo.

"Nang mamatay ang CEO ng kompanya, medyo humina ang sales namin. Kailangan namin makagawa ng isang planong makakatulong para maiangat muli ang kita ng kompanya bago mahuli ang lahat. Si Nadine ang nag suggest na i-offer ang aming product sa mga hotels and restaurant na walang patissier."

Paliwanag ni Issay.

Natigilan si Enzo.

Nagulat ito sa sinabi ni Issay.

'Anak ko ang nakasisip nun?'

'Si Nadine?'

'Sigurado ba sya?'

Nagtatakang nagtatanong ang naka rehistro sa mukha ni Enzo.

Alam nyang matalino ang anak nya pero hindi nya inaasahan na magaling din pala itong magisip.

"Sa itsura mo .... parang ....hindi mo kilala ang anak mo?"

Seryosong sabi ni Issay.

Tiningnan lang sya ni Enzo na parang gustong tumango.

"Maraming natuwa sa ideya nya dahil wala pa sa aming nakaisip nito. Naka tutok kasi ang kompanya sa pagpapadami ng branches pero hindi pa namin napag aaralan ang iba pang posibilidad gaya ng mga suggestion ni Nadine."

Paliwanag ni Issay.

Pero patuloy lang sa pananahimik si Enzo, hindi alam kung papaano mag re react sa nadiskubre sa anak.

Hindi nya talaga inaasahan na marunong sa negosyo ang anak.

"Bilang isang negosyante at mayari ng mga hotel, Mr. Enzo, ano ang masasabi mo sa ideya ng anak mong si Nadine?"

Kanina pa tahimik si Enzo dahil nagiisip ito. Hindi kasi siya makapaniwala na binibigyan pala ni Nadine ng atensyon ang negosyo nila. At mukhang alam din nya ang problema ng mga hotel nila kahit hindi ito nagkukuwento tungkol sa negosyo nila.

Pagkatapos ng mahabang pananahimik nagsalita si Enzo.

"Kailangan ang mga hotel ko ang dapat mauna sa pila! Bigyan mo ako ng price list!"

Sabi agad ni Enzo.

Ibinigay naman agad ni Issay ang hinihingi nito.

Pagkabasa.

"Ipapayos ko na agad ang kontrata!"

Sabi ni Enzo pagkabasa ng iniabot ni Issay.

*****

Nagmamaktol si Nicole ng malaman sa ina na papunta na sa Maynila ang Papa nya.

Hindi ito ang gusto nyang mangyari.

Umiiyak na si Nicole sa Mama nya.

"Ma! Bakit nyo hinayaan si Papa na lumuwas dito? Pagagalitan lang ako nun!"

Nagmamaktol na sabi ni Nicole

"Anak hindi ka pagagalitan ni Papa. Ba't ka naman nya pagagalitan e wala ka naman ginagawang masama?"

Sabi ni Nelda.

Humihikbi pa din si Nicole.

"Anak tahan na! Sabi ni Papa tutulungan ka daw nya! Ayaw mo ba nun me tutulong na sa'yo?"

Syempre ayaw yun Nicole pero hindi nya masabi sa ina.

Mahirap paikutin ang utak ng Papa nya lalo na pag wala ang ina. Me pagkaistrikto ito bagay na ayaw na ayaw ni Nicole sa ama.

Di tulad ng Mama nya na konting iyak lang nya natataranta na at awang awa na sa kanya.

"Nasaan po ba kasi si Ate Nadine?"

"Diba nasabi ko na sa'yo nasa ospital ang Ate mo. Tyak na sa ospital didiretso ang Papa mo bago umuwi dyan sa condo.

O, pwede din baka dun matulog iyon para bantayan ang ate mo!"

Sabi ni Nelda.

Nagtataka naman si Nicole pano napunta sa ospital ang kapatid.

Wala naman talaga syang pakialam sa nangyayari sa ate nya hinanap nya lang ito sa ina dahil ayaw nyang magisa kasama ang ama.

"Saka bunso, susunod din naman ako dyan. Sa miyerkules ng umaga ang flight ko, kaya tahan ka na anak papunta na dyan si Mama!"

Alo nito kay Nicole.

Tumahan na si Nicole.

Naisip nya, marahil hindi nga siya ang pinuntahan ng ama kundi ang kapatid na nasa ospital.

Nagpaalam na ito sa ina at saka umalis ng condo.

Pakiramdam nya na stress sya kaya naisipan nyang mag shopping hanggang magsara ang mall at saka lang umuwi.

Masayang masaya naman si Enzo ng malaman sa duktor na pwede ng lumabas ang anak bukas at sa bahay na lang magpagaling.

Pero napansin nyang malungkot ang anak kaya nagpaalam na ito at hinayaan na nyang makasama ang Ate Issay nya ngayong gabi.

Pagdating ni Enzo sa condo nagulat ito na wala pa si Nicole.

"San nagpunta yun?"

Tinawagan nya ang cellphone pero hindi sya sinasagot.

Paguwi ni Nicole nagulat pa ito ng makitang andun ang ama.

"Pa? Bat andito po kayo?"

Tanong ni Nicole

"San ka galing?"

Tanong ni Enzo na nanlilisik ang mga mata.

Napansin nito ang mga pinamili ng anak.

Pinilit itago ni Nicole pero pano nya itatago sa dami.

"Me panahon kang mag shopping pero wala kang panahon para ayusin ang requirements mo?"

Singhal ni Enzo

Natahimik si Nicole hindi alam ang isasagot.

"Gusto mo ba talaga mag OJT dito o gusto mong umuwi na ng Zurgau?"

Tanong ni Enzo

"Gusto ko po dito Papa! Wag nyo po akong pauwiin ng Zurgau!"

Pakiusap ni Nicole sa ama.

Nakatungo sya dahil hindi nya magawang tumingin sa ama.

Pakiramdam nya kaya nitong basahin ang isip nya.

"Pwes! Bukas na bukas din sasamahan kita para ayusin ang requirements mo at ng matapos na yan!"