Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The secret behind of my Boss

🇵🇭rhose_nito
--
chs / week
--
NOT RATINGS
13.8k
Views
Synopsis
Hubad na ng magising si Alona at kumot na lang ang tanging nakatakip sa katawan niya. Iyak ng iyak si Alona habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan tanging gusto na lang niya ay makauwi sa condo niya. Habang si Lucas naman ay hindi mapakali at kinakain na siya ng konsensya niya dahil hindi niya lubos maisip na ang babaeng ex ng kuya niya at matagal na niyang gustong paghigantihan dahil sa pagkawala ng kuya niya ay isa pa palang virgin kabaliktaran ng kwento ng mga kaibigan ng kapatid niya. Hanggang lumipas ang 3 taon ay nawalan na siya ng balita tungkol sa babaeng nagalaw niya. Lihim niyang pinahanap ito pero wala siyang nakuhang impormasyon kay Alona. Sa hindi inaasahan may isang babaeng nag apply sa company ni Lucas bilang isang secretary at ng tingnan niya ang resume ng applicant ay nagulat siya dahil ang matagal na niyang hinahanap ay nag a apply sa kanya bilang isang secretary. Malalaman kaya ni Alona na ang lalaking gumalaw sa kanya ay ang kanyang boss na si Lucas mapapatawad niya kaya ito. Malalaman pa kaya ni Lucas na nagbunga ang isang gabing kasalanan na 3 taon niyang pinagdusahan.
VIEW MORE

Chapter 1 - First Encounter

Biglang preno si Alona ng biglang huminto ang isang kotse sa harapan niya at binigyan niya ng sunod sunod na busina.

"Beep Beep Beep! Badtrip late na ko sumabay pa to." sabi ni Alona. Bababa na sana siya ng may kumatok sa bintana niya, binabaan niya ito ng salamin at ng makita niya ang isang lalaki na nakapamewang ay tinaasan niya ito ng kilay dahil nainis siya sa dating nito.

"Sorry miss may bigla kasing tumawid na aso kaya bigla kong na ipreno." Imbes na ikatuwa niya nainis pa siya dahil may kayabangan ang dating sa kanya ng lalaki na parang napilitan lang humingi ng despensa. 

"Okey hindi ko naman pwedeng sabihan ka na next time mag iingat ka dahil sabi mo nga may tumawid na aso kahit wala naman akong nakita." Pairap niyang sabi sa kausap at inistart na niya ang kotse niya. "May I go now sir?" Lumayo na ang lalaki sa kotse niya at pinaandar na niya ang sasakyan niya. 

"Akala ko male late na ko eh buti na lang wala pa si sir" sabi niya sa best friend niyang si Ela habang ito ay nag aayos ng gamit niya. "Ano ba kasi nangyari hindi mo naman na ako sinagot kanina". At kinuwento na nga niya sa kaibigan niya ang nangyari pati na din kung paano sila nagkaharap ng lalaki na muntik na niyang mabangga.

Habang sila ay nasa hallway ng mga kaibigan niya ay lumapit ang dean ng university at sinabi sa kanila na umayos ng upo at huwag mag iingay dahil baka marinig sila ng presidente ng school at ng tanungin ng isang studyante kung nasaan tinuro ng dean kung saan nakatayo ang mga ito. Sabay sabay tumayo ang mga nakaupo sa hallway kaya pati sila ay tumayo na din. Isang lalaki ang nakakuha ng pansin kay Alona,

"Mr. Sandoval kilala mo ba siya yung babaeng nakaupo sa gilid ng palm tree mahaba buhok na maputi." tanong ng lalaki sa isang guro. "Ah sir si Ms. Alona Forteza po anak ni Mr. Ernesto Forteza may ari ng Forteza real state po".

Sa hindi sinasadya napatingin si Alona sa kinatatayuan ng presidente at nagulat si Alona ng ngitian siya nito kaya biglang iniwas ni Alona ang tingin nito sa lalaki, maya maya ay lumapit ito sa kanya. "Hi girls anong year na kayo?" Pero habang nagtatanong ito ay sa kanya lang nakatingin ito at si Ela ang sumagot. "3rd year fine arts sir". 

"By the way girls this is the son of our chairman Mr. Leo Madrigal siya na ang bago nating school president dahil ang kapatid niyang si Ms. Lalaine ay nag for good na sa states kasama ang kanyang asawa." Isang studyanteng babae ang lumapit sa kanila at nakipagkamay ito sa presidente ng school. "Hi sir I'm Jessa Dela Cruz from business ads department." Nagulat ang lahat sa ginawa nito kahit ang dean nila lalapit pa sana si Leo kay Alona pero biglang nag bell na kaya agad silang nagpaalam.

Hanggang sa office niya ay dala pa din niya ang itsura ni Alona, gandang ganda siya dito. "Mukhang mapapadalas ako dito sa university Allan, ang ganda talaga niya tinamaan na agad ako sa kanya." Habang nakatanaw sa bintana ng office niya. "Are you serious or you want something new?" natatawang sabi ng kaibigan niya pero hindi ito pinansin ni Leo iniisip niya kung paano niya makakausap ang dalaga at naisip niyang biglang hanapin ang social media account nito.

"Gotcha!." napa suntok sa hangin si Leo ng makita na niya ang account ni Alona. titig na titig siya dito. "17 years old napakabata...but wait she's turning 18 2 months from now!." Kitang kita sa mukha ni Leo ang excitement na parang may naisip na agad na plano sa dalaga. "Minor bro kahit sabihin mong 18 na siya next month sobrang bata pa din niya." iiling iling na sabi ng kaibigan niya na parang hindi agree sa gusto ng kaibigan. "What's wrong 18 siya 25 ako not bad bro," pagka save ng picture ni Alona ay tumayo na ito at inaya na ang kaibigan.

"Grabe tingin sayo best mr. Madrigal parang gusto ka ng kainin ng buhay," natatawang sabi ni Ela kay Alona. 

"Ayoko munang isipin yan Ela ang gusto ko sa ngayon mag enjoy ayoko ng stress kita mo naman parang kuya na natin siya at para siyang playboy hindi pa ko handang ma stress". 

Nakauwi na si Alona sa condo niya ng maalala niya na wala na pala siyang stock sa ref niya kaya naisipan niyang bumaba na lang muna sa cafeteria sa may lobby ng condo. Habang naglalakad siya papunta sa elevator ay nakasalubong niya ang isang staff ng condo. "Maam Alona may nagpapabigay po sa inyo" isang bungkos na white and red roses, cakes and pastries. "Sure ka kuya akin yan?" nagtataka siyang kinuha ang mga dala ng staff at binasa ang nasa card. "For. Ms Alona Fortalez" wala talagang idea si Alona kung kanino ito galing, hindi na tumuloy si Alona sa pagbaba dahil sa natanggap niyang regalo sa isang stranger.

Breaktime nila at naisipan nilang tumambay sa may cafe malapit sa university nila habang nag oorder si Alona ay napansin niya ang isang sports car na nag park sa harap ng cafe. "Wow my dream car soon magkakaroon din ako niyan hmmp." pag upo niya sa table nila ay nakita niya si Leo kasama ang ilang teacher ng school at napansin siya nito. 

"Hi Alona do you wanna join with us?" tanong ni ms. Morales sa kanila na teacher nila sa isang subject. "No maam thank you po" pa simpleng sumenyas si Alona sa kaibigan niya na bilisan kumain pero hindi nito ma gets ang sinesenyas niya. Tumayo si Alona para gumamit ng restroom ang hindi niya alam ay nasa kabilang restroom lang si Leo kaya nagulat siya ng sabay silang lumabas. 

"Hey ms. Forteza parang takot na takot ka sakin" hinawakan siya nito sa braso kaya napahinto siya. "No sir hindi naman po nagmamadali lang po talaga ako malapit na po ang next subject namin". Pagdadahilan niya kay Leo.

Bago sila lumabas ng cafe ay nagpaalam sila sa mga nakasabay nilang teachers na kasama ni Leo. Nagmamadaling sumakay si Alona sa kanyang kotse.

"Kumusta naman si Alona bilang student natin?" si ms Morales ang sumagot sa tanong ni Leo. "Candidate siya sa topnatchers natin sir sa fine arts department and sa overall 3rd year level mabait at masipag na bata si Alona napaka down to earth hindi niyo po siya makikitaan ng kayabangan pero napaka tapang niyang sir parang amazona if I'm not mistaken last year ng may nag trip sa kaibigan niya siya ang humarap at pinagulong niya si girl sa damuhan sa labas ng school matalino sir sa labas niya nilampaso para walang violation" at nagtawanan ang mga teacher ganon din si Leo.

Hating gabi na hindi pa din dapuan ng antok kaya naisipan niyang mag open ng account niya at ng mapansin niya na may message request siya kaya inopen niya ito. Nagulat siya ng makita niya kung sino ang may message. 

"Leo Madrigal...omg! sa kanya galing yung mga flowers and cakes" lalong nawala ang antok ni Alona at hindi alam ang gagawin buti na lang at sabado kinabukasan kaya hindi pa niya naiisip kung anong mukha ang ihaharap niya pag nagkita na sila. Ila log out na sana niya ng makita niyang nag pop up ang message ni Leo.

"Finally nakita mo na message ko, hi Alona huwag kang matakot sakin hindi ako masamang tao I just wanna be friends with you" para namang nakunsensya siya sa sinabi ni Leo kaya nag reply siya dito.

"Good evening sir sorry po hindi lang talaga ako sanay even in my teachers hindi po talaga ako attached feeling ko po kase pag nakipag close ako baka magka issue lalo na sa gradings" pag amin ni Alona pero sa kabila ng mga sinabi niya iba ang dahilan niya pag dating kay Leo. 

"May point ka pero hindi masama to make friends with your teachers even me pwede naman after school diba and wala pa naman tayong case sa school na nagkaroon ng ganyang issues so nothing to worry about ms. Forteza." hindi siya agad sumagot sa mga chat ni Leo.

"Sir Leo thank you po pala sa mga pinadala niyo sa akin, bakit niyo po pala ako pinadalhan nakakahiya po" after niyang mag thank you at magtanong hindi na nag chat si Leo sa kanya kaya inisip na lang niya na baka nakatulog na si Leo. 

Hindi alam ni Alona kung paano niya ikukwento kay Ela yung tungkol sa pinadala ni Leo sa kanya kaya napansin naman ito ni Ela ng magpunta ito sa condo niya. 

"Besttttt! kanino tong flowers na to ha? bakit hindi mo sinasabi sakin ito nakakatampo ka na best." nakasimangot si Ela habang tinatanong niya ito.

"Wala pa kong balak ipaalam sayo yan best kasi kagabi ko lang nalaman kung kanino galing yan pero hindi ko pa din sasabihin sayo". Seryosong sabi ni Alona sa kaibigan.

"Ay naku sasabunutan kita Alona sabihin mo na nakakainis ka..." gigil na gigil si Ela sa kanya.

"Si sir Leo best. kaya parang ayokong pumasok baka kasi makita ko siya nahihiya ako" sabay higa sa kama at sinundan naman ng kaibigan niya.

"I knew it! una palang iba na mga tingin niya sayo eh, ang ganda mo girllll!!!" kilig na kilig na niyakap siya ni Ela. 

"Ang laki ng age gap namin best diba nga sabi ko sayo para na natin siyang kuya tsaka baka mamaya sakalin ako non hindi na ko makakilos ng maayos masyado na siyang matured at hindi mag aabot ang utak naming dalawa best." 

Abalang abala ang magkaibigan sa ginagawa nilang assignment ng may mag doorbell ang buong akala nila ay dumating na ang inorder nilang pizza. "Maam Alona po?" isang delivery rider ang bumungad sa pinto pero hindi pizza ang dala. "Yes po pero parang hindi pizza dala mo kuya pizza kasi order namin hindi donut at kape". Inabot ng delivery rider ang isang resibo na nakapangalan sa kanya at ang nagpadala ay si Leo Madrigal. 

Napalingon at napatakbo si Ela papunta kay Alona ng makita ang dala niya. "Wow! alam kong pizza ang order ko best hindi yan so sino ang nag order niyan?" excited na tanong ni Ela sa kanya.

Binuksan ni Alona ang account niya at tama nga siya kay Leo galing. "Someone told me na gusto mo daw yan kaya naisipan kong padalan kayo while doing your assignment". ng mabasa niya ang message ni Leo ay tiningnan niya ng masama si Ela at si Ela naman ay halatang guilty na agad. 

"You betrayed me Ela, binebenta mo ko ng hindi ko alam sana pala hindi ko na lang sinabi sayo na sa kanya galing yung mga flowers." Paninita niya kay Ela "No best pwede pakinggan mo muna ako okey." kinuwento nga ni Ela kung paano sila nagkausap ni Leo. Sinabi din ni Ela na parang seryoso si Leo na makipaglapit sa kanya.

Lumipas ang buong lingo na hindi nagparamdam si Leo sa kaniya o kahit sa school ay hindi ito nag punta kaya inisip na lang niya na tumigil na ito o baka nahuli ng girl friend niya. Habang nagpa park si Alona ng kotse niya sa isang mall ay nakita niya ang sasakyan ni Ela sa kabilang side at tinawagan niya ito. 

"Saan ka today best?" matagal pa bago maka sagot si Ela sa tanong niya. "ay best nasa Makati ako today may pinalakad lang sakin si mommy. why?" medyo nainis si Alona sa kaibigan pero hindi niya ito pinahalata at nagtanong pa siya ulit. "Saan sa Makati best? dyan din ang way ko eh. kita tayo?" parang nabigla si Ela sa sinabi ni Alona kaya hindi niya alam ang isasagot niya. "Naku best nasa Makati nga ako pero pabalik na ko dyan sa atin pero pag uwi ko puntahan kita sa condo or gusto mo sa Ayala na lang?" pagdadahilan ni Ela sa kanya. 

Napahinto si Ela ng makita niya si Alona na nakaupo sa hood ng kotse niya. "Be best...uy best ano ginagawa mo dito" isang mapait na ngiti lang ang sinagot niya kay Ela. 

"Alam mo Ela wala naman sakin kung lumabas ka na ibang friends ang kasama mo pero bakit need mo pang mag sinungaling sakin? hindi ko alam kung ikaw pa ba yung childhood best friend ko eh or maybe hindi na". at sabay sumakay na si Alona sa kotse niya at umalis na. Naiwang nakatayo si Ela sa parking hindi alam ang sasabihin sa kaibigan niya. Maya maya ay lumabas na si Leo sa mall at inabutan pa siya. "Ela why you still here I thought nagmamadali ka at pupuntahan mo si Alona," nagtatakang tanong ni Leo sa kanya. "Nandito siya sir, si Alona sir alam niyang nandito po ako nung tumawag siya sakin kaya nagalit siya sakin at iniwan niya ako dito". Umiiyak si Ela habang nagsasalita kay Leo.

Tok Tok Tok...

Dingdong Dingdong...

Sunod sunod na katok at doorbell ang ginawa ni Ela pero hindi nagbubukas ng pinto si Alona. Ilang beses na din niyang sinubukang tawagan o i chat ang best friend niya pero hindi siya talaga sinasagot nito. Kaya naisipan na niyang tawagan si Leo.

"Hello sir, pakitulungan niyo naman po ako kay Alona sir tutal naman p plano niyo naman po ito at nagpapatulong lang po kayo sakin diba?". hindi alam ni Ela na nasa likod na niya si Alona habang kausap niya si Leo kaya nagulat ito ng magsalita ito.

"Wow! kelan ka pa naging bugaw Ela?" galit na tono ni Alona sa kanya. biglang natigilan si Ela ng marinig niya ang boses nito at nilingon niya si Alona. "Best let me explain please". tinawanan lang siya ni Alona sa sinabi niya. 

Nilagpasan lang ni Alona si Ela at kinuha ang susi ng condo niya at ng mabuksan na ang pinto ay hinayaan lang ni Alona na nakabukas ang pinto niya. Mabilis na sumunod si Ela kay Alona at sinara niya ang pinto.

"Ano ba ginagawa mo dito? ano naman ngayon ang inutos sayo ni Leo?". hindi alam ni Ela kung paano sisimulan sa kaibigan ang gusto niyang sabihin. "uhm best actually si sir Leo ang kausap ko nung makita mo ko sa mall. nakikusap kase siya sa akin na tulungan ko siya sayo. best nakikita ko talaga sa kanya na dead na dead siya sayo best na aawa na nga ako eh". sinusundan ni Ela si Alona kahit saan magpunta ito habang nagsasalita ito. "Ah okey na aawa ka pala eh bakit hindi na lang ikaw?. best hindi mo ba kayang sabihan si Leo na ayoko pa at ayoko sa kanya para siyang kuya ko na ano ka ba naman". napaupo na lang si Ela sa sofa dahil alam niyang hindi papatalo ang kaibigan niya sa kanya.

Nagmamadali si Alona at halos takbuhin na niya ang hallway ng campus ng makasalubong niya ang buong committee ng university kaya wala siyang nagawa kundi ang huminto at gumilid muna sa hallway habang panay ang tingin niya sa relos niya. 

"Good morning ms. Forteza." si Leo na huminto sa harapan niya at mabilis naman siyang sumagot dito. "good morning sir." mabuti na lang ay nakita niya ang kanyang teacher na papasok pa lang kaya nagkaroon siya ng dahilan para makapag paalam na kay Leo. "good morning ma'am Lopez, sir Leo excuse me po male late na po kase ako ayan na po yung prof ko." at tumabi naman si Leo para siya ay makadaan. Nang makaalis na si Alona ay isang malalim na buntong hininga lang nagawa ni Leo at ito ay naglakad na.

Halos mabasa na ng ulan si Alona sa pag silip sa makina ng kotse niya hindi niya alam kung bakit ito biglang namatay. 

"Sh*t bakit naman ngayon pa nakakainis!." pinahinto ni Leo ang sasakyan ng makilala niya ang kotse ni Alona at mabilis itong bumaba.

"Hey Alona basang basa ka na sumakay ka muna sa loob ng kotse mo." nagulat si Alona ng makita niya si Leo. "mang Lando paki tawagan yung mekaniko natin para mapuntahan ang kotse ni Alona." Agad namang sumunod ang driver ni Leo. 

Nakita ni Alona na basa na din si Leo at tinanggal na nito ang coat na suot nito, napalunok si Alona ng makita niya ang katawan ni Leo na bumakat na sa panloob na damit nito. "Gosh pag wala pala siyng coat para lang siyang nasa 20's" bulong niya sa sarili niya. pero mabilis naman niya itong sinaway. at sumilip siya sa bintana para tawagin si Leo.

"Sir pumasok po muna kayo basang basa na po kayo baka magkasakit ka ako pa masisi ng girl friend mo". Nagulat si Leo sa sinabi ni Alona at natawa ito nagulat naman si Alona dahil sa kotse niya pumasok si Leo.

"Excuse me ms. Forteza single ako at wala akong girl friend okey" nakatitig si Leo sa kanya kaya asiwang asiwa siya sa lalaki. "Sorry po sir sa itsura niyo kasi parang malabo na single kayo." at natawa si Leo. "Ah kaya pala umiiwas ka sakin, eh wala naman talaga meron mga ex pero as of now wala talaga as in." sabi ni Leo sa kanya. habang nagku kwentuhan sila ay dumating na ang mekaniko at lumapit sa kanila. "Boss hindi basta basta po magagawa ang kotse ni maam ipapa tow ko na lang po hanggang sa talyer ko mga hanggang bukas ng hapon gawa na yan" paliwanag ng mekaniko. "ganon ba sige tapos sabihin mo na lang sakin kung magkano aabutin lahat." ng marinig ni Alona ang sinabi ni Leo ay nagsalita ito. "Naku sir ako na po bahala yung pag tawag ng mekaniko malaking bagay na po sakin yon, and tatawag na lang po ako sa bahay para magpasundo po dito sa driver namin" inawat ni Leo si Alona. "No ako na maghahatid sayo matatagalan pa kung mag aantay ka pa ng sundo" at bumaba si Leo kinuha ang payong sa kotse at pinagbuksan si Alona ng pinto. wala ng nagawa si Alona kundi sumakay sa kotse ni Leo.

"Sir thank you and sorry sa abala" naiiling na tumingin si Leo kay Alona. "Don't say sorry ako ang may gustong maghatid sayo and for your safety na din," at nagpaalam na si Alona kay Leo at bago umalis si Leo ay sumenyas ito ng tatawag siya kay Alona at ngumiti lang si Alona.

Nakahiga na si Alona ng mag ring ang phone niya ang buong akala niya ay si Leo na pero ng makita niya ang screen ay ang mommy niya. 

"Hello mommy I miss you, napatawag po kayo?" masayang sabi ni Alona sa ina. "Masyado kang busy ano na ba plano mo sa birthday mo anak? you're turning 18 so dapat mag handa ka like a debutant" tumayo sa pagkakahiga niya si Alona. "Mommy hindi ko na po kailangan yun okey na po ako kahit tayo tayo lang sa birthday ko". 

Lumipas ang magdamag ay hindi na nakatawag si Leo sa kanya. Maaga siyang nagising kaya naisipan niyang mag luto ng breakfast niya habang inaayos na niya ang almusal niya ay narinig niyang tumunog ang telepono niya iniisip niya na si Ela ang tumatawag kaya ng tingnan niya ay si Leo pala. 

"Good morning Alona sorry hindi na ko nakatawag sayo nagkaroon kase ng emergency meeting regarding sa company namin kagabi, how's your day?" Nangiti lang si Alona at sumagot naman ito agad. "Okey lang po sir and nakatulog na din naman po ako agad pag dating ko po dito". 

"Call me Leo please masyado kang pormal wala naman tayo sa school para tawagin mo akong sir". natatawang sabi ni Leo sa kanya. "Hindi kasi ako sanay sir eh parang nakakailang .

After nilang mag usap ay may iba ng pakiramdam si Alona parang nakukuha na ni Leo ang loob niya. "Hello best ano ang balita sayo ha?" tumaas ang kilay ni Alona dahil alam niyang alam ni Ela kung ano ang nangyari sa kanya. "Kunwari ka pa dyan para namang hindi mo alam" nagtataka si Ela sa sinasabi ni Alona. "Oy Alona hindi ko na kaiangang mag pretend na wala akong alam kahit na wala naman talaga ano nga?". 

Halos mabingi si Alona sa sigaw ni Ela na parang siya pa ang kinikilig kesa kay Alona. "Ela sakit na ng tenga ko pwede ba hinaan mo yang boses mo". Nagkita ulit si Alona at Leo sa campus pagbaba ni Alona ng taxi. "Good morning Alona sabi mo may service ka bakit naka taxi ka" tanong sa kanya ni Leo. Sinabi lang niya kay Leo na may gagamitin pa siyang kotse para hindi na siya kulitin nito. "Actually sir meron po talaga kaso naisip ko na kukuhanin ko naman na mamaya yung kotse ko hindi na po ako nagpadala ng sasakyan sa daddy ko. 

"Leo na lang stop calling me sir please." habang naglalakad sila sa kahabaan ng hallway. "Nasa school na po tayo sir Leo so as a student talking to the president of the school I need to respect you first". Napaiip naman si Leo sa sinabi ni Alona kaya nagbigay na lang ito ng suggestion. "Okey pag nandito tayo okey lang na tawagin mo akong sir pero pag wala na Leo na lang please" parang nakikiusap na sabi ni Leo sa kanya. "okey po pag nasa labas kuya Leo pag nasa loob sir Leo" nanlaki ang mga mata ni Leo sa sinabi ni Alona. "Oh my...huwag naman kuya para namang tinanggalan mo na ako agad ng karapatang ligawan ka". biglang natahimik si Alona sa narinig niya. 

Naging madalas na ang pag uusap nila ni Leo hanggang sa dumating na yung point na tinanggap na ni Alona si Leo sa condo niya pero kasama si Ela. "Sana next time sa inyo naman para ma meet ko parents mo at makapag sabi ng personal sa kanila". Para siyang nanlamig sa sinabi ni Leo pero may kasamang kilig. "Ay sir Leo gusto mo bukas tutal naman Saturday na bukas". at lumingon kay Alona si Ela. "Pwede naman ewan ko lang kay Leo". at tumayo bigla si Leo "ngayon na kaya? kahit may lakad ako ika cancel ko talaga". inawat ni Alona si Leo. "No! ano ka ba pumayag na nga ako bukas eh". habang nag uusap ang dalawa si Ela ay abala ang pag kuha sa kanila ng video nila at masayang nanonood sa kanila. 

Ang mommy ni Alona ang nag bukas ng pinto "Tuloy ka hijo. naku first time may bisitang lalaki ang anak ko at alam ko na ang sasabihin mo". Nanlaki mata ni Alona dahil sa ina, hindi niya ine expect na ganito ang ibubungad ng mommy niya. "Mommy naman please nakakahiya po". habang nagtatawanan sila ay dumating ang daddy niya kaya tumayo si Leo at nagpakilala ito sa ama ni Alona.

Iniwan nila Alona si Leo at ang daddy niya na nag uusap habang sila naman ng mommy niya at Ela ay pumunta ng kusina.

"Leo tama?" tumango naman si Leo sa daddy ni Alona. "Alam ko ang pakay mo hijo, masyado pang bata ang anak ko pero hindi namin siya hinihigpitan dahil malaki ang tiwala ko sa kanya at sigurado akong never nag boyfriend yan. kung magiging kayo man sana lang huwag mong aabusuhin ang murang isip ni Alona pagdating sa relasyon". seryosong sabi ng ama ni Alona. "Makakaasa po kayo sir never pong iiyak si Alona seryoso po ako sa kanya. 

"Anak mukhang malaki ang gap niyo ni Leo parang kami ng daddy mo almost 8 years ang gap namin. pero kung magiging kayo hindi kami hahadlang ng daddy mo basta wag kang magbabago lalo na sa pag aaral 1 year nalang naman anak." at sumingit sa usapan si Ela yumakap si Ela sa mommy ni Alona. "Don't worry mommy mabait po si Leo nakilatis ko na po bago niya po ako mapapayag na makipag sabwatan para kay Alona" at nagulat ang mommy ni Alona. "teka teka anong sabwatan ha Ela" kinurot kurot si Ela ng mommy ni Alona. "aray mommy hahaha joke lang po yun hindi ko naman po ipapahamak si Alona gusto ko lang po makasiguro na siya na ang first and last jowa ng best friend ko". At niyakap naman ulit ni Ela ang mommy ni Alona. 

Gabi na ng magpaalam si Leo sa mga magulang ni Alona at nagpaiwan na din si Alona at Ela sa bahay nila para makapag stay pa siya kasama ang mommy at daddy niya. 

"Alona thank you for letting me to meet your parents sobrang saya ko". isang matamis na ngiti lang ang sinagot ni Alona kay Leo.

"