Chereads / The secret behind of my Boss / Chapter 4 - Ang pagtatagpo

Chapter 4 - Ang pagtatagpo

Napansin ni Lucas na may bata sa gilid ng escalator at mabilis niya itong kinuha. Nagpalinga linga siya para makita kung sino man ang kasama ng bata. mayamaya ay mabilis na naglalakad ang dalawang may edad na mag asawa.

"Oh God thank you. masyado mo kami pinakaba apo ko. thank you so much hijo." mangiyak ngiyak ang matandang babae. 

"Next time ma'am maging attended po kayo pano kung mahulog o maipit yung bata." humingi ng sorry ang matandang lalaki kay Lucas. "Sorry mr. napaka bilis ng pangyayari wala pang segundo ng mawala ng hindi namin napapansin." titig na titig si Lucas sa bata tila nakikita niya ang itsura niya nung maliit pa siya. "How old he is?" ang matandang babae ang nagsalita. "Apo how old are you daw?" at nagsalita ang bata. "ti three grand ma." at ngumiti ang bata sa kanya. "what is your name little man?." tanong ni Lucas sa bata. "Mmmiguel." habang ito ay nilalaro ang mga kamay. napansin din ni Lucas na pati hugis ng daliri ng kuko nila ay iisa. Natawa na lang si Lucas sa mga pumapasok sa isipan niya. 

Kinuwento naman ng mommy ni Alona sa kanya ang nangyari sa mall pati ang pag ligtas sa kapahamakan ng anak niya. "Mommy sobrang likot at bilis po kumilos ni Miguel hindi niyo po talaga kakayanin ni daddy. hindi po talagang walang mag aalaga ka Miguel mommy mahihirapan po kayo." pag aalala ni Alona. "Okay lang mag yaya ang apo natin mommy kasama din naman natin sila dito mababantayan pa din natin si Miguel at ang yaya niya." sang ayon naman ng daddy niya. "Kailangan ko na po talaga mag work param ya pang bayad ako sa yaya." nagulat ang daddy ni Alona. "No! ako na ang magbabayad sa yaya ng apo ko." tumanggi si Alona sa alok ng kanyang ama. "Dad hindi ako papayag. this is my responsibility and thank you sa offer niyo po." 

"Okay na yan best baka hindi ka matanggap niyan ang oa na ng ayos mo" birong sabi ni Alona kay Ela. Naupo lang sila sa lobby at nag a antay lang na tawagin sila para sa interview. 

"Ms. Ella Mae Constantino." nagtaas ng kamay si Ela. "This way ma'am." at tumayo na si Ela papasok ng isang office. Mayamaya ay lumabas na ito at masayang pinakita ang list ng requirements. "You made it best I'm so happy for you." masayang bati ni Alona kay Ela. ilang mga aplikante na nag natawag pero hindi pa siya tinatawag. "Best paubos na tayo dito sure ka bang naipasa mo resume mo?" pag aalalang tanong ni Ela kay Alona.

A while ago. Binigay na ng secretary ni Lucas ang mga resume at inisa isa niya ito na dati naman ay hindi niya ito ginagawa. Nagulat siya ng mapansin niya ang isang pamilyar na pangalan at mukha nito. Napakabilis ng kabog ng dibdib ni Lucas ng ma confirm niya na si Alona ang isa sa mga applicant. Nagpasimula na siyang magpatawag hanggang ng si Ela na ang kaharap niya. "Ela maybe this is the best friend of Alona hanggang ngayon magkasama pa din sila" bulong niya sa kanyang sarili. Very smart at very confident ang dating ni Ela kaya naisiapan niyang i hired ito unlike nong una niyang plano nung hindi pa niya ito nakikita ay balak niya talagang hindi tanggapin. 

"Last applicant Ms. Alona Forteza please go inside." sabi ng secretary ni Lucas. 

"Good morning sir." pagbati ni Alona. "Te, te, take your sit. Ms. Forteza right?." nabubulol na tanong ni Lucas sa kanya. Isang matamis na ngiti ang sinagot ni Alona. "Yes sir." sumenyas si Lucas na umupo si Alona. 

Napapikit si Alona at nagsimula na naman siyang kilabutan dahil sa pamilyar na pabango na naman. 

"Okay Ms. Forteza tell something about you, yung pinaka highlights agad." Halos hindi makapag salita si Lucas sa mga narinig niya kay Alona. Kaya pala ito nawala pagkatapos ng nangyari ay nag transfer at nag aral sa ibang bansa with honors pa. "Wow. very impressive Ms. Forteza. What if i hired kita bilang chief executive ko instead of position you are applying." hindi agad naka sagot si Alona. gusto niya sanang tanggihan pero inisip niya na lang na what if palang naman baka sample lang. kaya sumagot na si Alona. "Of course sir I will accept that opportunity sir. It's my pleasure sir as a first time job seeker applying for middle position to chief executive who wouldn't be happy for that position sir." nakangiting sagot ni Alona sa kanya. Mayamaya ay tumawag si Lucas sa secretary niya. 

"Hanna this is Alona my new hired chief executive. show her new office and she can start and ms. Constantino tomorrow as her assistant." napanganga si Alona sa nangyari hindi siya makapagsalita ng mga oras na yun. "Ms Forteza can we go now?" sabi ng secretary ni Lucas. "Hanna you can call Ms. Constantino also so you can bring them both." 

Wala na sa harapan niya si Alona pero hindi pa din mawala sa isip niya ang mukha nito at kung paano ito ngumiti. Bumalik lahat ng nakaraan nakaramdam na naman siya ng kakaibang sensasyon nang biglang pumasok ang secretary niya. "Boss okay na po na briefing ko na din po sila pero hindi ko po alam kung ano po ang gaawin ni Ms. Forteza as chief executive." natatawang sabi ni Hanna. "Alam ko pati ikaw nagulat dahil una palang hindi ako naglalagay ng chief executive kasi nakita ko ang background niya qualified siya sa position na yun, sila ang may ari ng Forteza real state." Nagulat ang secretary niya sa narinig. "A multi millionaire company sir? how come na mag wo work siya satin kung anak siya ng CEO and President ng real state". tumayo si Lucas at humarap sa secretary niya. "That's why I hired her Hanna diba hindi mo iisipin kakaiba siya at ang galing ng magulang niya." napaisip din si Hanna sa sinabi ng boss niya.

Tawang tawa si Ela sa nangyari sa kanila habang kinukwento nila sa parents ni Alona ang nangyari sa kanila. 

"How can you imagine that parang isang pitik lang may work na kayo bukas isang chief executive at isang assistant executive." masayng sabi ng mommy ni Alona. "Actually po mommy nakita niya kase I'm a Forteza so he ask me if related daw ba ako sa real state na Forteza so I said yes sabi ko tayo ang may ari non. hindi naman siya nagtaka nung sabihin ko yun ask lang po niya bakit pa ako mag a apply sa iba kung pwede naman ako sa company natin sabi ko lang mas gusto ko mag start sa iba at matuto ng ako lang yung hindi ko dala ang Forteza para lang sabihin na kaya ako nasa position ko ngayon." napa hanga ni Alona ang daddy niya sa mga sinabi niya. "Wow kahit ako tatanggapin kita agad as in now! I'm so proud of you anak." 

Habang sila ay nagkukwentuhan ay lumabas si Miguel. "Mommy..." lumapit sa kanya at yumakap. "How's my little boy?." hinalikan niya ito sa noo. "Mommy nakahanap na po ako ng yaya ni Miguel meron daw ibibigay satin si mommy Lou sure daw na magaling at mabait yung yaya na yun kasi yun daw ang yaya dati ng pamangkin ni Ela bago mag migrate sa US diba best?." tanging tango lang ang sagot ni Ela dahil abala ito sa pag tingin ng picture sa isang social media account. "Ela Mae Constantino!. ano ba yan at napakaseryoso mo." tanong i Alona sa kanya. "Curious lang ak best. parang hawig si Lucas at Leo hindi kaya siya ang destiny mo best." kinikilig na sabi ni Ela kay Alona. "Naku ayan ka na naman Ela umiral na naman yang pagiging match maker mo pwede ba sayo mo na lang gawin yan wag na sakin." 

Beep. Beep. Beep

Nagmamadaling tumayo si Alona at kinuha ang baon nila ni Ela. Lumabas si Ela ng kotse at pumormang pagbubuksan si Alona ng pinto. 

"Good morning boss." pagbibirong sabi ni Ela sa kanya. "Gaga! para kang sira." biniro pa ulit ni Ela si Alona. "Everytime na papasok tayo kotse ko na gagamitin natin ha. nakakahiya naman sayo kung ako pa ipagda drive mo eh assistant mo lang ako." at kinurot ni Alona si Ela. "aray! ang sakit best. nawala antok ko ah." tumawa ng malakas si Alona. "Dapat lang pala para magising ka baka kung saan tayo pulutin." Nagmamadaling pinagbuksan ni Ela si Alona ng pinto. "Nakakapikon ka na best." at kinurot na naman ni Alona si Ela. ang hindi nila alam ay nakatanaw sa kanila si Lucas habang sila ay naghaharutan.

"Ano ba talaga ang meron sa dalawang ito. I need to find out." kinuha ang telepono at may tinawagan si Lucas. 

Tok. Tok.

"Please come in." si Alona at Ela ang dumating. "Good morning sir." pagbati bi Alona sa kanya at sinundan din nito ni Ela. "Take a sit. first day niyo so hindi muna ako mag e expect dahil alam ko naman na wala pa kayong experience may magte train sa inyo actual." tahimik lang na nakikinig ang dalawa kay Lucas. Naiilang naman si Lucas na tumingin kay Alona. "Congratulations ladies sana magtagal kayo at magkasama sama tayo ng matagal as family." tumayo na ang dalawa at nilahad ni Alona ang kamay para makipag kamay kay Lucas. "Thank you sir for giving us a chance we will do are very best sir. thank you so much." ramdam ni Lucas ang init ng kamay ni Alona at ang kilabot ng mga balahibo niya ng mga oras na yun.

Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Lucas ng makalabas na sila Alona at Ela. "Damn you Alona hindi ako si kuya Leo pero para kang magnet." mayamaya ay tumunog ang phone niya. "Okay pumunta ka na sa office ni Forteza ikaw na ang bahala. i train mo sila for 5 days to be exact and yung isa pa na inutos ko don't forget." at nawala na ang kausap niya sa kabilang linya.

"Good morning Ms. Forteza I'm John the over all advicer of this company" at nagkamay silang dalawa. "Nice to meet you sir. and this is my friend and the assistant excutive Ela Mae Constantino." inabot din ni John ang kamay kay Ela. "Hi sir just call me Ela." at nagsimula na nga silang i train ni John. Napansin ni Alona na panay ang sulyap kay Ela ni John.

"Break time muna tayo. we will continue later just enjoy our 1.5 break." nagtaka si Ela kung ano yung 1.5 break. "Sir John sorry ano yung 1.5 break?" natawang sumagot si John. "Oh sorry 1 and 1/2 break time rather." parang napahiya si Ela. "Sorry nakaka bobo lang." pagbibiro ni Ela at nagtawanan silang dalawa.

"I smell something best." inamoy ni Ela ang sarili. "Hala best wla akong body odor ha or kung si sir John naman hindi naman din ang bango kaya niya." hinatak ni Alona ang buhok ni Ela. "aray best ang sakit ha." habang hinihimas ang anit niya. "Yun nga ang naaamoy ko, panay tingin sayo ni John na yun and alam kong aware ka gaga ka." ngumiti ng matamis si Ela na parang kinilig. "Ayan ha sinasabi ko sayo baka umiyak ka na naman." naputol ang pag uusap nila ni ng lumapit na ulit si John. "Let's continue ladies."

Sa loob ng 3 days na training ni Alona at Ela ay na perfect agad nilang dalawa kaya ang sumunod na araw ay nag ga guide na lang at nagmo monitor si John sa kanila. "Nice! ang gagaling niyo anong utak meron kayo kung ako ang prof niyo uno ang grades niyo sakin." pagbibiro ni John. 

Bago mag out si John ay nag report siya kay Lucas. "Bro grabe ang utak ng dalawang yon basic lang sa kanila actually 2nd day lang kuha na nila eh." pagmamalaki ni John kay Lucas. "Hindi ako nagkamali kay Alona malaki magiging particiapation niya sa company natin. how about the other?." napangiti si John kay Lucas. "ang ganda ng ngiti mo ah mukhang maganda din ang dala mong balita." Naupo si John sa may sofa. "Actually bro hindi ko kailangan magpanggap na gusto ko si Ela." napaisip si Lucas sa sinabi ni John. "What do you mean? ano confirmed ba na may something sa kanilang dalawa?" natatawa si John kay Lucas. "Bro relax...mag best friend lang talaga sila since pre schooler palang bro magkaibigan ang mga magulang nila kaya sabay silang lumaki na para na silang magkapatid talaga nothing more nothing less. and about kay Ela I think I like her." kumuha ng papel si Lucas at nilukot niya ito sabay binato sa kaibigan. "Damn you man!. umiral na naman ang pagiging flirty mo."

Lumipas ang halos 2 months ay puro excellent ang trabaho nila ni Ela at halos naging madalas din na nakakasama nila si John kahit nasa ibang floor ito ng building naging ka close na nila si John na unti unti ng nagpaparamdam kay Ela. 

"Hi Ela good morning. asan ang best friend mo?" malungkot na ngumiti si Ela. "Nasa hospital kasi yung inaanak ko eh." nagtataka si John sa sinagot ni Ela. "a okay. is he alright?" umiling lang si Ela. "I'm waiting for Alona's call wala pa kong balita by the way nandyan na ba si boss?" naalala ni Ela na ipagpapaalam niya si Alona kay Lucas. "Yes actually sabay kaming dumating ni Lucas. pero may meeting siya mamaya na lang after samahan kita sa kanya." habang inaantay nila si Lucas ay ginawa na ni Ela ang mga naiwang trabaho ni Alona para walang ma pending si Alona.

"Ela. may sasabihin ako sayo tutal wala naman si Alona kaya sasamantalahin ko na." seryosong sabi ni John sa kanya. "Ano type mo ko?. charot haha joke lang. ano ba yun?" habang tuloy tuloy ito sa pagta type sa computer. "Yes gusto kita unang araw palang Ela." biglang natigil si Ela sa pagta type. "Ay naku John huwag ako please. Ayoko ng ganyang joke baka umasa ako." pagbibiro pa din ni Ela. "No I'm not joking I like you Ela." hinawakan ni John ang kamay ni Ela. Magsasalita pa sana si John ng tumunog ang phone niya. 

Habang nakasakay sila sa elevator papunta sa office ni Lucas ay hinawakan ni John ang kamay ni Ela. "Bakit parang nanlalamig ka Ela?" tatanggalin sana ni Ela ang kamay niya pero hinigpitan pa lalo ni John ang hawak dito. "John please hindi ako ang klase ng babae na iniisip mo. maharot ako magaslaw pero virgin pa to." pagbibiro ni Ela at si John naman ay pigil ang tawa dahil sa biro ni Ela. "Kaya siguro nagustuhan kita eh sa pagiging makulit mo at prangka." nagtatawanan sila ng bumukas ang pinto ng elevator sabay bitaw ng kamay ni Ela kay John dahil may mga papasok na ibang empleyado.

"Bro Ela will tell you something about Alona." bumati muna si Ela kay Lucas tsaka naupo.

"Maybe Alona didn't tell you sir that she has a child. She's also afraid that if you find out, you won't accept her, but now she's ready to let you know and it's okay with her if you fire her." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Lucas. "Why are you telling me that wher's Alona?" huminga ng malalim si Ela bago ito nagsalita. "Wala po siya sir. nasa hospital po ngayon sila tinakbo nila si Miguel sa hospital nagkaroon po kasi ng bleeding ang bata after sa ilong sumuka naman po." Hindi na alam ni Lucas ang gagawin parang ang buong katawan niya ay nanginginig na at hindi na makagalaw. pero pinilit pa din niyang kumalma. "Okey I understand kahit wag na muna siyang pumasok it's not a big deal kung may anak siya so no worries." biglang nabuhayan si Ela ng marinig niya ang sinabi ni Lucas. "Thank you so much po, ako na po bahala sa mga trabaho ni Alona sir." at nakangiting tumingin si Ela kay John. "Don't worry tutulungan kita. ibababa ko na lang mga gagawin ko sa office niyo para may kasama ka at katuang sa mga naiwan ni Alona."