Chereads / The secret behind of my Boss / Chapter 9 - Reunite

Chapter 9 - Reunite

Lumipas ang ilang araw wala pa ding balita sila John sa kaibigan. Inisip na lang nila na mas mabuti ng makapagpahinga si Lucas pagkatapos ng nangyari.

Simula ng makita ni Alona si Lucas hindi na ito mawala sa isip niya. Awang awa siya kay Lucas. Kahit hindi maganda ang nangyari sa kanila ay nandon pa din ang pagiging mabuting tao nito, tumingin si ALona sa anak niyang mahimbing na natutulog naisip din niya ang anak niya dadating din ang araw na hahanapin din nito ang kanyang ama.

Matapos ang isang buwan nakapag desisyon na si Alona na pumasok na sa kanilang kompanya bilang assistant director ng kanyang ama. hindi naman naging mahirap para kay Alona ang binigay sa kanyang posisyon ng kanyang ama. Madali niya itong napag aralan kaya proud na proud ang daddy niya sa kanya. 

"Your daughter doing so great mommy in just a week kabisado na niya ang trabaho niya I knew it already our daughter will be our next CEO let's enjoy our life mahal ko with our grand son I think maybe next year Alona can handle our business." sabi ng ama ni Alona sa kanyang ina. at sumang ayon naman ang ina ni Alona sa asawa. "I agree daddy napaka swerte natin kay Alona hindi man tayo nabiyayaan ng maraming anak very thankful ako at si Alona ang naging anak natin and nadagdagan naman tayo ng isang Miguel who knows someday hindi lang isang apo ang magkaroon tayo diba." nakangiting sabi ng ina ni Alona.

Sa loob ng kalahating taon naging busy si Alona sa kanilang negosyo. pero kahit sobrang busy niya ay hindi nawawala ang bonding time niya sa kanyang anak kasama niya lagi si Ela tuwing ipapasyal nila ang bata. "Best minsan isama ko si Miguel pag mamamasyal kami ni John maiba naman nakakasawa din pala lagi kayong magkasama hahaha!" pagbibiro ni Ela kay Alona. "Gaga ka talaga best. swerte mo nga kay John mabait na at mahal na mahal ka pa. cge best anytime pwede nyo naman isama si Miguel eh ikaw pa ba minsan nga mas nanay ka pa sakin."

"Babe ano plano ni Lucas pag balik niya dito wala pa ba siyang nababanggit sayo next week na yun." tanong ni Ela kay John. "Wala pa naman kami na pag uusapan babe. but I'm sure si Lucas may nakaready ng plano yun. by the way babe nagtatanong pa ba si Alona sayo regarding Lucas?." tanong ni John kay Ela. "Wala na matagal na din siguro nag assume na si Alona na okay na si Lucas. or naging busy kase siya sa company."

"Bro long time no see! you surprised me. parang topic ka lang namin ni Ela last week ah." matagal na din nung huli silang magkita ni Lucas. hindi pa man bumabalik ang dating katawan ni Lucas ay makikita pa din ang ka gwapuhan nito. "Gusto ko ng makita si Miguel bro." sabik na sabik na si Lucas para makita ang kanyang anak. "Si Miguel lang ba talaga bro? how about Alona? lahat ng videos and pictures laging sinasama ni Ela pag pinapasama sayo eh. baka napo fall ka na sa mommy." panunuksong sabi ni John kay Lucas. "Slight." napasuntok sa hangin si John sa tuwa dahil sa sinabi ni Lucas.

"Best saan ka?." tinawagan ni Ela si Alona para alamin kung nasaan ito. "I'm on my way to pick Miguel sa school. why?" napangiti si Ela na parang kinikilig. "malapit ka na ba school?." tanong ulit ni Ela. "Malayo pa best kakaalis ko lang sa house 5 mins. ago." 

"Ayun si Miguel babe. wait ako na ang bababa kilala ako ng guard baka mapagkamalan ka pang kidnapper." pabirong sinabi ni Ela kay John. "Grabe ka sakin babe guwapo kong to mapagkakamalang kidnapper." sinabunutan ni Ela si John. "Get ready guys. walang idea si Alona na nasa loob kayo ang alam lang non si Miguel lang." lumabas na si Ela para puntahan na si Miguel. 

"Mommy ninang you're here!!!" tuwang tuwa na tumakbo palapit ang bata kay Ela. "I miss you mommy ninang." sunod sunod ang halik ng bata kay Ela. "I have a surprise for you baby boy." bago niya ito dalhin sa kotse niya ay tinawagan niya ulit si Alona.

"Saan ka na best. dito na ko sa school kasama ko na si Miguel naka park lang kami sa dati pa din best ha." sabi niya kay Alona. "Papasok na ko ng school best. sige wait niyo ko dyan." nagmamadaling bumalik si Ela sa kotse kasama si Miguel. 

Nagulat si Miguel pagsakay niya ng kotse. "Daddy! daddy Lucas!!!." mabilis na lumipat sa likuran ng kotse ang bata at niyakap ng mahigpit si Lucas. halos ayaw bumitaw ni Miguel ang ama. "I miss you daddy Lucas. mommy was right magaling ka na po and strong na. sorry daddy your getting weak because of me. I promise hindi na po ako magkakasakit para hindi mo na ako bibigyang ng blood." iyak pa din ng iyak ang bata kahit si Lucas ay naiyak na din ganon din si Ela. 

Mayamaya ay nakita na ni Ela ang kotse ni Alona. "Miguel quiet lang su surprise natin si mommy with daddy Lucas gusto mo yun diba?" bago sumagot ang bata nakita ni Miguel ang isang bouquet na roses. "Wow is this for my mom? daddy?" kitang kita sa mga mata ni Miguel ang saya ng makita ang mga bulaklak. "You like my mom daddy? please court my mommy please para ikaw na talaga po ang daddy ko." natatawang ginulo ni Lucas ang buhok ni Miguel. 

Pagbukas ng pinto ni Alona ay nagulat siya ng may hawak na bulaklak si Miguel. "wow akin ba ito baby wala namang okasyos para sa flowers." binuksan ni Miguel ang pinto ng kotse at bumaba ito para dalin ang mommy niya sa kabilang pintuan ng kotse.

Halos hindi na nakagalaw si Alona sa kinatatayuan niya. "Hi Alona. kumusta ka na?." hindi makapaniwala si Alona ng makita niya si Lucas. Bumaba ng kotse si Lucas inabot ng bata ang mga bulaklak kay Lucas at bumulong ito. "Come on bro give it to my mom..." natawa si Lucas sa sinabi ni Miguel. "Flowers for you." doon palang nakakilos si Alona nang abutin niya ang mga bulaklak. "Te. thank you."

Sinamantala na ni Ela at John na magkakasama na ulit sila Alona, Lucas at Miguel. Kaya kumain muna sila sa labas at pinasyal na din si Miguel. 

"Excuse me lang may pupuntahan lang akong boutique banda don." pagpapaalam ni John. "Wait babe sama ako, come Miguel." at mabilis na tumayo si Miguel. tatayo din sana si Alona pero pinigilan ito ni Miguel. "Ooops mommy stay here mommy ninang said. Miguel not best." tumawa ng malakas si Ela. "Hay grabe ka baby manang mana ka sakin. dyan na lang kayo best para hindi din mapagod si Lucas." sabay kindat kay Miguel si Ela. 

Matagal pa bago may magsalita sa kanilang dalawa kaya nauna ng nagsalita si Alona. "Kumusta ka na? bigla na lang kayo nawalan ng communication ni John." habang umiinum ng juice si Ela. "Yeah. and I decided na wala munang updates after kong makausap si Miguel." sagot naman ni Lucas. "Sobrang nag alala si Miguel sayo ilang araw din siyang umiiyak gusto ka niyang makausap." biglang nalungkot si Lucas sa sinabi ni Alona. "Ako din naman kaya nagsabi ako kay mama na magpo focus muna ako sa pagpapagamot ko para mas mabilis akong makarecover." 

Pagbalik nila Ela ay buhat na ni John si Miguel dahil nakatulog ito. "Let's go na. mapapagod ka lang and hindi na ninyo mae enjoy ang pamamasyal niyo." sabi ni Alona kina Ela. "ako na bubuhat kay Miguel bro." kinuha na ni Lucas ang bata kay John. "best is it okay if maiwan muna kami dito, Lucas pwede mo bang samahan sila Alona hanggang makauwi doon mo na lang hintayin si John." hindi pa sumasagot si Lucas ay sumagot na ulit agad si Ela. "Ay thank you boss thank you so much." sabay talikod na ng magkasintahan. 

Si Lucas na ulit ang nag drive ng kotse ni Alona pauwi sa kanila, habang nasa biyahe sila ay kapwa sila tahimik. mayamaya ay nagising na si Miguel. "Wow you're going with us daddy yehey!." tuwang tuwa na nagtatalon ang bata sa likuran. Huminto si Lucas sa isang bakeshop para bumili ng pasalubong para sa magulang ni Alona. "Okay na kaya to sa parents mo?" inabot ni Lucas ang mga pinamili kay Alona. "Huh?. kina mommy ba to ang dami nito bakit ka pa bumili." nilagay ni Alona ang mga pinamili ni Lucas sa may mati ni Miguel. 

"Okay ba yung strategy natin kanina babe?" tanong ni Ela sa nobyo. "Yes babe actually natural na natural nga ang acting mo eh." pagbibiro ni John kay Ela. nag aya ng umuwi si Ela pagkatapos nilang maglibot at mamili sa mall. "I think we better go home na babe para magkasama pa sila ng matagal mag stay tayo kina best mag chill mo na tayo sa kanila kailangan nilang mag bonding alam mo na getting to know each other." natatawang biro ni Ela.

"Hi everyone! hi mommy daddy. may dala po ako let's eat!!!" masiglang sabi ni Ela kina Alona. "Good food for the hot grandies and wine for the couples." inilabas ni Ela ang wine na binili nila ni John. "hey excuse me Ela. wine is good also for us. and we are also a couple how dare you calling us a grandies." umirap at tumawa ng malakas ang mommy ni Alona. "Just kidding mommy haha..." pina ayos ni Alona ang table sa labas at doon sila pumuwesto. pagkalipat nila sa labas ay pumasok na sa kuwarto ang parents ni Alona ganon din si Miguel kasama ang yaya nito.

Cheerssss!!!

"Sana ganito na lang tayo palagi masaya lang. pero masaya talaga kami ni babe ko dahil okay na kayong dalawa." sabay inum ni Ela ng wine. "Thank you Alona for accepting me again. and hindi naman ako nagmamadali na ipaalam mo agad na talagang daddy ako ni Miguel." ininum muna ni Alona ang wine tska siya sumagot. "Hindi naman mahirap yun anytime pwede naman nating sabihin eh okay naman kina mommy at daddy ever since mas lalong okay kay Miguel." sa sobrang tuwa niyakap ni Lucas si Alona pero bigla din itong lumayo. "Sorry Alona masaya lang ako. ganap na kong kikilalanin ng anak ko." parang napahiyang yumuko si Alona ng makita niya si Ela at John na parang mga kinikilig sa kanila. 

Nagpaalam si Ela na may kukuhanin lang siya sa bahay nila at sumama din si John para maiwan ang dalawa at magkaroon ng privacy.

"Magse set ako ng lunch para satin isama mo si mama mo para ma meet nila mommy and ni Miguel. doon natin ipapaalam kay Miguel." nagulat si Lucas sa sinabi niAlonahindi siya makapaniwala na ganon kabilis nagdesisyon si Alona. "Thank you Alona. ikaw na bahala sa venue ako na sa expenses. my treat for me this is a double celebration for my 2nd life and for Miguel."

Sa isang kilalang resto sila nagpunta. naunang dumating si Alona at ang mga magulang niya gaya ng napag usapan nila para isurprise si Miguel. sumunod naman dumating si Elaat John mayamaya ay dumating na ang mag ina si Lucas at ang mama niya.

"Daddy!" sinalubong ng yakap ni Miguel si Lucas. "Hi Miguel. how are you today?" by the way Miguel. this is mama Leticia mag bless ka kay mama." nag bless si Miguel sa mama ni Lucas hindi napigilan ng ina ni Lucas na yakapin at halikan ang bata. "You're so cute apo you look like your daddy." tuwang tuwa sabi ng ina ni Lucas. "Hello po sir. maam. this is my mother Leticia Flores." at nagkamay ang mga magulang ni Alona at Lucas. "Nice meeting you. just call me Elvira and this is my husband Arnulfo. let's eat na Alona can we start na excited na kasi ako baka hindi ako makakain."pagbibiro ng ina ni Alona.

"Miguel come here baby." tinawag ni Alona ang anak na nakakandong kay Lucas. "I have a question baby. what if your real father is daddy Lucas?" nanlaki ang mga mata ng bata sa tanong ng ina. "Your going to marry na mommy? wow!" naramdaman ni Alona ang pag init ng mukha niya. "No baby listen. okay let me straight you to the point. baka kung saan pa tayo mapunta." dinaan na lang ni Alona sa biro ang mga sinabi niya. 

"Miguel. daddy Lucas is your biological father. he is your real father." hindi na pinatapos ni Miguel ang sasabihin ng mommy niya. "Thank you papa God for making my dream come true." naiyak ang mama ni Lucas sa nakita kay Miguel. "Oh. apo you're such a good boy." niyakap at hinalikan ng mama ni Lucas si Miguel. "thank you Alona thank you so much for letting us to enter and be part of Miguel's life." naiiyak na sabi ng ina ni Lucas. "Thank you Elvira and Arnulfo. napakaswerte niyo kay Alona. I hope this is the beginning. our new bond as a family." 

Cheers!!!

"Let's celebrate everyone!. sa susunod proposal naman ng kasal!" lahat ay natuwa sa sinabi ni Ela maliban kay Lucas at Alona. "Best okay lang kung proposal ni John sayo eh bakit pati kami ni Lucas ang sinabi mo. maupo ka nga." hinatak ni Alona si Ela sa kamay para maupo. "Why not. Lucas do you find Alona attractive?." hindi ine expect ni Alona na tatanungin ng daddy niya si Lucas ng ganong tanong. "Daddy?!" sumagot ng dretso si Lucas. "Yes sir. and I will take this opportunity na magpaalam po sa inyo at kay Alona na liligawan ko po siya." pakiramdam ni Alona ay matutunaw siya sa kinauupuan niya. sobrang ingay ng table nila dahil lahat sila ay masaya sa sinabi ni Lucas. 

"Not only my permission Lucas even my support. maaasahan mo ang suporta ko sayo,namin ng mommy ni Alona basta itrato mong reyna ang nag iisa naming prinsesa. pero kung ikaw ay papalarin." sabay kindat ng ama ni Alona kay Lucas. 

Wala pagsidlan ng saya ang mama ni Lucas ganon din si John at Ela. Alam ng mama ni Lucas na mahal na ni Lucas si Alona una palang ng may mangyari na sa kanila. Ngayon ay unti unti ng may nakikitang pag asa at saya sa mukha ni Lucas si Leticia. alam din niyang masaya din si Leo dahil ang babaeng minahal niya ay mapupunta sa isang taong hindi masasaktan si Alona at yun ay ang kapatid niya.

"Daddy marry mommy tomorrow na please I want a baby brother na kasi daddy please." tinakpan ni Alona ang bibig ni Miguel. "hey baby stop it." sinaway naman ito ng ina. "Hayaan mo siya hija masaya lang si Miguel. and bakit hindi nga magpakasal na ganon din naman mahal niyo naman ang isa't isa may anak na din naman kayo." hindi na alam ni Alona kung sino pa ang kakampi niya dahil kahit ang daddy at mommy niya ay pumapabor kay Lucas.