"Good morning mommy!" sabay abot ng bulaklak ni Miguel sa ina. "Wow thank you baby. you're so sweet." pero itinanggi ni Miguel na sa kanya galing ang mga bulaklak kahit alam naman ni Alona na sa garden nila galing ang mga bulaklak. "No mommy galing po yan kay daddy." isang matamis na ngiti ang binigay ni Miguel sa ina. "Ikaw talaga bata bata mo pa dami mo ng alam."
"Ma'am Alona may bisita po kayo si sir Lucas po." nang marinig ni Miguel ang pangalan ni Lucas ay nagmamadali itong pinuntahan si Lucas. bigla namang kinabahan si Alona. hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. "Si. sige manang salamat."
Papalapit pa lang si Alona ng makita niya na kausap na ng mommy at daddy niya si Lucas habang nakakandong si Miguel kay Lucas.
"Ayan na pala si Alona. Lucas. mommy tara na muna sa loob at ipahanda mo ang dala ng manugang mo." at tinapik ng daddy ni Alona si Lucas. "Dad naman eh..." parang batang sinimangutan ni Alona ang ama. "pinatatagal mo pa eh sasagutin mo din naman si Lucas." pabulong na sabi ng daddy niya sa kanya at sabay kindat sa kanya.
"Pasensiya ka na kay daddy ha. makulit talaga yun eh." nahihiyang sabi ni Alona kay Lucas. "It's okay ang saya nga eh. can't wait to call him dad also." pabirong sinabi ni Lucas. "Ay assuming ka Mr. Jose Lucas Flores. ha!" natatawang nakatingin kay Alona si Lucas. "Nagibiro lang ako. but I'm willing to wait as long as ready ka na." sabi ni Lucas.
Habang nagme meryenda sila ay inalok na ng ina ni Alona si Lucas na doon na mag lunch. "Timing hijo magluluto si Alona ng favorite food ni Miguel. ay sige nga hulaan mo Lucas baka same din kayo ng favorite ng anak mo." hindi na nagdalawang isip si Lucas kung ano ang favorite niyang ulam. "Nilagang pata na may buto-buto at mais wow with sili and patis." ang lahat ay napatulala sa sagot ni Lucas. "Miguel baby sinabi mo ba kay daddy Lucas mo ang favorite mo." tanong ni Alona sa kanyang anak. "Nope. I never told to daddy." habang busy itong naglalaro sa phone niya. "Walang laban ang DNA test dito sa dalawang ito." sabi ng daddy ni Alona sa kanila.
Habang nagluluto si Alona ay abala naman na naglalaro si Lucas at Miguel sa mini playground ng anak sa likod bahay kaya hindi nila namalayan na dumating si Ela.
"Hello best! I brought you something!!!" excited na pinakita ni Ela ang dalang minatamis na saging. "tadannn!!! our favorite!" inilapag ni Ela ang dala dala niyang meryenda. "Namiss ko to best dito ka na mag lunch then i serve mo to after nating mag lunch."
"Mommy ninang!" sabay yakap kay Ela. "Pawis na pawis naman ang baby boy namin." habang pinupunasan ng bimpo ni Ela si Miguel pumasok sa kusina si Lucas.
"Ay ang saya naman happy family lang ang peg. wait hindi ako papayag ang lagay nagla lunch tayo eh kayo masaya ako hindi." kinuha ni Ela ang phone niya at tinawan si John. habang kausap ni Ela si John ay hiniram ni Lucas ang phone nito para kausapin si John. "Bro pwede mo ba ko pahiramin ng shirt or sando pinag pawisan kase ako naglaro kami ni Miguel." panay ang tukso ni John kay Lucas habang magkausap sila sa phone.
Dahil maganda ang panahon at hindi naman kainitan sinamahan pa ng malamig na simoy ng hangin naisipan nila na sa labas na maghain ng pagkain para sa lunch. Mayamaya naman ay dumating si John at may dala itong dessert.
"Sakto ang dating mo nakahain na." sabi ni Ela sa nobyo. inabot naman ni John ang dala niyang ice cream. at inabot kay Ela ang damit na dala ni John para kay Lucas. "babe abot mo kay Alona para siya ang mag abot kay Lucas." pabulong na sinabi ni John.
"Sakin pa talaga?" sabay tingin ni Alona kay John at Ela. "Practice ka na best. never have a boy friend kaya hindi marunong mag lambing." kinurot ni Alona si Ela. "Boy friend ka dyan eh hindi ko pa sinasagot." sabay irap sa kaibigan. pero sa huli si Alona pa din ang nag abot ng damit kay Lucas at sinabi pa nito na maligo na muna si Lucas bago magpalit ng damit. "Ehemmm kunwari ayaw pa pero may pagligo pa ngayon babe..." panunukso ni Ela kay Alona.
Pagkatapos nilang kumain ay pinahain na ni Alona ang minatamis na saging napatingin silang lahat kay Lucas at Miguel na parehong nakatakip ng ilong. "Hey!!! bakit kayo nagtatakip ng ilong hindi to panis ha!" pabirong sabi ni Ela. pero napansin niya na si Lucas at Miguel lang ang nakatakip. "ay pagbubuhulin ko kayong dalawa. Miguel ha mommy ninang get mad." pero hindi pa din inalis ni Miguel ang kamay sa kanyang ilong. "It's smell like yuck mommy ninang." kitang kita kay Miguel na talagang hindi niya gusto ang amoy. "Ano hanggang sa pang amoy minana mo din Miguel ang OA niyo ng dalawa." paninita ni Ela sa mag ama.
Hindi na nila namalayan ang oras hanggang sa inabot na sila ng gabi. Naisipan naman ni Ela na sa kanila naman mag dinner at pinaluto nito ang favorite nila ni Ela na kalderetang baka.
"Mommy sa bahay na kayo mag dinner para naman magkakwentuhan kayo nila mama." Pag iimbita ni Ela sa parents ni Alona. "Ay hindi na hija nag usap na kami ni mama mo at ayan na sila may mga dala din." Sabay turo ng ina ni Alona sa ate nila. "Ay ang bilis niyo nila mama ha. Ayaw niyo kaming kasama." Sabi ni Ela sa ina ni Alona. "Hindi naman sa ganon iba ang topic niyo sa topic namin kayo puro lovelife sa amin puro business."
Mayamaya ay nilabas ni John ang wine na binili nila ni Ela.
"Okay guys let's enjoy the night! Dito na tayo matulog Lucas." Sabi ni John sa kaibigan. "Okay naman babe may dalawa pang vacant room sa taas babe." Lumapit si John kay Ela at bumulong. "Pwede naman ako sa kuwarto mo babe…" kinurot ni Ela si John sa tagiliran. "Magtigil ka lang John Marcus ha. Baka pagbigyan kita." Pagbibiro ni Ela kay John.
Lumapit si Lucas kay Ela. "Ela sa palagay mo ba may chance ako sa kaibigan mo?" Seryosong tanong ni Lucas kay Ela. "Hey what kind of question is that boss?. Of course meron kahit sino naman pag ayaw sa isang tao hindi gugustuhin na makasama or makabonding diba kami pa kayang mga girls." Naputol ang usapan nila ng lumapit si Alona.
"Sakto best may gagawin ako eh. Kayo na magtuloy ni Lucas nito. Wait lang ha. Babe samahan mo ako." bago umalis si Ela pa simpleng bumulong si Ela kay Lucas. "Chance mo na boss." sabay kindat kay Lucas.
Huli na ng mapansin ni Alona na tumapon ang mantika sa sahig na tiles kaya nadulas ito agad naman itong nasalo ni Lucas pero na out of balance si Lucas kaya pareho silang bumagsak at si Alona naman ay napahiga sa dibdib ni Lucas. ilang segundo din sila nagkatitigan ni Lucas kaya nakaramdam siya ng pag blush ng mukha niya dahil sa titig ni Lucas sa kanya.
"Sorry naku sorry talaga Lucas." mabilis na tumayo si Alona at inayos ang sarili. hindi makakilos si Lucas hindi niya maigalaw ang kanang braso niya dahil nadaganan niya ito ng bumagsak sila ni Alona.
"Are you okay Lucas? parang namamaga yung right arm mo. oh my. it's my fault. sorry talaga. wait I call John." pero ng tatayo na siya ay biglang hinawakan ni Lucas ang kamay niya. "No need kaya ko ito." dahan dahan na tumayo si Lucas pinilit niya kahit hindi niya kaya at talagang masakit. "Akin na yang kamay mo ikapit mo dito sa braso ko para makatayo ka." sinalubong agad ni John si Lucas at Alona ng makita nito na nakaalalay si Lucas kay Alona.
"What happen? kailangan dalhin ka namin sa orthopedic bro. may sprain or fracture yan kaya biglang namaga." inalalayan ni John si Lucas palabas ng bahay nila Ela hanggang sa makasakay ito ng kotse.
"Wait sasama ako." nagmamadaling sumakay si Alona sa kotse. "Best paki sabi kina mommy dinala lang namin si Lucas sa hospital." bilin niya kay Ela.
Habang nasa biyahe sila ay hindi mapigilan ni Alona ang maiyak. "Why are you crying may masakit din ba sayo Alona?" pag aalalang tanong ni Lucas sa kanya. "wa. wala naman nagiguilty kasi ako eh. napaka clumsy ko." ngumiti si Lucas at tumingin ito kay Alona.
Pagdating nila ng ospital ay agad na inasikaso sila ng mga nurse sa emergency room. naupo si Alona sa kabilang upuan habang pinanonood ang mga nag aasikaso kay Lucas. hindi niya maiwasan na mainis ng makita niya ang dalawang nurse na parang kinikilig sa dalawang binata lalo na ng mapansin niya na may nagpa picture pa kay Lucas at John. "Hello best tawag ka kay John ngayon bilisan mo at pinapapak na ng mga nurse dito." pabulong na sabi kay Ela sa phone.
"Paki tanong sa mga nurse kung talagang mga nurse sila or nagpapanggap lang daig pa nila mga gro at ikaw naman John Marcus umayos ka lang." luminga linga si John sa paligid dahil ang buong akala niya ay sumunod sa kanila si Ela pero ng tingnan niya si Alona ay ngingisi ngisi ito. "Babe walang maganda sakin okay ikaw lang. malamang nagseselos ang kaibigan mo kaya pati ako nadamay." pagbibiro ni John kay Ela. nakita ni Alona na nakadila si John sa kanya at tinuro siya nito kay Lucas sabay bulong. nilingon naman siya ni Lucas at ngumiti.
Nagulat si Alona ng lapitan siya ng isang nurse. "Maam eto po yung reseta ng gamot na kailangan po ng asawa niyo." sabi ng nurse sa kanya na parang nahihiya ito dahil sa kinilos nila ng mga kasama niyang nurse.
Mabilis silang nakabalik ng bahay at sinalubong sila ni Ela. "O kumusta naman ang mga nurse este Lucas." sabi ni Ela na parang naiinis pa din. "Sprain lang buti at walang fracture. pero kung mag jowa na tong dalawang to malamang matuluyan magka fracture si Lucas pati mga nurse babe." tawang tawa sabi ni John. "Hey what are you talking about John wag kang gumagawa ng usap dyan kaya pala kung makadila sakin kanina best parang batang nanalo sa patintero hmmp.." patay malisyang sabi ni Alona kay John. "Natigil naman yung mga nurse ng sabihin ni Lucas na selosa ang misis niya." panunukso ni John sa dalawa. tuwang tuwa naman si Ela sa kwento ng nobyo.
Natigil na lang si John sa pang iinis kay Alona ng makita ni John na galit na nakatingin si Ela sa kanya. sign na para tumigil na siya sa pang aasar sa kaibigan.
"Bro if okay lang sayo pwede mo ba ko i book ng cab gusto ko umuwi para makapag rest na din kayo and hindi ko naman maaasikaso ang sarili ko dahil naka cast ako." sabi ni Lucas sa kaibigan. pero hindi pumayag si John na umuwi si Lucas. "ano ka ba Lucas ano ginagawa ko siyempre tutulungan kita ako ng bahala sayo don't worry."
Hindi din nagpapigil si Lucas na umuwi. nagpasyang ihatid ni John at Ela si Lucas sa kanila at si Alona ay umuwi na para magpahinga.
"Lucas huwag mong susukuan ang kaibigan ko ha. pagnagkatuluyan kayo ikaw ang first and last niya." nagtatakang nag isip si Lucas. "First and last? eh naging sila ni kuya Leo diba?" sabi ni Lucas kay Ela. "I mean ikaw ang first naka first okay gets mo na? and last so alam mo na yun." pilyang sabi ni Ela kay Lucas. "Paano naman ako babe." tanong ni John kay Ela. "anong paano ka eh naka reserve na sayo ito." sabay tawa ng malakas ni Ela.
"Alam naman ni John lahat Ela. simula ng araw na yun hindi na ko tumigil na hanapin siya. nakita naman yung bahay kaso wala na siya at kasama ka pa diba." seryosong sabi ni Lucas. "Kaya I will do everything para makuha ko siya mapasagot ko ang kaibigan mo."
Kinuwento ni Ela ng tawagan siya ni Alona habang nasa ospital sila at alam niyang nagseselos si Alona kaya pati si John ay ginawa nitong dahilang para tumawag si Ela. habang nagkukwento si Ela si Lucas naman ay lihim nanatutuwa dahil sa mgakwento ni Ela at ramdam niya kanina na naiba ang mood ni Alona habang nakadikit sa kanila ang mga nurse.
Nakahiga na si Lucas ng tumunog ang cellphone niya at ng makita niya kung sino ang nag text ay bigla niya itong binuksan.
"Still awake? Can I call?" hindi alam ni Lucas ang naramdaman ng mga oras na yun para siyang elementary na kinikilig.
"Hello sabi ko ako ang tatawag bakit ikaw ang tumawag." sabi ni Alona kay Lucas. "Wala hindi ko mapigilan na tumawag na excite ako masyado hehe."
Kinabukasan maagang pumasok si Lucas sa office niya. at si John naman ay nagsabi na male late ito.
"hello mang Steve bago mag lunch aalis tayo be ready around 11am." bilin ni Lucas sa driver niya. pagdating nila sa mall ay kumain muna sila ng driver niya at pagkatapos ay nagbilin si Lucas na tatawagan na lang niya ang driver niya pag nabili na niya ang kailangan niya.
Isang magandang singsing na may brilyante sa gitna ang napili niya para kay Alona. naisip niya na sakaling sagutin siya nito ay magpo propose na siya agad. Alam niyang suntok sa buwan ang iniisip niya pero makikipagsapalaran parin siya.
Sa loob ng ilang buwan na panunuyo niya kay Alona first time nitong magpasundo sa kanya sa kompanya nila.
"Sorry Lucas nasira kasi yung kotse ko pinadala ko sa kasa ayoko naman magpasundo kay Ela sigurado pati si John maaabala. pero kung hindi ka pwede okay lang naman din." paliwanag ni Alona sa kanya. Hindi na nagdalawang salita si Lucas kaya agad nitong sinundo si Alona.
"Hi...thank you ha. pero nakakahiya pa din sayo medyo malayo kayo dito." sinadya talaga ni Alona na magpasundo kay Lucas dahil sasagutin na niya si Lucas at kasabwat naman ni Alona si Ela at John.
"Pwede bang sulitin ko na pagpapasundo ko sayo pwede mo ba ko samahan sa may Baclaran magsi simba lang ako." sinamahan ni Lucas si Alona sa simbahan.
"Papa God eto na po yung lalaking nilaan niyo sakin kasama ko na po sa harapan niyo gusto ko pong ma witness niyo na ngayong araw na ito ay magiging official boyfriend ko na po siya." hindi alam ni Lucas ang gagawin ng oras na yun wala siyang idea na sasagutin na siya ni Alona. "Kaya siguro simula ng may mangyari satin at malaman ko na buntis ako kay Miguel hindi na ko nagkaroon ng interest sa mga lalaki. siguro sinabi ni God na mag stay lang ako kung ano ang sitwasyon ko dati kasi pagtatagpuin niya tayo ulit at sabay nating aayusin ang mga dapat nating ayusin." habang umiiyak si Alona ng mga oras na yun ramdam niya ang totoong saya sa harap ni Lucas. Hinawakan ni Lucas ang kamay niya ng mahigpit. "Lord thank you for answering my endless wishes at thank you dahil binigay niyo ang babaeng matagal ko ng hinahanap kasama na ang aming anak." hindi na napigilan ni Lucas ang umiyak at hinalikan ni Lucas ang mga kamay ni Alona. "Thank you for giving me a chance. mamahalin kita ng higit sa buhay ko.".
Sa bahay nila Alona sila tumuloy para ipaalam sa parents niya na sila na ni Lucas at para ipaalam na din sa anak nilang si Miguel. hindi alam ni Alona kinausap na ni Lucas si Ela para sa isang surpresa para kay Alona.
Hind makontak ni Alona si Ela kahit si John. "Bakit kaya hindi sumasagot si Ela pati ba naman si John hay naku naman nakakainis itong dalawang to." hanggang sa makarating na sila sa bahay nila. pagpasok ng sasakyan sa garahe ay nauna ng pumasok si Alona sinalubong naman ito ni Miguel.
"Where have you been mom?" habang nakayakap ito sa ina. "May pinuntahan lng si mommy baby. where's grandma at grandpa baby." nagkibit lang ng balikat ang bata at hindi din alam ng yaya ni Miguel ng tanungin ni Alona.
Sinubukang tawagan ni Alona ang mommy at daddy niya pero cannot be reach ang mga ito.
"Bakit ganyan ang mukha mo? nasaan sila mommy at daddy? mo." natatawang biro ni Lucas kay Ela. "Ewan ko ba or baka nasa clubhouse sila pero bakit iniwan nila si Miguel." nagtatakang tanong ni Alona. "Baka nga tara puntahan natin sila. let's go Migs." at binuhat ni Lucas si Miguel. Pinauna na ni Lucas si Alona at ang bata sa kotse kasama ang yaya nito. "Punta lang ako sa restroom saglit."
"Ela papunta na kami dyan. is everything alright?" tanong ni Lucas kay Ela. "Yes of course kaya pumunta na kayo at hindi na ko makapag antay." kinikilig na sabi ni Ela kay Lucas.
Sa kotse palang natanaw na ni Alona ang mga magulang na nakaupo sa favorite place nila. kasama ang mga magulang ni Ela. "There you are! sabi ko na nga ba dito ko kayo makikita bakit iniwan niyo po si Miguel buti hindi humabol." habang kausap ni Alona ang mga magulang ay hinahanda na ni Lucas ang singsing at nakahanda na sila Ela at John.
"Naku ayaw sumama ng anak mo samin kanina busy sa toys na binili ng daddy Lucas niya. o eto din pala sila Ela." papalapit na sila Ela kina Alona ng matapilok si Ela.
"Ouch! babe ang sakit..."
Nagmamadaling lumapit si Alona at mga magulang nito kay Ela at John. "Ano ba yan best pantay na pantay ang daan natapilok ka pa. hindi ka ba nahihiya nandito sila mama makikita para kang nagpapa cute sa boy friend mo." sabi ni Alona sa kaibigan. pagharap ni Alona sa likuran nakaluhod si Lucas at may hawak na singsing katabi ni Lucas ang kanyang ina.
"Ms. Maria Alona Forteza will you marry me?" hindi na nakagalaw sa kinatatayuan niya si Alona at naging speechless na din siya ng mga oras na yun. nang marinig na lang niya ang mga boses na sumisigaw.
"Say yes! say yes!"
Nilibot ni Alona ang mga mata niya sa paligid ang lahat ay nakatingin at nanonood nag aabang ng isasagot niya may ibang tao din sa park at nangunguna na don ang mga magulang nila ni Ela at Lucas.
"Yes!!! yes I will marry you Mr. Jose Lucas Flores."
Napalundag sa tuwa at saya si Lucas sabay yakap kay Alona. pagkayakap kay Alona kinuha ni Lucas si Miguel at binuhat ito. lahat ay masaya sa naging proposal ni Lucas.
"But wait there's more! sigaw ni Lucas." kaya ine expect pa nila Alona na may iba pang gagawin o surpresa si Lucas pero laking gulat nila ng si John naman ang lumuhod.
"Babe...Ms. Ela Marie will you be my wife" kahit na umiiyak si Ela ay nakuha pa din nitong magiro. "wait wait baka pina prank mo ko sasapakin kita." pinakita pa ang kamao niya na handang manuntok si Ela. "Best asan ang singsing mo suot mo ba patingin nga." lumapit pa si Ela kay Alona at tiningnan ang daliri nito. "Hindi nga babe seryoso ka ba wag mo ko igu good time you will regret it promise." tinaas pa nito ang kanang kamay. "Babe yes lang sasagot mo dami mong sinasabi nanginginig na tuhod ko." nagtawanan ang mga tao sa paligid nila. at sabay sabay ulit nagsabi ang mga tao sa club house.
"Say yes! say yes!"
"Oo naman yes kahit walang proposal yes pa din yes babe!"
Nagpalakpakan ang mga tao sa club house mayamaya may lumapit na mag asawa at niyakap si Ela. "Congratulations hija."
"Babe meet my mom and dad fresh from Uk."
"Thank you so much po mas maganda po kayo sa personal at mas guwapo po para lang po kayo kapatid ni John." pagbibiro ni Ela sa mga magulang ni John.