Ang lahat ay abala sa pag aayos. sa simbahan ang church stylist coordinator reception coordinator iba pa ang wedding coordinator at stylist ng mga abay at stylist ni Alona. Sa mismong araw ng kasal ni Alona at Lucas ginawa ang pictorial kaya lahat sila ay naka ayos na habang ang groom at mga abay nitong lalaki ay nasa kabilang hotel para siguradong hindi sila magkikita ni Alona.
"This is it best. I can't stop crying." habang nagpapaypay ng mga kamay para hindi tumulo ng tuluyan ang luha ni Ela. "Thank you best. basta yung promise natin till we get old walang iwanan." sabi ni Alona kay Ela.
Pumasok na ang mommy ni Alona at nagyakap silang mag ina. "You're so beautiful anak. hindi ko pinapaso si daddy mo gusto ko sa simbahan ka na niya makita." Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ni Alona ganon din ang kanyang ina at si Ela.
"Congrats bro..." nagyakap si John at Lucas. "susunod ka na in a few months bro." mayamaya ay kumatok ang videographer para mag shoot na sila kasama ang kanyang ina hindi alam ni Lucas na may special siyang bisita sa araw ng kasal niya at ngayon pa lang niya makikita dahil hindi niya alam na kasama ito sa entourage walang iba kundi ang ate niya na umuwi pa para ma witness ang kasal niya.
"Lucas anak." umiiyak na ito bago pa lumapit sa kanya. niyakap niya ang kanyang ina. "ma stop crying sayang ang make up." pagbibiro niya sa ina. sinadya ng ina ni Lucas na italikod ito sa may pinto para hindi niya makita ang pagpasok ng kanyang ate. "oo nga pala ang make up ko baka hindi umabot sa church. let's start na san ba tayo magpi picture and after nito video noh." nililibang ng mama niya si Lucas para hindi pa ito ma lingon sa may pintuan pero ng mag thumbs up na ang kapatid nito ay tska sinabi ng ina niya na may bisita siya. "wait Lucas gusto ka kasi makita ng bisita mo makulit eh ayaw papigil." sabay turo sa likuran niya.
"Surprise!!!" humagulgul si Lucas hindi na niya napigilan ng makita ang kanyang kapatid. "ate...I thought you will not come. dalawa na lang tayo hindi ka pa uuwi." parang batang umiiyak si Lucas sa harapan ng ate niya. "Pwede ba yun special day ng baby brother ko eh." umiiyak na sabi ng ate niya. "mamaya mo pa lang makikita si Alona personally I'm sure magkakasundo kayong dalawa." sinimulan nag ang picture taking nilang mag iina.
Sarado ang pintuan ng simbahan ang lahat ay nag aabang ng pagbukas nito. tahimik ang lahat sa loob kahit sa labas ng simbahan ay tahimik tanging si Alona lang ang nasa labas at ang wedding coordinator kasama ang photographer at videographer. May mga nakaabang din na photographer at videographer sa loob ng simbahan.
Dahan dahan ang pag bukas ng pinto at ng makita na ang liwanag ng pinto at unti unting nasisilayan na si Alona habang ito'y naglalakad patungo sa mga magulang. ang lahat ay pumalakpak at humanga sa bride napakaganda at napaka simple ng make up niAlona kaya lutang na lutang ang ganda niya. Umiyak ang daddy ni Alona ng makita ang anak na nakasuot ng full white wedding gown na natatakpan ng belo ang kanyang mukha. "Daddy tahan na akopa din ang baby mo. at ikaw ang forever first love ko" umiiyak na sabi ni Alona sa ama. niyakap ni Alona ang ama ng mahigpit at kinapit na ni Alona ang kamay sa ama patungo kay Lucas.
Habang papalapit si Alona kay Lucas at kasama ang ate niya at mama niya bumulong ang ate niya sa kanya. "Mas maganda talaga siya sa personal at mas gumanda siya lalo ngayong araw na ito unlike last thursday na maganda na talaga siya." lumingon si Lucas sa ate niya na parang magtatanong pero kinindatan lang siya nito.
Kitang kita ni Alona ang pag tulo ng luha ni Lucas ng nasa harapan na siya nito. bago niya kuhanin si Alona sa mga magulang nito ay nag mano muna siya sa parents ni Alona ganon din si Alona nag mano sa mama ni Lucas at humalik sa ate ni Lucas. halos sa buong agos ng kasal ni Alona at Lucas ang lahat ay umiyak lalo na sa vows ni Lucas.
"Halos lahat ng vows na nakikita ko more on sa wife or husband pero ako ang vows ko ay para sa daddy at mommy ni Alona. at sa anak namin." garalgal ang boses ni Lucas habang ito ay nagsasalita.
"Mommy, thank you for support since day 1 napakaswerte ko dahil kayo po ang binigay ni Lord kay Alona bilang magulang at kay Miguel namin bilang lolo at lola sisiguraduhin ko po na pakamamahalin ko ang nag iisang prinsesa niyo ni daddy ibibigay ko sa kanya higit pa sa buhay ng isang prinsesa. daddy. alam kong hindi mahihigitan ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak na babae hindi ko man po mahigitan ito ipapakita ko po sa inyo na higit pa sa isang reyna ang magiging buhay ng nag iisa niyong anak at prinsesa. sa harapn po ng parents ni Alona saksi ang mga nandito sa loob and even our priest. mamahalin ko si Alona higit pa sa buhay ko." hindi na magawang magsalita ni Lucas dahil puno na ng emosyon ito. "Para sa aking anak Miguel. next year may kapatid ka na." nanlaki ang mga mata ni Alona ganon din ang mga parents nila at bisita nila. sabay tawanan ang lahat pati ang pari ay hindi napigilan ang pag tawa nito. "Seriously para sayo aming Miguel. kung ano man ang naging pagkukulang ni daddy sayo sosobrahan ko ang pag bawi sayo i love you son. para sa aking mahal na asawa Alona honey i love you." hindi na maituloy ni Lucas ang pagsasalita kaya tinapos na niya ito.
Pagkatapos ni Lucas ay si Alona naman ang nagsalita. "Jose Lucas Flores hindi man naging maganda ang simula natin pero natapos tayo sa magandang wakas at magsisimula muli ng panibagong kabanata natin bilang mag asawa at ama ng ating anak magsisimula sa simula ng magandang kabanata. Magiging mabuti akong asawa at ina hindi man ako magiging perpekto pero pipilitin ko o gagawin ko ang lahat para sa inyo ng anak mo para maging proud kayo sakin bilang asawa mo at nanay ng anak natin. mahal kita mahal na mahal.
Nagtayuan ang lahat at nagpalakpakan.
"Ang pinakahihintay ng lahat! nakahanda na ba ang mga photographer at videographer ang mga cellphones niyo ihanda niyo na at kanina pa nakahanda itong bagong kasal natin." biro ng pari sa kanila.
"Jose Lucas you may now kiss your bride."
Nang inangat na ni Lucas ang belo ni Alona ay lalo siyang namangha at humanga sa itsura ng kanyang asawa. "Napakaganda mo mahal ko."
Hinalikan niLucas si Alona. Matagal at madiin ang mga halik.
"I love you honey." pabulong na sinabi ni Lucas kay Alona.
"Mabuhay ang bagong kasal!"
Pagkatapos mag picture taking ay inabangan naman ng mga tao ang paglabas ni Alona at Lucas sabay saboy ng mga bigas at bulaklak gaya ng mga nakagawian na ng mahabang panahon.
Sumakay sila ni Alona kasama ang anak nilang si Miguel sa isang bmw na white limousine nagmistulang reyna at hari ang dalawa sa gandan ng sinakyan nila patungo sa hotel kung saan gaganapin ang kanilang reception.
"I am the happiest kid! i love you mommy i love you daddy." sabay halik si Miguel sa pisngi ni Alona at Lucas.
Pagpasok sa entrance ng convention ang lahat ay nagsitayuan para palakpakan ang bagong kasal. Walang pagsidlan ang kaligayan nilang mag asawa sa napaka importanteng araw na iyon ng kanilang buhay. Kahit ang kanilang mga magulang at ang kanilang mga kaibigan lalo na si Ela at John na ikakasal na din sa mga susunod na buwan.
Ting ting ting...
Ang lahat ay sabay sabay na nagbatingting ng kanilang mga kutsara sa mga kopita sign na humihingi sila ng isang kiss sa bagong kasal.
"Guys let's us count in 1 2 3 kissss!!!" sigaw ng event host.
Pinagbigyan naman nila Ela at John ang kanilang mga bisita at lahat ay sabay sabay na naghiyawan.
Hindi nila kinalimutan ang mga tradisyon ng kasal na makaluma. Una na ang pagsayaw ng mag asawa sa gitna, habang sila ay nagsasayaw ay may mga naglalagay ng mga pera o nagsasabit sa kanilang mga damit. Nagbigay ng mga message ang mga magulang nila lalo na ang daddy ni Alona na hindi napigilang umiyak ng mga sandaling yon.
"Lucas anak welcome to my family. alam naman natin na maliit lang ang pamilya ko kaya napakasaya namin ng dumating ang apo ko na si Miguel biruin niyo apat lang kami. ako, asawa ko at dalawa kong anak at dumating ang aking apo na si Miguel." Nagtaka ang lahat dahil alam nila ay nag iisang anak lang si Alona walang nakakaalam na may kapatid pala ito. kahit si Alona ay nagulat lalo na ang ina nito. Alam na ngdaddy ni Alona ang magiging reaction nila kaya tinuloy na niya ang kanyang sasabihin.
"Calm down mommy ang mga mata mo parang makakatapos ng buhay." nakangiting biro nito. kahit si Alona ay nag iba ang aura nito dahil sa sinabi ng ama.
"Alona hija relax ka lang." natatawang sabi nito sa anak.
"Well nakuha ko na ata ang atensiyong lahat. oo dalawa ang anak ko dalawang babae. at nandito siya ngayon." nilibot ni Alona ang mga mata pero lahat ng bisita nila ay kilala niya. ganon din ang kanyang ina. Tumingin ito at nagbibigay ng hudyat at pinakikitang hindi nagugustuhan ang mga sinasabi ng asawa.
"Siyempre ang best friend ng anak ko. wala pa sila sa mundo matalik ko ng kaibigan ang mga magulang nito matalik na naming kaibigan ni misis. kinabahan ba kayo?" nagtawanan ang lahat pati ang host ng kasal ay hindi napigilang magsalita.
"Omg! sir pinakaba mo kaming lahat grabe!."
"Gusto ko lang ipaalam na masarap mahalin ang anak ko patunay na may isang Ela sa tabi niya kasabay ng paglaki nila. from preschooler. elementary. highschool. till college. nag transfer si Alona nagtransfer din siya. nagpatuloy ng pag aaral sa ibang bansa sumama din siya. naging nanay ang aking anak tumayo din siyang pangalawang ina ng apo ko. thru ups and down nandyan siya para kay Alona. daig pa ang tunay na kapatid si Ela kay Alona." Tumayo si Ela at niyakap ang ama ni Alona. "Thank you daddy." sunod na nilapitan ay ang ina ni Alona. "Mommyyy thank you po." ang huli ay si Alona. "Bestttt i love you best..." nagpasintabi si Ela sa ama ni Alona na hiramin ang mic nito. "Just wanna take this chance. Hindi ko expected na ganito ang mga maririnig ko. natin pero thank you so much po daddy mommy sobra ko pong na appreciate ang lahat po ng pagmamahal niyo sakin. mama papa huwag kayo magseselos moment ko to. siyempre thankful ako at may dalawa akong mommy at dalawang daddy and soon magiging tatlo na. yun lamang po and I thank you. daddy kayo na po ulit." sabay ngiti at kindat nito sa ama ni Alona. pagbaba ni Ela ay nagpalakpakan ang mga bisita.
"Thank you Ela for distracting my emotion and my speech." pagbibiro ng daddy ni Alona at nagtawanan muli ang mga bisita.
"Well that's why sinali ko si Ela sa speech ko simple lang naman. hindi ba mamahalin ni Ela si Alona ng higit pa sa kapatid kung hindi maganda ugali ng anak ko. Alona is one of a kind daughter. mas pinili niyang tumayo sa sarili niyang mga paa para kay Miguel. after she graduated nagpaalam siya sakin na need niyang mag work sa ibang company to learn more by herself ayaw niyang umupo na lang sa isang posisyon dahil anak siya ng may ari ng company. You know that Lucas. right?" tumango naman si Lucas.
"Lucas hijo and everyone here. alam natin walang perfect na relasyon pero kung pagmamahal ang pagaganahin kahit anong problema trials challenges the most important is nasa center si God everything is possible. mahalin mo si Alona ko kahit sa langgam hindi ko pinakagat yan kahit pitik hindi nakatikim sakin yan orsa mommy niya. kung alam mong masasaktan mo si Alona physically or emotionally just turn around walk away. wag mo ng hintayin pang masaktan mo ng tuluyan. I know how smart you are so napi pinpoint po lahat ng sinasabi ko hijo. masakit na mga mata ko sa ilaw at masakit na binti ko parang naubos ko na ang oras ng convention baka mag extend pa tayo dito. basta anak mahal na mahal kita mahal na mahal ka namin ng mommy mo." pagtatapos ng salita ng ama ni Alona.
"Best for better or for worst. mahal kita alam mo yan. remember napagkamalan na tayong may relasyon." sabay tingin sa pwesto ni Allan si Ela. "Sa sobrang close namin para na talaga kaming mag jowa as in. lagi kaming magkayakap. nagki kiss madalas sa cheek lang siyempre hahaha. sabay naliligo kaya kahit tagong nunal alam na namin ni Alona kung nasaang parte. nagpromise na din kami when we're turning 30 wala pa kaming asawa kami nalang talaga ang magsasama. joke." nag peace sign ni Ela kay Lucas sabay tawa. "Boss. sir. Lucas mahalin mo ang best friend ko alam ko lahat ng hirap na pinagdaanan ni Alona hindi niya deserve yun ang deserve ng best friend ko is mahalin igalang at irespeto yun lang talaga. But we all know Alona is in the right man and ikaw yun. alam ko napaka swerte ni Alona at ikaw ang naging asawa niya at si Miguel dahil ikaw ang daddy niya. yun lang. I love you best." nilapitan ni Ela si Alona at niyakap nito ang kaibigan ganon din kay Lucas.
Nagsalita din at nagbigay ng message ang mama ni Lucas at kapatid ni sinundan ni John. inanyayahan din ng host si Allan na magbigay ng message sa mag asawa at naging emosyonal si Lucas sa mga sinabi ni Allan na best friend ng yumaong niyang kuya at ex ni Alona.
Pagkatapos magsalita ng lahat ay binalik ng host ang saya ng mga tao. nagpalaro ito sa mga abay ninong at ninang sa kasal sa mga parents ni Alona at Lucas at sa bagong kasal din.
Sumunod naman ay ang pag hiwa ng cake na halos umabot na sa 6 feet ang taas nito. nagpalitan sila ng subo ng cake sinundan ang pag inum ng champagne ng mag asawa kasama ang mga bisita.
Pinahanda na ng host ang dalawang dove para sa paghatak ng bell. at ang pinaka huli ang pag hagis ng bridal flower.
"Calling all the singles and in a relationship but not yet married much better to remove the shoes" pag tatawag ng host sa mga gustong sumali sa pagsalo ng bulaklak.
Nanguna na ang best friend ni Alona na si Ela. "Wag mo ng ihagis best bigay mo na lang sakin baka matapilok na naman ako." pagbibiro nito sa kaibigan.
1! 2! 3!!!
At si Ela nga ang nakasalo. tuwang tuwa ito na tinaas ang bulaklak.
"Next ang garter naman." lumapit si John sa host at hiniram ang mic.
"Bro baka iba pa makasalo ng garter ibigay mo na sakin bro baka dumanak ang dugo dito pag iba ang magsusuot ng garter sa hita ni Ela biglang magdilim ang paningin ko." ang lahat ay nagtawanan sa sinabi ni John. Binigay na nga ni Lucas ang garter kay John at nilagay na nito sa hita ni Ela.
Nag picture ang bride kasama ang maid of honor habang hawak ang flower sinundan naman ng groom at best man.
"For our newly wed Mr. and Mrs Flores lets give them round of applause!!! Congratulations po Mr and Mrs Flores.
Pagkatapos ng program ay nag picture taking na ang lahat at isa isa na itong nag paalam.
Naiwan sa hotel ang pamilya ni Lucas ganon din kay Alona at Ela kasama si John at ang parents nito. Hindi matapos tapos ang saya ng araw na iyon hanggang sila na lang naiwan. Si Alona, Lucas, Ela, John, at Allan kasama ang asawa nito.
"Thanks bro for inviting I'm so lucky at naging witness ako sa special na araw mo. Congratulations sa inyo ni Alona. o John sa kasal mo na tayo magkita." pagpaalam ni Allan sa kanila. Nang makaalis na si Allan at ang asawa nito ay apat na lang silang naiwan.
"For better for worst...apat na tayong magsasabi niyan...ninong ninang kahit ilan ang maging anak natin." sabay taas ng baso.
"Cheers!!!