Excited ang lahat dahil sa binyag ng kanilang prinsesa at hindi alam ng lahat na may pasabog si Alona nilihim niya ito ng 3 buwan kahit si Lucas ay walang nalaman.
Maagang nakumpleto ang mga ninong at ninang isa sa mga ninong ay si John.
"Thanks God akala ko late na ko. hi baby... you're so pretty talaga like ninang. by the way where's Alona and Lucas?." habang tumitingin sa paligid. at nakita na niya si Alona papalapit sa kanila.
"Thank you for coming. here's your candle." inabot ni Alona ang kandila.
"Hi Lucas. hi John." kinawayan lang niya ang mga ito.
"Elaaa! waiting ako dyan ha." tinuro ni Alexa ang tyan ni Ela na malapit na ding manganak.
Nagsimula na ang binyag at tinawag ang primary sponsor si John at ang ate ni Lucas. Pagkatapos sa simbahan ay tumuloy na sila sa venue ng reception.
"Honey ibigay mo na si Angela kay yaya para makatulog ng maayos si baby. yaya doon mo na din dalhin si Miguel para isang kuwarto na lang kayo padadalan ko na lan kayo ng food sa waiter." bilin ni Lucas sa dalawang taga pag alaga ng kanilang anak.
Magkakatabi sa isang lamesa sila John Ela Alexa at asawa nitong foreigner.
"Ela sis sorry kung hindi okay ang unang pagkikita natin. and also to John." ramdam naman ni Ela na sincere si Alexa at nakita naman nila na nagbago na si Alexa simula ng mag asawa ito.
"It's alright importante masaya ka na at totoo yung saya mo." nakangiting sabi ni Ela kay Alexa.
"Yes I feel so special and loved Ela sarap sa pakiramdam pala ng inaalagaan ka at pinaparamdam sayo na mahal ka." naiiyak na sabi ni Alexa.
Tinawag ang mga ninong at ninang para sa isang palaro at game naman ang lahat.
Sumunod na tinawag ay ang mga lolo at lola. dahil wala ng ama si Lucas ay siya na ang tumayo bilang lolo kasama din ang mga in laws niya at in laws ni Ela.
Pagkatapos ng palaro ay tinawag si Alona at Lucas para sa message nila kay Angel ganon din kay Miguel at ang huli ay para sa mga ninong at ninang at pamilay nila.
"Happy is not enough it's priceless sobrang priceless. wala kasi ako nung bingyagan si Miguel kaya this is my first time talaga. actually I told to Alona na I want to celebrate Miguel's birthday like this para makabawe ako pero ayaw niya gusto niya pa din sundin yung nakasanayan na so on the 7th birthday of Miguel magkikita kita ulit tayo and ngayon pa lang gusto ko ng sabihan or invite ang mga ninong at ninang ni Miguel para makasama naman ako sa picture niyo or nila." tumutulo na ang luha ni Lucas dahil tuwing naaalala niya mga panahong wala siya sa buhay ng mag ina niya.
Nilapitan ni Alona ang asawa at pinahiran ito. ganon din ang kanyang ina at ate.
"Honey yung ikaw ang maging asawa ko at ama ng mga anak natin ay super blessed na kami you don't need to be perfect para lang ma appreciate kita or namin ng mga bata ng parents ko." niyakap ni Lucas si Alona ng mahigpit.
Sumenyas si Alona sa host ng event para magsalita.
"Okay let's take our sit first because ma'am Alona have important announcement. ma'am the spot light is yours."
Naiwang nakatayo si Alona sa gitna ng lahat. sumeryoso ang mukha nito dahil dito ang lahat ay natahimik unang una ay ang kanyang asawa sumunod ay sila Ela John ang mommy niya at daddy niya ganon din ang ina ni Lucas at ate niya. Hindi naman alam ni Alexa kung ano ang mararamdaman ng oras na yun natatakot siya na baka gantihan siya ni Alona.
"May alam ka ba dito Ela sissy?." tila kabadong tanong ni Alexa kay Ela.
"I swear wala as in." sabay tingin kay John at Lucas.
Nagulat ang lahat ng mamatay ang ilaw at bumukas ang isang projector.
"Nakikita niyo ba tong USB na hawak ko. hon. look at this." titig na titig si Alona sa asawa habang pinapakita ang hawak na USB. mayamaya lang ay inabot na niya sa operator ng projector.
Tahimik ang lahat nag hihintay kung ano ang magaganap ng mga oras na yun kahit si Lucas ay walang alam o si Ela man.
Bumukas na ang projector nagsisimula ng mga role. halos lahat ay kabado sa gagawin ni Alona. may scandal bang ilalabas ito may nahuli ba si Alona sa asawa halos lahat ay yun ang iniisip ng biglang.
"Congratulations Lucas you're going to have a baby number 3!"
Ang lahat ay nag hiyawan at nagpalakpakan. tumayo si Lucas at lumapit kay Alona.
"You're making me nervous honey. but is it real?! hon magiging daddy ulit ako?"
"Yes..." kinuha ulit ni Alona ang atensiyon ng lahat dahil may isa pa siyang announcement.
"But wait there's more. role it vtr."
"Is it a twin?" sabi ng ate ni Lucas dahil may dalawang embryo na nakita sa ultrasound.
"Congratulations again Lucas and it's a twin!" sabi ng ob nila sa vtr. kinasabwat ni Alona ang doktora niya na ninang din ni Angela.
Napasuntok sa hangin si Lucas sa tuwa at binuhat niya si Alona.
"Wait hon put me down... am may I request to come over here my kumareng doktora and soon to be kumare also ni Ela at John."
Kinuwento ng doktor niya kung paano sila nagplano at kung paano nalaman na buntis si Alona.
Hangang hanga si Lucas sa ginawa ng asawa. masayang masaya naman ang mga magulang nila pareho dahil simula sa maliit na pamilya nila Lucas at Alona ay lumaki na dahil sa kanilang mga anak.
"Alam ko itatanong niyo kung ano gender nila but I keep it clueless mas may thrill if we all don't know the gender of our babies. lalo na dalawa to maybe a girl and a boy or both girl or both boy so abangan natin ulit ang pagputok ng water bag ko."
"Doc wait I have something to ask. pwede pa ba kahit buntis na si misis?". pilyong tanong ni Lucas.
"Yes ofcourse until the last month of pregnancy why not lalo na dalawa yan." tuwang tuwa si Lucas sa sinabi ng doktora.
Natapos ang okasyon ng masaya ang lahat at lalo pa ng malaman ang magandang balita.
Lumapit na si Alexa kay Lucas at Alona para magpaalam na ito.
"Take care Alona. till we see each other again." at nag beso na ito kay Alona at Lucas.
"Yes magkikita pa tayo unless hindi ka a attend sa binyag ng baby namin ni John." si Ela habang hawak ang kamay ni Alexa.
"Just let me know and keep in touch guys I will let you know din if magkaka baby na din kami ni hubby." masayang sabi ni Alexa.
Nakauwi na ang lahat ng bisita sila Lucas at Alona kasama ang kanilang pamilya kasama din ang mag asawang Ela at John pati magulang nito ay nag stay sa hotel para sa isang salo salo na gaganapin para kinabukasan dahil babalik na ulit ang ina at ate ni Lucas sa US.
Abalang nag aayos si Alona ng kanyang dalawang anak habang si Lucas naman ay inaayos ang mga gamit ng dalawang bata. kahit may kanya kanyang taga pag alaga ang mga ito ay hindi nila inaasa sa mga ito dahil gusto pa din nilang mag asawa ay hands on pa din sila sa kanilang mga anak.
Mayamaya ay kumatok na si Ela sa kuwarto nila Ela .
"Best ready na ba kayo?" tanong ni Ela sa mag asawa.
"Yes best. let's go. ay wait hon sila mama at ate pala." tanong ni Alona kay Lucas.
"I already called them nasa baba na sila kasama na sila mom and dad. yaya akin na si Miguel paki dala mo na lang ang gamit ng bata." sabi ni Lucas sa yaya nito kinuha naman ni John si Angela sa isang taga pag alaga nito.
Kumpleto na silang lahat na nakaupo sa isang malaking table nag aanounce si Lucas ng double celebration dahil magiging tatay siya ulit at hindi lang isa kundi kambal.
Masaya ang lahat hanggang sa matapos na sila sa kanilang pagkain. Masaya silang nagkukuwentuhan ng kanilang mga nakaraan.
Na open din ng ina ni Lucas noong mga bata pa sila Lucas. maraming nakuha si Miguel sa ama lalo na sa pag uugali nito hindi lang sa pag uugali pati sa mga hilig sa pagkain. Marami pa silang nalaman sa pag kabata ni Lucas dahil sa kweto ng mama nito at ate ni Lucas dahil si Lucas ang bunso.
Hindi nila napansin ang oras dahil sa sarap ng kuwentuhan nila. nag decide na si Lucas na sa bahay na nila ituloy ang kuwentuhan at doon na mag i stay ang mama niya at ate niya hanggang sa dumating ang araw ng flight nila.
Habang nasa biyahe sila ay hiniling ng ina ni Lucas na sa kanila na muna isabay ang mga bata para masulit na nila ang ilang araw ng pag stay nila sa Pilipinas.
"You know Alona may nakita akong picture nila Lucas actually silang 3 na magkakapatid gusto ko ipakita sayo to pero naisip ko na pag tayo tayo na lang medyo awkward kung ipakita ko sa lahat." nilabas ng mama ni Lucas ang picture nila Lucas.
Kinilabutan si Alona ng makita niya si Leo nung bata pa ito at si Lucas para silang kambal kahit malaki ang agwat ni Leo kay Lucas ay malaki ang similiraty nilang dalawa. nang ibaling naman ni Alona sa ate ni Lucas ay nagulat din ito sa itsura.
"Oh my ang lakas po ng dugo niyo mama kamukha niyo po silang tatlo pati yung dalawang apo niyo. tingnan niyo po dito si ate parang si Angela po." hangang hanga si Alona sa itsura ng mga ito.
"Yes hija actually may baby picture si ate mo wait." nilabas ng mama ni Lucas ang baby picture ng ate ni Lucas.
"What the?...naiiyak naman po ako mama." natatawang naluluha si Alona ng mga sandaling iyon.
"Oh why hija." pag aalalang tanong ng byenan niya.
"Akala ko po kasi kamukha ko na si Angela si ate pala ang kamukha but atleast nakikita ko na ang future ni Angela. wow..."
Tuwang ang mama ni Lucas at ate niya sa dalawa niyang anak habang kandong nila ang dalawang bata.
Narating na nila ang bahay nila. agad na nagpahanda si Alona juice sa kasambahay nila at inabot ang mga pasalubong sa mga naiwang kasambahay.
"Initin niyo na lang ito manang para po sa inyo yan mga naiwan dito. next time kasama na kayo ulit." sabi ni Alona sa mga kasambahay nila.
Sinamahan ni Lucas ang mama niya at ate niya sa dating silid ng ina niya nilaan niya talaga ang mga kuwarto ng ina at kapatid dahil ayaw niyang iparamdam sa kanila na inari na niyang tuluyan ang bahay nila.
"Wow I still have my room little bro?" gulat na tanong ng ate niya.
"Yes ofcourse kaya hindi niyo kailangan mag check in ni mama dahil may bahay pa kayo dito. and mama it's your turn." binuksan naman ni Lucas ang kuwarto ng ina.
"Home sweet home. parang walang pinagbago hijo. thank you so much." niyakap si Lucas ng ina.
Dinala ng mama ni Lucas si Miguel sa park na malapit sa kanilang bahay kitang kita sa mag lola kung gaano sila nag e enjoy habang sila y naglalaro naalala ni Lucas noong bata pa siya kung gaano ka hands on ang mama niya sa kanila lalo na sa kanya.
"Lucas hijo." nakangiti ang ina niya habang tinatawag siya.
"Mamimiss mo sigurado ang mga apo mo ma." inakbayan niya ang kanyang ina.
"Hmmm slight lang...kasi hindi ako papayag na wala ako sa 1st birthday ni Angela mukhang madadalas ang pag stay namin dito kasi gusto ko makita yung kambal kong apo." tuwang tuwa sabi ng mama niya.
"Hey!!! ang daya niyo naman iniwan niyo kami ni Alona." balot na balot ang ate ni Lucas na papalapit sa kanila.
"Look at yourself ate sa palagay mo isasama ka ni mama dito parang takot na takot ka sa araw and bakit mo pa sinama asawa ko." pagbibiro ni Lucas sa kapatid.
"Don't mind my outfit Lucas ha. ma oh yung anak mo nakakainis..." parang batang nagsusumbong sa ina.
Aliw na aliw si Alona sa mag iina nakikita na niya ang sarili niya in the near future.
Isan buwan pa lang ng bumalik sa America ang ina at ate ni Lucas pero miss na miss na agad ng mama niya ang dalawang bata kaya halos maya't maya ay naka videocall sila.
"Alona hija doble ingat ha lalo na twins yan Lucas make double your attention to your wife hindi biro ang sitwasyon ni Alona." bilin nito kay Lucas.
"Of course ma. and nag file na din ako pag six months na tyan ni Alona dito na ko sa bahay mag i stay magwo work from home na ako para ma monitor ko si Alona kasi ngayon pa lang hirap na siya laki na din ng binaba ng timbang niya."
Dumating na nga ang araw na pinakikihintay ng lahat ang paglabas ng kambal. Kagaya ng sinabi ng ina ni Lucas ay umuwi ito isang linggo bago ang schedule ng pag biyak ng tiyan ni Alona.
"Honey just relax nandito lang ako lahat kami nagpe pray para makaraos at makarecover ka agad." hinalikan ni Lucas sa noo ang asawa.
Bago pa lang dumating ang araw ng caesarean section ni Alona ay masama na pakiramdam nito huling ultrasound sa kanya ay nakita ang isang sanggol na humihina ang heart beat nito kaya mas lalong dapat mailabas na niya ito.
Sobra ang kaba ni Lucas ng mga sandaling iyon pero pinakikita niya sa asawa niya na nasa tabi lang siya nito at hindi niya ito iiwan.
Mayamaya ay tumaas ang blood pressure ni Alona ang lahat ay nagkagulo lalo na si Lucas na nasa loob din.
"What happen? doc what's going on?" tarantang tanong ni Lucas sa doktor. pero imbes na sagutin siya nito ay pinalabas muna siya nito.
"Hey hey dito lang ako hindi ko iiwan ang asawa ko wait!" naiwan sa labas si Lucas at sinara na ang kuwarto.
Nag aalalang lumapit si Ela sa kanya.
"What happen Lucas? how's Alona?" umiiyak na tanong ni Ela sa kanya.
Walang maisagot si Lucas kay Ela kahit siya ay hindi alam ang gagawin dahil alam niyang hindi okay ang asawa niya huling narinig lang niya sa loob na nag eclampsia ang asawa niya.
Halos isang oras na wala pa silang balita sa loob wala pa silang nakakausap na nurse o kahit yung doktor na kaibigan nila na ninang ni Angela.
Ilang araw bago ang araw na isasalang na si Alona ay humina ang katawa nito at nagkasakit pero hindi dahil sa pinagbubuntis niya tinamaan siya ng measles exosure o may malalang tigdas na magdadala ng peligro sa buntis ganon din sa bata.
Akala nila ay okay na si Alona ng mga araw na yun kahit ito ay mabilis na bumagsak ang katawan.
Habang sa loob ng delivery room ay nirerecover si Alona may isang nurse na lumabas para kausapin si Lucas.
"Mr. Flores makakapasok na po ulit kayo sa loob pero need to calm yourself sir para na din sa patient." pagpapaliwanag ng nurse sa kanya.
Nakita ni Lucas ang hirap ng asawa awang awa siya dito.
"Lucas come here please." tawag sa kanya ng doktor.
"Alona nandito na si Lucas huwag kang matutulog okay. Lucas huwag mong hayaan na makatulog si Alona. kausapin mo patawanin mo tapikin mo siya." pagpapaliwanag ng doktor sa kanya.
"Honey malapit na konting tiis na lang sabi ni doktora pinababa lang nila ang blood pressure mo bago ituloy ang cs mo huwag ka munang matulog honey para makita natin agad ang kambal natin at ang gender nila." pigil na pigil ang pagluha ni Lucas pra hindi siya makita ni Alona na umiiyak.
Mayamaya lang ay narinig na nila ang pag iyak ng isang baby at sinabi ang gender nito.
"Baby girl time check exactly 2 o'clock." sabi ni doktora
Pagkatapos ay narinig ulit nila ang isa pang umiyak.
"A girl again it's identical congratulaions guys! time check 2:06."
Masayang masaya si Lucas at nairaos na ni Alona ang kambal nila.
Biglang tumirik ang mga mata ni Alona at nanigas ito.
"Lucas please..." pinahatid ng doktor si Lucas sa isang nurse palabas.
Paglabas ni Lucas saktong paparating ang mama niya kasama ang mga in laws niya. sinalubong ng yakap ni Lucas ang ina at parang batang umiyak ito.
"Wait son calm down just calm down...why what happen Lucas. hijo." umiiyak na tanong ng kanyang ina.
"I don't know ma kanina okay na siya kausap ko siya habang binbiyak na yung tiyan niya then after mailabas na yung kambal bigla siyang nag kumbulsiyon pinalabas na ko ni doktora. ma yung asawa ko ma ayokong mawala si Alona ma..."
Biglang hinimatay ang ina ni Alona na nasa likuran nila.
"Mom...wake up...nurse! help please..." mabilis na binuhat ni Lucas ang byenan pahiga sa stretcher.
Nagkamalay naman agad ang ina ni Alona.
"Ano nangyari sa anak ko Lucas." umiiyak na tanong nito sa kanya.
Kinuwento ni Lucas lahat nang pangyayari bago pa man ito mangyari. Iyak ng iyak ang ina ni Alona dahil sa sinapit ng kanyang anak. walang ginawa si Lucas kundi humingi ng tawad sa byenan niyang lalaki at babae.
"It's not your fault Lucas. hindi ka nagpabaya. kilala ko ang anak ko malakas at matapang na babe yang si Alona." kita sa ama ni Alona na nahihirapan din pero kailangan niyang magpakatatag para sa asawa at sa anak.
Dala ng dalawang nurse ang kambal nila ni Alona at pinakita ito bago dalin sa nursery room. Halos tumalon ang mga puso nila sa saya ng makita ang dalawang batang babae na parang mga anghel. pero napalita ito ng pag aalala kay Alona.
"Nurse how's my daughter?" umiiyak na tanong ng ina ni Alona.
"Sir inaayos na po ni doc si ma'am kasunod na po namin si doc."
Mayamaya lang ay lumabas na ang doktor.
"Lucas. everyone Alona is in coma." hindi na napigilan ng doktor na umiyak.
"But we will the neurologist to come here kausap ko na siya and nag request na ko ng MRI for Alona." paliwanag ng doktor sa kanila.
Halos madurog ang mga puso nila ng makita si Alona na nilalabas sa delivery room para ilipat na sa ICU kasunod na nito ang neuro na titingin sa kanya.
"Hon...matapang ka alam ko madami pa tayong plano alam ko nariniring mo ko honey i love you hon..." habol ni Lucas sa asawa habang papalayo sa kanila papunta sa ICU.
Hindi na pinansin ni Lucas ang oras kahit ang gutom ay hindi na niya naramdaman.
"Bro kumain ka baka ikaw naman ang makgsakit kailangan ka ng mga bata habang nagpapagaling si Alona." habang kino comfort ni John ang kaibigan para namang wala sa sarili si Lucas na nagsalita.
"Hindi ako papayag na iwan ako ni Alona bro. sasama ako sa asawa ko bro." habang humahagulgol na ito ng iyak.
"Hey hey ano ba pinagsasabi mo imbes na palakasin mo ang loob mo at maging positive ka ganyan pa sinasabi mo." parang nairita si John sa sinabi ni Lucas.
"Hindi ko kaya bro pag nawala asawa ko mamamatay ako bro. bro mamatay ako bro..." hindi na kinaya ni Lucas ang bigat ng dinadala niya sa dibdib.
Lumapit ang isang nurse para sabihan si Lucas na pwede na niyang makita si Alona.
Pagkatapos mag suot ng hospital gown ni Lucas ay pumasok na agad siya sa ICU.
"Honey...dito lang ako at ang mga bata they're waiting for you honey..." umiiyak na sabi ni Lucas.
Wala kahit ni isang reaksyon kay Alona pero hindi nawawalan ng pag-asa si Lucas na magkakamalay na ang asawa.
Pagkatapos ni Lucas sa ICU ay naka usap na niya ang neuro ni Alona. Malaki ang posibilidad na bumalik lahat sa normal si Alona pag ito ay naka recover na pero ang tanging dasal na lamang ni Lucas ay magkamalay na ang kanyang asawa.
Habang nagpapahinga si Lucas sa waiting area ay nag alarm ang ICU kaya lahat ng nurse at doktor sa ospital ay nagpunta.
Hindi mapakali si Lucas dahil nag aalala siya na baka si Alona ang dahilan ng alarm. mayamaya ay narinig niya sa isang nurse na may isang patient ang nagtanggal ng tubo.
"Mr. Lucas Flores please proceed to ICU department."
"Mr. Lucas Flores please proceed to ICU department."
Napatayo na lang siLucas ng marinig niya ang pangalan niya at dalidali siyang pumasok sa ICU. Kinabahan siya dahil nakapalibot ang mga nurse at doktor kay Alona ng mapansin siya ng isang nurse ay agad itong tinuro sa doktor.
Pinalapit siya ng doktor sa kama ng kanyang asawa at nagulat siya na may malay na ito.
"Hon..." mahinang boses ni Alona.
Lalapitan na sana siya pero pinigilan siya ng isang nurse.
"Sir wait lang po may nilalagay lang po sa patient." paliwanag ng nurse sa kanya.
"I think sir your wife is fine. hinugot po niya ang tubo niya that's why the ICU alarmed. and she said the reason why she removed because she can't breath." natatawang sabi ng doktor.
Sumenyas ang doktor na pwede na niyang lapitan ang asawa ng matapos i check ang kanyang vital sign ay nag adviced na din na ilipat na si Alona sa isang private room para mamonitor pa ito.
Noong araw din na yon ay nilipat na si Alona sa isang private room at binalita na agad ni Lucas ang magandang balita pero binawalan pa silang tumanggap ng bisita hanggat hindi pa umaabot ng 48 hours para maiwasan ang stress at makapag pahinga pa ito.
Dinala na din sa kuwarto ni Alona ang kambal niyang anak at doon lang nalaman ni Alona na babae ang kanilang kambal at identical twin pa mga ito.
"I don't remember anything hon...wala na ko sa wisyo that time. kaya na surprise ako we have identical twin." maluha luhang sabi ni Alona kay Lucas.
"Look at them honey it's all your feature kaya triplet kayo." sabay halik sa noo ni Lucas sa asawa.
Dumating naman ang kaibigan nilang doktor na siya ding nagpaanak sa kanya.
"Oh Alona thank you God." niyakap niya si Alona sa sobrang tuwa nito.
"By the way may kasalanan ako Alona sa inyo ni Lucas."
"Ano yun doc?." tanong ni Lucas sa doktor.
"I have no choice sis nag emergency ligation ako. kaya last baby niyo na yan ni Lucas." natatawang sabi ng doktor niya.
"It's okay doc actually balak ko na talaga yan kase twin na eh baka masundan pa ulit ng isang twin or triplet pa haha." birong sabi ni Lucas sa kanila.
Pagkaalis ng doktor ay unti unting nakatulog si Alona normal lang naman daw yun dahil sa mga gamot ni nilagay sa swero ni Alona.
Makalipas ng 48 hours ay sabay sabay na nagpunta sa ospital ang mga magulang nila kasama ang mag asawang Ela at John.
"Thank you Lord for another life." umiiyak na sabi ng ina ni Lucas.
"Alona anak thank's God anak nakaraos ka na after nito we will going to have a thanks giving mass anak." naging emosyonal ang mga sandaling iyon kahit ang ama ni Alona ay nagpakita na din ng kahinaan ng makita ang anak hindi na niya pinigilan ang pag iyak dahil nakita niya ulit ang anak niya matapos maging kritikal ito.
Naghanda ang lahat para sa pag uwi ni Alona at naghanda din sila ng isang sorpresa para kay Alona.
"Hijo nasaan na kayo huwag kang magpapahalata sa asawa mo baka masira ang welcome home party natin." bilin ng ina ni Lucas.
"We're on our way mama. 10 to 15 mins kami makakarating ng bahay." sagot naman ni Lucas sa ina.
Mayamaya ay huminto si Lucas sa isang gasoline station para magpakarga at para makapag cr na din pero ang totoong dahilan ay para makatawag ito at sabihing within 5 minutes ay nasa bahay na sila.
"Beep beep!"
Nagmamadaling binuksan ng guard ang gate nila at ng makarating sa garahe ay sinalubong na sila ni Ela at John para kuhanin ang kambal.
"Buti na lang babe lalaki ang anak natin kundi baka nagselos na ang anak mo." sabi John kay Ela.
"Gagawa din tayo ng babae babe pag malaki na si Nathan ha." biro ni Ela sa asawa.
"Gusto ko yan babe basta hindi tayo titigil hanggat walang babae." sabi ni John kay Ela.
Ang hindi alam ni Alona ay nasa likod bahay lahat ng tao kaya tahimik ang buong kabahayan ng pumasok sila.
"Akala ko ba naman sasalubungin ako nila mommy at mama."
"Aba best dahan dahan masakit ha wala ba kong bilang sayo." kunwaring nagtatampong sabi ni Ela.
"Wait nasaan si Miguel ko para makita na niya ang twin sister niya." mabilis na sumagot ang yaya nito at sinabing naglalaro sa playground sa garden.
"I surprise mo si Miguel honey miss na miss ka na ng anak natin."
at pagbukas ng pinto ni Lucas.
"SURPRISE!!!"
"Welcome home!!!"
Hindi nakapag salita o naka kilos man lang si Alona sa kinatatayuan niya.
"O hon are you okay? hey." pag aalalang tanong ni Lucas sa kanya.
"I'm okay honey...na surprise niyo ako talaga nakakainis kayo."
"Mommm I miss you mommy." tumatakbong umiiyak si Miguel papalapit kay Alona, ngayon lang nila nakitang sumalubong ng umiiyak si Miguel kaya lahat ay napaiyak.
"Thank you family for all the prayers. I'm so lucky to have this kind of family and of course to have a best friend like you best and John of course napaka blessed namin ni Lucas super blessed. and this is my new chapter."
Lumapit si Lucas kasama ang kambal nilang anak inabot naman ni Ela si Angela kay Alona at lumapit naman sa kanila si Miguel.
"okay 1, 2, 3! smile!"
They have a complete happy family photo for the first time with the new born twin. sumunod naman ang mama ni Lucas at ate nito pinagbigyan naman ang mommy at daddy ni Alona sinundan ng mag asawa Ela at John kasama din ang kanilang anak na si Nathan.
and last lahat na sila. sinet ni Ela ang camera at sabay sabay silang bumilang.
1, 2, 3! nasundan pa ng isa
1, 2, 3! wacky!!!.
*THE END*