Isang buwan ang nakalipas inasikaso na ni Lucas at Alona ang kanilang kasal, isang simpleng kasal lang ang gusto ni Alona pero mas gusto ni Lucas ibigay ang pinakamagandang kasal para kay Alona.
"Hon let's go para madami pa tayong maasikaso. kumain na muna tayo bago tayo mag pasukat." pagbibiro ni Lucas kay Alona. "Do we need that? parang ngayon ko lang nalaman yun ah." nagtatakang tanong ni Alona kay Lucas. "Not exactly that's my own idea. para fit talaga satin lalo na sayo ang wedding gown mo." paliwanag niya kay Alona. "Sabagay may point ka hon."
Lalong humanga si Lucas kay Alona ng makita niya ang mga gown na sinusukat nito kitang kita ang hubog ng katawan ni Alona at angat na angat ang kagandahan niya kahit wala pa siyang ayos, kahit ang fashion designer na nagsusukat sa kaniya ay hindi maiwasan ang humanga kay Alona.
"You look so perfect madam. para kang dyosa. napakaswerte mo sir Lucas kay maam Alona." amaze na amaze na sabi nito kay Lucas.
"That's why I'm not letting her go again. papakasalan ko na agad kaya make your time triple para magawa mo na ang isusuot namin ng soon to be wife ko." pagbibiro nito sa designer. "baka ma pressure si Monita sayo hon."
Natapos nila agad ang pagsusukat ng wedding gown and suit sumunod naman na inasikaso nila ang damit ng mga abay nila at isusuot ng anak nilang si Miguel.
"I'm so excited best! tapos yung wedding naman namin ni John feeling ko mape pressure ako baka mag stress eating ako tumaba ako best." sabi ni Ela kay Alona. "Ang Oa mo best. hindi mo pa kase sinabay samin ang kasal niyo eh dapat double wedding tayo." sabi naman ni Alona kay Ela. "Ayoko paano mo ko magiging maid of honor? paano kita magiging maid of honor din bata pa lang tayo best pangarap na natin pareho yun diba?".
Sunod sunod ang naging lakad nila at pag aasikaso sa kasal nila Alona at Lucas. hanggang sa practice ng entourage at sa food tasting ng mga ihahanda nila.
"All things are done and ready. araw na lang ng kasal natin hindi na ko makapag hintay honey." niyakap ng mahigpit ni Lucas si Alona.
Nagulat sila ng makita nila si Miguel na nakatitig sa kanila na parang malungkot.
"You already forget me na mommy daddy." malungkot na sabi ni Miguel sa kanilang dalawa. nagkatinginan naman silang dalawa na parang naawa si Alona sa anak. "of course not baby busy lang kami". kinandong ni Alona si Miguel, lumapit si Lucas sa mag ina niya. "Tutal naman hon okay na lahat. si Miguel naman ang ipasyal natin. where do you want to go little boy?" biglang nagliwanag ang mukha ng bata. "Wow really daddy? I want to go to the beach pleaseeee..." sabi ni Miguel sa kanilang dalawa habang namimilog ang mga mata nito sa saya.
Abala si Alona sa pag prepare nila ng mga babauning damit na mag ina at ang kanyang magulang. Habang si Lucas naman ay abala sa mga pirmahing papeles at dokumento para wala siyang maiwan na pendin. "Tapos ka na ba diyan bro?" tanong ni John sa kaibigan. "Yes I already done. eh ikaw ba okay na ba mga gamit mo bro?" tinanong ni Lucas si John habang nagliligpit ito ng mga gamit niya sa office. "Yup actually kahapon pa nasa sasakyan mga damit ko." natawa si Lucas sa kaibigan. "hindi ka naman halatang excited sa lakad natin."
"Daddy! you sleep here with us daddy?" masayang sinalubong ni Miguel ang ama. "Yes baby kase need nating umalis ng maaga tomorrow and need ko din tulungan si mommy para mag ayos ng mga gamit and food." paliwanag ni Lucas sa anak.
Nilapitan ni Alona ang mag ama para dalhan ng juice si Lucas. "Tapos na po ako mag ayos ng mga gamit and ready na din ang mga food natin yung iba half cooked na, just take a rest. tabihan mo si Miguel sa room niya." magsasalita pa sana si Lucas pero hinila na siya ni Miguel.
Mabilis na nakatulog si Lucas katabi ang anak. nakita ng ina si Alona habang pinagmamasdan ang mag ama. "I can see in your eyes anak kung gaano ka kasaya." sabi ng kanyang ina. "Akala ko po mommy kami nalang talaga ni Miguel ang magsasama or ibang daddy na tatayo sa anak ko, pero God will make a way." maluhaluha si Alona habang nakaharap sa ina. inaya na siya ng ina niya na bumaba at hayaang matulog ang mag ama at magpahinga na din sila dahil maaga ang biyahe nila.
Shuttle van ang gamit ng pamilya dahil bukod sa pamilya ni Alona ay kasama din ang pamilya ni Ela at si John. Maaga silang nakarating sa probinsiya ng Pangasinan. masayang masaya si Miguel dahil ngayon na lang ulit ito nakapunta ng dagat simula ng bumalik sila sa Pilipinas.
"Mommy magsu swim na po kami ni daddy pleaseeee..." habang pumipikit pikit ang mga nito para payagan siya ng kanyang ina. "wait change your cloths first. yaya paki palita ng panligo si Miguel." utos nito sa yaya ni Miguel.
Masayang masaya ang mag ama habang tinuturuan ni Lucas si Miguel na lumangoy. "Samahan mo na yung mag ama kaysa naka tanaw ka lang dyan mas masaya kung tatlo kayong nag e enjoy." sabi ni Ela sa kaibigan niya. napansin ni Alona ang suot ni Ela kaya napa wow siya sa suot na two piece ng kaibigan. "Wow best nakita ko na naman yang favorite mong swimsuit baka hindi na makapag pigil niyan si John hatakin ka na lang sa malalaking bato dyan. hahaha!" malakas na tawa ni Alona. "Naku best nagpipigil lang siya pero kanina pa siya pisil ng pisil sa braso ko sa hita ko sa hips ko. kaya nga inaya ko na siyang maligo para mawala ang init sa katawan. natatakot ako eh," pigil na pigil ang tawa ng magkaibigan. "Tara babe swimming na tayo habang maganda ang panahon hindi tayo iitim". Naiwang nakatayo si Alona mag isa dahil sumunod na si Ela at John kina Lucas. Mayamaya ay umahon si Lucas para puntahan si Alona. binilin ni Lucas si Miguel kina Ela at John.
"Let me help you. para matapos ka na dyan at makapag swimming ka na din." kinuha ni Lucas ang mga prutas na ipeprepare para sa lunch nila at hiniwa ang mga gulay na lulutuin ng kasambahay nila. "Alona anak magpalit ka na ng panligo kami na ng mommy mo ang bahala dito." sabi ng mama ni Ela kay Alona. "Okay lang po mama kayo po ang dapat mag enjoy, wait lang po." tinawag ni Alona ang magulang niya. "Mom dad mag swimming na kayo nila mama maganda sa health yan lalo na sa inyong mga young at heart." pagbibiro niya sa mga parents nila ni Ela.
Hindi na bumalik sa dagat si Lucas dahil mas gusto niyang tulungan si Alona. kahit kasama nila ang mga kasambahay nila Alona ay hindi ugali nila Alona na iasa lahat sa mga kasambahay nila gusto nila ay mag enjoy ang mga ito pag nasa outing sila.
"Lunch is ready!" sigaw ni Lucas sa mga kasama. "come here little boy dito ka samin ni mommy." masayang masaya ang lahat sa dami ng pagkain na hinanda nila halos lahat ay mabunsol na. "Best nakakahiya na yung katawan ko ang sagwa na ng tiyan ko." pinalaki pa ni Ela ang tiyan niya at niliyad. nagtawanan ang lahat sa ginawa ni Ela. Sumunod naman ay hinain na ang desert kaya halos lahat ay mas pinili munang magpahinga dahil sa dami ng mga kinain. Kahit si Miguel ay nakatulog dahil sa dami ng kinain at pagod sa langoy.
Habang nagliligpit si Alona at Ela hindi maiwasang tuksuhin ni Ela si Alona. "Kumusta naman kagabi nakatulog ka ba o panay kalabit ni Lucas sayo ha best. mag kwento ka naman." pinitik ni Alona ang tenga ni Ela. "Sira! sa kuwarto ni Miguel natulog si Lucas dumi ng isip mo ha best." habang nag iinisan ang magkaibigan ay nakatingin sa kanila si John at Lucas.
"Ano feeling bro?." pagtatanong ni John kay Lucas. "happiest feeling bro. nasa harapan ko na si Alona habang nakikita ko siyang masaya tapos meron pa kaming Miguel sobra na sa sobra po yung pangarap ko."
"Babe let's go swimming palabas na si Alona nagpalit lang ng pang ligo." sinabi Ela kay Lucas habang nagpapahid ng lotion sa braso niya.
"Let's go honey, Iniwan ko na si Miguel kina mommy hapon na eh baka magkasakit." wala sa loob ni Alona na naka swimsuit siya ng mga oras na yon ang plano niya papatungan niya ito ng shorts pero nawala sa isip niya kaya ng makita ni Lucas si Alona ay napatulala na ito sa kanya pero ng matauhan si Lucas ay bigla siyang tumayo at lumapit kay Alona. "Go back hon. as in ganyan lang isusuot mo? no way walang pwedeng makakita niyan swerte naman naman nila libreng libre pagpantasyahan ang sexy mong katawan tapos ako maghihintay pa ko hanggang sa makasal tayo. balik sa kuwarto mag palit ka." tawa ng tawa si Alona habang tinutulak siya ni Lucas. "Ano ka ba hon. actually magsoshorts talaga ako nakalimutan ko lang nagmamadali kasi si Ela eh."
Hindi na nila namalayan ang oras gabi na sila umahon ni Alona, Ela at John. Pagkabihis nila inaya ni Ela si Alona maglakad sa gilid ng dagat. "I miss you best." nagtatakang lumingon si Alona sa kaibigan. "ang best friend ko naglalambing madalas naman tayong magkasama bakit mo ko na miss." sabay akbay sa kaibigan. "Lagi nga tayo magkasama pero may kanya kanya tayong partner gusto ko yung dati pag magkasama tayo as in tayo lang." nakita ni Alona si Ela na seryoso ito kahit man siya naiisip niya yung dati na sila lang ni Ela simula pagkabata nila ay magkasama na sila hanggang sa nag aral at nagpatuloy sa ibang bansa nagkaanak siya sa pinaka worst na nangyari sa kanya at eto na nga ilang buwan na lang ay ikakasal na siya susunod naman si Ela.
"Pero hindi tayo magkakalayo best mahal tayo ni Lord imagine pati sa boyfriend mag best friend din and iisa ang company na pag aari nila like us diba soon dalawa na tayong magha handle ng company." biglang umiyak si Ela at hindi na din napigilan ni Alona ang umiyak.
Pagkatapos ng outing nila balik trabaho na ulit silang magkakaibigan. "Alona anak pwede ka naman hindi muna magpunta sa office take your time kung natapos niyo na lahat ni Lucas just relax pamper your self." sabi ng mommy niya sa kanya. "Tapusin ko muna lahat to mom para hindi po madaming ma pending habang naka bakasyon po ako after ng wedding."
Nag aayos na si John para sa isang conference sa darating na Product launches ng company nila ni Lucas, nagpauna na si John kay Lucas na siya na ang bahala at mag focus na lang muna si Lucas sa nalalapit na kasal nito.
"Leave it to me bro. sige ka baka magtampo na naman ang anak niyo eh makapag outing na naman tayo." biro ni John sa kaibigan. "Anything Miguel wants bro. kulang pa nga yun and gusto ko din makabawi kay Alona." nakangiti nitong sabi sa kaibigan. "That's my point bro. kaya nga ako na ang bahala dito para makapag bonding kayo nila Alona then after ng wedding honeymoon naman maiiwan for sure si Miguel kaya go lang bro. take your special time with your family dahil pag ako na ang mag aayos ng kasal ko ikaw naman dito give and take diba." natatawang sabi ni John.
After maayos ni Lucas lahat ng dapat pirmahan at kailangan ni John para sa conference ay dumaan si Lucas sa isang cafe para bumili ng pasalubong kina Alona. Hindi niya napansin si Allan sa likuran niya. kaya tinapik siya nito.
"Hey Lucs how are you?" buhat ng mawala ang kuya ni Lucas na si Leo ay ngayon lang niya nakita ulit si Allan. "Fine bro. how about you? long time no see it's such a long time." inaya muna siya ni Allan na magkape at doon niya sinabi na sila na ni Alona at ikakasal na din sila. gulat na gulat si Allan ng malaman na nagkatuluyan sila ni Alona.
"Wow bro congratulations...I'm happy for you maybe your kuya Leo is more happier. baka ikaw talaga ang destiny ni Alona. but bro sorry for asking you if okay lang sayo na...alam mo." ramdam ni Lucas ang gustong sabihin ni Allan. "About what bro? virginity of Alona? I don't know if you still remember the last day we see each other after we drunk I'm asking you if want to go with me in a bar." matagal na nag isip si Allan bago ito sumagot. "Ah yes yes I remember." humigop muna ng kape si Lucas bago ito mag kwento kay Allan. "Accidentally saw Alona in the bar alone. syempre dala ng galit sa pagkawala ni kuya na alam natin ang dahilan e siya naisip kong mag revenge." nakita ni Lucas kung paano nasamid si Allan sa mga narinig galing sa kanya. "careful bro baka maibuga mo pa sakin yang kape mo." pagbibiro ni Lucas at tinuloy niya kwento. "I saw her already drunk baka nga affected siya sa pagkawala ni kuya but bro we're wrong. hindi niya kasalanan ang lahat minahal lang siya ni kuya and hindi niya kasalanan na mahalin siya I know you're the one knows how much in love my kuya to Alona." tumango lang si Allan kay Lucas at sinabi nito na unang beses pa lang niyang nakita si Alona ay hindi na tinigilan ng kuya niya.
"I revenge to the girl bro. and think that she deserve kung ano man ang gawin ko sa kanya. and nagulat ako. and I felt guilty after what happened. I ruined her virginity for the wrong accusation. natakot ako naguilty ako iniwan ko siyang tulog sa isang hotel and when I realize na gusto kong itama lahat pinahanap ko siya." bumalik lahat ng sakit sa dibdib niya ng maalala niya ulit ang ginawa niyang yon. "Yun din ba ang reason kung bakit kinuha mo ang address niya sa akin Lucas?."
Kinuwento din ni Allan lahat ng nalalaman niya ay sa kuya Leo lang ni Lucas niya nalaman. "Why he need to lie or gumawa ng kuwento Allan?." pagtatakang tanong ni Lucas kay Allan pero hindi din masagot ni Allan ang mga tanong ni Lucas sa kanya. "But bro most important is okay na kayo at the good thing may anak pa kayo." sinabi na din ni Lucas lahat ng nangyari sa kanila before and after at they're looking forward for a better and happy future.
"Asahan kita sa kasal ko." at nagkamay silang dalawa ni Allan. "Yes expected me to be there Lucas. advance congratulations to both of you.".
Pagdating ni Lucas bigla niyang niyakap si Alona at bumulong. "I love you honey. I will making you happy for the rest of our lives Alona." nagtatakang tumingin si Alona kay Lucas. "what's wrong with you? para kang may ginawang kasalanan ah hmmmp." naningkit ang mga mata ni Alona. "Nothing hon. na miss lang kita para bang gusto na kitang makita mayakap at i kiss." sabay halik kay Alona.
Kinuwento din ni Lucas na nagkita sila ni Allan sa isang coffee shop at ininvite niya ito sa araw ng kasal nila. Hindi naman naging big deal kay Alona ang pag invite ni Lucas kay Allan.