Pagkatapos ng malaman ni Lucas na may anak si Alona ay hindi na natahimik ang kalooban niya lalo na ng malaman pa niya na nasa ospital ito.
"Bro punta ka sandali dito sa office ko." mayamaya lang ay dumating na si John. "Yes bro anything?." bago magsalita si Lucas ay pina lock muna niya ang pinto ng office niya. "May balita na ba sa anak ni Alona? tumawag na ba si Alona kay Ela?." sunod sunod ang tanong niya sa kaibigan. "As of now stable na ang anak ni Alona. kaya medyo okay na din si Ela nabawasan na ang pag aalala niya.". Alam lahat ni John ang tungkol sa lihim ni Lucas at tiwala naman siya na hindi magsasalita ito kay Ela.
"So what's your plan? para hindi ka na mag alala gumawa tayo ng plano para malaman mo kung may nabuo nga nung gabing may mangyari sa inyo." hindi makapag isip ng maayos si Lucas gusto niya agad na malaman ang tungkol sa mag ina. "May alam ka bang ibang private investigator bro ayoko na nung dati nating nakuha." natawa si John sa sinabi ni Lucas. "You don't need to hire a private investigator bro. pwede naman natin malaman kay Ela or pag pasok ni Alona just relax bro." tinapik ni John ang kaibigan.
Ilang araw lang pagka discharge ng anak ni Alona ay pumasok na ito. "Okay ka na ba best?." pag aalalang tanong ni Ela kay Alona. "Of course and I need to be okay. always best."
Sabay na sabay ang pag dating nila Ela at John. nilapitan ni John ang magkaibigan.
"Hi girls. musta ka na Alona. si baby mo okay na ba siya?." ngumiti si Alona at sumagot ito. "Yes okay na siya buti na lang naagapan agad namin siya and hindi na siya sinalinan ng dugo ang hirap naman ng blood type ni Miguel." sabi ni Alona kay John. "Bakit anong blood type ba si Miguel?." tanong ni John sa kanya. "Type AB hindi kami magka type ng dugo ng anak ko kahit sila mommy at daddy hindi din baka sa tatay pa niya nakuha yung blood type niya." biglang napa isip si John sa sinabi ni Alona. "Dapat pala makipag reconcile ka muna sa ex mo para kay Miguel." agad na tinapik ni Ela si John at pinandilatan ng mata. "As if naman makita ko siya." nagmadali ng naglakad si Alona pa elevator. "Sir John pwede paki bawasan ang mga suggestions and ideas ha." at kinurot ni Ela si John. "Ouch! sorry na sorry Alona ha concern lang din naman ako sa bata. kase kung ako ang nasa katayuan mo hahanapin ko talaga yung tatay para sa anak ko." Nainis na si Ela kay John at iniwan na niya ito. "Hey wait Ela." inirapan lang ni Ela si John.
Imbes na dumiretso si John sa office niya ay pumunta muna siya kay Lucas. singurado ni John na naka lock ang pinto. "hey bro it's like someone is chasing you. bakit ganyan ang itsura mo." natatawang sabi ni Lucas. "Mamili ka makikinig ka sa balita ko o iinisin mo na lang ako badtrip na ko eh at nagalit si Ela sakin eh baka mamaya bastidin ako non." naiinis na sabi ni John sa kanya. "Ano ba yun? natawa lang kase ako sa itsura mo." natatawa pa ding sabi ni Lucas.
"Blood type mo bro?" nagulat si Lucas sa tanong ni John. "What the. yun lang itatanong mo sakin blood type ko? kung makapag react ka kanina. dugong bughaw ako bro." parang naiinis na nagkamot ng ulo si John. "Pumasok na si Alona nakasabay ko sila kanina." napatayo si Lucas. "Bakit pumasok na agad kumusta na yung bata iniwan lang niya sa parents niya?." pag aalalang tanong ni Lucas kay John. "Okay na yung bata bro. at hindi lang yun bro. buti naagapan nila kung hindi masasalinan ng dugo yung bata ang problema nila mahirap ihanap ng blood type na donor ang bata. AB bro. ang blood type ng bata." biglang nanlambot ang tuhod ni Lucas at napaupo ito sa sofa. "F**k! that is my blood type too John." napayuko si Lucas. "Bago ka gumawa ng ibang hakbang mas need pa natin ng maraming proof Lucas kaya be patient." at lumabas na si John sa office ni Lucas.
Dahan dahan bumukas ang pinto ng office ni Alona at si Ela ang bumungad kay John. "Ano ginagawa mo dahan dahan mo pang binubuksan yung pinto. spy ka ba ha? ano talaga gusto mo siguro nag i spy ka samin." magsasalita pa sana si Ela ng ilabas ni John ang isang bungkos na white roses. "Flowers for you. alam ko kase nagalit ka kanina sakin eh." para namang kinilig si Ela sa ginawa ni John. "Sira hindi ako galit. inaawat lang kita kanina eh ayaw mong tumigil." nilapag ni Ela ang mga flowers sa table niya at inaya ni Ela si John sa cafe area ng office ni Alona. "Nasaan nga pala si Alona?." habang nililibot ni John ang mga mata sa loob ng office. "May meeting si Alona mamaya pa makakabalik yun. ako nga dapat ang a attend eh nagpumilit na pumasok at siya na daw ang a attend ng meeting."
"Siguro ang cute ng anak ni Alona. may picture ka ng inaanak mo?." mabilis na nilabas ni Ela ang phone niya at pinakita niya ang picture ng bata. "Eto siya oh diba ang guwapo ng inaanak ko kanina lang kuha yan bago kami pumasok pumayat nga eh." biglang nasamid si John ng makita niya ang picture ng bata nagmamadaling tumayo si Ela para ikuha ng tubig si John. Sinamantala naman ni John na picturan ang phone ni Ela para maipakita niya kay Lucas ang itsura ng bata. "Dahan dahan naman kasi ang higop ng kape mainit pa kase eh." natatawang sabi ni Ela. "Napaso nga ako eh nabigla ako ng higop. sarap mo talaga mag timpla ng kape." Mayamaya alng ay nagpaalam na si John kay Ela at sinabi nito na babalik siya bago sila umuwi.
Bumalik muna si John sa office niya at ng nakaupo na siya sa pwesto niya ay pinasa niya agad ang picture kay Lucas.
"No need DNA bro confirmed." at sinend na ni John ang picture.
Biglang pinag pawisan ng malamig si Lucas ng ma received niya ang pinasa ni John. Bigla niya naalala na may picture siya noong bata siya kaya nilabas niya at kinumpara ang picture nila. Nanginginig ang mga kamay niya habang nakatitig siya sa picture niya at ng anak ni Alona.
"May anak kami ni Alona. paano ko masasabi sa kanya na ako ang ama ng anak niya."
Napahawak siya sa ulo niya hindi niya alam ang gagawin niya parang sasabog ang utak niya sa nalaman niya.
"Sir. okay lang po ba kayo?." biglang huminto ang mundo niya ng makita niya sa harapan niya si Alona. Matagal bago siya nakapag salita.
"A Alona ikaw pala may kailangan ka ba?." pilit niyang inaayos ang boses niya para hindi ito makahalata.
"Gusto ko lang po mag thank you sir for understading po about what happened and also sir sorry po kung hindi ko po nasabi sa inyo na may anak po ako, pero doesn't mean na itatago ko na lang po ang anak ko alam ko naman po na sooner or later ay malalaman din po ninyo. I'm so sorry sir." hindi na napansin ni Lucas na matagal na siyang nakatitig kay Alona. "sir are you sure okay lang po kayo?" pag aalalang tanong ni Alona kay Lucas. "ye yes yes I'm okay masakit lang talaga ulo ko." pagdadahilan ni Lucas kay Alona. "By the way Alona about sa anak mo walang problema sakin yon. ang importante okay na ang bata."
Nawala sa focus si Lucas ng buong araw na yon. naubos ang oras niya sa pag iisip niya kung paano siya makakatulong sa mag ina ng hindi nila malalaman. at kailangan na din niyang maging handa kung dumating man ang araw na malaman na ni Alona na siya ang lalaking naka siping niya ng gabing nalasing siya at siya din ang ama ng anak niya.
"Lucas hijo nagaalala na kami sayo ng papa mo bakit hindi ka man lang nagpaparamdam samin even chat or text wala." pagaalalang tanong ng ina ni Lucas. inisip ni Lucas na i open niya sa ina niya na may anak na siya pero baka gumulo pa pag nalaman ng kanyang ina. "Sorry ma may mga nira rush lang kami dito sa company natin gusto ko malagpasan pa natin ang sales natin last year." hanggang sa natapos na ang pag uusap nila ng mama niya.
Tumayo si Lucas at lumapit sa bintana niya tumanaw sa malayo. madaming tumatakbo sa isip niya gulong gulo siya. gustong gusto niya makita ang bata at mayakap. Bigla niyang naisip ang batang sinagip niya sa elevator. "Miguel. I remember that kid. wait." kinuha niya ang phone niya at tinitigan niya ulit ang bata. "What the...yung batang yun siya si Miguel na anak ni Alona. kailangan kong malaman kung si Miguel na anak ni Alona at Miguel na batang nasa Elevator ay iisa."
Sinadya niyang kumain sa cafeteria nagbakasakali na makita niya si Alona o kahit si Ela. hindi nga siya nagkamali nakita niya sa dulong table ang magkaibigan na kumakain kaya lumapit siya dito kahit madami ang nag aalok sa kanya ng pwesto ay kina Alona siya naupo.
"Hi boss kain po tayo." nakangiting bati ni Ela. "Nakakatuwa kayong dalawa. yung ibang tao na nagpapakasosyal masabi lang na rich girl kahit hindi pero eto kayo na totoong mga rich girl na sobrang simple saan pa sila makakakita na mas mayaman pa ang mga empleyado ko sakin." natatawang sabi ni Lucas. "Sobra ka naman sir hindi naman po, siguro hindi kami minulat ng parents namin na dapat mas mataas kami sa ibang bata dati. naglalaro kami sa ulanan sa putikan nakikipaglaro kami sa mga bata kawawa lang talaga mga yaya namin ni Ela." pagku kwento ni Alona sa kaniya. "Wow talaga. ako kasi tatakas pa ko para lang makalaro sa labas or sa school nakakahiya sa part ko na mas marami kayong experience ni Ela nung mga bata pa kayo." nakangiting sabi ni Lucas. "May kapatid ka po ba boss?" tanong ni Ela. "Yes 3 kami and I'm the youngest. may ate ako and may kuya ako pero wala na ang kuya ko nam." biglang nahinto sa pagsasalita si Lucas muntik na siyang madulas sa sasabihin niya na namatay na ang kuya niya. buti na lang at dumating si John kaya hindi na natuloy ang pinag uusapan nila.
"It's a miracle bro! ano ang nakain mo at dito ka kumakain." tumingin ng masama si Lucas kay John sign na tumahimik siya. "Kalma para kang bubuga ng apoy hehe." at ngumiti lang si Lucas. "Musta na ang baby boy mo Alona?". sabay subo sa pagkain niya. "Fully recovered na siya John. makulit na ulit hyper pa bibo na naman siya." excited na kwento ni Alona. "Ay sir pwede po ba dalin si Miguel minsan dito kasi naiinggit minsan tong si Alona pagnakikita yung ibang kasama namin may mga anak na binibida gusto din niyang ibida si Miguel." tuloy tuloy ang pagsasalita ni Ela. hindi din naman agad sumagot si Lucas dahil nabigla siya sa sinabi ni Ela na dadalin ang bata. kaya si John ang sumagot. "Yeah sure pwedeng pwede kahit araw araw pa diba Lucas." Tumango lang si Lucas dahil umiinum ito ng tubig.
Sabay sabay silang sumakay ng elevator nung una ay apat lang sila hanggang sa naging anim na sila kaya na likod si Alona at si Lucas hanggang sa nagkakadikit na ang kanilang mga braso. "Sorry sir. masikip po ba?." tanong ni Alona sa kanya. "Eto mana kasing si Ela alam naman na kasabay natin si sir Lucas nagpasakay ka pa ng nagpasakay," pabulong na paninita ni Alona sa kaibigan. "Sorry na po, tsaka nakapagitna naman kami ni John sa inyo eh kaya okay lang yun diba po boss?." Pasimpleng kinurot ni Alona ang kaibigan sa tagiliran. "Okay lang Alona and sila din naman ang unang bababa dahil sa 5th floor ako and 4th naman kayo."
Bumaba na ang dalawang magkaibigan sa 4th floor kaya si Lucas at John na lang naiwan, sumama si John sa office ni Lucas.
"Can't you see bro parang umaayon ang panahon sayo." sabi ni John kay Lucas. "Kelan kaya bro gusto ko ma sure na iisang bata yung nakita ko sa mall at anak ni Alona."
Kinabukasan habang nag a almusal si Lucas at John sa office nito ay may kumatok. "Come in." sabi ni John sa kumakatok. Parang mabibilaukan si Lucas habang si John naman ay naubo ng makita nila ang batang anak ni Alona.
"Baby Migs bless to mama ninang and mommy's boss. and to tito John also." lumapit naman ang bata pero hindi kay Lucas kundi kay John at tsaka lumapit kay Lucas.
"Mama I know him." sabi ni Miguel kay Ela. gulat na tinanong ni Ela si Miguel. "You knew him? my boss?." tumango ang bata at lumapit kay Lucas. "I saw him in mall with grandma and grandpa. he save me mama." nagulat silang tatlo sa sinabi ni Miguel.
"Kaya nagulat ako kanina ng makita ko siya. ang liit ng mundo talaga." patay malisyang sinabi ni Lucas kay Ela. "So ikaw boss ang nag save kay Miguel ikaw ang humabol sa kanya sa escalator wow what a co incident." hindi makapaniwala si Ela sa nalaman. "Wait where is Alona bakit ikaw ang may dala sa inaanak natin babe?." muling nabilaukan na naman si Lucas at si Ela ay parang kinilig sa sinabi ni John. "yung inaanak okay lang eh pero yung tawagin mo akong babe ang lande mo John haha!." sabay hampas ni Ela kay John sa braso. "Teka mamaya na ko kakain baka sa susunod na subo ko matuluyan na ko. yung mga banat mo bro walang kupas." at nag apir ang dalawang magkaibigan. "Seryoso asan nga pala si Alona." tanong ni Lucas. "Sabi po kase niya ako na lang po ang magdla dito kay Miguel humawak po kasi agad ng trabaho."
"Mama I want to stay here you can go back to mommy this is for boys only." habang tinuro ni Miguel ang office ni Lucas. "No baby. magwo work na sila boss Lucas balik na lang tayo later promise." biglang nag tantrums ang bata. "No I want to stay here. I want to stay with my daddy his my hero." natahimik silang tatlo sa narinig kay Miguel. Si Lucas naman ay pinagpapawisan kahit malakas na ang aircon niya sa office niya.
Nag ring ang phone ni Ela. "Look Migs your mommy is calling already lets go baby." pinigilan naman ni Lucas si Ela. "It's okay Ela kami na maghahatid ni John sa office niyo para hindi na umiyak si Miguel." tuwang tuwa ang bata at biglang yumakap kay Lucas. "Yehey! thank you daddy you're the best daddy and my hero..." Sumenyas na lang si Lucas kay John na ihatid na si Ela sa office nito.
"Grabe sorry nakakahiya si Miguel." sabi ni Ela kay John. "Nasaan ba kasi yung ama nung bata, sabik na sabik yung bata sa ama eh." nag buntong hininga lang si Ela sabay kibit balikat lang tanging sinagot niya. "Sige na bumalik ka na kay boss baka mamaya magkulit si Miguel eh." Ngumiti si John ng may pagka pilyo. "Sagutin mo na ko Ela para magpakasal na tayo tapos gawa na tayo ng baby." isang malakas na hampas sa braso ang ginawa ni Ela kay John. "Grabe ka sagot agad hindi ka naman nangliligaw hmmmp."
"Come here little man." tinawag ni Lucas si Miguel. at lumapit naman ito. "Where's your daddy?." tumingin sa kanya ang bata at ngumiti. "Daddy." sabay yakap sa kanya ng bata. ang gaan ng pakiramdam ni Lucas ang sarap sa pakiramdam niya ng yakapin siya ni Miguel. "What do you want?." tila nag isip ang bata at sinabi nito na gusto niyang kumain.
"Mommy! me and daddy going out" parang nahiya si Alona ng marinig niya si Miguel na tawaging daddy. "Naku sorry po sir. stop calling daddy he is my boss okay." nakita ni Lucas na naiba ang mood ng bata at naupo ito sa sofa. "He's just a kid Alona okay lang sakin kahit papa tatay o lolo pa ang itawag niya sakin." biglang tumakbo papalapit kay Lucas si Miguel at yumakap ito sa hita. Napatingin na lang si Alona sa bata dahil wala na siyang magawa.
"Pwede ko bang isama si Miguel sa cafeteria tinanong ko kasi siya kung anp gusto niya sabi niya gusto niyang kumain." hindi alam ang isasagot ni Alona kay Lucas. "Sa baba lang naman then ihahatid ko na siya dito sa office mo." tuwang tuwa ang bata at nagtatalon pa ito. "Okay po sir sorry po talaga promise hindi ko na po siya dadalin dito sa office nakakahiya po talaga sir." biglang sumagot si Lucas. "No it's okay Alona kahit araw araw mo pang dalin si Miguel okay lang." pakiramdam ni Alona na para siyang lulubog sa kahihiyan dahil kay Miguel. masaya siya na malungkot dahil nakikita niya na masaya si Miguel kasama ang boss niya pero nalungkot siya dahil naalala niya na kahit siya ay hindi alam kung sino ang ama ng bata.
"I want that daddy! my favorite!." nagulat ang babae sa cafeteria. "Anak ni Alona to. lahat ng makita niya daddy niya," napangiti lang ang matanda sa boss niya. "Pero sir para talaga kayong mag ama small version mo po sir totoo po."
Nagulat si Lucas ng makita niyang nilagyan ni Miguel ng ketchup ang kanin nito at hinalo halo. pati itlog ay nilagyan din ng ketchup at dinurog durog nito pagkatapos lagyan. Hindi napansin ni Lucas na papalapit si John at Ela sa kanila kaya pati si John ay nagulat din. "What the. pati taste sa pagkain bro iisa kayo." at naupo ito sa tabi ni Lucas. napansin din ni Ela na pareho ng itsura ang pagkain ng boss niya at ni Miguel. "Oh my. boss sorry pati pagkain niyo nilagyan ng ketchup ni Migs." panay ang sorry ni Ela kay Lucas at natatawang pina upo ni John si Ela. "Maupo ka nga muna napaka over reacting mo." Habang pinanonood ni Ela at John si Lucas at Miguel ay napanganga na lang si Ela dahil kitang kita niya na gustong gusto din ng boss niya yung pagkain kahit puro ketchup ito.
Habang papunta na sila ng elevator ay nagpapabuhat si Miguel kay Lucas kaya ang ginawa ni Ela ay siya ang bumuhat sa bata. "Miguel it's not funny." nagpupumiglas ang bata at paulit ulit na sinasabi ang daddy kaya kinuha ni Lucas ang bata. "Nakuuuu Miguel ka mauubos ang pasensiya ko sayo. sir ngayon lang po siya nagkaganyan super kulit po ni Miguel pero super bait niya din po hindi ko po alam bakit ganyan siya or baka dahil sa yaya niya kaya sir." sunod sunod ang paliwanag ni Ela kay Lucas. Nang makarating na sila sa office ni Alona ay dahan dahan hiniga ni Lucas si Miguel dahil habang nasa loob sila ng elevator ay nakatulog na ito. "I'm very sorry sir hinding hindi na po mauulit." nakayukong sabi ni Alona kay Lucas. naiiling lang na tinapik ni Lucas si Alona sa balikat ganon din kay Ela.