Chereads / The secret behind of my Boss / Chapter 8 - Pagpapatawad

Chapter 8 - Pagpapatawad

Maagang sinundo ni John si Ela at binalita niya na hindi pupunta ng office si Lucas dahil masama ang pakiramdam nito buhat ng mag donor siya sa anak niya. 

"Babe today is the busiest day for us. I need to focus muna sa mga papers na need ng mapirmahan ni Lucas. maybe we can't talk the whole day even calling you pero kung ma miss mo ko punta ka lang sa office ko hehe." sabay kindat ni John kay Ela. "Wow! ako pa talaga. bahala ka hindi ako papanik sayo hmmmp." pairap na sabi ni Ela. "Babe dapat siguro magpatingin na si Lucas hindi biro yung almost a month ng masama pakiramdam niya." pag aalalang sabi ni Ela kay John. "Matigas ang ulo babe kahit ang mama niya ayaw sundin ni Lucas baka si Alona lang ang gustong magsabi sa kanya." pabirong sabi ni John.

Halos isang buwan na ang lumipas ng masalinan ng dugo si Miguel pero hindi pa din nag uusap si Alona at Ela. kahit gustong kausapin ni Ela si Alona ay tinitiis niya ito. nakikibalita na lang si Ela sa mommy ni Alona.

"Hi mommy how's our little fighter po?" madalas kumustahin ni Ela si Miguel, "Eto sobrang kulit pero mas gusto ko naman na makulit ang apo ko Ela anak hindi mo ba kakamustahin ang best friend mo anak?" malungkot na tanong ng mommy ni Alona. "Okay na po muna si Miguel mommy hayaan ko muna siya tutal naman sabi niya wala akong pakielam at wag daw po akong makielam sa kanila ni Miguel." garalgal na ang boses ni Ela na parang maiiyak na kaya agad siyang nagpaalam sa mommy ni Alona.

Hindi alam ng mommy ni Alona ay nasa likod lang siya nito. "Sino po kausap niyo mommy" pagtatanong ni Alona. "Si Ela. wala ka bang balak makipag ayos sa kaibigan mo hindi lang kayo magkaibigan. napakalalim na ng pinagsamahan niyong dalawa isipin mo mga ginawa niya sayo since day 1 and you know what I mean is." at tumayo na ang mommy niya para pumunta na sa garden. 

Naiwang nakaupo si Alona sa sofa umiiyak. nagsisisi sa mga sinabi niya sa kanyang kaibigan at lalo na sa kanyang mga magulang. Tumayo siya at pinuntahan ang mommy niya. 

"Mommyyyy I'm so sorry po. napaka selfish ko mom. hindi ko naisip lahat ng mga nagmamahal sa anak ko. kayo po ni daddy si Ela." halos maluhod na sa sobrang awa niya sa sarili niya si Alona. Itinayo siya ng mommy niya na umiiyak na din. "Tumayo ka na anak ayusin mo ang sarili mo." habang inaayos siya ng mommy niya ay dumating ang daddy niya. mabilis na sinalubong ni Alona ang ama at niyakap ito ng mahigpit na halos hindi na bumitaw si Alona sa ama. iyak ng iyak si Alona. 

"Daddy I'm sorry po please forgive me for what I've done." tumingin ang ama niya sa kanya. "Alona anak tama na. makita lang namin na okay ka na at magaling na si Miguel wala ng mas sasaya pa sa amin ng mommy mo. matuto ka lang magpatawad anak para matulungan mo din ang sarili mo parana din sa anak mo." niyakap ulit ni Alona ang ama at nangako itong aayusin niya lahat para sa anak niya. 

Ilang beses nag attempt i dial ni Alona ang number ni Ela pero hindi niya maituloy. kahit sa chat hindi niya maisend ang mga chat niya sa kaibigan niya. Naisip ni Alona na magpalipas pa siya ng ilang araw bago makipag usap sa kaibigan.

Nakuha na ni Lucas ang lahat ng result ng test niya. mas minabuti niyang ilihim na lang ito pati ang sakit niya. bumagsak ang immune system niya ng sunod sunod na puyat at stress at sinundan pa ng magdonate siya ng dugo sa anak niya kaya tuluyan ng bumigay ang katawan niya. alam niyang risky ang gagawin niya pero mas inisip niya ang kapakanan at buhay ng anak niya. 

Aksidenteng naiwan ni Lucas ang test result sa may ibabaw ng study table niya sa library nila. nakita ito ng kanyang ina at hindi makapaniwala sa nabasa sa resulta ng test kay Lucas nagmamadali itong pumunta sa silid ni Lucas.

"Lucas anak ano ito?." pag aalalang tanong ng kanyang ina. "There's nothing ma. it's just a paper." pagbabalewala niya sa sinabi ng kanyang ina. "No! it's not just a paper this is the result of your test! this is the test of your blood hijo. at hindi maganda ang resulta Lucas. just like your father tagal tinago ang sakit nalaman na lang natin nasa stage 4 na siya and I don't want it to happen again. hindi ko kaya na mawala ka din sakin anak. alam mong napakahirap sakin ng mawala ang kuya Leo mo lalo ka na paano na ko Lucas." umiiyak na ang ina ni Lucas. tumayo si Lucas at hinawakan ang kamay ng ina. "Ma hindi ako mawawala. hindi kita iiwan." niyakap ni Lucas ang ina. "Prove it na hindi mo ako iiwan. pupunta tayo ng America doon kita ipapagamot. or else magsasaksak ako sa sarili ko mamili ka Lucas." pagbabanta ng ina niya. 

Mabilis na naayos ang mga kailangang dokumento ni Lucas para sa pagpapagamot niya sa America kaya mabilis din naasikaso lahat ng kailangan nila para mabilis silang makaalis na mag ina.

Maagang nagpahatid si Lucas at ang mama niya sa driver nila papuntang airport para lumipad pa US at doon siya magpapagamot. Tama din ang mama niya kailangan niya mabuhay pa para sa mama niya at parasa anak niya. Sikreto ang pagalis nila ng mama niya ipapaalam na lang ni Lucas pag nasa America na sila. 

Nagtataka si John bakit hindi sumasagot si Lucas sa mga calls at chat niya. Nag aalala na din si John dahil ilang araw ng hindi ito makontak ang kaibigan pati ang mama nito. Maya maya ay pumunta ang secretary ni Lucas kay John. "Hi sir nag iwan po ng message si sir Lucas 2 days ago na po ngayon ko lang po na check sa email ko sir sorry po. message lang po ni sir Lucas i check niyo daw po ang email niyo sir. alis na po ako. excuse me po." umalis na si Hanna pagkatapos sabihin ang mensahe kay John. 

"What the. hay naku Lucas ilalagay mo ko sa alanganin bro." kinuha ni John ang phone at tinawagan si Lucas pero ang mama nito ang sumagot. "Hi John. hijo I know nag aalala ka or naiinis sa kaibigan mo." hinulaan na ng mama ni Lucas ang sasabihin ni John. "Yeah right tita maiinis na ko pero kasama po pala kayo ni Lucas hindi na ko maiinis konti na lang hehe." dinaan na lang sa biro ni John ang pagka inis sa kaibigan. "But John I need to tell you something. I need someone or everybody join me na mag pray para kay Lucas." Biglang kinabahan si John sa sinabi ng mama ni Lucas. "Tita ha pinapakaba mo naman ako. pina prank niyo ko ni Lucas." pilit na inaalis ni John ang pagkabahala para sa kaibigan pero ng malaman niyang hindi nagbibiro ang mama ni Lucas ay bigla siyang natigilan.

"Oh my. how's Lucas babe? is he alright?." nag aalalang tanong ni Ela kay John. "Wala pang update si tita babe eh. and sinabi ko na din kay tita na everything are fine here kaya huwag mag alala si Lucas. babalik siya dito ng walang pendings." kitang kita ni Ela ang lungkot sa nobyo. naalala ni Ela si Alona para silang si John at Lucas.

Habang nagdi dinner si Ela at John ay naisip ni Ela si Miguel. "Babe makikipag reconcile na ko kay Alona." natuwa si John sa sinabi ni Ela. "At last. that's good babe." ngumiti lang si Ela kay John. "May naisip ako babe. baka makatulong kay Lucas kung makikita niya si Miguel kahit sa video call or kahit video lang ba." natuwa si John kay Ela at niyakap ito. "Ang swerte ko sayo babe. napaka soft hearted mo. selfless." sabay halik sa labi ni Ela. "Para din sayo yung gagawin ko babe. kahit hindi ka magsalita kahit gawin mo lahat ng trabaho ni Lucas hindi mo maitatago yung lungkot at pag aalala mo sa kaibiganmo. alam kong makikita ko ulit yung totoong saya mo pag nakausap mo na si Lucas at alam mong okay na siya."

"Mommy ninang!." tuwang tuwa si Miguel ng makita sI Ela. binuhat naman ni Ela ang bata. "I miss you baby. so much. do you miss me?" nagtatalon si Miguel sa tuwa. "Yes mommy ninang I miss you so so so much. wait mommy ninang." tumakbo papasok ng bahay si Miguel at narinig ni Ela si Miguel na tinatawag ang ina nito. 

"Mommm mommyyyy!!! mommy ninang is here mommyyyy!!!" tumakbo pabalik kay Ela si Miguel kitang kita sa bata kung gaano na miss ang ninang niya. ang unang lumabas ay ang ina ni Alona. "Ela anak! oh I miss you hija." niyakap siya nito ng mahigpit at hinawakan sa kamay papasok sa loob ng bahay. "Ninang where's daddy Lucas? I miss him." pabulong na sinabi ni Miguel kay Ela at sumenyas ito ng huwag maingay marahil ay nararamdaman ni Miguel na galit ang mommy niya kay Lucas. "Hija sakin lang nagtatanong yang si Miguel tungkol kay Lucas. alam niya siguro na ayaw ng mommy niya kay Lucas pero walang alam ang bata." pagkukwento ng ina ni Alona. maya maya ay lumabas na si Alona. Iniwan sila ng ina ni Alona para makapag usap silang dalawa.

"Kumusta ka na?" pormal na tanong ni Ela kay Alona. "I'm fine. okay naman ako. ikaw ba kumusta ka na? kayo ni John?." napansin ni Ela na malaki ang binagsak ng katawan ni Alona. gusto niya itong yakapin pero pinigilan niya ang sarili at gusto niyang maging pormal sa harap ng kaibigan. " Okay naman kami be. Alona." biglang nalungkot ang mukha ng kaibigan niya dahil sa pagtawag niya sa pangalan nito. hindi sanay si Alona na tawagin siya ni Ela sa pangalan niya. "Best. miss na miss na kita. miss ko na yung best friend kong maingay yung makulit." hindi na napigilan ni Alona ang pagtulo ng luha niya. hinawakan niya ang kamay ni Ela at humingi ito ng tawad. 

"Patawarin mo ko best. hindi ko na nakita lahat ng mga ginawa mo at pagmamahal mo sakin at kay Miguel naging selfish ako kinain na ko ng galit at poot." iyak ng iyak si Alona hindi na din napigilan ni Elaang pag tulo ng luha niya niyakap niya ang kaibigan niya. "Miss na din kita best. sobra. ang hirap mag pretend ng masaya kahit alam kong hindi tayo okay." sigurado na silang dalawa na okay na ulit silang magkaibigan ramdam nila ang gaan sa mga dibdib nila. 

"Asan si John? alam mo ilang beses ko ng nakita si John na sinusundo ka. nagtatago lang ako tuwing lalabas na kayo ayoko kasing makita niyo ko na naktingin sa inyo." pag amin ni Alona sa kaibigan. "Nasa office si John ngayon. mamaya pupunta ako sa kanya para magdala ng food kase almost 2 months na siyang straight sa company nila." unti unting sinisimulan ni Ela ang topic para mapunta sila kay Lucas. "3 months na ata going to 4 months ng walang pahinga si John kahit ako ganon din nagtutulong kasi kami ni John eh." nakita na ni Ela ang pagtataka sa mukh ni Alona. "Sana lang makaraos na si Lucas para makabalik na siya dito sa pinas." hindi na napigilan ni Alona ang sarili na magtanong kay Ela. 

"Bakit nasaan ba yung kaibigan ni John na yun. at inasa na lahat kay John patina din sayo. tsk. tsk. tsk." parang naiinis na tanong ni Alona kay Ela. "Nasa America si Lucas. after ng transfusion nila ni Miguel hindi na naging okay si Lucas. hanggang sa umabot na ng mahigit 2 months then nagpa test si Lucas and his getting worst." nakita ni Ela ang mukha ni Alona na parang natigilan. "but he make sure na healthy ang dugo niya bago niya i donate ang dugo niya ang problem lang talaga hindi siya pwedeng mag donate dahil hihina ang katawan niya. pero tinuloy pa din ni Lucas ang pag donate sa anak mo kahit noong una palang or dati palang hindi na siya pwede mag donate ng dugo dahil siya naman ang magiging risky." tuloy tuloy na kwento ni Ela kay Alona. 

Hating gabi na hindi pa din dapuan ng anak si Alona. nagi guilty siya ngayon dahil sa nangyayari kay Lucas. hindi niya maisip na kayang ibuwis ni Lucas ang buhay niya para sa anak niya na hindi niya kagaya na hindi na inisip kung ano pwedeng mangyari sa anak niya ng mga oras na yun ang umibabaw sa kanya ang pagiging makasarili niya. habang nasa kalagitnaan siya ng pag iisip ay biglang umiyak si Miguel at tinatawag ang pangalan ni Lucas. 

"Daddy don't leave me. daddy wait for me daddy Lucas..." natakot si Alona kaya binuhat niya si Miguel at tinapik ito. tiningnan niya ang orasan at nakita niya na mag a alas dos na ng madaling araw. 

Kahit puyat si Alona ay maagang bumangon ito para abangan si Ela sa pagpasok unang araw niya na makikita ang kaibigan na papasok sa office na maayos na sila. Mayamaya ay nakita niya ang kotse ni John na pumarada sa tapat ng gate nila Ela at ng bumaba itoay nakita siya nito. 

"Hi Alona how are you? I'm so happy na okay na kayo ulit ng best friend mo." nakangiting sabi ni John. "I'm good. oo nga sobrang saya ko din and ang laki ng ginaan ng dibdib ko ng makausap ko na ulit si Ela." mayamaya ay lumabas na si Ela. "Hi babe. hi best!" lumapit ito kay Alona at niyakap siya nito at inabot ang isang sandwich. "alam ko miss mo na yan. hmmp" nakangiting sabi ni Ela kay Alona. "Oo naman miss ko na to sobra pero mas miss na kita." at nagyakap ulit ang magkaibigan. "Magkakalaman ka na ulit dahil lagi ka ng may food ulit," nakangiting sabi niEla sa kanya. "Friday babe wag ka ng pumasok mag bonding kayo ni Alona alam kong iba yung bonding niyo at sobrang na miss niyo pareho yon." sabi naman ni John sa kanila. Nagpaalam na din ang dalawa kay Alona na aalis na at papasok na sila sa office. 

Habang nagda drive si John ay hindi niya mapigilan na mag salita tungkol kay Alona. "Ang laki ng binagsak ng katawan ni Alona babe. sobra din pinagdaanan ng kaibigan mo." kahit si John ay hindi napigilan na maawa kay Alona. "Kahit nung nakita ko siya ulit babe naawa ako sa kanya hindi k siya nakitang nagkaganon babe eh."

"Final test na ng dugo mo anak. sana okay na." umiiyak na sabi ng mommy ni Lucas. "Ma don't cry. everything will be alright." kahit hirap na magsalita si Lucas ay kino comfort pa din niya ang kaniyang ina. "Ma gusto ko sana makita si Miguel kahit sa video lang." 

Pinakita ni John ang picture ni Lucas kay Ela. halos maiyak si Ela sa itsura ni Lucas. "Babe tiwala lang tayo magiging okay din si Lucas ha." alam ni Ela na sobrang affected si John sa nangyayari sa kaibigan. "Babe kakausapin ko si Alona makikiusap ako bahala na kung pagbigyan niya tayo. basta ako na gagawa paraan." pagbibigay ng assurance ni Ela sa nobyo. 

Hindi nga pumasok si Ela ng dumating ang araw ng Friday. pero hindi gaya ng napag usapan na magba bonding sila ni Alona. hindi na nagsayang ng oras si Ela at sinabi na niya agad kay Alona kung ano ang pakay niya. 

"Best may ipapakita ako sayo." nilabas ni Ela ang phone at pinakita kya Alona ang picture kay Alona. at isang video. 

"Alona I'm begging you hija. just one more chance. lumalapit ako sayo I'm begging you ginagawa ko ito bilang isang ina. hindi ko hinihingi sayo na ipakiusap ang bata kay Lucas just one video of Miguel kahit na naglalaro lang siya even without greetings just a video lang Alona gusto lang makita ni Lucas ang bata." hindi na nagawang tapusin ni Alona ang video dahil parang dinudurog ang puso niya sa mama ni Lucas. naalala niya ng mawala si Leo alam niya ang hirap ng pinagdaanan nito ng mawalan ng isang anak.

"Miguel come here baby. you want to see daddy Lucas?" nagulat si Ela sa narinig kay Alona. at natuwa naman ang bata ng sabihin iyon ng ina. "Yehey!!! yes mommyyyy!!!" nagtatalon ang bata sa tuwa kitang kita ni Alona ang saya ng anak niya. 

Ilang beses sinubukan ni Ela na tawagan ang nobyo para makontak nila sila Lucas sa America pero hindi ito sinasagot kaya si Ela na ang sumubok na kumontak. Nag chat si Ela sa ina ni Lucas inaasahan nila na sana makita agad ng mama ni Lucas ang message niya at nang makita nila na naseen ang chat niya ay agad na nag chat si Ela. 

"Hi maam can I call? I'm here with Alona and Miguel." mayamya ay ang mama ni Lucas ang tumawag. 

"Oh thank you so much Alona. maraming salamat. wait lang wait please hang up." nagmamadaling bumalik ang ina ni Lucas sa kanyang kwarto. "Hijo anak. Ela want to talk to you." tinapat kay Lucas ang phone para makita sa video. Awang awa si Ela kay Lucas ng makita niya sa ganong sitwasyon hindi mapigilan ni Ela ang maiyak. 

"Boss uwi ka na wala akong mainis eh puro lang si John tara na." dinaan na lang ni Ela sa biro ang pakikipag usap kay Lucas. "In God's will Ela malay mo maging ninong pa ko ng magiging anak niyo ni John." Napakalayo na ng itsura ni Lucas sa dating katawan na matipuno napaka bilis bumagsak ng katawan niya. 

"Boss may kakausap sayo. ready ka na ba?" ngumiti lang si Lucas at ang alam niya ay si John lang ang kakausap sa kanya. 

"Daddy Lucas!!! I miss you daddy... I want to see you we eat our favorite in cafeteria" wala ng nasambit na salita si Lucas dahil tuluyan na itong umiyak. "I miss you son i love you. Alona thank you pinakausap mo sakin si Miguel alam kong katabi ka lang ni Miguel at alam kong naririnig mo ako. I'm very sorry Alona. please alagaan mo ang anak natin." kinuha ni Alona ang phone at kinausap si Lucas. "Magpagaling ka Lucas promise mo babawe ka kay Miguel. magkikita pa kayo ni Miguel. pagnamatay ka hindi kita mapapatawad tandaan mo yan." napatawa ni Alona si Lucas dahil sa sinabi niya. magsasalita pa sana si Lucas ng biglang sumuka ito ng dugo. 

Kitang kita nila nanagkakagulo sa kuwarto ni Lucas at nadidinig nila ang boses ng ina ni Lucas na umiiyak bago mawala ang video call ay narinig nila ang sigaw ng mama ni Lucas. 

"Lucas anak ko!!!"

"Oh my. what happen to Lucas best. please try to contact him again." umiiyak na sabi ni Alona kay Ela. Hindi na din alam ni Ela ang gagawin ng hindi na nila makontak ang mama ni Lucas at pati si Miguel ay umiiyak na dahil hindi na nito nakausap ang ama kaya naisip niyang si John na lang ang tawagan nila.