Malalim na ang gabi hindi pa din makatulog si Lucas. naalala niya si Miguel parang hindi niya maantay na magkita sila ulit ng bata. Pero ng maisip niya si Alona biglang bumalik na naman ang nakaraan. Hindi niya alam kung ano ang pwedeng mangyari pag nalaman ni Alona na siya ang naka sama niya ng gabing iyon.
Halos magliliwanag na ng makaramdam siya ng antok pero pinilit niyang bumangon para pumasok at magbakasakali na dalhin ulit ni Alona si Miguel. Nag aayos palang siya ng gamit para pumasok ng tumawag si John.
"Bro. Miguel rushed at the hospital again. kausap ko si Ela nasa hospital sila ngayon waiting pa sa result." matagal pa bago ito nakapag salita. "Ano ang pwede kong gawin John gusto kong tulungan ang anak ko." pigil na pigil ni Lucas ang boses niya dahil nanginginig ito. "Just calm bro basta ia update kita agad much better to stay at home so once na mag update makapg isip ka ng maayos unlike pag nasa office ka."
Sinunod nga ni Lucas ang sinabi ni John naisip din niya na hindi siya makakapag focus sa trabaho niya habang wala pang balita sa anak niya.
"Not good. Miguel need a blood donor it's an urgent John napakahirap sobra saan kami agad makakakuha ng blood donor kahit ang daddy ni Alona nagpahanap na sa malalaking hospital meron man pero bukas pa. I feel so pity to Alona wala akong magawa sa kaibigan ko at sa inaanak ko." halos wala ng boses si Ela dahil sa kakaiyak nito. "anong hospital si Miguel?. may alam akong pwedeng mag donate pupunta na kami ngayon." hindi na nakuha pa ni John hingin ang desisyon ni Lucas dahil alam niyang iyon din naman ang gusto ni Lucas.
"Wala na kong pakielam kong ano man ang kahihinatnan once na malaman ni Alona ang mahalaga maka survive ang anak ko kahit man lang doon makabawe ako sa kanila." Desidido na si Lucas at handa na din siya sa kung ano ang pwedeng mangyari. "Don na tayo magkita bro. mauuna naman ako for sure mas malapit ako." saad ni John sa kaibigan.
"John!." kumaway si Ela banda sa may ICU department. "Wait lang Ela on the way na siya." sabi ni John kay Ela. "Boss? si boss Lucas nga." papalapit si Lucas sa kanila. "Si Lucas ang magdo donate ng dugo kay Miguel type AB din si Lucas kaya need na natin ipaalam kay Alona para ma test na si Lucas at masalinan na ng dugo ang bata." kaya nagmamadali silang pumunta kay Alona para ipaalam na dumating na ang magdo donate.
"Sir?. Ela bakit nandito si sir Lucas?" nagtatakang tanong ni Alona sa kaibigan. "Best willing mag donate si boss ng dugo para kay Miguel. and wag ka munang magtanong unahin muna natin yung need ng bata ipa test na natin yung dugo ni boss Lucas para malaman kung pwede."
Habang inaantay nila ang result ay nag sorry si Lucas kay John. "Sorry bro alam ko pati ikaw madadamay after nito. siguradong magagalit si Ela sakin at sayo na din." nagbuntong hininga muna si John bago ito magsalita. "I know bro. handa na din ako. inisip ko na lang din si Miguel pati na din ikaw. malay mo yung ginawa mo maging way para maging okay na kayo ni Alona para na lang sa bata."
Sobrang laki ng pasasalamat nila ng sabihin ng doktor na okay ang dugo ni Lucas. wala na silang sinayang na oras kaya pinaayos na agad ang mga kailangan para masalinan na ng dugo ang bata. Pagpasok ni Lucas hindi napigilan ni Lucas na maiyak ng makita niya ang kalagayan ng anak niya. Nilapitan muna niya ito at hinalikan niya sa noo. Nagulat si Alona ng nakita niya ang tagpong iyon.
"Ela. alam mo ba nakita ko si sir Lucas na hinalikan si Miguel sa noo. hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko eh. para bang mag ama sila tapos yung pag aalala ni sir kay Miguel."
Nagpaalam si Ela kay Alona na lalabas lang sandali para bumili ng makakain nila habang sila ay nag aantay sinamahan na ni John si Ela kaya naiwang mag isa si Alona sa waiting area.
Habang nag iintay ng order si Ela at John ay minabuti na ni John na sabihin na ang totoo kay Ela handa na din siyang tanggapin ang lahat ng salita kay Ela.
"You have something to know Ela. I know you will be angry when you find out. pero eto lang ang tatandaan mo gusto kita baka nga mahal na kita pero mas pipiliin kong malaman mo ang totoo." bakas sa mga mukha ni John ang lungkot at si Ela naman ay kinakabahan sa sasabihin ni John. "Please John not know this is not a right time for joke. huwag mo kong pakabahin dahil baka mag colapse ako please." nakikiusap na sabi ni Ela. hinawakan ni John si Ela sa kamay ng mahigpit. "Maybe this is the last time na kakausapin mo ko after mong malaman so let me hold your hand Ela." ramdam ni Ela ang panlalamig ng mga kamay ni John halatang kinakabahan si John at seryoso ito. "Ano ba yung sasabihin mo? may anak ka? asawa? or girl friend." mabilis na umiling si John kay Ela. "Ela si kuya ni Lucas si Leo." biglang natawa si Ela sa sinabi ni John. "John ha dami mong emote yun lang pala sasabihin mo." sabay bitaw ng kamay niya kay John. "Bakit Ela alam mo din na magkapatid sila?." nagtaka si Ela sa tanong ni John. "Hindi. diba nagjo joke ka? and kung totoo man yun hindi sila magka apelido ni Leo." habang nakatingin si Ela sa phone niya. "Actually magkapatid sila sa ina. when Leo's father uncle Fred died tita Del married again. at yun na yung papa ni Lucas si uncle Mat." lalong kinabahan si Ela dahil alam niyang hindi na nagbibiro si John. "So what's the point John? ano hindi totoong wala na si Leo? na si Leo ang tatay ni Miguel kaya magka dugo sila ni Lucas ganon ba?." pigil na pigil ang boses ni Ela para hindi ito tumaas. "Si Lucas ang ama ni Miguel. si Lucas ang kasama ni Alona nung gabing nalasing si Alona sa bar. after may mangyari sa kanila pinahanap ni Lucas si Alona pero nabigo si Lucas. natapat na nasa iisang bar sila ni Lucas siguro nga dahil iniisip ni Alona yung pagkawala ni Leo." umiiyak na si Ela kaya huminto na sa pagsasalita si John inabutan ng panyo ni John si Ela at hinawi ni Ela ang kamay ni John. "Leave." yun lang ang nasabi ni Ela kay John. pero hindi ito umalis at handa siyang mag expalin kay Ela kahit ramdam na ni John na iba na ang tono ng boses ni Ela alam niyang galit na ito. "Ela please. wag mong isali yung satin please." pilit na hinawakan ni John ang mga kamay ni Ela pero pumiglas ito. "Leave me alone John or else sisigaw ako dito I dont care kung makagawa ako ng eskandalo dito." pero nagmatigas si John handa si John i save ang meron sila ni Ela. "Ela mahal kita. tulungan na lang natin sila para sa bata. alam kong hindi ito ang tamang oras para sabihin ko sayo ang nalalaman ko pero hindi ko kayang iwasan mo ko hanggang sa hindi na tayo magkita."
Tuluyan ng bumigay ang mga luha ni Ela at niyakap naman ni John ito. "Ela please. sige kung hindi mo ako mapapatawad pwede bang tapusin muna natin itong sitwasyon ng mag ama at ni Alona then after this hindi na kita guguluhin alam kong may mali sa amin dahil nilihim namin pero hindi din namin ine expect na sa mismong company namin kayo mag a apply o baka talagang nakatadhana na magkita na silang tatlo para maging maayos na ang lahat at baka isa din itong way para makilala kita Ela." Biglang lumambot si Ela sa mga sinabi ni John. Hindi din niya kayang mawala si John dahil gusto na din niya ito pero hindi lang niya ito sinasabi pa. Naisip din ni Ela na may point si John.
"I will give you my trust John but there is no 2nd chance. ang hirap ng pinagdaanan ng best friend ko kaya kahit ako nag sacrifice ako na mag stop din para masamahan mo ko siya abroad. hindi biro ang pinag daanan niya. matapang na babae si Alona." tahimik lang na nakikinig si John kay Ela. hanggang sa nakuha na nila ang order nilang pagkain. pareho silang tahimik habang nasa kotse. si Ela ay nakatingin lang sa labas para makaiwas sa mga tingin ni John pero hinawakan ni John ang kamay niya. nang aalisin ni Ela ang kamay niya ay hinigpitan pa ni John ang pagkakahawak. "I love you Ela. sigurado ako na mahal kita." hindi pa din kumikibo si Ela hanggang sa makarating na sila sa ospital.
"Ela! successful thanks God. and thank you kay sir Lucas hindi ko alam kung paano ko siya mapasasalamatan." umiiyak na nakayakap kay Ela si Alona. "Thank God okay na ang inaanak ko. ano pa sabi ng doktor best." sinabi nga ni Alona ang mga pinag usapan nila ng doktor. "May isa pang blood transfusion pa para totally fully recovered na si Miguel. ayoko ng sabihin kay sir baka sabihin ni sir sinamantala ko na yung kabaitan niya." pilit ang mga ngiti ni Ela para hindi mag alala ang kaibigan niya. "Ano ka ba best okay lang kay boss yun and besides siya na ang donor ni Miguel much better siya na ulit sa pangalawa. eh kelan naman yun" nilabas ni Alona ang papel kung saan nakalagay ang next blood transfusion. "Next month pa best. pero sa ngayon need muna nilang mag rest in same room para pag gising ni Miguel makita niya agad si sir baka pagnakita niya si sir mas bumilis ang recovery niya."
"Alona hija kumusta ang apo ko?." tanong ng nag aalalang daddy ni Alona sa kanya. "Okay na po daddy. nasa recovery room na sila." nagtaka ang mga magulang niya kaya tinanong si Alona ng kanyang ina. "Sila? bakit sino ba ang kasama ni Miguel?."
"He look familiar hija.? napansin ng daddy ni Alona si Lucas. "Yes dad si sir Lucas ang boss ko remember his the one who saved Miguel." at naalala na nga ng daddy niya. at nagulat ito. "match sila ng apo ko ng dugo? God is so good napakahirap ng blood type ng apo ko pero boss mo pa ang natapat na ka match niya and salute to him napaka buti niya hija."
Inaya ni Ela na mag kape sila dahil gusto niyang ma relax ang isip niya at pag usapan na ang tungkol kay Alona at Miguel. Sa may malapit na cafe sila nag punta at sa roof top sila naka pwesto.
"After ma discharge ni Miguel at boss sasabihin ko na lahat kay Alona. maybe magpapalipas muna ako ng 2 or 3 days para nakapag pahinga na si Alona." saad ni Ela. "Ikaw ang bahala. much better to let her know baka kase magalit pa si Alona sayo baka isipin niya na matagal mo ng alam mapasama ka pa." humigop muna si Ela ng kape bago ito nagsalita. "John. kung sasagutin ba kita hindi ba ako iiyak or hindi mo ba ko lolokohin." at humigop siya ulit ng kape. "No! of course no Ela. gusto mo magpakasal na tayo agad eh. ikaw na gusto ko wala ng iba." inirapan ni Ela si John. "Ang oa mo. kasal agad eh nagtatanong pa lang naman ako." tumawag ng waiter si John at nag order pa ulit ito ng 2 cups fo coffee. "Bakit hindi ka pa nag bill out nag order ka na ng coffee baka lumamig pag magtagal pa tayo dito." habang hinhalo ni Ela ang kape niya. "Hinde okay lang yun. o order pa ulit tayo mamaya bago tayo bumalik sa ospital." at dumating na nga ang kape na order ni John. "Ano to kape ulit? baka naman mag palpitate na tayo niyan," pagbibiro ni Ela kay John. "Sayo pareho yan. maganda tama ng kape sayo eh. baka pag naubos mo na yan sagutin mo na ko bago tayo umalis hehe..." hinatak ni Ela ang patilya ni John. "Sira ka talaga." natatawang sabi ni Ela. "Aray. sige lang saktan mo lang ako basta bago tayo tumayo dito eh tayo na." at nagtawanan silang dalawa.
Pabalik na sila ng kotse ng biglang huminto sa paglalakd si Ela. "ah. ouch..." nag aalalang inalalayan ni John si Ela. "Bakit ano ang masakit sayo? tara na para makabalik na tayo ng hospital pumunta muna tayo sa emergency room para ma check up ka." biglang inangat ni Ela ang ulo niya at sumenyas ito kay John na yumuko at may sasabihin siya. "Tayo na." hindi naman agad na gets ni John ang ibig sabihin ni Ela kaya inalalayan pa niya ito at nagsabi pa ng bubuhatin na siya. "Wait I'll carry you." binuhat nga ni John si Ela pero panay pa din ang sabi ni Ela ng tayo na hanggang sa naintindihan na ni John ang ibig sabihin ni Ela kaya agad na huminto ito. "Tayo na what Ela? tayo na as in tayo na sa ospital or tayo na dahil sinasagot mo na ko?." at ngumiti si Ela kay John sabay hinalikan niya si John sa pisngi.
Muntik ng mahulog si Ela dahil sa pag talon ni John sa tuwa. "John ibaba mo na ko baka mahulog pa ko." hanggang sa naisakay na siya ni John sa kotse. "Wala ng bawian yun ha. I love you Ela." hinalikan ni John si Ela sa kamay. "Ang corney sa kamay lang mas gusto ko sa lips." at pinikit ni Ela ang mata at humarap kay John. Nang makita ni Ela na hahalikan nga siya ni John ay biglang umiwas ito. "Aha! gusto mo naman haha." pero biglang kinabig ni John si Ela at hinalikan niya si Ela sa labi. matagal ang halik na yun halos hingalin si Ela ng maghiwalay ang kanilang mga labi. "Ahhh! ang daya mo bakit mo ko agad nilaplap nakakainis ka hindi mo na ko ginalang." tuwang tuwa naman si John sa ginagawa ni Ela na parang batang nagmamaktol.
Pagkatapos iabot ni Ela ang kape kay Alona at sa parents ni Alona ay kinausap ni Ela si Alona na magpahinga muna siya at sila na ni John ang bahala muna kay Miguel dahil nailipat naman na ito sa private room at hindi naman tumanggi si Alona dahil tiwala naman siya na hindi pababayaan ni Ela si Miguel at para makakuha na din ng iba pang gamit at makapag dala ng pagkain kinabukasan pag balik niya. "Best thank you talaga hindi ko din talaga alam ang gagawin ko kung wala ka. and John salamat talaga wag mong pababayaan ang kaibigan ko."