Chereads / The secret behind of my Boss / Chapter 7 - Ang Sikreto ni Lucas

Chapter 7 - Ang Sikreto ni Lucas

"Hello best papasok na ko bukas dami kong pending para naman makapag pahinga ka na din ikaw na gumawa lahat ng trabaho ko." kausap ni Alona si Ela sa kabilng linya. "Hay naku best okay lang tinutulungan naman ako ni John. and ano pa silbi ko bilang assistant mo kaloka ko." pagbibiro ni Ela sa kanya. "A basta papasok na ako bukas kahit hindi mo ko isabay magda drive na lang ako papunta sa office." 

Habang papanik na ang dalawa sa office ni Lucas ay nakasalubong nila si Hanna ang secretary ni Lucas. "Hi maam. kay boss po ba?" pagtatanong ni Hanna sa kanila. "Yes. busy ba siya?" tanong ni Alona. "Hindi naman po pero nandyan po ang mama ni boss." at nagkatinginan ang magkaibigan. "Ay ganon ba sige salamat." babalik na sana si Alona papuntang elevator ng pigilan ito ni Ela. "Wait best what if mag antay na lang tayo dito baka kase patapos na din sila kahit mga 10 minutes lang so pag wala baba na tayo." 

Naisipan nilang maupo sa waiting area ng mapansin ni Alona na bukas nakaawang ng konti ang pinto ng office ni Lucas ay naisipan niyang isara ito habang papalapit siya sa pinto ay parang narinig niya ang pangalan ni Miguel kaya bigla siyang natigilan. "Do everything son for Miguel." narinig niyang sabi ng ina ni Lucas. idinikit pa niya ng konti ang tenga niya malapit sa pinto para marinig niya ang pinag uusapan ng mag ina at pati anak niya ay nasali sa usapan.

"I do ma, pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko maitatago kay Alona. natatakot din ako pag nalaman niya na ako ang ama ni Miguel baka hindi ko na makita ang bata."

Nanginginig ang mga tuhod ni Alona pabalik sa inuupan nila at napansin naman din ni Ela. "Best okay ka lang? namumutla ka." pag aalalang tanong ni Ela sa kanya. pero ng mahimasmasan na si Alona ay bigla itong tumayo at nagulat si Ela sa sumunod na ginawa ni Alona.

Tok. Tok.

"Please come in." si Lucas. 

"Good morning sir." pilit na salita ni Alona. at lumingon siya sa ina ni Lucas. "sorry po. good morning maam." sabay yuko niya dito.

"Is there anything you need Alona?." tanong ni Lucas sa kanya. "By the way ma this is Alona the mother of Miguel." nakangiti ang ina ni Lucas sa kanya. "Hi hija your so pretty by the way how's Miguel? is he okay?." pag aalalang tanong ng ina ni Lucas. "Yes maam. nagpunta po ako para po mag thank you po ulit kay sir Lucas for saving my son's life for the second time po and until now Miguel want to see sir Lucas but his not allowed to go outside he need more rest."

Nag hihintay si Lucas sa iba pang sasabihin ni Alona pero hindi alam ni Alona kung paano niya sasabihin ang mga narinig niya bago siya pumasok sa office ni Lucas.

"Sir. maam. if you don't mind asking. correct me if I'm wrong I heard my son's name before I knocked on the door. and I heard also na sinabi ni sir na anak niya si Miguel?." at nagkatinginan ang mag ina sa tanong ni Alona. 

"Hija Alona please take a sit. now Lucas aalis na ako para magkaroon kayo ng privacy ni Alona. son tell her everything now and admit what will next or what Alona's decision." lumabas na ang ina ni Lucas at ni lock ang pinto. 

"Maybe you're the best friend of Alona right?" tanong ng ina ni Lucas kay Ela. "Yes ma'am. I'm Ela po" at yumuko ito para mag bigay ng galang sa ina ni Lucas. "Hanna come here samahan mo ako sa mall may bibilhin lang ako. and Ela can you take a sit for a while there?." tinuro ang upuan sa tabi ng pinto ng office ni Lucas at sabay kindat kay Ela. Agad naman na gets ni Ela ang gustong sabihin ng ina ni Lucas.

Matagal na katahimikan sa dalawa hindi nila alam kung sino ang mauunang magsasalita sa kanila pero hindi na napigilan ni Alona ang tanungin si Lucas.

"Sir. hindi ko ma gets ang mama ninyo. meron po ba kayong pinalabas sa kanya na anak mo si Miguel? magagalit ba siya kasi nag donate ka ng dugo kay Miguel?." mabilis na sumagot si Lucas. "of course not hindi naman ako bata para ipaalam pa sa kanya na magdo donate ako." tumahimik sandali si Lucas para makakuha ng lakas ng loob.

"Leo Madrigal. remember the name?." tumingin lang si Lucas kay Alona pagkatapos niyang banggitin ang pangalan ng kuya niya. "Yes sir. what about him?" nagtatakang tanong ni Alona. "Leo is my brother. so iniisip mo na paano mangyayari dahil hindi kami magka apelido. iisa ang nanay namin pero magkaiba ang tatay namin. na byuda si mama sa father ni kuya Leo after non nagkakilala si mama at si papa so ako na yung naging bunga." hindi na nakakilos si Alona ng malaman niya ang tungkol kay Leo at Lucas.

"You mean sir una palang bago pa lang ako mag apply dito kilala niyo na ako?." nanginginig na ang boses ni Alona. "Bakit hindi niyo agad inamin sakin sir sana hindi na ako pumasok." tumayo si Lucas at humarap kay Alona. "Matagal na kitang hinahanap hindi ako tumigil ng kakahanap sayo Alona until one day dinala ka ng tadhana dito." Tumayo si Alona at lumapit kay Lucas. "Bakit mo ko hinahanap? isisisi mo ba sa akin pagkamatay ng kuya mo ha." umiiyak na sabi ni Alona. "No. Alona. hinanap na kita after ng may mangyari sa atin." parang binuhusan ng malamig na tubig si Alona. "You kidding freak. huwag mo kong niloloko." 

"Sa isang bar ng makita kitang laseng kaya nilapitan kita remember tequila pa iniinum mo? nag alok pa ko ng shot sayo. sobrang laseng ka na non pareho tayong nakainum bagsak natin sa isang hotel." pinutol bigla ni Alona ang sasabihin pa ni Lucas. "Stop! stop it! ano ang reason mo Lucas? maghihihgante ka dahil nawala ang kuya mo? sinamantala mo na lasing ako ganon ba?! ha!" hagulgol na si Alona sa pag iyak. 

Pak!

Isang malakas na sampal ang binigay ni Alona kay Lucas. Galit na galit si Alona. "Noong una oo because I was there when my kuya begging not to leave him then after you walked away he shot him self the last time I talk to kuya sabi niya na mahal ka niya kaya siya nagkakaganon and alam niya sa sarili niya na mali na siya." hindi makapaniwala si Alona. "How can you tell na you're there huh?! si Allan ang kasama ni Leo wala ka kaya hindi mo alam ang nangyari." pasigaw na kung magsalita si Alona wala na sa kanya kung may makarinig man sa kanya. 

Habang si Ela ay hindi na alam ang gagawin kaya tumawag na siya kay John. "Babe come here please dito kami ni Alona sa office ni boss alam na ni Alona ang lahat natatakot ako baka malaman niya na may alam ako." umiiyak na sabi ni Ela kay John. "Okay babe calm down papunta na ko." nagmamadaling pinuntahan ni John si Ela. ng makita ni Ela ang nobyo ay yumakap ito ng mahigpit. "Calm down babe. alam kong kasalanan ang gagawin natin pero I need to protect you. hindi ko ipapaalam na may alam ka kahit kanino and wag mo ng ipaalam kay Alona." 

"Hindi ka dapat sisihin at nawala lahat ng galit na yun after may mangyari satin." "hindi ako naniniwala sayo Lucas akala ko ba naman lahat ng ginawa mo taos sa puso mo ayun pala may tinatago ka." halos duruin na ni Alona si Lucas. "Alona hindi ako tumigil ng kakahanap sayo gumamit pa ko ng private detective makita at mahanap ka lang gusto kong itama ang pagkakamali ko pero hindi ko inaasahan na nagbunga pala yon." Tumayo si Alona at inayos ang sarili. "I resigned! ayoko ng makita nag pagmukukha mo Lucas at never kang makakalapit sa anak ko tandaan mo yan! go to hell!" 

Kitang kita ni Ela ang paglabas ng kaibigan niya sa office ni Lucas. "Babe susundan ko si Alona puntahan mo na si boss." at sumunod na si Ela kay Alona.

"A anong nangyari best? bakit ka nagliligpit?" tumingin lang si Alona kay Ela. "Best hindi na ko papasok and I'm not pushing you to resign basta tuloy mo lang para pag okay na tayo pwede na natin hawakan ang negosyo ng mga magulang natin. Maghahanap ako ng ibang work. ayoko muna magsalita sayo maybe you can ask Lucas." nang matapos magligpit si Alona ay lumabas na ito ng office at sinundan ni Ela. "Wait best samahan na kita tawagan ko si John para sabihin kong nag undertime ako."

"Anong plano mo Lucas?." habang nakatitig lang sa kaibigan niya. "I don't know. alam ko naman mangyayari to. and alam kong hindi dito matatapos to John.". sabay sandal sa kanyang upuan. "Bro just one thing. wag na sanang madamay si Ela natatakot yung isa baka masira ang friendship nila ni Alona." tinapik ni Lucas si John. "Of course. and wag kang papayag na mag resign si Ela bro siya lang ang magiging way natin para maayos ko yung samin ni Alona at mapalapit ako sa bata." napakamot ng ulo si John. 

Walang tigil ang pag agos ng luha ni Alona. "Of all the people bakit siya pa best. Nalagpasan ko na ang bangungot na yun eh bakit bumalik pa eto na naman." Hinawakan ni Ela ang kaibigan sa kamay. "Tama na best remember lagi mong sinasabi everything that happened to us may mga dahilan. Baka kaya pinagtagpo kayo ni boss dahil gusto ni lord maayos na ninyo or maitama na ni boss kung ano man ang pagkakamali niya." Hindi kumibo si ALona at patuloy lang siya nakatingin sa malayo. "What if best malaman ni Miguel na si boss ang daddy niya? What if magpumilit ang bata na makita siya." Isang mapait na ngiti ang nakita ni Ela sa kaibigan, "it will never happen best." Matapos magsalita ni Alona hindi na sila nagsalita hanggang sa makapasok na sila sa subdivision kung saan sila nakatira.

Pagpasok ni Alona sa gate nila sinalubong siya ng maid nila para kuhanin ang mga dalahin niya. Nagtatakang nilapitan siya ng kanyang ina habang buhat nito si Miguel.

"What happen anak? nauwi ka ata ng maaga. Umiyak ka ba? bakit bitbit mo lahat ng gamit mo sa office mo?" Sunod sunod ang tanong ng ina ni Alona. Hindi na kinaya ni Alona kaya bigla niya niyakap ito. "Tara sa loob at don tayo mag usap. Yaya paki kuha mo muna ang bata."

"Kilala ko na mommy kung sino ang ama ni Miguel." patuloy pa din ang pag iyak ni Alona. "Sino? Saan mo siya nakita, saan kayo nagkita?".

Kinuwento ni Alona sa ina kung ano ang nangyari at kung paano inamin ni Lucas na siya ang lalaking nakasama ni Alona ng gabing nalasing siya.

"That's why Miguel is so attached to that man the first time they met. And also Lucas." 

"Because he already know that mom. He already know Miguel is his son."

" No hija. Hindi sila magkakilala mas una namin siyang nakilala remember?". Kaya napaisip siya sa sinabi ng ina niya. 

"Wala siyang karapatan sa anak ko una at huli na niyang makikita si Miguel. Babalik na lang ako sa US." Nagulat ang mommy niya sa sinabi niya. "Alona kahit ano pa ang nangyari sa inyo ni Lucas karapatan pa din ng anak mo makilala ang ama niya besides hindi naman niya tinanggi ang anak mo. hindi sa kumokontra ako o pinapanigan ko si Lucas hija. don lang tayo sa pwedeng mangyari" 

"Maam Ela may bisita po kayo John daw po." Nagulat si Ela sa sinabi ng maid nila. Hindi na niya alam ang uunahin ng malaman niyang nasa sala si John. "Babe. Paano mo nalaman ang bahay ko." Nakangiting tanong niya sa nobyo. "Nothing is impossible babe kahit naligaw ako ng twice dito sa loob ng subdivision." Hahalik na sana si John kay Ela sa pisngi ng mapansin niya bumababa ang mama ni Ela. "Good morning po maam." Pag bati niya dito. "Good morning. O Ela hindi mo ba ipapakilala sakin ang gwapo mong bisita." Pagbibiro ng mama niya. "Ma si John po one of my boss and…" hindi niya maituloy ang sasabihin niya sa ina niya. "And?. Your boyfriend. By the way John Ela already told me about you. medyo nakakatampo lang sa anak ko na nakilala na kita ng kayo na. diba Ela my dear." kumapit si Ela sa bewang ng mama niya na tila naglalambing. "mama naman eh. diba na explain ko na sayo kung bakit." sabay tingin kay John. "Uhm. maam kaya po nandito ako para po bumawi ako sa inyo at sa anak niyo. isa po sa dahilan na hindi ko pinaalam na pupunta po ako dito dahil gusto ko po magpakilala ng pormal sa inyo. hindi ko po alam kay Ela kung bakit ayaw po niya ako humarap sa inyo." napatingin ang mama ni Ela sa kanya. "is it true Ela Mae ha?." kitang kita ng ina ni Ela na inirapan niya si John.

"Paano mo nalaman ang bahay namin at paano ka nakapasok kung wala kang maipakitang appointment sa guard." tanong ni Ela kay John. "Babe nakalimutan mo na naman si John Matthew Salvador ang boy friend mo." pagbibiro ni John kay Ela. "Oo na. ikaw na talaga. pero masaya ako super. I felt loved." hiniga ni Ela ang ulo niya sa balikat ni John.

Pagdating nila ng office agad silang tumuloy sa office ni Lucas. "Good morning boss." pagbati ni Ela kay Lucas. "Ela you're now the new chief executive. sana naman wag mo din kaming iiwan after what happened." malungkot ang mga mata ni Lucas kitang kita ni Ela sa mukha ni Lucas ang sobrang puyat at haggard. "No boss hindi po." ngumiti lang si Ela kay Lucas. "Ela please stop calling me boss or sir. hindi na tayo iba." 

Habang nag aayos si Ela ng mga gamit niya ay tumawag si Alona. "Hello best how are you?." si Alona na nasa kabilang linya. "Ikaw ang kumusta best. hindi na kita pinuntahan dyan sa inyo kase alam kong mas need mo si mommy." pag aalalang sabi ni Ela. "not fine. can't get over. best. hanggang kelan na naman kaya ito gusto kong bumalik ng US pero si mommy ayaw niyang pumayag and even daddy.?" 

"Hindi ka na bata best unlike before. you need to face it. nandito naman kami for you and for Miguel. hindi naman sagot ang paglayo best. lalo na si Miguel hahanapin niya sila grandma and grandpa niya." naisip na din naman ni Alona lahat ng sinabi ni Ela sa kanya kahit ang mommy niya. Kaya minabuti na lang muna niya tapusin ang susunod na blood transfusion ni Miguel bago siya maghanap ng work or tanggapin na niya ang offer ng daddy niya na siya na mag handle ng real state company nila.

Habang nasa super market si Alona ay nag ring ang phone niya. "Hello Alona. just to remind you next week na ang blood transfusion ni Miguel." paalala ng pediatrician ni Miguel. Kaya mabilis niyang tinawagan ang pinsan niyang doctor para ipaalala ang dugo na kailangan ng anak niya.

Dumating na ang araw na isasalang na si Miguel at naka ready na lahat ng dugo para kay Miguel.

"Sis. hindi match kay Miguel yung mga pina test naming dugo. bakit kasi hindi mo na tawagan yung last na donor ni Miguel para matapos na problema mo at ni Miguel." sabi ng pinsan niyang doktor.

Hindi na naman alam ni Alona ang gagawin niya. gusto man ni Ela na tawagan na nila si Lucas mas pinili na lang niya hintayin ang desisyon ni Alona.

"No. pipilitin kong makahanap ng dugo para kay Miguel." at inayos na niya ang anak niya para umuwi na. "Best pwede ba si Miguel na lang muna ang isipin mo i set aside mo na lang muna yang pride at galit mo. after ng transfusion tapos na ulit." tuloy tuloy lang paglalakad ni Alona hindi niya pinapansin mga sinasabi ni Ela. "Alona just to remind you kaya ako nag bigay ng 1 month para sa transfusion ni Miguel ay para makapag pahinga lang ang bata doesn't mean na okay na si Miguel." tumango lang si Alona at nagpaalam na sa doktor ni Miguel.

Hinatid lang ni Ela si Alona hanggang kotse at umalis na din ito. Habang nagda drive si Alona tiningnan niya ang anak niya sa rear mirror at bumulong sa sarili. "Sorry anak pati ikaw nadadamay gagawin lahat ni mommy anak for you."

Pag bungad ni Alona sa pinto nila sabay na napatingin ang mommy at daddy niya. "Ano ang nangyari? hindi nasalinan si Miguel?." umiling lang si Alona at nilapag ang mga gamit nila. "Grandpa I remember my hero daddy gave his strength at me." nakaramdam ng awa ang daddy ni Alona sa apo niya. "Mommy dalin mo muna sa yaya niya si Miguel natin. Alona anak gusto mo ba ako ang kumausap sa ama ng anak mo?" tanong ng daddy niya sa kanya. "No! hindi ko siya kailangan." hindi na pinatapos ng ama niya ang sasabihin niya. "Oo! hindi mo siya kailangan bakit ikaw ba ang may kailangan ng dugo natural hindi mo siya kailangan pero ang anak mo kailangan ang ama niya. mag isip ka Alona! huwag mong hintayin na may mangyari pa sa anak mo bago ka magising!" galit na sabi ng daddy niya sa kanya. at tinalikuran na siya nito hindi nakapag salita si Alona dahil unang beses niyang napag taasan ng ama niya ng boses.

Alam ni Alona na sumama ang loob ng mommy niya sa kanya dahil sa nangyari sa kanila ng daddy niya. "Hindi nyo po ako naiintindihan mommy eh. wala kayo sa sitwasyon ko," umiiyak na si Alona habang sinasabi niya yon. "My god Alona kinain na ba ng galit yang utak mo ha. wala kami sa sitwasyon nasaan kami ng umuwi ka ng umaga ng may nangyari na pala sayo na hindi mo agad sinabi na may nakasama ka ng gabing yon ha. hindi pa namin malalaman kung hindi ka pa nabuntis pero kahit ano pa nagawa mo hindi ka namin kinumpronta Alona. magulang kami mahal ka namin hindi na namin inisip ang ego namin gusto namin na ipakita sayo na andito pa din kami ng daddy mo."

Pakiramdam ni Alona ay wala siyang kakampi at sinisisi p din niya si Lucas. parang wala na siyang ginawang tamang desisyon kinakain na siya ng galit at poot kaya nagiging selfish na siya.

Halos pinaka pahinga na lang ni Alona ay matulog dahil nauubos ang oras at araw niya kakahanap ng donor halos abutin na siya ng 1 week kakahanap. 

Biglang napatayo si Alona ng makita niya si Miguel na nakadapa sa kama na duguan. Hiniga niya si Miguel nagulat siya ng sumuka ulit ito ng dugo at mabilis niyang binuhat ang anak niya at tinawag ang mga magulang niya.

"Mom! dad!!! daddy!!! help!!!

Nagmamadaling lumabas ng kwarto ang mag asawa ng makita nila ang bata na puro dugo ay kinuha na agag ng daddy niya ang susi ng sasakyan at mabilis na pinabuksan sa guard ang gate.

"Daddy si Miguel daddy mommy..." iyak ng iyak si Alona.

Nagmamadaling nagpunta si Ela sa ospital at nakita niya si Alona na puro dugo. 

"My god best ano nangyari." awang awa ito sa kaibigan. "wait tatawagan ko si Lucas." biglang hinablot ni Alona ang phone ni Ela. "Don't you dare Ela. don't you dare or else." binawi ni Ela ang phone niya at sinagot niya si Alona. "Ano magagalit ka sakin? itatakwil mo ko bilang kaibigan mo? go Alona do it! mas pipiliin ko yan ma save ko lang ang anak mo." ida dial na ni Ela ang number ni Lucas ng hinatak ulit ni Alona ang phone niya. "Huwag kang makielam wala kang karapatan sa anak ko ako ang magde desisyon hindi ikaw!" isang malakas na sampal ang binigay ni Ela kay Alona. "Hindi ko pagsisisihan yang pag sampal ko sayo at tinatanggap ko na din ngayong oras na to wala na akong kaibigan na Alona." matigas ang mga salita ni Ela kay Alona. wala ng nagawa si Alona hanggang sa matawagan na ni Ela si Lucas.

Pagkatapos kausapin ni Ela si Lucas ay nagpaalam na ito sa mga magulang ni Alona at makikibalita na lamang siya. sabay talikod ni Ela kay Alona. 

"Anak ano ba nangyayari sayo? sobra ang galit mo kay Lucas ano ba ang ginawa sayo ni Lucas ni rape ka ba niya kung ni rape ka niya kasuhan mo." umiiyak na sabi ng ina ni Alona. "Hindi po mommy wala po." umiiyak niyang sabi sa ina niya. 

Nilagpasan ni Lucas si Alona. sa magulang ni Alona siya nakipag usap at inabot ang dalang damit para makapag palit na si Alona ng damit. 

"Hi maam sir. pupuntahan ko na po yung doktor ni Miguel. eto po pala pinadala po ni Ela para sa anak niyo." umalis na si Lucas wala na siyang sinayang na oras.

"Anak magpalit ka ng damit mo. wag ka magmatigas pa magpalit ka na baka susunod niyan kami naman ang umalis at maiwan kang mag isa. si Ela ang nagpadala niyan." kinuha naman ni Alona ang mga damit na dala ni Lucas. 

Lumabas na ang doktor ni Miguel. "Miguel and Mr. Flores are now on going for transfusion Alona." binalita ng doktor sa kanya.

Buong akala ni Alona ay sa iisang kwarto lang ulit si Miguel at Lucas. "Doc. can you take my son in other room please." ngumiti lang ang doktor sa kanya at sumagot. "Oh yes Alona si Miguel lang naman talaga. after ng transfusion nagpaalam na si Lucas he signed a waver."