Abala ang lahat sa pag asiakso sa birthday ni Alona isang napaka simpleng handaan lang ang gusto ni Alona kaya mga malalapit na pamilya at kaibigan ang kanyang mga bisita.
Happy Birthday to youuu...
"Thank you all guys, to my mom and my dad thank you so much i love you so much". pagtatapos ng message ni Alona. Bumalik na sa upuan si Alona kasama ang kanyang mga magulang, maya maya ay bumulong si Ela kay Alona at tinuro ang paparating na sunod sunod na regalo at ng bilangin niya ay saktong 18 ang mga regalo kinilabutan siya sa nakita niya buong akala niya ay galing sa mga magulang niya pero ng magpapasalamat na sana siya ay biglang nagtanong ang kanyang ina kung kanino galing ang mga regalo.
"Everyone may I have your attention please, thank you." si Ela ang nagsalita para makuha ang atensyon ng mga bisita. bago ipaalam ni Ela kung kanino galing ang mga regalo ay nag bigay muna siya ng sweet message sa kanyang best friend at doon ay naiyak na ng tuluyan si Ela ganon din si Alona kaya nagyakap ang dalawa. Pagkatapos ng palakpakan ay muling nagsalita si Ela at sinabi niya na ang mga regalong yun ay galing kay Leo sabay tinuro ni Ela si Leo.
"Mr. Leo Madrigal". walang nagawa si Alona kundi ang mapatulala na lang at nakatingin kay Leo. Sobra ang pasasalamat ni Alona kay Leo sa surprise nito sa kanya at pagkatapos ng kaganapan ay doon pa lang nakapagpa salamat si Alona kay Leo ng personal.
"Anything for you...hindi ako magsasawang suyuin ka ligawan ka sorpresahin ka handa akong mag intay kung kelan ka na ready hanggat wala ka pang boyfriend hindi ako titigil at hindi ako mawawalan ng pag asa." seryoso si Leo sa mga sinabi niya kay Alona ramdam na ramdam ni Alona.
"Leo tama na, huwag ka na mag effort tigilan mo na panliligaw sakin please." biglang napanganga si Leo, hindi niya maisip na sa mismong araw ng birthday ni Alona siya binasted ng dalaga. "Bakit Alona? sabi ko naman sayo handa akong mag intay kahit gaano pa katagal talaga bang ayaw mo sakin? dahil ba 5 years ang gap natin? dahil ba sobrang matured ko para sayo? tell me Alona please." yumuko lang si Alona.
"Yes Leo yes..." nalungkot ang mukha ni Leo at ng makita ni Alona na parang maiiyak na ang lalaki ay nataranta siya.
"Hey Leo bakit ka iiyak ano ka ba?" natatawang sabi ni Alona. Kumunot ang noo ni Leo dahil nakita niyang pinagtatawanan siya ni Alona. "Ano ang nakakatawa Alona?" tawa pa din ng tawa si Alona. "Nag yes na ko iiyak ka pa eh" hindi ma gets ni Leo ang ibig sabihin ni Alona. "Yes kamo dahil malaki age gap natin matured na ko para sa kagaya mo diba?". Ngumiti lang si Alona at tumingin sa mukha ni Leo. "Wait lang..." kinuha ni Alona ang upuan sa gilid ng at tumayo ito. "Ang tangkad mo kasi sir eh, ano height mo ulit? 6'2? tapos ako 5'6 hays ang hirap makipag usap sa matangkad." naguguluhan pa din si Leo sa mga ginagawa ni Alona. "Ano ba gagawin mo baka mahulog ka pa diyan". at nagbirong mahuhulog si Alona at nagulat naman si Leo. "Nahulog na nga ako sayo ayaw mo pa". parang lumutang ang utang isip ni Leo sa narinig.
"Wait medyo nagiging slow ako sa mga oras na to eh, nag yes ka tapos nahulog ka na sakin...tama ba naiisip ko? tama ba? ha?." parang batang nagtatanong si Leo kay Alona.
"Oo nga yes na nga kaya nga sabi ko tigil mo na panliligaw mo kasi yes na nga diba" biglang binuhat ni Leo si Alona masayang masaya ito. Bago umuwi si Leo ay humarap muna siya sa parents ni Alona at kay Ela para ipaalam nila na sila na. Sobrang saya ni Ela para sa best friend niya ganon din ang mga magulang ni Alona.
Ilang beses ng nagpaalam si Leo kay Alona pero hindi pa din siya makaalis parang ayaw na niyang mahiwalay sa kanya si Alona.
"Totoo na to uuwi na talaga ako para makapag pahinga ka na din, i love you tatawag ako sayo pag nasa bahay na ko okey". at sumakay na ito ng sasakyan niya. Nakangiti pa din si Alona kahit naka alis na si Leo at kitang kita iyon ni Ela kaya kinurot siya nito. "Daya mo best dapat sinagot mo siya kasama ako nakakainis ka naman lalo na yang si sir Leo hmmp" tawa ng tawa si Alona kay Ela sabay niyakap niya ang kaibigan niya at nagpasalamat siya dito. "Thank you best".
"Baby bro! glad you're here!" tuwang tuwa niyakap ni Leo si Lucas "kelan ka pa dumating?." Pabagsak na naupo si Lucas sa malaking sofa nila, "kahapon lang kuya pero I need to go back sa States after nating maayos ang problema sa company." tumango lang si Leo at tumabi sa kapatid. "Maaayos na yan dumating ka na eh, bakit hindi ka pa kasi mag for good si ate umuwi na din sa States ako na lang naiwan dito." biglang naalala ni Leo na ipakita sa kapatid niya ang bago niyang girl friend, excited niyang nilabas ang phone niya at pinakita ang wall paper niya at si Alona nga ang naka lagay. "Look baby bro my new sweet 18 girl friend, actually kaka 18 lang niya kahapon and kakasagot lang niya sakin kagabi," tinitigan maigi ni Lucas si Alona. "Maganda siya pero halata sa kanya na nasa teen stage siya kuya napaka bata naman niya unlike sa mga past gf mo na 2 or 3 years lang gap mo." pabirong sinuntok suntok ni Leo sa braso si Lucas. "Lucas wala sa edad yan, una ko palang siyang nakita boom! as in..." natatawa na lang si Lucas sa kapatid niya.
"Lucas! buti naman at umuwi ka para masabihan mo yang kuya mo," dumating si Allan na kaibigan ng kuya niya. "I already know naibida na niya sakin." at tumingin sa kuya niya. "Ang gusto pa nga ng kuya mo pormahan ko din yung kaibigan para hindi daw ako mainggit pag kasama niya si Alona, kuya mo tumatandang paurong feeling teenager haha!" pang iinis ni Allan kay Leo. "Ano naman itsura nung kaibigan nung girlfriend ni kuya?" tanong ni Lucas kay Allan. "Maganda din japanese look sexy maliit lang ng konti kay Alona pero pwedeng pwede." napapaisip si Lucas kung anong klaseng babae ang mga sinasabi ng kuya niya at ng kaibigan nito.
Pagpasok ni Alona sa lobby ay tinawag siya agad ng receptionist. "Hi ma'am Alona may nagpapabigay po" inabot nito ang dalawang grocery bag at 1 dozen na white roses. "wow sana all maam nakaka inggit naman po napaka sweet." natawa na lang si Alona sa sinabi ng receptionist. "Thank you, malay mo next time ikaw naman gusto mo mag picture muna tapos i post mo para mag selos ang boy friend mo." pabirong sabi niya sa babae at tuwang tuwa naman ang babae ng sabihin niya ito. "ay naku maam pwede po ba sige po thank you po maam."
Tinawagan ni Alona si Leo para magpasalamat pero hindi ito sumasagot. Mayamaya ay may kumakatok sa pintuan at binuksan niya ito dahil alam niyang dadating si Ela pero pag bukas niya ay si Leo. "Surprise!" nagulat si Alona kay Leo. "Ginulat mo naman ako eh. tara pumasok ka akala ko si Ela na." sa may kusina dumiretso si Leo para tulungan si Alona na ayusin yung mga binigay niyang groceries. "Ang dami nito hindi ko kayang ubusin to kaya wag mo na ako dadalan ulit ha baka masayang lang kasi." pumunta si Leo sa likuran niya at niyakap si Alona, nagulat si Alona sa ginawa ni Leo. "Ayaw mo ba ng ginagawa ko sayo? para hindi ka na din labas ng labas para bumili ng kung ano-ano mas kampante akong dito ka lang after school." mas lalong humigpit ang yakap ni Leo kay Alona. Nang maramdaman niya ang init ng hininga ni Leo sa tenga niya ay nag dahilan na lang siya kaya nakakilos siya papunta sa banyo.
Sunod sunod ang chat ni Alona kay Ela. "Ano best asan ka na?" naiinis na si Alona dahil hindi sumasagot si Ela kaya naisip niya na baka na set up na naman siya nito.
Dingdong...Toktok...
"Hi sir! saan po si Alona?." ng marinig ni Alona ang boses ng kaibigan ay para syang nabunutan ng tinik sa lalamunan. "Saan ka na naman ba nagpunta usapan natin bago mag lunch eh." yumakap si Ela kay Alona at humalik sa pisngi niya. "Sorry na best galit ka na naman." nakatingin lang si Leo sa kanila na parang iba ang iniisip.
Habang abala sa pag gawa ng meryenda si Ela ay nilapitan siya ni Leo. "Ela may I ask you something?" tumingin si Ela kay Leo. "Yes sir ano po yun?" nakangiting tanong ni Ela sa kanya. "Nagka boyfriend ka na ba? magka age lang kayo ni Alona diba?" seryosong tanong niya kay Ela. "yes sir ahead lang si Alona sakin ng 3 months po, and kung sa boy friend wala po pareho kami ni Alona, girl friend lang meron si Alona po hahaha, joke lang sir ha" Hindi nagustuhan ni Leo ang biro ni Ela sa kanya.
Parang naiba ang mood ni Leo ng mga oras na yun kaya nagpaalam na lang siya na aalis na muna at may lalakarin pa pala siya. "Love I have to go tumawag yung brother ko pupunta lang kami sa office." magsasalita pa sana si Alona ng bigla siyang hinalikan ni Leo, madiin at may gigil na halik ang binigay niya kay Alona, gulat na gulat si Alna sa ginawa sa kanya ni Leo lao na si Ela dahil kitang kita niya ito dahil nasa harapan niya ang dalawa.
"See you later love."
Naiwang nakatayo at tulala si Alona, kaya nilapitan siya ni Ela.
"Best...best, uy Alona are you okay?." doon palang siya natauhan.
"Bakit ganon best. bakit niya ko hinalikan na ganon." maiyak iyak na sabi ni Alona kay Ela. Niyakap ni Ela si Alona to comfort her best friend. Habang magkayakap ang dalawa ay bumukas ang pinto at kitang kita ni Leo ang tagpong iyon.
"Sir, hindi na po kayo tutuloy na aalis?." nakangiting tanong ni Ela kay Leo, pero imbes na sagutin si Ela ay si Alona ang hinarap nito.
"Niloloko niyo ba kong dalawa ha? sino sa inyo ang tomboy ikaw ba? kaya ba ilang na ilang ka sakin ano pinaplanuhan nyo ba ko!?." tinulak ni Ela si Leo ng malakas kaya nakabitaw si Leo kay Alona.
"Watch your word mr. Madrigal! akala ko ba naman hindi mo sasaktan ang kaibigan ko tapos sa walang kakwentang kwentang bagay magagalit ka at pag iisipan mo kami ni Alona are you crazy!" isang malakas na sampal ang giawa kay Ela kaya si Alona naman ang tumulak kay Leo. "Get out! ano gusto mo lalayas ka dito o ipapa pulis kita baka nakakalimutan mo minor si Ela kaya lumayas ka na bago pa ko tumawag ng security get out!."
Iyak ng iyak si Ela dahil sa lakas ng sampal na ginawa sa kanya ni Leo, niyakap ni Alona si Ela at umiyak ito. "I'm sorry best. hindi ka sana masasaktan kung hindi dahil sakin." inayos ni Ela ang sarili at hinarap si Alona. "No best ako ang dapat mag sorry kung hindi dahil sakin hindi kayo magkakalapit ni Leo ako pa ang magpapahamak sayo." at nagyakap ulit ang dalawa. "Pero talagang napatunayan natin na mag best friend talaga tayo." sabi ni Ela kay Alona.
Hindi na mabilang ang mga tawag, text at chat ni Leo kay Alona hanggang sa pinatay na ni Alona ang phone niya.
Nagmamadaling pinuntahan ni Lucas ang kuya niya sa bahay nito ng malaman na lasing na lasing at nagbabasag na. "Hey kuya what happen?." lumapit ang isang kasambahay ni Leo. "Paulit ulit po niya sinisigaw si Alona sir Lucas yun po ata ang girl friend niya parang nag away ata o hiniwalayan siya." takot na takot ang babae habang nagsasalita. "Ano ba problema niyo ng Alona na yan kuya at nagkakaganyan ka ha." naka upo lang ito sa sofa na parang walang naririnig. "Bro answer me! paano kita matutulungan pag ganyan ka ng ganyan." mayamaya ay nagsalita na si Leo. "I caught them, kung hindi ko pa naisipang bumalik or natagaln pa ko baka ibang scene na ang inabutan ko, that fuck**g girl mas gusto pala babae." galit na galit si Leo. "Bro don't push your self to someone para mahalin ka para ka namang teenager" iiling iling si Lucas habang nakatingin ito sa kuya niya.
"Allan saan ka? pwede ka mag punta dito sa bahay ni kuya?." mabilis na sumagot si allan. "Actually I'm on my way na Lucas tinawagan ako ni manang dahil nagwawala daw yang kuya mo." mayamya lang ay dumating na si Allan at tulog na din si Leo.
"Sino ba yang Alona na yan? bakit nagkakaganyan si kuya hindi naman siya ganyan eh alam mo yan at best friend mo si kuya." pa sarcastic ang ngiti ni Allan na tumingin kay Lucas. "Ewan ko ba sa kuya mo pero I think yang babaeng yan is pabebe pa hard to get para mas mataas ang value niya." maraming case sa schhol nila ang ganong babae kahit galing pa sa mga mayayamang pamilya kaya ganon na din ang pagkakakilala ni Allan kay Alona. "I want to meet her, oh no. this is not a right time. we need some plans to do."
Nagulat si Alona ng makita niya si Allan sa lobby ng condo. "Alona can we talk?." pero tuloy tuloy lang sa paglakad si Alona papuntang elevator. "Alona please." huminto si Alona at humarap kay Allan. "Now what?." nag buntong hininga muna si Allan bago ito magsalita. "Leo is in critical emotions Alona, kung ayaw mo naman sa kanya baka pwede mag pretend ka lang na gusto mo pa din siya magpakita ka lang sa kanya please." natawa si Alona sa mga sinabi ni Allan sa kanya. "Wait. kung ako tomboy sa pagkakaalam ni Leo eh sa inyo ni Leo sino naman ang bakla?." nag init ang tenga ni Allan sa narinig kay Alona. "Alam mo na ba ang dahilan Allan kung bakit galit na galit ako kay Leo? na sinaktan niya ang best friend ko dahil sa selos niya na wala sa lugar." Natahimik lang si Allan sa mga sinabi ni Alona pero mas inisip niyang ibaba ang ego niya para lang sa kaibigan niya. at hindi naman siya nabigo na mapapayag si Alona na sumama kay Leo.
Pag pasok nila ng bahay ay kitang kita ni Lucas sa cctv si Alona at Allan naka monitor lang siya sa itaas para makita ang mga kilos nu Alona at ang mga magaganap.
"Just take a sit Alona, tawagin ko lang si Leo. manang paki dalan kami ng juice make it 3 na." sabi ni Allan sa katulong. pinuntahan na nga ni Allan ang kaibigan. "Hey bro! saktong sakto bagong ligo ka tara sa labas may bisita ka, dress up!." sabay hagis ng puting t-shirt kay Leo. Nagulat si Leo ng makita niya si Alona.
"Alona! love. thank you so much hindi ka na galit sakin." niyakap ng mahigpit si Alona ni Leo, amoy na amoy ni Alona si Leo at dahil naka t-shirt lang ito ng manipis at nakayakap sa kanya ng paharap hindi gaya nung una na sa likod siya niyakap ngayon ay ramdam niya ang buong katawan ni Leo at ang amoy ni Leo. "Bro calm down, hindi makahinga si Alona." pabirong sabi ni Allan. "Alona iwan ko muna kayo para makapg usap kayong dalawa and may juice dito if you want anything just let me know." at nag sign ito ng call sa kamay.
Awang awa si Lucas sa kapatid habang nakikita nito na parang nagmamakaawa sa babae, mayamaya ay kasama ng nanonood si Allan sa cctv. "Tsk tsk...hindi ko alam bakit nagkaganyan ang kuya mo Lucas, daming naging girl friend puro modelo at hindi basta basta tapos sa batang bata na college student lang pala magkakaganyan." titig na titig sa cctv si Allan. "Ano bang hiwaga meron yang si Alona? and my brother seems to be going crazy." mayamaya ay nagulat si Lucas at Allan sa ginawa ng kuya niya. "What the...puntahan mo bro please," at nagmamadaling bumaba si Allan. "What happen to you bro parang hindi ikaw ang kuya ko ah." habang pinanonood niya si Leo.
"Leo please tumayo ka nakakahiya wag kang lumuhod baka mamaya kung ano pa isipin nila." naririnig ni Lucas ang mga usapan nila Leo, dinig na dinig niya kung paano magmakaawa ang kuya niya. "Hindi ako tatayo dito Alona hanggat hindi mo ako pinapatawad, sorry dahil nasaktan ko si Ela, sige payag na ko kung ano ang meron sa inyo ni Ela alam ko naman na ako pa din ang hahanapin mo sa huli meron ako na wala si Ela mas kaya kong ibigay sayo ang kaligayahan." Muntik ng sampalin ni Alona si Leo sa mga binitawan nito pero napigilan niya ang sarili kaya tumayo na lang siya at mabilis na umalis.
"Alona! baby bumalik ka dito! Alona! hahabulin na sana ni Leo si Alona pero mabilis siyang napigilan ni Allan at mayamaya ay sumunod na si Lucas.
"What the hell is happening to you kuya!." galit na sinigawan ni Lucas si Leo. "Kasalanan ko Lucas, kasalanan ko bakit nagalit si Alona sakin." napahawak na lang sa ulo si Leo at pumasok na ito sa kwarto.
"Mukhang matindi mag trabaho sa kama yon Lucas nabaliw ng husto kuya mo eh." hindi umiimik si Lucas habang nagsasalita si Allan iba-iba ang tumatakbo sa isipan niya. "Kailangan kong mailayo si kuya sa babaeng yun kailangan kong mag isip ng paraan."
Bang!!!
Isang malakas na putok ng baril ang narinig nila mabilis na tumakbo si Lucas patungo sa kuwarto ng kuya niya.
"Kuya! kuya. wake up! kuya!."
Sunod sunod na suntok sa dingding ang ginawa ni Leo ng hindi na umabot sa ospital ang kuya niya.
"