Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 28 - Chapter 25

Chapter 28 - Chapter 25

Nakatago pa rin sa mata ng publiko ang Alchemy Powerhouse Association. Nagsimulana sila sa paggawa limang araw na nakalipas. Marami na rin silang naggawang mga Pills na siguradong pag-aagawan at duudmugin ng lahat ng mga Cultivator. Hindi lang  mga simpleng Pill ito lalo pat Sampong beses o mahigit pa ang benepisyo nito sa lahat ng kakain o iinomnito.

Ito ay isang tagong assosasyon pa at pinaalam niya ito sa lahat ng mga manggagawa lalo pa't kakabukas pa lamang ng ganitong Asosasyon kung kaya't ibayong pag-iingat ang kailangan sa pagsasagawa ng negosasyon. Si Van Grego na muna ang bahala sa pagbebenta ng mga produkto sa pamamagitan ng pagpupulong o pagtitipon sa matataas na pamunuan ng Iba't ibang mga siyudad, villages, kingdoms  (First, Second or Third Rate Classes) at maging mga negosyanteng namumuhunan. Itutturo at ipapakita niya muna sa mga trabahadorang paunang aktuwal na pakikipagnegosasyon.

Nagpadala na siya ng mga sulat sa lahat ng mga pamunuan noong nakaraang araw at Inaasahan niyang maraming dadalo at dadating ngayon  lalo pa't sinabi niyang may pambihirang produkto silang binebenta.

Agad niyang inayos ang kanyang sarili at nagsuot ng disente at malinis na damit upang ipakita ang pagiigng propesyunal niya. Wala na silang sinayang na oras maging ang mga trabahador ng Iba't ibang mga Departamento ay nagsuot ng kani-kanilang dress code upang tumulong sa kauna-unahang pagnenegosyo sa maraming matataas na tao sa lipunan.

Tumuntong na ang napagkasunduang oras ng okasyong ito.Halos lahat ay naririto na. Galing ang mga bisitang ito sa iba't ibang sangay ng pamahalaan ng Iba't ibang Classes kung kaya't marami ang hindi niya kilala maliban na lamang sa mga Third Class kung Kaya't ang First at Second Rate na mga Opisyales ay hindi mapigilang maiinggit lalo pa't ang Third Rate Class ang mas binibigyang importansya pero ang totoo niyan ay todo-asikaso rin sa kanila ang mga trabahador ng Alchemy Powerhouse Association. Ayaw na ayaw nila sa mga Third Rate Class lalo pa't parang langaw lamang para sa kanila ito at di binibigyang importansya pero nanatiling tikom ang mga bibig nila. Ayaw nilang pangunahan ang mga bagay-bagay lalo pa't tinipon silang lahat sa okasyong ito.

Hindi nakita ni Van Grego ang kaniyang angkan lalo pa't isa lamang napakahirap na angkan sila at masasabing hindi nila kayang magkompetensiya sa mga nasabing mga tao. Idagdag mo pa ang pagbabalat-kayo niya bilang isang binata.

Ayon na din sa sulat na natanggap nila ay magsisimula ang bidding ng mga produkto sa Zero Martial Money kung Kaya't napakalaking pagkakataon sa kanila na makabili ng mga mahahalagang bagay. Lubos nila itong ikinasaya. Halos lahat ay nagalak tungkol dito.

Hindi nagtagal ay nag-umpisa na ang nasabing bidding... Naging parang auction house ito upang mas mapa-excite ang lahat lalo na sa mga labanan.

"Magandang sa inyong lahat, Naririto kayong lahat upang masaksihan ang kauna-unahang pagbenta ng mga produktong gawa namin!"paunang pagbubukas ng bidding ni Mr. V.

Masigabong mga palakpakan ang iginanti ng mga Opisyales. Walang humihiyaw lalo pa't isang Formal Bidding ang mangyayari at may mga matataas silang posisyon kung Kaya't ayaw nilang ipahiya ang kanilang sarili lalo pa't may iniingatang reputasyon ang lahat.

"Ang unang produkto na aming ilalabas ay ang 200 Martial Enhancing Pills, hindi ko na uulitin pa ang patakaran, magsimula na tayo!" sambit ni Van Grego sa kalmadong ekspresyon.

Pagkakita pa lamang nila ng Pills ay hindi sila magkamayaw na mapasakanila ito. Halos lahat ng atensyon nila ay nakuha ng pambihirang Pills na ito kung Kaya't walang inaksayang panahon ang mga ito at nagbato ng kanilang nasabing bid.

100 Martial Money

500 Martial Money

800 Martial Money

1000 Martial Money

Umabot sa matataas na halaga ng pera ang bidding at sa huli ay nakuha ang nasabing Pill sa halagang 15 thousand Martial Money.

Ang Pangalawang Produkto namin ay siguradong ikasisiya ninyo. Ito ay ang  pambihirang Body Strengthening Pills na may bilang ng 400. Sampong beses ang agwat kumpara sa ordinaryong body Strengthening Pills! Simulan na ang  bidding!

Ikinagulat ulit ito ng lahat lalo pat Sampong beses? Siguradong malaki ang maitutulong nila sa pagpapalakas ng katawan ng gagamit nito lalo pa't 400 na Body Strengthening Pills ito na katumbas ng apat na libong ordinaryong ng nasabing Pills kung kaya't lahat ay nagbid ng malaking halaga. Gusto nilang makuha ang mga ito para sa karagdagang lakas.

Nagsimulang magsalita ang isang Opisyales ng 1000 Martial Pills Hanggang sa tumaas pa ito lalo hanggang umabot sa 50 thousand Martial Pills

Ang pangatlong Produkto na inilabas ni Mr. Van ay ang Martial Qi Rejuvenating Pills na siyang gagamot sa mga problema sa iyong dantian sa mabilisang na proseso. Madami din itong maibibigay na benepisyo lalo na ang pagtaas ng rank ng isang Cultivator. Epektibo ito lalo sa mga may barasa kanilang mga dantian.

Nakuha ang Pill sa halagang 100,000 Martial Money.

Ang mga sumunod na mga pills na may matataas na kalidad kagay na lamang ng mga Blood Flower Pills, Speed Enhancing Pills, Nervana Blood Essence, at iba pa. Umabot na sa kalahating milyong Martial Money ang bawat nasabing Pills pero alam nilang worth it ang mga ito na hindi nila matutumbasan ng pera at pagkakataon na nila ito lalo pa't bibihira lamang itong mangyari.

(A/N: Di ko sasabihin sa ngayon ahaha...ayaw ko kayong i-spoil).

Maraming nakabili ng Pills lalo na ang mga First Rate at Second Rate maging ang mga mayayamang mga negosyante. halos di nila binigyan ng pagkakataon ang  Third Rate Class kung Kaya't nalungkot ang mga Opisyales nito.

Natapos ang nasabing bidding sa Dalawang Milyon lalo pa ang pinaka highlight ng bidding ay ang 100 Martial Regeneration Pills na kayang ibalik ang nawalang mga parte ng katawan maging ang nasirang Dantian saisang araw. Talagang napakahalagang kayamanan ito para sa kanila.

Masayang-masaya ang mga First Rate at Second Rate. Nakipag-usap sila dito at nagbigay ng impormasyon para makipagkabigan na hindi naman tinutulan ni Mr. V kaso nga lang ay hindi ito masyadong sineryoso ng mga Opisyales ng First at Second Rate at mga negosyante na tanging interesado lang sa bidding, hindi din ipinaalam ni Van Grego na sila ang gumagawa ng Pills. Akala ng mga Opisyales na ito na pangkaraniwang taga-anunsoyo lamang ang binata kung Kaya't malaking insulto ito para sa kanya. Wala rin siyang pakialam sa mga ito.

Umalis din ang mga Mayayamang mga negosyante at matataas na Opisyales palabas ng Napakalaking gusali na may panalong mga ngiti na akala mo'y nanalo sa giyera.

Habang papaalis sila ay may mapangnuyang tingin pa ang ibinigay niya sa mga Opisyales at negosyante ng Third Rate Class kung kaya't mas bumaba pa ang tingin nila sa sarili nila.

Umalis na agad-agad ang mga Tao ng First Rate at Second Rate dahil wala na silang makukuha lalo pa't natapos na ang bidding. Masyado silang naging hangal lalo pa't hindi lamang ito ang layunin ng Alchemy Powerhouse Association kung Kaya't isa itong malaking kawalan sa kanila na pagsisihan nila ng malaki dahil sa padalos-dalos nilang desisyon.

Nagplano na ring umalis ang mga Third Rate Class ng may malungkot na ekspresyon sa mukha. Isama mo pa ang mga mapanghamak na pag-uugali ng First at Second Rate Class.

Papalabas na sana sila sa gusali ngunit nagulat sila ng may isang naka dress code na trabahador na nagsabing pinapapunta sila sa loob upang makipag-usap kay Mr. V. Lahat ay masaya lalo pa't pinagtuunan pa rin sila ng pansin ni Mr. V.

Kilala nila ito. Lalo pa't malaki ang respeto nila dito. Alam nilang hindi basta-bastang tao ito. Ayon sa pag-obserba nila kani-kanina lamang sa Bidding na halos lahat ay nirerespeto siya ng mga trabahador kung Kaya't ganon rin sila kay Mr. V.

"Magandang araw sa inyo, hindi ko na patatagalin pa ito lalo pa't may inaasikaso pa kong mahahalagang gawain, gusto kong makipagnegosyo sa inyo sa pamamagitan ng mga Pills. Gusto kong ihabilin ang pagbebenta ng Pillls at Gawing Sentro ng Pamilihan ng mga Produkto ko lalong lalo na ng mga Martial Pills lalo pa't hindi namin abot ang malayong distansya ng Third Class mula rito. Isa rin itong tulong upang umangat kayo sa dalawang Class at higitan ito. Kung inyo itong mararapatin ay Handa akong tulungan kayo kung makikipag-participate sa akin." Kalmadong pagkakasabi ni Mr. V na pinakinggang maigi ng lahat.

Pagkatapos ito marinig ng mga Opisyales at maging Ordinaryong mga Negosyante ng Third Rate Class ay masaya ang mga ito lalo pa't hindi sila nagkamaling mataas na tao ang binatang nasa harap nila.

Halos lumuwa sila sa narinig nila lalo pa't ang mga sinabi ni Mr. V sa kanila ay talagang napaka-imposibleng bagay pero alam nilang gagawin ito ng binata. Sa pambihirang Pills palang na ipinakita niya kani-kanina lamang ay kumbinsido na silang may malaking pangalan ang binatang nasa harapan nilang lahat.

Agad na sumang-ayon ang lahat lalo pa't isa iting magandang oportunidad lalo pa't napakalaki ang ino-offer ni Mr. V sa kanila kung Kaya't wala silang planong tutulan ito.

"Kami ang susupply ng mga produkto at ang hatian ay 60:30:10. 60% ang sa Alchemy Powerhouse Association at 30% ang sa inyo at 10% ang sa Grego Clan. Ang Grego Clan ang gusto kong mamuno sa Inyo. Kung magiging okay ito sa inyo lalo pat ito lamang ang aking magiging kondisyon at wala ng iba pa basta't gawin niyo lang ang parte niyo."dagdag na sabi ni Mr. V patungkol sa kondisyon ng nasabing agreement.

Sumang-ayon naman ang lahat lalo pa't hindi naman tumutol ang mga ito. Tanging gagawin lamang nila ay kumbinsihin ang mga namumuno sa kanila. Halos kanang kamay sila ng mga hari at may matataas na posisyon kung Kaya't madali lamang ito para sa kanila.