Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Soulmate is from Another Planet

🇵🇭Amor_Filia
--
chs / week
--
NOT RATINGS
13.4k
Views
Synopsis
Joya Angela had been a daddy’s girl eversince. Mas gusto pa niyang sumama sa daddy niya sa paglalaro nito ng basketball, golf o billiards kaysa samahan ang mommy niya sa mga salon at spa center. She knew she was different. At dahil doon, hindi kumpleto ang tingin niya sa sarili. Naging defense mechanism na niya laban sa mga insecurities ang pag-iwas at at pagsusungit sa mga tao kaya naman lumaki siyang walang maraming kaibigan. She was in first year college when she met Karylle, her exact opposite. Pa-girl ito mula sa mga gamit hanggang sa maarte nitong pagkilos. Ligawin rin ito unlike her. Ang tanging kapintasan nito ay ang pagiging weirdo—dahil naniniwala ito sa mga intruders na mas kilala sa tawag na ‘alien.’ Wala siyang kapani-paniwala sa mga aktibidades ni Karylle. Marinig lang ang tungkol sa mga kuwento nito tungkol sa mga aliens ay nasisira na ang araw niya. Pero paano kung dumating ang araw na ma-in love siya sa isang alien mismo? Pipiliin ba niyang ignorahin ang nararamdaman at kalimutan na lang ito, o hahayaan niya ang sariling magmahal at maranasan namang lumigaya? Mahalin naman kaya siya ng isang nilalang na wala namang emosyon kahit kapiraso sa katawan?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Words to Know Before Reading the Story

Orbit – (English) the watch-like gadget that is used to detect the alien presence

Bella – (Italian) pretty; beautiful

Ciclo – (Italian) cycle

Copia – (Italian) kamukha (copy)

Corpo – (Italian) katawan; kapareha (body)

Duplikat – (Sundanese) kopya; dupliko (duplicate)

Dunia – (Swahili) daigdig (world)

Estron – (Welsh) alien

Illimitato – (Italian) walang hanggan (unlimited; limitless)

Ledare – (Swedish) lider o pinuno (leader)

Maisha – (Swahili) buhay (life)

Niente – (Italian) wala (nothing)

Rab – (Turkish) diyos (lord)

Salvezza – (Italian) salvation

Si – (Italian) oo (yes)

───── ⋆⋅☆⋅⋆ ─────

"CAN you imagine that, amazing 'di ba! Kaya nilang mag-adapt dito sa planeta natin kahit hindi sila mortal. At kahit ano'ng wika ang marinig nila, automatically interpreted na ng brains nila kaya tiyak na maiintindihan nila iyon. Grabe, nakakamangha talaga, Joya!" Tinanaw ng excited na si Karylle ang katabing kaibigan pero napansin nito ang marahang pagtangu-tango ng dalaga, sign na hindi talaga ito nakikinig. She leaned against her friend and tapped her arm. "Hello, earth!" malakas nitong sabi sabay alis ng earphones na nasa tainga ng kaibigan.

"Ouch!" daing ni Joya, haplos ang taingang pakiwari niya ay nabingi dahil sa sigaw ni Karylle.

"Hindi ka naman nakikinig eh!"

"Nakikinig ako," pakli niya sabay simangot.

"Kung nakikinig ka, ano 'yung huli kong sinabi? Sige nga, sige nga!"

Joya pouted once more, pagkuwa'y iiling-iling na nagsalita. "Ano pa e 'di naglilitanya ka na naman ng tungkol sa mga aliens na 'yan. Pwede ba, Karylle, alam mo namang wala akong hilig sa mga ganyan." Kinuha niya ang earphones sa kamay ng kaibigan at saka iyon ibinalik sa kanyang mga tainga. Mas mabuti pang makinig na lang siya ng music kaysa magtiyaga sa mga alien stories nitong hindi na nga natatapos ay paulit-ulit pa.

"Why couldn't you appreciate these creatures, friend? What's wrong with you?" tila maiiyak nitong sabi.

She rolled her eyes. Naihilamos niya ang kamay sa kanyang mukha. Kahit paano naman kasi ay hindi niya tuluyang maignora ang presence ni Karylle. She had been her good friend for almost three years now. Freshmen pa lang ay magkaklase na sila nito at ito lang ang nagtitiyagang makihalubilo sa kanya. Ito lang din ang hindi nagsasabing boring siyang kasama kahit pa nga mas madalas ay pagsa-sound trip lang ang ginagawa niya habang kasama ito.

Well, she won't consider that a disease. Kanya-kanya ng trip ang mga tao sa mundo at nagkataong iyon ang sa kanya. Nirerespeto naman niya ang sa iba at hindi niya hobby ang makialam. Errr...could it be possible that her brother was right? Baka nga totoong wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya kaya ganoon.

"All right, what do you want? Sorry, friend. Ayokong ma-offend ka but you see, you're talking to the wrong person. Ayokong maging plastic sa'yo at ayoko namang makinig nang wala akong kahit anong input sa topic natin."

"Ang makinig ka lang ay ayos na. Alam mo 'yung feeling na gustong-gusto mong sabihin ang isang bagay at 'pag walang nakinig sa'yo, pakiramdam mo'y sasabog ka? I exactly feel like that!" May kasama pang hand motions ang mga sinasabi ng kaibigan at sa tingin niya ay mas gusto pa niya iyong panoorin kaysa makinig sa mga kuwento nito.

"Okay, sige na nga. Basta walang sisihan kapag hindi ako nakasabay sa topic mo ha. Walang sisihan," aniya at saka nagpawala ng malalim na hininga. "Game..."

Napangiti naman si Karylle nang itinago niya ang earphones niya sa bag at saka ibinigay ang atensiyon dito. Umiilaw pa ang mga mata nito habang nagkukuwento, halatang talagang excited.

"What? So you mean, nag-e-exist talaga sila and of all places, dito pa sa—haler—planeta natin as you call it?" aniya habang pilit na nagpo-focus sa mga kuwento nito.

"Yes. At ang nakamamangha, meron dito mismo sa Pilipinas."

Doon na siya tuluyang napailing. "Hindi rin naman pala mapili ang mga nilalang na iyan, ano. Dadapo lang sa mundo, hindi pa namili ng lugar. How about China? New York? Sa Europe man lang sana o kaya ay doon sa North Pole para bongga, hindi ba."

"Don't be sarcastic, my dear. They do exist everywhere. Sinabi ko bang dito lang sa Pinas meron? What I'm pointing out is that they do exist here in our country."

"Don't tell me diyan sila nagta-thrive sa puno ng acacia sa likod ng classroom natin? Grabeng coincidence na 'yan, Karylle."

"Puwede, pero malalaman natin iyon kung magre-respond ang special gadget na ibibigay ng grupo sa amin. May sensor ang gadget na iyon, specifically designed to detect the presence of these creatures."

"Sino naman ang gumawa noon, aliens?!"

"Hindi ka maniniwala dahil napakahabang kuwento pero totoo iyon at malaki ang panalig ko doon. I can't wait to have that gadget, my dear!"

Hindi niya naiwasan ang mapailing habang nakamasid kay Karylle. Kung hindi lang niya kilala ang pamilyang pinagmulan ng kaibigan ay maniniwala siyang may problema ito sa pag-iisip. She actually came from a rich family. May mga condominium building na pag-aari ang mga magulang nito. May mga properties din ang mga Celestino sa Cebu at ang mga Deruega sa Davao.

Kung minsan tuloy, naiisip niyang mahirap ang maging mayaman. Marahil ay bored sa buhay si Karylle kaya kung anu-ano ang napagtutuunan nito ng pansin.

"Hindi ka naniniwala? That's all true! Ang sikat na si Maestro Alfredo Castro ang sumulat ng librong iyon."

"Wait, that name sounds familiar. If I remember it right, siya 'yung naikuwento ng Psyco teacher natin last year tungkol doon sa babaeng bumalik sa 1936 daw, 'di ba? So hindi lang pala sa time travel naniniwala ang propesor na iyon kundi pati na rin sa mga aliens?"

"Exactly! Siya rin ang katulong ni Cresenciano dela Cruz na sumulat ng Travel and Space. The truth is that there is really connection between time travel and alien existence. At ang sabi sa book, hindi naman komo aliens ay galing sa ibang planeta. Sometimes, they could be real people from different time, puwedeng mga anak ng mga magiging anak natin in the future or mga ninuno pa nating nagmula sa ancient time. Once they enter our very own time and space, that's the time they become aliens."

"So hindi laging malalaki ang ulo at maliit ang mga katawan nila, ganoon? 'Yung mga E.T. na tinatawag?"

Ang bilis ng pag-iling ni Karylle.

Ibig niyang matawa sa sarili. Ano ba'ng nakain niya at pinagpapapatulan niya ngayon ang kaibigan? 'Maiba lang, Joya Angela, maiba lang. Just go with the flow,' katwiran niya sa sarili.

"Sa Friday ay may meeting ang grupo. Let me tell you a secret..." Bahagya itong lumapit sa kanya at saka bumulong pero kung tutuusin ay malakas din naman ang pagkakasalita nito. "We'll be flying to Davao next week. May signs daw ng pagdalaw ng aliens doon. Itatapat din iyon sa meteor shower dahil iyon daw talaga ang visit ng mga intruders."

"Ah—I see..." maikli niyang tugon. That was the craziest news she had ever heard from her friend. The fact na gagastos pa ito at magta-travel para lang pagbigyan ang mga ka-aning-an nito ay sobra na. Itinaas niya ang mga kamay at saka tumayo.

"Hey, where are you going?"

"I just need to breathe, friend. Nalulunod ako sa mga kuwento mo," tatawa-tawa niyang sabi at tuluyan nang tumalikod. Hindi na niya pinansin kahit gaano pa kalakas ang boses ng kaibigan sa pagtawag sa kanya.

───── ⋆⋅☆⋅⋆ ─────

HER name was Joya Angela Castillo, currently taking up BS in Tourism Management in Feati University. Third year na siya. Galing sa isang pamilyang masasabing nakaririwasa sa buhay pero hindi naman maluho. May kapatid siyang lalaki na ang pangalan ay Jodelson at kumukuha naman ng kursong Architecture sa UP.

Their parents, Jun and Jhona Castillo were always busy managing their restaurant and catering business kaya naman madalang nilang makasama ang mga ito. Iyon marahil ang dahilan kung bakit strong ang personality niya. Kaya niyang gawin ang ano mang nais sa sarili niyang paraan.

Independent ang adjective ng marami kay Joya. Iyon nga lang, hindi raw siya 'darling.' Wala raw siya kahit kapirasong lambing sa katawan. Gayonman ay kapwa sila walang hinanakit ng kapatid sa mga magulang. They've been good providers and though not personally, they made sure to have always check on them even thru cellphones. Sulit na sulit ang Skype at Viber sa kanila. Iyon nga lang, iyon ang sinisisi niyang dahilan kung bakit hindi ganap ang pagkikilos-babae niya. Pakiwari niya ay kulang ang kanyang female chromosomes para mabuo ang pagkatao niya. She was a 'she,' yes, but probably it was just three-fourths.

Mula sa favorite sports niyang boxing hanggang sa kinahuhumalingan niyang music genre na reggae, masculine talaga ang dating niya. Maging ang favorite color niya ay hindi rin pambabae—it was blue or black! Hindi siya mauusuhan ng pink or lavender dress, hindi kahit kailan! She was very sure of that.

Pero hindi lahat ng tao ay makauunawa sa kanya. Katunayan ay kaunti lang ang kanyang mga kaibigan. Maging mga pinsan na kaedad ay hindi rin niya kasundo. Maybe because she was not like them, kahit saang anggulo pa man tingnan.

She could be boring, yes, could be a total waste of time to be with; alam niya iyon, but she was still a woman to the deepest part of her soul. Minsan ay nasasaktan rin siyang isipin ang inaakala ng marami hinggil sa kanya. Nobody knew what's inside her heart because she used to be tough. People might think she didn't need them. Palapit palang ang mga ito ay umiiwas na siya. She had this attitude ever since, like a turtle carrying its house alone. Kaya masuwerteng nakipagkaibigan si Karylle sa kanya. O siguro, wala na rin itong choice dahil iniiwasan rin ito ng marami dahil sa taglay nitong ka-weird-ohan sa katawan.

Karylle, on the other hand was every inch a lady. Opposites sila nito and secretly, naiinggit siya sa kaibigan—except, of course, for her being so much into aliens. Ang bag nito kung bibisitahin ay hindi maipagkakamaling pag-aari nito, full of books and magazines about the 'intruders.' Maiiwan nito ang libro sa Management pero hindi ang mga iyon. She could still remember how it all started.

Field trip nila noon at part ng itinerary ang pagpunta sa isang museum. They were both surprised to have seen a picture of a woman who had a striking resemblance to her. Kung susuriin ay talagang kamukhang-kamukha niya ang babaeng iyon pero naniniwala naman siyang nagkataon lang iyon.

The caption says the woman in the picture was named Amanda. Hindi alam ang pinagmulan nito dahil ayon din sa caption ay bigla na lang itong nag-exist sa isang community sa northern part ng Europa. Ang nakamamangha ay ang paglalaho raw nito habang ipinipinta ng isang artist. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang balikat lang ang painting na iyon. Blurred na ang bandang ibaba at basta na lang nilagyan ng dark shade ng lumikha. Ang title ng painting, Ghost or Alien?

Mula noon ay naging masugid na sa pagre-research ng tungkol sa mga ganoong topic ang kaibigan niya. Malimit nga niyang sabihin noon na baka nababaliw lang 'yung pintor at gumawa ng kung anu-anong kuwento, para lang matahimik si Karylle, pero hindi pa rin niya napigilan ang kaibigan. Nagsimula itong mag-research ng tungkol sa aliens at magbasa-basa sa library man ng unibersidad na pinapasukan o sa mga private libraries na pinupuntahan nito. May collections rin ng kung anu-anong alien stuffs at libro ang kaibigan niya.

Ang pinakamalala sa lahat ay ang pagsali nito sa Travellers, isang grupong may mga malalaking taong nagpi-finance. Minsan na raw lumapit ang grupo sa gobyerno pero dahil bigo ay humanap na lang nga mga taong magiging sponsor ng mga ito. Nang tanungin niya si Karylle upang itanong ang identity ng mga sponsors ay tumanggi itong magkuwento. Confidential daw iyon pero kung sasali siya ay malalaman daw niya ang lahat-lahat tungkol sa grupo. Dahil wala namang planong sumali ay nanahimik na lang siya at hindi na nagtanong pa kay Karylle.

Ang hindi lang niya maunawaan ay kung bakit may mga taong pumapatol sa isinusulong na iyon ng Travellers. At ano ba ang gagawin nila kung mapatunayan ngang may alien? Makikipagkaibigan kaya sila sa mga iyon? Sasama sa kung saan mang planeta galing at mamamasyal roon dahil polluted na ang Earth? Weird!