Chapter 5
"Hello?! Ano na po ang naging lagay ng aking anak?" Ang tangi kong pambungad ng biglang sinagot ng nag-aalaga sa aking anak ang telepono.
"Okay na po siya, bumuti na po ang kanyang lagay nitong hapon lamang." Sambit ng babaeng boses na siyang nag-aalaga sa anak ni Lex na si Daisy.
"Mabuti naman, bahala na po kayo sa anak ko. Kung makakalaya ako kaagad-agad dito ay pupunta ako kaagad diyan." Sambit ni Lex sa seryosong tono. Tanda rin ito na nangangako din siya.
Marami pang napag-usapan sila lalo na sa ginagawa ng bata at mga aktibidad nito sa eskwelahan. Alam niyang may medyo may padududa siya dito pero wala siyang panahon upang kumpirmahin ito.
Pero sa kabuuan, masaya siya dahil walang nangyaring masama sa kaniyang anak.
...
Mayroong apat na lalaki ang nasa loob ng opisina. Ang isang lalaki ay nakapagitna sa dalawang lalaki ba mahigpit na hinahawakan ito sa dalawang braso nito. Kahit anong palag niya ay hindi niya magawang makaalis.
"Pooh! Pooh! Pooh!...!" Tunog ng suntok na tumatama sa tiyan na bahagi ng llaking ito.
Ang apat na lalaking ito ay nakasuot ng unipormeng pulis. Ngunit ang isang pulis ay hinang-hina at bugbog sarado ang katawan nito.
Napasuka naman ng napakaraming sariwang dugo ang isang lalaking pulis.
"Bagay lamang sa'yo ang nangyayari sa'yo Rick! Masyado kang pabida at umaaktong bayani sa sarili kong laruan. Hindi mo ba alam ang sarili mong limitasyon!" Sambit ng gwapong pulis na walang iba kundi si Alexander Scott o ang isa sa Warden ng District Jail na ito.
Sinuka ng lalaking pulis ang sariwang dugong pumupuno sa loob ng kanyang bibig at nagsalita.
"Anong laruan? Tinutulungan ko lamang ang lalaking iyon kasi kaibigan ko siya at ano ang pinagmumukha mo sakin Al? Isa rin akong pulis at hindi mo ko matatakot!" Sambit ni Rick Dela Cruz habang galit na galit na nakatingin kay Alexander.
"Hahaha... Ang isang Rick Dela Cruz ay sobrang tapang, talagang kahanga-hanga. Hindi man kita matatakot pero mabubugbog rin kita. Plano ko ring turuan ang lalaking iyon. Masyado na siyang nagiging tinik sa lalamunan ko. Kung haharang ka ay nasa iyo iyon kung gusto mong makatikim ng sarili mong sakit sa katawan! Pooh! Pooh! Pooh!" Galit na galit na sabi ni Alexander habang may mapagbantang boses. Agad niyang pinagsusuntok ang sikmura nito na siyang ikinasuka pang muli ni Rick Dela Cruz.
Naging kahindik-hindik ang gabing ito para kay Rick Dela Cruz.
...
"Boss, nandito po ba si Rick?!" Tanong ni Lex ng mapadaan siya sa kanilang department.
"Ah eh wala siya dito eh, nagkaroon siya ng emergency mission." Sambit ng pulis habang nakaupo sa swivel chair.
"Ganon po ba boss, pakisabi nalang po sa kanya na maraming salamat sa kanya lalo na ng kahapon. Sabihin niyong kay Lex po galing hehe." Sambit ni Lex habang nakangiti.
"Oo makakaasa ka, sasabihin ko sa kanya pagbalik niya." Sambit nito kay Lex.
Nararamdan ni Lex ng kakaiba ngunit agad na rin siyang tumango at nilisan ang lugar na ito.
...
"Ano ba ang ginagawa mo pareng Rick, alam mong ayaw na ayaw ni SPO2 Alexander na may nanabutahi sa kanyang mga ginagawa pero ginawa mo pa rin!" Sambit ng kaninang pulis na kausap ni Lex.
"Alam ko rin Pareng Gerry kaso nga lang eh alam mo namang sumosobra na minsan yang si Warden Al, humahaba na ang sungay niya eh!" Sambit ni Rick na halatang galit siya kay Rick.
"Dahil sa ginawa niya noon sa iyo ha?!" Sambit ng pulis na nagngangalang Gerry.
"Oo at ayokong palagi na lamang siyang naglalaro, alam niyang hindi sa lahat ng oras ay naglalaro lamang siya at hindi lamang iyon dahil sobrang brutal niya kung maglaro lalo na sa damdamin ng tao!" Nagngangalit na ngipin na sabi ni Rick.
"Alam natin yun pero ano ang magagawa natin, alam mong malaki ang kapit ni Alexander sa matataas na opisyales. Kaya kumalma ka, hindi maganda kung magiging padalos-dalos ka." Sambit ni Gerry habang nag-aalala. Alam niyang madumi kung lumaban si Alexander lalo na sa pinagkakainteresan niyang bagay o tao.
"Ipinapasadiyos ko na lamang na sana ay darating ang panahon na siya naman ang paglaruan. Sana ay matuto siyang tao rin siya katulad natin!" Madamdaming sabi ni Rick habang pumatak ang luha nito sa mata. Halatang mayroon siyang kinikimkim na lungkot at galit.
"Sana nga, tsaka 'wag kang gagawa ng gulo lalo na ang banggaing muli si Alexander. Hahayaan natin siya sa ngayon dahil wala ka ring magagawa pa. Magiging talunan ka lang." Sambit ni Gerry habang tinapik si Rick sa balikat. Kahut suya ay alam ang malaking kasalanang ginawa ni Alexander kay Rick na kahit sino ay alam kung ano ang magagawa ng isang Alexander Scott.
...
"Ano ba naman yan Lex, ang pagbungkal na lupa ay ganito. Hindi parehas niyan dahil baka buong magdamag siguro ay hindi mo matatapos ang pagbungkal hanggang sa dulo nito." Sambit ni Vhon habang natatawa siya kay Lex.
"Ay ewan ko ba, di kasi ako nakagamit nito eh, tsaka wala kaming sakahan noh. Lumaki kaya ako sa siyudad. Alangan namang bungkalin ko yung semento diba?!" Sambit ni Lex habang nagkakamot ng kaniyang batok.
"Hahahahahaha!!!!" Humahalakhak na sambit nina Vhon, Leo at Chris.
"Mga kumag talaga kayo, ba't niyo kong pinagtatawanan eh tama naman sinabi ko diba?!" Nagtatakang sambit ni Lex habang palipat-lipat siya ng tingin sa tatlo.
"Oo naman kaso lang nakakatawa yung huling sinabi mo. Bungkalin yung semento hahaha!!!" Hindi mapigilang matawa muli si Chris.
"Hoy, wag mo ngang tawanan si Lex, eh hindi niya alam yan eh pero yung imagine-in mo yung si Lex habang nagbubungkal ng kalsadang puro semento baka magkandagupi-gupi yung asarol eh wala pa siyang nabubungkal hahaha!" Sambit ni Leo habang sinasalarawan ang pagbubungkal ni Lex. Parang rake yung ginawa niya sa asarol.
"Hoy, wag niyo ngang tawanan si Lex. Kung turuan na lang kaya natin siya hindi yung kakantyawan niyo pa. Parang di natin kaibigan si Lex ah!" Pangsisita ni Vhon sa dalawa niyang kaibigan na sina Chris at Leo.
"Hoy Vhon, lumalaki yan ilong mo at namumula ka oh. Mas buwiset ka talaga. Kakampi-kampi ka pa sakin eh pinipigilan m olang tumawa eh. Ilabas mo yan!" Sambit ni Lex habang tutusok-tusukin niya ang tagiliran ni Vhon.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Malakas na halakhak ni Vhon na halos maluha-luha na.
"Ew, yung laway mo Vhon!" Sambit ni Leo habang umaarteng nandidiri.
"Nagtoothbrush ka ba?! So ew!" Sambit ni Chris habang nagtatakip ng ilong.
"Yung kulangot mo Vhon sa ilong mo oh!" Sambit ni Lex habang tinuturo ang ilong ni Vhon.
Agad namang kinapa-kapa ni Vhon ang bandang ilong niya pero wala siyang mahanap na kulangot.
"Wala naman eh!" Maktol ni Vhon habang namumula sa hiya at inis.
"Sinabi ko lang, nagpauto ka naman hahaha!" Sambit ni Lex habang natatawa.
"Hahahahahaha" humahagalpak sa tawa sina Leo at Chris. Natawa na rin si Vhon sa sarili niya na nauto ng ganon-ganon. Tumatawa silang apat ng mapansin ito ni Alexander. Agad niyang nilapitan ang mga ito kasama ang dalawang pulis na bumubuntot sa kanya palagi.
"Parang may kasiyahan dito ah, pwede bang makisali sa inyo?!" Pasarkastikong sambit ni Alexander habang nakangiti ito.
Agad namang napatahimik sina Leo, Chris, Vhon at laong-lalo na si Lex. Hindi niya inaasahang nandirito naman ang isang taong ayaw na ayaw niyang makita sa kasalukuyan.
"Hindi pwede eh?!" Sambit ni Lex habang may diin sa bawat sabi nito na pekeng nakangiti.
"Oh, bakit naman hindi?!" Pagtataka-takahang sambit ni Alexander. Nakapatong pa ang kamay nito sa ilalim ng labi nito na animo'y nag-iisip.
"As far as I know, hindi tayo naging close at wala akong naalalang ikalimang kaibigan dito eh." Sambit ni Lex habang nagsasabi ito ng katotohanan.
"Grabe ka naman Haden, hindi mo ba ko naging kaibigan noong pumunta ka sa opisina ko? Binigyan pa kita ng regalo diba?!" Nakangiting sambit ni Alexander habang nakangiti.
Halos mapanting ang tenga ni Lex ng marinig ang sinabi nito. Nagbago saglit ang ekspresyon nito sa mukha pero agad din itong napalitan ng ngiting labas ngipin.
"Oo nga eh noh, thank you nga pala sa GIFTS mo, tsaka binigyan kita ng GIFTS eh para patas tayo kaso nga lang eh masyadong cheap yung GIFTS mo, di ko man lang naramdaman yung sinseridad hahaha!" Sarkastikong sambit ni Lex habang tumatawa.
Agad namang kakikitaan ng galit ang mukha ni Alexander ngunit tumawa rin siya ng malakas.
"Oh, masyado bang cheap yun? So hindi mo na ko naging kaibigan dahil doon?! Di ba masarap yun?!" Ganting sagot ni Alexander habang animo'y nagtataka at nalulungkot.
"Masarap daw? Anong masarap dun?! Tsaka naghahanap ba ko ng kaibigan lalo na ang isang warden? Madami namang iba diyan diba? Yung mas deserving sa friendship offer mo hahaha!" Tawang-tawang sabi ni Lex habang humahawak ng tiyan niya.
Agad namang umigting ang panga ni Alexander ng marinig niya ang sinabi ni Lex Haden.
"Ano ba ang maaari kong gawin upang maging kaibigan mo ko?! Pwede ring pumunta ka mamaya sa opisina ko para mabigyan kita ng sarili kong gift. Pwede rin sila para magbigyan ko sila ng mas maraming GIFTS diba?!" Sambit ni Alexander habang nakangiti ngunit sng mata nito ay kakikitaan ng kakaibang ekspresyon na kinakatakot ni Lex.
Agad namang tiningnan ni Lex sina Chris, Leo at Vhon habang may kakaibang tingin ito sa kanila.
"Okay na samin Warden Al kahit wala ng gifts eh hindi naman basehan iyon upang ituring ka naming kaibigan diba Chris? Leo?" Sambit ni Vhon habang tiningnan sina Chris at Leo. Agad namang nakuha ng mga ito ang ipinahihiwatig ni Vhon.
"Ah oo nga, kaibigan ka na namin Boss Al!" Sambit ni Chris habang nakangiti.
"Walang problema Warden Al, ikaw pa ba? Malakas ka sa'min eh tsaka wala na yang rega-regalo noh!" Nakangiting sambit ni Leo.
"Oh kita mo na, friends na daw namin kayo eh noh kaya don't worry Xander. Dahil kaibigan ka na nila, kaibigan mo na rin ako." Sambit ni Lex habang nakangiti.
Agad namang napayakap si Alexander sa kay Lex upang ipakita na natutuwa siya.
"Hindi ko aakalaing magiging kaibigan na kita Lex, pwede na hindi sila pumunta pero inaasahan kong pupunta ka diba?" Sambit ni Alexander habang nakayakap pa rin kay Lex.
"Oo naman Xander, pupunta ako tsaka wag na sila, madmai pa silang gagawin eh hehe!" Masayang sabi ni Lex habang naamoy niya ang paborito niyang perfume na hindi niya mabili-bili noon pa dahil palaging nagagastos niya ang pera niya sa pangangailangan nila ni Daisy.
Hindi niya talaga matanggal-tanggal ang ilong niya sa leeg na parte ni Alexander. Kahit sa paraang to ay maranasan man lang niyang maamoy ang perfume na pinapangarap niya.
Halos hindi naman makagalaw si Alexander lalo pa't nararamdaman niyang nakikiliti na siya ng sobra dahil sa pag-amoy-amoy ni Lex Haden sa kanya. Gusto niya sanang itulak ang lalaking ito sa marahas na paraan ngunit hindi niya ginawa. Baka masira pa ang plano niyang ito at sa hinaharap.
Agad na bumitaw ng yakap si Alexander habang pinipigilan ang kanyang sariling wag makiliti. Agad niyang tiningnan ang relo niya upang tingnan ang oras.
"Sige maiwan ko muna kayo ha dahil may gagawin pa kami eh. Huwag mong kakalimutan Haden ah!" Sambit ni Alexander sa masayang tono.
Agad na ring umalis si Alexander kasama ang dalawang kasamahan niyang ito.
...
Pano 'yan boss eh parang sumablay ang plano natin." Sambit ng lalaking masungit palagi.
"Aba, hindi sablay ang plano natin Julius, alam mong inaasahan ko na ito lalo na't alam kong may pagkatuso yang Lex na yan." Sambit ni Alexander habang kakikitaan ng ngisi ang kanyang mga labi.
"Hahaha, oo nga naman julius. Alam mo bang henyo ang ating boss Al, tsaka ang kapal ng pagmumukha ng apat na presong iyon akala nila ay makikipagkaibigan talaga ang ating boss sa kanila." Sambit ng lalaking ito na pasuplado. Siya si Greg.
"Bakit di niyo ko sinabihan agad eh. Mukha tuloy akong ewan dito." Sambit ni Julius habang nakasimangot.
Naghahamunan sa tingin si Greg at Julius halatang ayaw magpatalo ni Julius.
"Aba aba, tama na nga yan. Tsaka alam niyo ba ang ginawa kong ito, ito ang tinatawag na make your enemies closer basta ganon. Nakalimutan ko na eh! Dito ay unti-untiin kong pahihirapan ang Lex na yan. Ipapakita ko kung sino ang tunay na boss at kung sino lamang siya na maaari kong pisain anumang oras.
"Panalo ka talaga Boss Al, ang plano mong iyan ay hindi mapapantayan!" Sambit ni Greg habang tinapik nito sa balikat si Alexander tanda na napabilib siya rito.
"Isa ka talagang henyo Boss, sa huli magiging luhaan lamang ang hambog na Lex na yan. Oras na upang ipakita sa kanya kung ano talaga ang isang Alexander Scott!" Sambit ni Julius habang nakuha nito ang planong isasagawa ni Alexander Scott.